Simply Kate Part 3

SIMPLY KATE PART 3

 

Patay. Patay talaga. Un ung napulot ko kahapon. Ung picture, binulsa ko. Nasa labahan na. Patay na talaga. Anong gagawin ko? Waaaaaaaaaaah!!!! Sasabihin ko ba ung totoo o hindi? 

=flashback= 
Lesson sa C.L. nung 4th yr high 
Sister Bisangkol: Class, ulwis rimimbur da trut wil sit u pri. 

Di kaya da truth will kill me? pero malay naten.. tama si sister bisangkol. Kahit nmn bisaya un, eh may wurds up wisdam pa dn. Hehe. 

Naku mark, nagawa mo pang pagtawanan si sister. Namomoroblema ka na nga jan. 

“ah….. kate… picture ba un nung prom? Napulot ko kc sa tapat ng bahay nio kahapon.” 

Tumingin xa sakin wid a very big smile.. “talaga?” 

Tumango ako kahit pakiramdam ko un na ang huling tungo na magagawa ko dahil pg di ko nakita un… 
di ko maimagine kng anong sasabihin nia. Kung anong gagawin nia sakin. Baka iicha ko nun at isabit sa cross nitong main building at maging tourist attraction pa ko. parang di ata maganda un. 

“Nandun pa ba ung picture nung kasama kong lalake?” 

“ah….. eh….” Tinignan ko sya. 

Alam nio ung ichura ng umaasa? ung kulang na lang sya na magtango sa ulo ko para lang masigurado na nandun nga ung picture? Di ko sya kayang biguin kaya labag man sa kalooban ko eh tumango ako. 

Ngumiti sya ng sobrang ngiti sabay…. Sabay… sabay niyakap ako. Waaaaaaaaah… totoo ba ito? Parang naririnig ko ung kantang “feels like heaven”. Feels like heaven talaga mga tsong. Kung ganito nmn ang premyo ng pgsasabi ng totoo, naku, di na ko magsisinungaling sa buong buhay ko. 
Isa to sa mga pgkaktaong hinihiling ko sa Diyos Maykapal na bigyan ako ng remote control ng mundo para ma-pause ko tong eksena na to at marewind. Kc ang sarap ulit-ulitin. Ang sarap balik-balikan. 

“mark, thank you talaga. Thank you thank you thank you! Di ko alam gagawin ko kung nawala un. Napakaimportante sakin nun eh. Sobrang importante.” 

Tumayo na sya at tinanggal yung yakap nia sakin. 

Naku kung di lang ako magmumukang manyak eh cnabi ko na sa kanyang “akapin mo ko" 

“Nasan na ung laket?” 

“Ha? Ah.. nasa bahay. Dalin ko na lang bukas. Ok lang?” 

“oo. Ok na ok lang. Thank you tlaga Mark”

 

Hay grabe. Para kong nasa Payatas dump site nito ah. ang baho! ang init! p*ta, ganito pala pakiramdam ng nandito sa labahan. kung bakit ba naman kc ngaun pa nagday-off si manang. chaka kahapon ko lang naman ginamit yun ah. bakit wala dito sa ibabaw? Nasan na ba ung picture na un? Dun nakasalalay ang career ko kay kate! oo. kay kate. grabe, isang syllable lang pinagkatakbo takbo ko pa. apat na letra, sobrang pinagpaguran ko. etoh pa, kklase ko na, kapitbahay pa. Grabe.. God really wants me to have some exercise. 

Haaaaay.. 
kelan ko kaya sya uumpisahang pormahan? 
kelan ko kaya sya liligawan? 
kelan ko kaya sya maddate? 
kelan ko kaya sya mapapasagot? 
kelan ko kaya mahahawakan ang kamay nia? 
kelan ko kaya sya mayayakap? 
kelan ko kaya sya mahahali- 

"KELAN MO BA BALAK TUMAYO JAN HA, MARK?!! ALAS ONSE NA! KELAN MO PA MAHAHANAP YANG LITRATO KUNG UUPO KA LANG JAN?!!" 

Naku. si inay yun. 

"Eh... mommy.. di ko naman kasalanan na nagday-off si manang ngayon noh." 

"at sisihin daw ba si manang. aba mark, di din naman kasalanan ni manang kung pinairal mo yang katangahan mo. bakit, si manang ba nagsabi sayo na maglagay ka ng pagkaliit-liit na litrato sa bulsa? bilisan mo na jan. gabi na. matulog ka na. may pagkain dun sa mesa. di ka pa kumakain kaya kumain ka bago matulog" 

At tuluyan na kong iniwan ng nanay ko. Si mommy talaga. pasimple pa. di na lang sabahin na 'anak, kumain ka na'. dapat talaga may kasama pang sermon. 

kelan ko kaya makikita ung picture na yun? sige Mark. hanap. hanap lang ng hanap. San mo ba kc nkuha yang finders keepers na yan eh! 

after 1 hr... amoy pawis. amoy maduming damit. magaalas-does na. wala pa din! Ayoko na! suko na ko! white flag! i surrender! siguro kylangan ko na lang talagang sabihin kay kate ang kaengotan ko. 

"ah.. kate... ung picture.." 
"dala mo na?" 
"hindi kc, nilagay ko sa bulsa ko tapos.." 
"tapos?" 
"nawala." 
"nawala?!" 

Naku, di ata magandang pangitain un ah. nakikinikinta ko na na iiyak sya. eh pano ko sasabihin? pano? 

"kuya." 

naku kahit kelan tong si kulet, wrong timing. si kulet nga pala ang bunso kong kapatid. 3 yrs old na may lahing hapon. (read: bulol) 

"kuya.." 

naku, wag naman sanang uminit ang ulo ko. ngayon pa kung kelan namomroblema ko. 

"kuya... pichur... kuya Nyems... pitchur.." 

Translator nga! Diyos ko naman tong kapatid ko. naccraan na ata ng ulo! Pano kong magkakapicture ni James? di kami talo no. Masyado kcng trying hard magsalita eh. Kinuha ko ung inaabot niyang picture DAW ni James. 
... 
.... 
..... 
I CANT BILIBIT! eto! eto ung picture na hinahanap ko! eto un! eto! eto talaga! HAHAHA! di na sakin magagalit si Kate. sabi ko na nga ba, love pa din ako ni Lord eh. di nia hahayaang masira ang lovelyf ko.! 

Niyakap ko si Kulet sa sobrang tuwa. kung san man nia to nakuha, di na mahalaga. 

binalik ko ung picture sa laket at para sa huling pagkakataon, tinitigan ko ang napakagandang picture ni Kate..

 

"thank you thank you thank you mark!!" sb ni Kate sakin wid a one million mega-watt smile. nasa cross kmi ulit ng main building. katatapos lang kc ng klase namin eh. Kya eto, cnama ko ulit sya - si Kate. ang kaunaunahan kong naisama dito. lam nio ba na kahit si James eh di ko pa nasasama dito? 

Speaking of James.. Sb ni Kulet kanina picture ni James un pero - How is dat? imposible nmn ata un. db? pano un? it cannot be? kaya para masolusyunan... tentenenentenen... itanong kay Kate! 

"Kate. Patingin nmn nung picture oh." 

Inabot nia sakin ung laket at tinignan ko. dis tym ung picture nung lalake. At sh!t. oo nga. kamuka nga ng bespren ko. May kakambal ba si James? bakit magkamuka sila? sino to? clone nia? duplicate? ano na bang ngyayari? di naman to telenobela ah! 

"kate.. cno tong lalake?" 

"Ha? wala.." 

"Wala eh ngtatangka n nmnng mgproduce ng luha yang mga tear glands mo." tinignan ko sya sa mata ng malalim na malalim na malalim. "ayan oh.. tgnan mo. nagbabaja na namang umiyak yang mata mo. cge na nga, di ko na itatanong. hirap mo patahanin eh. Change topic na lang. sino partner mo sa baby thesis naten?" 

"ha? si- si- si James." 

HUWAAAAAT?!!!!!!!!!!!!!!?? SI JAMES?? Sino bang magaling na prof ang nag assign nun??? 

"Si JAmes?" 

"oo. Mgkakilala ba kau?" 

"Since nineteen kopong kopong." 

"MA- mabait ba sya?" 

Hindi. wala syang kwentang tao. pinaka walang kwenta sa lahat ng walang kwenta at lalo syang nagiging walang kwenta pag tinatabi sya sakin. capital ma-L un at mahilig sa babae. ung sexy. ung coca-cola witwiw. mahilig magpaiyak. mahilig mangiwan. wala syang kewnta! 

kung pwede lang sanang sabihin un pero - hindi pwede kc #1, kasinungalingan un at #2, masamang manira ng bestfrend. "oo, mabait un. mahilig magbasketball. sumayaw, kumanta. mahilig din sa chicks." 

Hay buhay.. Bakit nmn sa dinami dami ng makakapartner nia si James pa? ibg sbhin nun isang buong taon silang mgkapartner! singkwenta kame sa klase, 48 kaming available na maging partner nia minus si james pero - grrrr! pwede namng si Labo, ung puro butas ung katawan,. pwede nmang si Jun Neutron da boy genius. pwede din nmnng si captain barbel jonathan. pwede namang si miss kulot, si miss balyena, si miss matangkad. kahit nga ung kaklase namin na parang lging nakainom eh pwede. pero, bakit si James pa?... 

...Pwede namang ako db?

at aun, shempre, depressed akong umuwi. para kong pinaksakluban ng langit a lupa. alm nio un? kahit kasama ko pa sya, di ko pa din magawang maging masaya. nakakaparanoid kaya! shempre iniisip ko, buong taon sila mgkapartner. lagi silang magkakasama. may mga late-night meetings pa, mga last-minute resesarch at revisions. Pano pag nagkadevelopan clang dalawa? pano pag nagustuhan ni James si Kate? At naku, di malabong mangyari un lalo na at kainlove-inlove si Kate. Pano pag pinormahan sya ni James? Pano Pag nagustuhan din ni Kate si James? Pano? PAno? ...Pano na ko?? 

Kybigan ko si James. Since birth. para na nga kaming magkapatid eh. buong buhay ko kasama ko sya. kasangga. pero buong buhay ko, kakompitensya ko din sya. parang laht ng sakin nagiging sa kanya. pero lahat ng sa kanya, sa kanya lang. di naman nia sinasadya un. di nia kasalanan un. siguro nga talagang mas ok sya kesa sakin. mas gwapo, mas matalino, mas talented. mas lahat. 

aaminin ko na minsan naiinggit ako sa kanya pero, kahit ganun, frends pa din kame. alanganamang itakwil ko sya ng dahil lng sa inggit db? napaka walang kwenta ko naman ata nun. Haaay... magsenti daw ba? pero impurnes ang bait ko tlga.. pansin nio? 

bumaba na kame ng jeep, pumasok sa subdivision gate at nglakad papunta sa mga bahay bahay namen. ang sarap siguro kung hawak ko ung kamay nia ngayon no? ung nagssway-sway pa? 

in your dreams pare. 

ha? cno un? ikaw ba yan konsensya? 

Unfortunately, dumating na kame sa aming mga sariling bahay. ngpaalam na ko sa kanya, nananaginip na may goodbye kiss. in may dreams talaga. kaya pumasok na ko sa bahay ng makatulog na ko. malay naten, bka nga kahit sa panaginip maging kame. 

"Ma? Kulet?" aba, at echo lang ang sumagot saken. wala atang tao. san kaya ngpunta ung mga un? baka nag-mall ah. iniwan ako. 

KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGG.. (cellphone ko, bayang magiliw, este, lupang hinirang na ringtone. makabayan ata toh! hehe.) 

"Mark?" boses to ni inay ah. 

"yo ma? san kayo ni Kulet?" 

"nasa airport kame. susunod kame ni Kulet sa daddy mo. tungkol daw sa business. bilisan mo magempake ka na. aalis ung eroplano ng 5. sumunod ka na dito -" *tut tut tut* 

ANO DAW? tama ba ung narinig ko? empake? airport? 5? eh quarter to 5 na ah! ano ba akala nila, ako si superman at faster dan a speeding bullet ako kng kumilos? o baka nman dulot to ng depresyon ko at nakakarinig lng ako ng kung ano ano? pero tama nmn ung rinig ko eh. hay, nanay ko tlg, kung minsan.. nakuuuuu. nakakgigil. di man lang cnb kung anong airport. nakakatouch sya no? gnagawa akong madam auring? 

eh di shempre, may magagwa pa ba ko? empake, empake, empake. bilis mark. bilis. kung hinde. ewan ko na lang kung san ka pupulutin. mga 10 mins to 5, ayan na.. nagpupumilit na kong maging si superman. hala cge, takbo. kahit mgkandatisod tisod ka jan. ang bigat pa ng dala ko. sakay sa taxi.. "mama sa NAIA po" aabot pa ba ko nito? at f*cksh*t talaga, ang nanay ko, pinagpatayan ako ng cellphone.! 

Lipad manong Lipad! 3mins to 5 na nung nakarating ako sa airport. halos maubusan na ko ng hininga sa bigat nung dala ko. 

"flight no 35467" Ayan na ang P.A. nagsasalita na. Shuttap.. nakakapanic. hala, takbo pero pgdating ko sa may mga erpleyn.. wala na cla. nakalipad na. papuntang amerika. 

ano pa nga bang magagawa ko db? shempre, umuwing pawisan sa bahay. 

haaay... home at la- aba! yaw mapihit ng doorknob. pakipot, p*ta. susi? nasan na susi ko? kapkap dito kapkap dun. halukay dito, halukay dun. 
at after 15 mins ng pghahanap, i therefore conclude na... 
...NAWAWALA ANG SUSI KO! 

haaaay buhay.. Ibig sabihin ba nito magiging palaboy ako hanggang sa dumating cla?

 

Kate:

Haaaaaaaaaay... napakamapaglaro talaga ng buhay. Pinilit ko sina mama at papa na lumipat ng Manila para makalimot ako pero parang ayaw talaga ng buhay na to na patahimikin ako. 

ilang minuto na lang at dadating na sya. ilang minuto na lang at dadating na si James. 

Bakit ba kc sa dinami-dami ng pwedeng makapartner jan sa baby thesis na yan eh sya pa? pwede namang si... si... si.... si Mark. 

Oo. pwede namang si Mark. Si Mark na mabait, makulet, masaya kasama at higit sa lahat, macute. Si Mark na nagpatahan at nagpatawa sakin. Si Mark na nagdala sakin sa cross ng Main building. Ung nagdala sakin sa gitna ng Manila. Si Mark na kaibigan ko. db pwede namang si Mark na lang? Umoo kayo

 

bakit? bakit ba ganito ang buhay? Ugh! 

..dingdong... 

O hindi! eto na sya. nandito na si James. Oh Lord pls help me. bgyan nio ko ng lakas na harapin sya ng hindi naiiyak. binuksan ko ung pinto. at.. haaay... gudluck Kate. isang malaking GudLuck sayo. 

aaaaaaaaaahhhhhhhh... ayan na... kaya mo yan kate! di k nmn nia kakaiinin eh. di naman sya multo or aswang. mas lalong di sya alien kaya di ka naman nia aanuhin. kaya mo yan kate! kaya mo yan, kaya mo yan, kaya mo yan, kaya - ugh! di ko kaya! pero may choice ba ko? alanganamang patayuin ko sya sa labas buong magdamag db? so whether i lyk it or not, kylangan kong buksan ang pinto. ok, bukas na mahiwagang pin- 

"Mark?"

 

Mark:

"hi kate" sb ko sa pinakakashwal na boses na kaya ko. 

muka namn tong nakakita ng multo. pero kung multo man ako, HAH! ako na ang pinakagwapong multo! at infairness, sa lahat ng mukang nakakita ng multo eh sya ang pinakamasaya. aba, namiss ako kagad? 

"oh, anong ginagawa mo dito?" 

"kc ganito un..." at aun, kinwento ko sa kanya ang "hirap" at "pasakit" na pinagdaanan ko mahabol lang sila mommy sa airport subalit sa "kasawiang palad" ay hindi ko sila naabutan. pagkatapos ay nawala pa ang susi ko sa bahay. "kahindik hindik na pangayayari" (syempre dapat paawa effect) 

"ma....!" 

*gulp* tinawag ni kate ang mama nia. aun, bumaba at nagusap sila. 

"pa...!" Patay! tinawag pa ng mama nia ung papa nia. *double gulp* katapusan ko na ba to? 

syempre, kabadong kabado ako habang nag mee-meeting de abanse sila. tulo ng pawis dito, tulo ng pawis jan. nakakatensyon. siguro kung may sakit ako sa puso, kanina po ko inatake sa sobrang nerbyos. kung bakit ba nman kc kanila kate ko pa naisip na pumunta? pwede nmang kanila james db? 

kc gusto mo makasama si Kate. engot. aba at may nakikisabat pa. nakikisawsaw na nga, cnabihan pa ko ng engot. 

"ah, iho, mapagkakatiwalaan ka ba?" sb ng daddy ni kate. finally, kinausap din nila ko. kala ko di nila ko nakikita eh. at syempre, sa sobrang kaba ko, napatango na lang ako. 

"wala ka naman sigurong masamang intensyon sa anak namen?" tanong nmn ng mama nia. buong galang nmn ako ng tumango. teka, ano ba to? di nmn ako namamanhikan ah? pero... hehe. pwede na din. 

"Maipapangako mo ba na wala kang gagawing masama sa anak namen?" tanong ng daddy nia wid matching eye to eye contact sakin. ay sus, parang gusto ko ng saksakin sa sobrang talim kung tumingin. 

"marunong ka bang magluto?" 

"eh maglaba?" 

"maghugas ng pinggan?" 

"maglinis ng bahay?" 

HUWEYTAMINIT! di naman ako papasok na katulong ah! ano ko? boy? at tsaka, anong gawaing bahay? di ako marunong nian no! pero syempre, may magagawa pa ba ko? wala na! kaya Mark..... tango. 

"kung ganun..." 

"eh..." 

"cge iho, pumapayag na kame. dito ka muna hanggang sa makabalik ang parents mo galing sa states. at yaman din lang na may makakasama na tong duwag naming anak eh, makakaalis na din kame. pano kc, may kliyente kc si pa na taga amerika. syempre malaking business opportunity un. hay iho, buti na lang din at dumating ka. maiiwan na namin tong si Kate. wala kcng alam na gawaing bahay yan. feeling senyorita. basta iho, ikaw na bahala sa anak namen. pinagkakatiwalaan ka namen ha. walang kung ano ano! o sya, aalis na kame. Kate anak, ikaw na bahala sa bahay." and they're gone! un na un. hinalikan lang nila si Kate sa pisngi at wala na. umalis na cla dala dala ung mga maleta nila.

 

TEKA TEKA TEKA! ibig sabihin ba nito na..? 

ako... as in ako si Mark Eillor Vista... 

at si Kate is in Kate Anne Garcia... 

lang as in kaming dalawa lang... 

ang nasa bahay?? hanggang sa bumalik ang mga parents namen? 

HAHAHA! Sb na nga ba eh, Mahal na mahal talaga ko ni Lord!

No comments: