Simply Kate Part 2
Etoh na ko ngaun sa harap ng libingan nia. Nakaupo. Nakatulala. Umiiyak. Isang buwan na din ang nakalipas.
Siege still remains in my heart, I still can't get over him. Hanggang ngayon sya pa din. Gabi gabi, pinakikinggan ko ung tape. Kahit masakit, tinitiis ko marinig ko lang ung boses nia. And I have this feeling na I'll never get over him hangga't di ko sinusubukan. I tried to forget him but I never did coz I didn't want to.
Pero napagisipisip ko, dapat makapagmove-on na koh. Hindi pwedeng lagi na lang akong ganito. Nilagay ko sa isang box ung recorder at laket. Dadalin koh to at di iwawala pero ibabaon ko muna sa limot ang lahat as I start to live a new life. Lilipat na kami sa Manila. Sa UST na ko magcocollege. Magkakaron na ng brand new Kate.
Pinunasan ko na ang mga luha ko. Tama na ang pagiyak. Ibinulsa ko ang kahon at huminga ng malalim. Maguumpisa na koh ng bagong buhay. New house, new school, at sana new friends. He'll always remain in my heart pero byebye muna sa memories ni Siege. Byebye muna sa lahat ng sakit. Alam kong hindi ko pa kakayaning magmahal ulit. Alam kong habang buhay koh toh dadalin. Pero pipilitin ko pa ding sumaya. Pipilitin kong hindi na umiyak dahil pag nagmukmok akoh ng nagmukmok, masisira ang ganda ko. Di na akoh ang magiging pinakamaganda sa mga nakakatunaw na mata ng unang lalakeng minahal ko - si Siege…
Mark:
"Huling araw na ng pagbubulakbol" yan ang lagi ko ng sinasabi twing last day na ng bakasyon. pero kahit kelan di ko pa natupad yan. kahit lagi kong cnasabi na mgpapakatino na ko at di na magloloko, ganun pa din ang ngyayari. puro gimik at basketball pa din. nakakatawa nga eh. di ko alam at mas lalong di ko inaasahan na isang babae lang pala ang magpapatino sakin at makakapagpatupad ng pangako ko na lagi na lang napapako.
June62004. sunday. last day na ng bakasyon at unang araw na nakita ko si kate. naglalaro kami ng basketball tapos nakita ko sya, nakaupo sa risers.
"wow ang ganda nia..." yun ang unang pumasok sa utak ko nung nakita ko si kate. Ang simple lang nia pero ewan ko ba, tumagos kagad eh. bibihira sa aming mga lalake ung unang kita pa lang sa isang babae, tinatamaan na. Ewan ko nga ba kung anong meron sya. yun na din kc ang tinatanong ko sa sarili ko simula nung makita ko sya eh. basta, iba sya. kc nung unang kita ko pa lang sa kania, naramdaman ko na na sya ung babaeng kahit anong mngyari, mgkamatayan man, di ko pakakawalan.
Napatulala lang ako sa kania hanggang sa tinamaan na ko ng bola sa muka. Sana di nia nakita un kung hindi, minus pogi points kagad. pero sa palagay ko di naman nia nakita un eh. pano niang makikita eh nakatulala sia kay james? hanggang sa kinuha na ni james ung bola na napunta sa tapat nia, nakatulala lang sia. GANUN BA KAGWAPO SI JAMES?
nakakainis naman. wala pa man din eh may karibal na ko. bestfriend ko pa. isa pang nakakainis, di ko pa natatanong ung pangalan nia eh umalis na sia kagad.
db nga sabi ko sa sarili ko di ko sya pakakawalan? kaya aun, sinundan ko sya. iniwan ko sa ere ang barkada ko para sa kania.
ang bilis niang mgpatakbo ng bike kaya nahirapan akong sundan siya. di ko din naman alam ung pangalan nia kaya di ko sia matawag.
sa wakas, tumigil din xa sa may park at naupo sa bench.
bad timing ata.
umiiyak.
di ko tuloy alam kung anong gagawin ko.
Pakiramdam ko, bumagal lahat. ang lakas ng kabog ng dibdib ko. bigla akong kinabahan. 1st tym mangyari saken to. kahit kc sexyng chicks di napakabog ang dibdib ko eh.
Pero naisip ko, dapat makilala ko sya. mahirap na. baka maunahan pa ko ng iba. un nga lang minus pogi pts kagad dahil amoy pawis ako. pero pano pg nawala xa??mas mahirap ata un. hmp. dis is da moment. kakausapin ko na sya.
"miss, ok ka lang?" aray. dinedma ko. makayuko lang sya. umiiyak pa din.
bakit kaya?
"Miss, wag ka na umiyak. Alam mo ba mula basketball court hanggang dito tinakbo ko para lang mahabol ka? nung sinabi ko yun, napatingin xa sakin.
"cno ba kc ngsb sayo na sundan mo ko?"
YES! ngsalita xa! kinausap nia ko!
"Eh wala. kaya lang, gusto ko kc makipgkilala sayo."
"ewan ko sayo"
Tumayo xa tapos sumakay sa bike nia. Ayun, iniwan ako. Takbo na naman tuloy ako. Sige takbo lang. sunod lang sa kania.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napansin ko..
..bahay na namin toh ah!
nakita ko sya pumasok sa bahay na katapat ng bahay namen. HAHAHA! kapit bahay ko sya! panigurado bukas makikita ko sya! teka...
kapitbahay ko sya? 'Langya, tumakbo takbo pa ko, sa tapat lang pala namen sya nakatira.
Lumapit ako sa may bahay nila.
Kakatok kaya ako o hindi? bukas o ngayon?
Palakad lakad ako sa tapat ng bahay nila hanggang sa may napansin akong kwintas sa lapag.
Finders keepers. Hehe. Pinulot ko ung kwintas at tinignan.
Laket.
Binuksan ko.
Malamanlamang lang sa kania to.
Wow! JAckpot! sa kania nga! may picture nia. nakamake-up at nakaayos ang buhok. Prom cguro nila toh. Ang ganda ganda nia. Para syang anghel sa s0brang ganda. Mas maganda sya dito kc nakangiti sya.
Ok na sana pero..
..isang malaking PERO! sino tong lalake sa kabilang side ng laket?
kung cno man sya, sorry sya. ako na ang prince charming ni - di ko pa pala natatanong pangalan nia! Tinanggal ko ung picture nung lalake. Jan sya sa bulsa ko.
At dahil kapitbahay ko namn sya, uuwi na ko. Panigurado, makikita ko sya bukas.
Buong gabi sya lang ang nasa isip ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan yung picture nia. Sobrang ganda talaga. Siguro nga sya na ang pinadala ni Lord para saken. Wala pa kcng babae ang inisip ko ng ganito katagal. 1st tym ko din gnawa to ng dahil sa isang babae - ang magdasal.
Kinabukasan, ang aga kong gumising. kain, tootbrush, ligo, bihis, konting gel, konting pabango, konting ayos ng polo. in short, konting papogi. di para magpaimpress sa mga prof, di para mgpacute sa mga bago kong kaklase. syempre para sa "kanya".
Nagantay ako sa tapat ng bahay. inaabangan ko sya.
30mins....
isang oras...
isang oras at kalahati....
dalawang oras...
WALA! Wala pa din kahit anino nia. narealize ko.... ang hirap palang maghintay.
Hinga ng malalim at 1... 2.... 3... takbo! takbo na naman hanggang sa makasakay ng jeep. napasobrahan ata ako sa pagpapagwapo kaya di ko sya naabutan.
pagbaba ko ng jeep, haay.. 1.... 2... 3... takbo na naman..! wala na ba kong ibang gagawin kundi tumakbo?
Pagpasok ko ng klasrum, nandn na silang lahat. Pati ung prof namen. patay. patay talaga.
"good morning po prof." sabi ko na medyo nauutal-utal pa.
"Pls take ur seat"
"po?" Tama ba ung narinig ko? Walang sermon? HAHA! Lusot na naman!
"I said pls take your seat" sb ng prof ko sabay turo sa bakanteng upuan sa likod. Habng papunta ko sa upuan ko, nakita ko si James. Inapiran ako sabay sb ng "oy pre, ba't ka late?" Inapiran ko lang din sya tapos pumunta na ko sa upuan ko. Sarap pala ng feeling ng nkaupo.
Haay.. Kelan ko kaya sya ulit makikita?
Kelan ko kaya sya makakausap?
Kelan ko kaya malalaman ung panagalan nia?
Sana ngaun -
Napatigil ako sa pagmumunimuni. biglang may lumitaw na kamay na may hawak na panyo sa harap ko. Pagkalingon ko....
Totoo ba to?
Di ako makapaniwala!
Pero di rin ako pwedeng magkamali.. Isang tao lang naman ang nagpapakabog sa dibdib ko ng ganito..
Isang babae lang..
"Ayaw mo bang punasan yang pawis mo?" sb nia. hawak pa din yung panyo. Kinuha ko yung panyo. Speechless padin. Imbis na mawala yung pawis ko eh lalo lang akong pinagpapawisan.
"Uhm.. db ikaw ung kahapon? Ung sa park? Ung nangangausap?"
Woah, I CANT BILIBIT! NAAALALA NIA KO!
hah, 1st things 1st. Dapat malaman ko na pangalan nia.
"Oo miss ako un. Ah, pwede ba mkipagfrends? tutal neighbors nman tayo."
Naku mark.. ano ba tong ngyayari sayo? Ni hndi ka man lang makatingin ng direcho sa kanya.. Di naman ung sahig ang kinakausap mo db?
"Neighbors? as in magkapitbahay?"
"oo. im ur boy-nxt-door. ah, di pala kc katapat ng bahay nio ung bahay namen. pero, pwede na din un."
"Teka, pano mo alam ung bahay namen?"
"Eh sinundan nga kita. actually kaya ako late kc inantay kita. dalawang oras."
Sa usapang toh, narealize ko, ang kintab pala ng sahig ng klasrum namen. Bagong floorwax.
"Eh sino ba kcng ngsabi sayo na antayin mo ko?"
Ung sahig. Este.. "ako."
"Sino may kasalanan?"
"ah... ako?" Tama ba sahig?
"Galing." sb nia sabay tumawa. Pero dahil di ako makatingin sa kanya, inimagine ko na lang ung ngiti nia.. sa sahig. Ang ganda ganda siguro nia no?
"Sana lagi ka na lang ganyan. Wag ka na iiyak ha." Sb ko at for the first tym simula nung inabutan ni ako ng panyo eh lumingon ako sa kanya.
Naku naman.. Kakasabi ko lang. kakasabi ko lng na wag na syang iiyak. pero eto.. eto, nangingilid-ngilid na ang luha nia. Nalingat lang ako sandali sa sahig ng mga 5 minutes, nakatulala na sya...
Nakatulala kay james...
kay james na nakatayo sa harap at kumakanta ng all-time favorite nia. Ung sorry na ng parokya ni Edgar.
Bakit naiiyak si - sh!t. di ko pa alam pangalan nia.
Ayan na, tumulo na ang mga luha nia. umiiyak na sya. Kung pwede ko lang sana saluhin un at ibalik sa mata nia..
Bakit ba sya umiiyak? Ganun ba ka-dramatic ung kanta?.... baka naman dahil sa sobrang naggwapuhan kay james?
Waah..! wats happening to me? bakit ako naaapektuhan ng ganito? Ung mga ex ko nga, harap-harapang umiiyak at kulang na lang eh magmanikluhod sa harp ko kapag nakikipagkalas ako, di ako naaapektuhan, wala akong paki. pero ngayon, ni hndi ko nga sya close at wala din akong idea kung bakit sya umiiyak pero naaapektuhan ako.
Tinignan ko lang sya. Grabe, sobrang tulala sya kay james. ANo ba kcng ngyari? Bkit sya kumakanta?
Ngayon lang ako nakakita ng babae na umiiyak ng ganito. kitang kita mo na nasasaktan sya. pero bakit?
"Mahal kita.."
Sumasabay sya sa kinakanta ni James.. Mahina. Paputol putol dahil sa pagiyak.
"wala na ko ng pwedeng sabihin pang iba kundi sorry talaga..."
Sobrang dami na ng luha na tumutulo galing sa mga mata nia.
Iyak sya ng iyak. Ano bang gagawin ko?
Humihikbi na sya. Ano ba to? Bkit ba tlg sya umiiyak?
Tumayo sya tapos tumakbo sa labas. LAhat nagulat. pati prof namen. Tumayo na din ako at ngpaalam na susundan ko sya.
Ay sus, takbo na naman ko...
Sinundan ko sya.. Tumatakbo, umiiyak. bumaba sya. di ko pa din sya matawag. di ko pa din alam pangalan nia.
Nakaabot na kami ng 1st floor lobby nung sa wakas huminto na sya.
Umupo sya sa gitna ng lobby, nakayuko. Parang batang nawawala at di makita ung mommy at daddy nia.
Pano ba to? di pa ko nakapagpatahan ng babae sa buong buhay ko.
"Miss, ok ka lang? bakit ka umiiyak?" sb ko tapos tumalungko ako sa harapan nia.
di sya sumagot. umiiyak pa din sya. Ano bang gagawin ko?
isip Mark... isip..
"Miss wag ka na umiyak. pls naman oh. di ko kc alam kung pano kita patatahanin. baka sa kakaiyak mo, di ka makahinga. tapos mamatay ka. o, kargo de konsensya ko na, sagot ko pa libing mo. Baka akalain nila ako may kasalanan. baka isipin nila umiiyak ka kc binasted kita."
Tumingin sya sakin. Grabe sa lungkot ung muka nia. halos lumobog na ung puso ko. Pag nakita ko tong James na to, naku.. tatanggalan ko ng vocal chords nang di na makanta ulet. Pinaiyak nia si.... si.... si sya.
"Sa wakas tumigil ka din. di ko na talaga alam gagawin ko eh."
Inabutan ko sya ng panyo. "Miss oh, punasan m na yang luha mo. di bagay sayo eh. Pero pwera singa ha, carusso yan."
Kinuha nia ung panyo ko at pinunasan ung mga luha nia. Pag abot nia sakin ng panyo, EHEM.. nakangiti xa. SUCCESS! success ang aking operation-patahanin-sya!
"Sorry ah." sb nia..
Tumayo ako at inabot ang kamy ko sa kanya. "Lika na. Tayo na jan. tinitignan na tayo ni manong guard. baka isipin pa nia inagawan kita ng candy."
Kinuha nia ung kamay ko ng nakangiti.
Ulet.
ng NAKANGITI!
Ang fulfilling ng pakiramdam. napangiti ko sya.
"Marunong ka naman pala ngumiti eh. Tara, tour kita dito para maaliw ka naman."
"Nalibot ko na kaninang umaga to eh"
"Kaya pala di kita naabutan. Pero pupusta ko, may hindi ka pa napuntahan. Tara."
Hinawakan ko sya sa braso para sumama sya. 100% sure naman akong magugustuhan nia dun.
"san ba tayo pupunta?"
"sa tambayan ko pg may problema ko. basta. maganda dun. Wag ka magalala wala naman akong gagawing masama sayo eh" sabi ko sabay kindat.
Lumabas na kame ng building at naglakad. Dun... papunta ng Main building. Ang building ng Your Highness Father Rector ng Uste.
"MAin building? nakapunta na ko dito.."
"di pa. basta. di ka magsisisi. promise."
Sumakay kame ng elevator.
"4th floor po"
...ding... 4th floor na.
Lumabas kame ng elevator at dumerecho sa isang secret elevator..
"Aba, may kasama ka ata ngaun." sabi ni ate guard ng nakasmile. First time ko kcng mgpunta dito ng may kasama. Bata pa lang ako takbuhan ko na to pag may problema. Ang pinagkaiba nga lang, dati, nung maliit pa ko eh ngumangawa ako. Ngaun, isang all-night tagay na. Parang secret base ko kc to eh. sobrang konti lang ang lisenshadong pumunta dito. Eh, may konek ako kay father rector kaya napagkalooban ako ng sariling susi. Uhm... hindi pala. Napagkalooban ako ng tapang na nenukin ang susi at ipaduplicate..
Hinila ko na sya papasok ng elevator. HAnggang ngayon hawak ko pa din sya. Aba mahirap na, baka takbuhan na nmn nia ko. Mahirap ata tumakbo noh.
"San ba talaga tayo pupunta?"
"dun sa cross."
"as in ung blue na cross ng main building? ung nasa tuktok?"
"oo."
..ding...
"akyat pa tayo ng hagdanan ha. tapos, dun na."
umakyat kame ng hagdanan. nasa likod ko sya. hawak ko. sa kamay. oo sa kamay ko na sya hawak. ewan ba kng pano napunta dun ung kamay ko. basta. ang sarap ng pakiramdam.
"dito na tayo. teka, pikit ka muna para msurprise ka nman." sb ko sa kania bgo buksan ung pinto.
"ayoko nga. baka - "
"wala nga ako ng gagawaing masama sayo. pAngako." sb ko sabay taas ng kanang kamay. "Pikit na.."
dahandahan pumikit din sya. kung di lang ako nangakong walang gagawin sa kanya, siguro nahalikan ko na sya. grabe naman kc eh. perfect lips.
Ang sarap sarap niang titigan. Alam nio ung pakiramdam na ayaw nio ng alisin ung mata mo sa isang bagay o tao? Ung parang nakaglue na?
“Ang tagal naman”
“sandali lang.. kahit isang minuto na lang. Ang sarap mong titigan eh.”
Napadilat sya sabay sabing “ha?”
“Wala. Sabi ko tara na para ma-amaze ka na sakin.”
Binuksan ko ung pinto at pinapasok sya.
“Wow… ang ganda dito.. tanaw buong manila!”
Nakakatawa tlga sya. Parang batang nakakita ng kung ano.
“teka teka. Bago ka maaliw jan. pwede na ba malaman pangalan mo? para sa susunod na tatakbo ka, matatawag na kita.”
“Kate.”
“kala ko kung anong pangalan. Kate lang pala..” sb ko ng pabulong.
“anong sb mo?”
“Wala.. sb ko sa wakas alam ko na pangalan mo. di na kita tatawaging miss. Ako nga pala si Mark. Ok? Mark ang pangalan ko at simula ngaun frends na tyo.. sige, libot ka na.”
Naupo ako sa isang tabi at pinanood syang maglibot sa buong area. Ayun ang batang iyakin biglang naging masaya. Parang batang nakakita ng magic sa birthday party. At take note sinama pa ko.
Ayun, hinatak ako patayo papunta dun sa may edge. Ung parang dukwangan para makapagsight-seeing.
“Tignan mo oh, ang ganda ganda… Pano ka nakakuha ng susi dito?”
Mas maganda ka pa jan noh. sobrang mas maganda. este.. “Ako pa. May konek ata to noh.”
“Pacenxa nga pala kung lagi ako umiiyak ha."
“bakit nga ba kc? Sb sakin ng kaibigan ko dati, masamang tinatago yung problema kc habang tinatago mo, lalong magiging masakit kc maiipon. Kaya kung ako sayo, sabihin mo na. Sige ka, baka sa iba lumabas yan.”
“wala un..”
“wala eh halos himatayin ka na kakaiyak. Bakit ba kc tlga?”
tumahimik sya sandali. Parang nagiisip. Sabihin mo na…. Sabihin mo na… sabihin mo na… sabihin mo na…
“Mark,” Sabi nia. Nakahawak sa may leeg nia. Muka syang natataranta. “Mark ung kwintas. Ung kwintas ko nawawala.” Kinapkap nia ung bulsa nia, ung leeg nia. Naiiyak na naman sya.
“anong kwintas?”
“ung kwintas ko. Di pwedeng mawala un. Mark pls tulungan mo ko.”
Umupo na naman sya at yumuko. Umiiyak. Umupo ako sa harap nia at pinilit syang tumingin sakin. di pwede toh. kakapatahan ko lang sa kania kaya di pwedeng umiyak na naman sya.
“ui…. Ano bang kwintas un? Gusto mo Palitan na lang naten? Bili na lang tayo ng bago.”
“di mo naiintindihan. Mahalaga sakin un. Chaka di lang basta kwintas un. Mark laket un.”
Laket? As in L-A-K-E-T? Laket? *gulp* Patay
“ung nalalagyan ng picture?”
“oo. May picture ako dun. Chaka… chaka sya.”
No comments:
Post a Comment