5 minutes na kong nakaupo dito sa sofa nila Kate pero hanggang ngayon speechless pa din ako sa mga ngyari. grabe ang bilis nun. kanina lang nasa cross kme ng main building nagkkwentuhan tapos napunta ko sa airport at ngayon...
sa bahay nila. at dito ako titira! isipin nio yun, makakasama mo ung babaeng type mo sa isang bahay?! db ang saya?! kasabay mo sya gigising, kakain, papasok sa skul, pati umuwi. tapos kasama ko din sya magmemerienda, manood ng tv at higit sa lahat, mababantayan ko sya pag nandito si James para dun sa baby thesis nila! hahaha! ang swerte swerte ko!
"Mark, gusto mo na ayusin ung gamet mo? tara, samahan kita dun sa kwarto mo."
shempre sumunod ako sa kanya. okei naman ung kwarto, parang kwarto ko din. maya maya, umalis na sya, maghahanda daw ng merienda. haha, ipaghahanda nia ko ng merienda! at habang inaayos ko tong mga damit ko, ieenumerate ko ang mga privilege ng pagtira kasama sya.
#1, mas makakasama ko sya
#2, mas magiging close kame
#3, lagi ko syang makikita at matititigan at higit sa lahat,
#4, may chance na ko na mapormahan sya!
db, all-out privelege na un??
pagkaayos ko ng mga gamit ko, bumaba na ko para maumpisahan ko na ang aking modus-operandi. aba, ang bilis maghanda ng merienda, nakaready na kagad sa lamesa. ham sandwich, cookies at orange juice. lahat yan panigurado masarap. lalo na at galing sa kanya. mmmmmmm.... matikman- *dingdong* abala nmn yang doorbell na yan. syempre bilang isang, ehem ehem, "maginoong" lalake, nagprisinta na kong magbukas ng pinto...
...na pinagsisihan ko din nung nakita kung sino ung nagdoorbell.
si James.
ok na sana lahat eh. alam nio un? ung parang sa commercial at movies na slow-mo lahat, may magandang background music tapos biglang masisira ung tugtog at mapipirata dahil biglang may dumating na panira? YUN! YUN MISMO ANG NGYARI NGAYON! perpektong perpekto na eh... ako, si Kate at masarap na merienda... ok na ok na tapos dumating pa tong taong to na mas muka pang gulat kesa sakin. kung di mo ba naman talagang gugustuhing mamalo ng dos por dos!
"Mark? anong ginagawa mo dito?" aba, gulat ang g*go. bakit? sya lang ba may karapatang pumunta dito? pero kung sa bagay, pano namang di sya magugulat eh bago lang dito si Kate sa sub namen. Gusto ko sabihin sa kanyang dito na ko nakatira kaso, baka nmn magalet si Kate kaya pinapasok ko sya.
na pinagsisihan ko na naman. pano, pagpasok nia, unang naispatan ang sandwich na ginawa ni Kate para saken.
"Wow, ham sandwich, paborito ko! tamang tama, gutom na ko. akin na lang ah!" sb nia sabay kagat sa sandwich.
double sh!t ka James, gawa ni KAte yan. para saken! naiintindihan mo ba yon? para saken! SAKEN! saken dapat yan! pero may magagawa pa ba ko? wala na, nandun na ung sandwich sa tiyan nia. alanganamang kunin ko pa db? excuse me, di ako kumakain ng tira-tira.
"Wala na ba?" Aba aba aba, wala pang 5minutes ubos na nia. at Nanghingi pa. tapos ininuman pa ung juice ko. Sumosobra na tong si bespren ko ah.
"Wala na eh" halos pabulong na sagot naman ni Kate. "upo ka" Nahihiya kaya tong bata na to kaya parang nakikipagusap sa sarili?
umupo ngayon tong si James sa sofa. Feel at home. mga anim na segundo siguro pagkaupo nia, tinanong nia ko ulet kung bakit nandito ko. sabi ko , nangangapitbahay lang. tapos inaya na nia si Kate na magumpisa. Umupo naman tong si Kate sa sofa. mga 1mile away from James. HAH! tama yan! dapat may distansha!
"mabaho ba ko Kate?"
"ha? hindi."
"eh bakit parang ayaw mong lumapet sakin. para nmn ako ng may bulutong nian eh"
Lumapit ngayon tong si Kate. Tapos nagumpisa na silang magisip ng topic, title at thesis statement nila. Nung una halos si James lang ung nagsasalita. Ang tahi-tahimik ni Kate per nung tumagal na, nagsasalita na din sya.
"Marunong ka naman palang magsalita eh" sabi ni James na sinagot lang ni KAte ng isang ngiti.
"MArunong ka din naman palang ngumiti. di ka naman pala alien eh. kala ko kc alien ka, di na nagsasalita, di pa ngumingiti. dapat lagi kang ngumingiti para lagi kang maganda" aba, nangbola pa. Naku KAte, wag kang ngingiti. wag mo syang ngingitian. waaaaaaaaaaa - wala na. ngumiti na sya. At aun mga ilang minuto pa at komportableng komportable na si KAte kay JAmes. Tawa pa sya ng tawa sa mga jokes ni James. Corny naman!
eh bakit kaya di ka gumawa ng paraan? oo nga. bakit nga ba? may silbi din pala tong sawsaw na to. pero pano?
nakitabi ako sa kanila at binuksan ung tv. cguro nman madidistract sila sa papanoorin ko db?
...naku, mukang wa-epek. walang pakialam. parang may sarili silang mundo. umalis ka na kac james. umalis ka na. alis na... alis na... alis na.... alis na... wwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh! Bakit si Sakuragi nung dinasalan nia si Uzmi na wag makashooot gumana? bakit ngaun, dinadasalan ko si JAmes na umalis na pero, wa-epek.
"Teka, kain muna tayo. gutom na talaga ko."
"dinner?"
"oo. sige na, kain na tayo. nagwewelga na ung chan ko eh."
"eh, wala kming mga pangluto dito ngayon. walang mailuluto. naprito ko na kc ung ham eh, nilagay ko sa sandwich."
"ganun? ah... alam ko na. tara, kain na lang tayo sa labas. may malapit na jollibee dito db? tara, kain tayo, libre ko."
HINDI PWEDE!!!!! wag ka papayag...
"ha? eh..?"
wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag... wag ka papayag...
"tara na. maawa ka naman sa tiyan ko."
"sige na nga. tara" NAKU NAMAN! bakit ka pumayag Kate?
"Tara. Mark, sama ka? libre ko!" salamat sa invitation pero thanks but no thanks. kayo na lang. sinira mo na ang mood ko. Panong gumaan ng ganun kabilis ang loob ni Kate sa kanya??
pag di ka sumama, masosolo ni James si Kate oo nga. tama si sawsaw. pag di ako sumama, masosolo ni James si Kate. baka maagaw pa nia sakin si KAte. di pwede un. kaya...
"Sige, tara. basta libre mo ah" and Poof.. nasa Jollibee na kame.
Pagdating namen sa jollibee, kumuha kame ng upuan sa taas. puno kc ung baba eh. tapos as gentlemans, este, as gentlemen, kaming dalawa ni James yung umorder. ang haba ng pila! anong pecha na, nakapila pa din kami. hay, tagal, tagal, tagal..
after 48 years..
after a another 48 years..
after a century..
after a millenium..
Sh!t naman. di ba aandar tong pila na to?
"oi Mark. db si Kate ung tumakbo palabas ng klasrum kahapon? bakit sya umiiyak? chaka ikaw ah, chikababes na naman yan. ang bilis talaga ng pare ko, welcome na kagad sa bahay nila. baka naman pwedeng ako na lang ang pumorma?"
ANO??? TAMA BA UNG NARINIG KO? GUSTONG PORAMAHAN NI BESPREN SI KATE KO? Hoy James, akin na si Kate. inubos mo na nga ung sandwich ko, magbablak ka pang pormahan si Kate. sumosobra ka na talaga ah. baka gusto mong pagbakashunin kita sa Mars?! ano? square na lang tyo oh!
"Pare, wag na wag mong isasama si Kate sa koleksyon mo."
"Hinde pare, wala akong balak isama sya sa kolekshon na sinasabi mo. Tinamaan ata ako eh. Malay mo sya na ung makapagpabago sakin. Alam mo un? iba sya eh. ibang iba."
Ano yun? Joke? tong si James talaga oh, ang hilig magpatawa. corny naman. type daw nia si Kate? di isasama sa kolekshon? sus. lahat un, joke. kung hindi joke un, di ko na alam kung anong tawag dun.
"pare naman. walang taluhan."
"eh di, may da best man win na lang."
"Anong may the be-"
"Hello sir, welcome to Jollibee. whats ur order sir?"
Ngayon pa. Ngayon pa dumating ang turn namen kung kelan may matino na kaming pinaguusapan. kung kelan importante na. kung kelan kylangan ko na syang kausapin ng masisinsinan. kung kelan tungkol na kay Kate ung pinaguusapan. At teka, ano tong may da best man win na drama ni James? seryoso ba talaga sya na gusto nia si Kate? what the? P*ta naman. ano ba tong ngyayari?
Tahimik kaming bumalik sa table namen sa taas. Si Kate, andun, nakaupo, naghihintay. Shempre, kumain na kame. at All through out ang tahimik namen. Si JAmes nakikita ko, tumitingin tingin kay kate at itong si Kate, minsan, napapatitig kay James. Ano ba talagang meron kay James? HA?
Ano ng gagawin ko ngayon at mukang seryoso talaga si James sa sinabi nia? Ano ng gagawin ko at may kaagaw na ko kay Kate?
Pagkauwi namen, natulog na kagad si Kate. Nag-gudnyt na sya kagad at umakyat sa kwarto nia. Ako naman, tumuloy na din sa kwarto ko. Nagiisip… ano na nga kayang mangyayari? Seryoso ba kc in the first place si James dun sa sinabi nia?
Si James kc ung tipo ng tao na di marunong magseryoso. Wala pa syang babae na hindi pinaiyak. At lahat ng girlfriend nia eh hindi nia sineryoso. Pangpalipas oras lang. Para daw may “thrill” naman ung buhay nia. Sya ung tipo na ang bait bait pag nangliligaw pa lang pero pag napasagot na nia ung babae…. Un na. Iiwanan na lang nia pag nagsawa na sya.
Sabi nia kanina, iba daw si Kate at baka sya na ung magpabago sa kanya. Pano kung hindi? Pano kung ligawan lang nia si Kate tapos iwan lang din nia? Pano kung paiyakin lang nia si Kate? Parang di ko ata kakayanin na makuha ng iba ung babaeng gusto ko tapos iiwan lang ng basta basta.
anong gagawin ko? Alanganamang ligawan ko na ngayon si Kate eh wala pa nga kaming one week na magkakilala. Magugulat yun panigurado. Eh based from experience, mas gusto ng mga babae na dumadaan sa “friendship stage” bago yang ligaw ligaw. Siguro nga un na lang ang pwede kong gawin ngayon. Maging mabuting kaibigan sa kanya at umasa na di ako maunahan ni James.
*tok tok*
Aba may kumakatok. Si kate kaya un? Malamang lamang lang. Kaming dalawa lang naman ang nandito sa bahay eh. Bakit kaya? Binukasan ko ung pinto. Si Kate nga.
“Gising ka pa?”
“kung kaya ng mga tulog na tumayo at magbukas ng pinto eh, tulog ako.”
“Kaw talaga” sb ni kate sabay tawa. Syempre deep inside tumatalon talon ang puso ko. Bakit kaya iba ang epekto sakin ng tawa nia?
“bakit gising ka pa?”
“di ako makatulog eh. Pwede ka ba abalahin? Samahan mo naman ako oh. Nood tayo dvd. Takot kc ako magisa.”
OO! Syempre naman ok na ok lang! “oo naman. Kaw pa. Tara.” Hinawakan ko sya sa kamay at inaya na pababa. Ang saya saya naman. Ano kayang panonoorin namen?
Kate:
Buti na lang gising pa si Mark. Sobrang hindi ako makatulog. Naiisip ko kasi si Siege.
At si James.
Ok naman pala sya eh. Makulet, palabiro, maharot. Laging masaya. Laging nakatawa. At higit sa lahat matakaw. Akalain niong nakatatlong extra rice sya? Ang takaw noh?
Para syang si Siege.
Oo. Nakikita ko sa kanya si Siege. Hindi ko nga alam kung pano magrereact eh, kung anong mararamdaman ko. Di ko alam kung malulungkot ako dahil sa gusto kong kalimutan si Siege pero etoh, may isang lalake na kamuka at kaugali nia na nagpapaalala ng nagpapaalala sa kanya o matutuwa kasi parang nanjan na ulit si Siege, parang nabuhay ulet. Nagiba lang ng pangalan.
Kaya eto, bumabalik sa utak ko lahat. Lahat lahat ng ngyari. Simula 1st year - nung una ko syang nakita at kung kelan ko sya naging crush. Hanggang nung 2nd year at 3rd year na nainlove na ko sa kanya. At nung 4th year - Ang taon na nagpabago sa buhay ko. Kung kelan ngyari ung araw na inaya niya ko ng maging kapartner sa prom, ung gabi ng prom, nung sinabi nia saking mahal nia ko, ung nakita ko sila ni Jane, ung mga araw na iniwasan ko sya, at nung araw na narining ko ung recorder. Nung narinig ko kung ano ung totoo.
Pero kesa umiyak ako ng umiyak, manood na lang ako db? Chaka kasi, ayaw ni Siege na umiyak ako kaya kaylangan kong maging matapang. Kahit hindi para sa sarili ko, kahit para sa kanya. Isa pa, kaylangan ko ng magmove on. Kaylangan ko ding tanggapin na wala na talaga sya at kahit anong iyak ko, hindi na sya mabubuhay ulit. Siguro nga magpasalamat na lang ako na kahit pano eh parang nakakasama ko sya sa twing makakasama ko si James.
Mark:
Pumunta muna kami sa Video City at nagrent ng VCD. (Bulok kasi Video City, wala pang dvd) Nandun sya sa horror section at ako sa action. Tingin dito tingin dun. Hanggang sa mapadpad ako sa romance. Ano kayang maganda? Gusto ko ung maakbayan ko sya habang nanonood kame. Hehe.
Ano bang maganda? The notebook… sweet November.. my sassy girl… my sassy girl? Mukang bago ah. Etoh na lang.
Pagkabayad namen nung mga nirent namen, umuwi na kame. Pero dumaan pa pala kame sa ministop at bumili ng mga chichirya at softdrinks para syempre may kinakain kame habang nanonood.
Pagdating namen sa bahay, nagsalang na sya ng horror. Grabe, dalawang magkasunod na horror na palabas ung sinalang nia. Tili naman ng tili. Ang cute cute nia pag nagugulat. Hindi ko na nga nasundan ung palabas sa kakatitig sa kanya eh. Alam nio un? Ang sarap sarap nia tignan. Patay ung ilaw, kaya ilaw lang ng tv ung liwanag. Ang sarap panoorin magiba-iba ng mga facial expression nia. Minsan normal lang tapos dahan dahang pipikit ung mata nia pag malapit na yung nakakatakot tapos pag nandun na ung naakatakot titili na sya ng pagkalakas-lakas sabay takip ng muka. Nakakatawa sya no? Nanood pa sya ng ganito eh tinatakpan din nia ung mata nia.
After nung dalawang horror movie, nag break muna kame. Pahinga naman.
“Maganda ba?”
Oo, ang ganda ganda mo. walang kasing ganda.
“Ui, maganda ba?”
“Ha? Ah, oo ang ganda. Pero mas maganda ka.”
“Che. Nangbola pa to.”
“Seryoso un no. chaka mas maganda ka talaga panoorin kasi nakakatawa ka. Nagtatakip ng mata. Kaya ka duwag eh, nood ka ng nood ng horror." *tawa*
“Eh favorite ko yan eh. Ano na sunod?”
“Eto na lang, my Sassy girl. Bago.”
At ayun, sinalang na namen ung vcd at lights off. In fairness, ok naman yung takbo ng kwento. Nagumpisa dun sa babaeng lasing na nakatayo sa edge ng train station na niligtas nung lalake. Tapos pagkasakay nila dun sa tren, ung babae nasukahan sa ulo ung manong na nakaupo. Ang kwela nga eh. Tapos syempre tinulungan sya nung lalake. Dinala sya sa motel. Tapos aun, syempre, naging friends na sila kahit napaka-wirdo nung babae. Sobrang wirdo. At San pa pupunta yun? Syempre naging sila. Tapos pinaghiwalay ng parents ng babae, nagkahiwalay sila pero nagkabalikan ulet. Kc nung may kadate sila pareho, pinapunta nung babae ung lalake dun. Pumunta naman ung lalake. Nagcr ung babae, pagbalik nung babae, wala na ung lalake. Nung tinanong nia dun sa “ka-date” nia, ang sabi umalis na daw pero may sinabi sya. 10 rules pag kasama mo ung babae.
- Wag mo syang piliting maging feminine, pag nasa coffee shop kayo dapat coffee lang talga. Bawal softdrinks
- pag 100th day nio, dapat dadalan mo sia ng roses sa klase nia
- pag masakit ung paa nia, makipagpalit ka sa kania ng sapatos, i-encourage mo syang magsulat
- pag sinuntok ka nia at di ka nasaktan, pretend na nasaktan ka
- Tapos aralin mo ung sports na nilalaro nia
- pag sinabi niang papatayin ka nia, seryosohin mo,
7-10. etc….
Tapos aun, hinabol sya nung babae at naging sila ulet. Hanggang sa pinaghiwalay sila ulet. Pinagawa nung babae ung lalake ng sulat na ang nakalagay lahat ng gusting sabihin nung lalake sa babae. Tapos nag punta sila sa isang parang bundok. Binaon nila ung sulat tapos after 2 years, babalik sila para buksan. After 2 years, bumalik ung lalake pero wala dun ung babae. Binuksan nia ung letter na binaon nila. Nakalagay dun sa sulat nung babae para sa kanya na nung araw na lasing ung babae eh death anniversary nung boyfriend nia na kamuka nung lalake. Ganun din sila nagkakilala, umiiyak sya tapos sa train station din. Sabi nia dun sa boyfriend nia na namatay na pakawalan na sya kaya nung nakilala nia ung lalake, pakiramdam nia pinadala sya nung boyfriend nia. Tapos, sorry kc pinilit nia ung lalake na maging kagaya nung boyfriend nia na lahat ng gusto nia sinusunod, twing 100th day dadalan sya ng roses, at lahat nung mga pinapagawa nia dun sa lalake. Kamuka daw kc nia ung boyfriend kaya masyado niang naaalala. Sorry daw talaga.
Pag dating dun sa part na un, biglang tumayo si Kate. Bakit kaya? Hinawakan ko sya. “bakit kate?”
Sh*t. umiiyak na naman sya. Di lang basta ung naiyak ng dahil sa nakakaiyak ung movie. Umiiyak talaga sya. Ung iyak nia nung una ko syang nakita. Bakit na naman? Kung alam ko lang na magkakaganito sya, eh di sana di ko na to hiniram.
Pinilit ko syang paupuin. Di ko naman sya pwedeng pabayaan na lang db?
“Kate, bakit?”
“Ha? Nadala lang ako sa kwento. Nakakiyak kc eh.” Sb nia habang pinipilit na ngumiti. Pero nakikita ko sa kanya na hindi un ung dahilan kung bakit sya umiiyak.
“Di kita pipilitin na sabihin sakin pero hindi rin hahayaang umiyak magisa. 'Lika nga dito.” Sb ko sa kanya, tapos inakbayan ko sya. Ihiniga nia ung ulo nia sa balikat ko.
“shhhh.. tama na. Wag ka na umiyak.” Pero kahit anong patahan ang gawin ko, umiiyak pa din sya. Humihikbi . Nararamdaman ko nga ung balikat nia eh. “Sige ka pag di ka tumigil sa kakaiyak mo, papangit ka. Pag pumangit ka, wala ng magkakagusto sayo, tatanda kang dalaga. Gusto mo ba un?” Hindi sya sumagot. Umiiyak lang sya. Hay Lord, ano bang gagawin ko?
Ganito pala pakiramdam pag concerned ka sa isang tao. Ayaw mo syang nakikita na umiiyak, Ayaw mo syang nakikita na nahihirapan. At ang hirap pala pag di mo sya matulungan. Lalo na at hindi mo naman alam yung dahilan ng pagiyak nia. Siguro, malalim ang dahilan ni Kate. Siguro masakit ung nangyari sa kanya noon kaya nagkakaganito sya ngayon.
“Kate?”
Walang sumasagot
Napangiti ako nung tinignan ko sya. Ang batang iyakin, tulog na. Nakatulog sa kakaiyak. Kaya pala walang sumasagot. Siguro kung hindi lang ganito ung sitwasyon ngayon na nakatulog sya dahil sa lungkot, iisipin ko na ako na ang pinakaswerteng lalake sa mundo, kc ung babaeng mahal ko, nandito sa tabi ko, kasama ko.
Kate:
Anong oras na kaya? Naku, malalate na ko sa school. Kailangan ko ng bumangon.
Dinilat ko na ung mata ko kahit gustong gusto ko pang matulog. Teka, nasan ba ko? Sa sofa? Si Mark to ah. Sa balikat nia ko nakasandal? Dito ko nakatulog? Ano bang ngyari? Uhmmm…
Oo nga pala. Umiyak ako kagabi. Pinapatahan nia ko pero ako, ang tigas ng ulo ko, ayaw kong tumigil.
Di ko kasi mapigilan eh. Sa totoo lang, ayaw ko naman talagang umiyak pero, ung mga luha, kusa silang tumutulo galing sa mata ko. Kahit pigilan ko, tumutulo pa din sila. Ang sakit sakit pa din hanggang ngayon. Ang hirap. Ang hirap kumawala sa kahapon.
Nakakatuwa naman tong si Mark. Di ako iniwan. Dito na din sa sofa nakatulog. Ang bait bait nia noh? Kahit di pa nia ko masyadong kilala, nandito sya para sakin. Siguro takang-taka na sya kung bakit ako laging umiiyak. Pero kahit gusto kong sabihin sa kanya, di ko magawa. Haaay.. nakatuwa talaga si Mark. Ang swerte ko din at nakilala ko sya no? *napapangiti* Ang cute naman nia, parang bata kung matulog.
Alam ko na. Ipagluluto k na lang sya ng breakfast para naman makabawi ako. Ano bang meron dito sa ref? Hotdog na lang chaka itlog.
Prito prito. Puro prito lang naman ang alam kong lutuin. Saing saing. Sana wag masunog.
After ilang minutes… yehey! Luto na..! Hindi sun0g..! Hain na.. ayan, dalawang plato, dalawang spoon, dalawang tinidor, dalawangbaso, isang pichil ng orange juice… pwede na!
“Mark?... Gising na.. Kain ka na po.. Mark?”
Ang hirap naman gisingin nito, parang mantika kung matulog. Haaay..
“Mark?”
Mark:
“Mark?” Sino kaya ung tumatawag na un? Aga aga, nanggigising. Abala. Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko. Kami na daw ni Kate tapos nag dadate kame. Sino ba yang abala na -
Kate? Oo nga pala, si Kate. Sya lang ang kasama ko sa bahay.
Abala pala ah. Sorry, only pipol, nagkakamali din.
“Mark, gising ka na. Late na tayo pareho. Tara, kain na tayo.”
Wow naman. Ang ganda ng gising ko, sya una kong nakita. ang swerte swerte ko talaga. Nakaready na ung breakfast. Pinagluto nia ko..! Haha! Ang saya naman.
Sinundan ko na sya sa dining at aba, nakahain na. Kumpleto na lahat. Hotdog and eggs ang breakfast tapos rice wid orange juice.
“kala ko ba hindi ka marunong magluto?”
“Marunong ako basta prito prito lang. Uhm.. Mark, pasensya sa kagabi ha. Jan ka pa tuloy sa sofa natulog. Chaka thank you ha, hindi mo ko iniwan”
“Ok lang un. Kaw pa. Kahit magdamag ka pang umiyak di kita iiwan. Pero sana sa susunod, pwede wag ka na umiyak? Nalulungkot ako eh.” Ngumiti lang sya tapos kumain na ulet. Siguro kung ganito araw araw, araw araw din ako masaya. Isipin nio, pinagluluto ako ng babaeng mahal ko at inaasikaso. Un nga lang, sana kung kami, mas masaya sana. Pero sa ngayon, di pa ko pwedeng manligaw. Masyado pang maaga.
“gusto mo ba ng mainit na tubig pag maliligo ka?”
“Oo sana. Ako na lang magiinit mamaya.”
“May heater na jan sa CR.” Tumayo sya.
“san ka pupunta?”
“bubuksan ko na ung heater para ready na pag maliligo ka na.”
Grabe, napangiti na lang ako. Ganito ba talaga ka maalaga tong babae na to? Pati un, inaalala nia at ginagawa nia para sakin. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Maganda, mabait, maalaga. San ka pa?
Pagkakain, naligo na ko at nagbihis tapos inantay ko sya. Ang tagal maligo. Bakit nga kaya ang tagal maligo ng mga babae? Isang oras! Ang tagal pa magbihis pero, sabi nga nila, its worth the wait kc pagkatapos ng mahabang paghihintay, makikita mo sya, magandang maganda. Ang bango pa.
Sabay kaming pumasok. Eh may tinatago din palang kakulitan tong si Kate eh. Ang lakas ding magtrip. Nakikisabat sa usapan ng iba, tapos mangangalabit ng mangangalabit, wala namang sasabihin. Wala lang, ngingitian ka lang nia. O kaya mangsisitsit ng ibang tao tapos pag tumingin, patay mali lang. Ung isa nga nyang sinitsitan na, napagkamalang ako ung sumitsit kc tawa ko ng tawa. Tinaaswan ba naman ako ng kilay? Tapos pagkalayo nung babae, aun, si Kate, ang salarin, tinawanan ako ng tinawanan. Pagtawanan daw ba ko? Eh sya tong pasimuno. Hehehe. Pero ok lang un. Sana nga lagi na lang syang ganito eh. laging masaya chaka nakangiti. Ang ganda ganda pa man din ng ngiti nia. Sobrang nakakainlove.
Good timing ata kame ah, recess. Hahaha. Dat is wat you call swerte. Ang lakas ko kc manalangin eh. Pagpasok namen sa room, ayun, may kanya kanyang business ang mga kaklase ko. Kanya kanyang bilog, kanya kanyang kumpulan, kanya kanyang usapan. Si James, as usual, pinapalibutan ng mga babae, Nag-gigitara habang kumakanta. At ung mga babae dun, kulang na lang tumulo ung mga laway sa sobrang mangha kay James. Well, What's new? Lagi naman talagang ganun eh, kahit dati pa.
Umupo na kame ni Kate sa likod at nagkwentuhan. Grabe, ang daldal, thousand thousand words per minute. Napapangiti na nga lang ako eh.
“Alam mo mas maganda ka pag ganyan ka.” Tama ba ung naririnig ko? Boses ni James un eh. Wag naman sana.
“'tol, ba't ka late? Pangalawang late mo na to ah.” Si James nga. Naku, kahit kelan talaga tong bespren ko na to, national abala. Ano ba kcng kailangan neto at nakikisingit sya samen ha?
“tinanghali kc ako ng gising eh.”
“Pwede bang hiramin muna si Kate? May itatanong lang ako tungkol sa baby thesis namen.”
May magagawa pa b ako? Wala na kaya tumango na lang ako. Kahit kelan talaga tong si James. Nakuuuuu. Kung kelan talaga ang saya saya ng kwentuhan namen ni Kate, dun sisingit, dun e-extra. Kung di ka ba naman talaga mabbwisit! Kung di ko lang to kaibigan, siguro naipagbalibagan ko na sya sa apat na sulok ng mundo. Wag niang sabihing walang sulok ang mundo dahil gagawan ko yun ng sulok maihampas ko lang sya. Kaso, kaibigan ko sya. May magagawa ba ko? WALA! Wala akong magagawa kung hindi ang pagpasensyahan.
Hay naku, thank you kay prof at dumating na. Bumalik na si Kate sa upuan nia sa tabi ko at ung mga bilog ng mga kaklase ko eh umayos na ulet at nagsibalikan sa tamang pwesto.
“Good morning class. Before I start the lesson, I want to introduce to you your new classmate. Ms. Jane Vista”
Jane Vista? Sounds family. As in family member. Isa lang naman ang Jane Vista na kilala ko eh. Si insan.
“Ms Vista, please come in and take your sit.”
Aba, pucha. si insan nga! Bakit kaya napadpad ng Maynila tong pinsan ko na to. At naging klasmeyt ko pa. Whattacoincedence. Ipapakilala ko sya kagad kay Kate para naman may kaibigan na syang babae.
Nakita na ko ni Jane kaya umupo siya sa tabi ko. Nginitian ko naman sya.
“Insan, long tym no see ah.”
“Oo nga eh. Buti nakita na kita ngayon para din a ko mahirapang maghanap mamaya. Sabi kc ni mama sa inyo muna ko tumira. Kamusta na nga pala sila tita? Si kulet?”
“nAsa America.”
“Eh di solo mo ung bahay?”
“Actually, di ako sa bahay nakatira ngayon. Kc, naiwan ko ung susi ko sa loob. Eh panigurado iiicha ko ni mommy sa outerspace pag winarak ko ung pinto kaya, nakitiramuna ko sa kaibigan ko.”
“Kay James?”
Umasa na naman tong pinsan ko na mapapansin sya ni JAmes. “Naku Jane ah. Ayan ka na naman. Ayaw nga sayo ni James kaya wag mo na ipagpilitan. Hanggang close frends lang kayo.”
“oo no, matagal ko ng alam un pero, never give up ang motto ko. This b!tch doesn't know the word quit. Eh san ka nga nakikitira?”
“kanila Kate.” Kinalabit ko si Kate na muka na namang wala sa sarili. “Kate, pinsan ko . si Jane.”
“Kate? Kate Anne Garcia?”
“Magkakilala kayo?”
“oo. Klasmate ko sya nung highschool. Db Kate? Baka nman pwedeng makitira na rin ako sa inyo? Pls…”
Kate:
Totoo ba tong nakikita ko? Ang impaktita kong kaklase na si jane ay kklase ko na naman ngayon? At pinsan sya ni Mark? sh!t. Double sh!t. At ano to? Nagssweet-sweetan pa. Yuck hindi bagay! Totoo ba talaga to? Si impaktitang Jane nandito sa UsT pretending that nothing happened nung 4th year? Pretending that we're just old school mates? Ang galing talaga mamlastic nitong babae na to. Ang galing magpakitang tao.
Pero teka, pano to? Pinsan sya ni Mark. Pano ko naman sya mahihindian db? bAkit ba kc naging pinsan pa sya ni Mark? ang dami dami namang pwedeng pinsanin jan.. heller?! may ilang bilyong tao dito sa planeta naten! ang dami daming choices! BAKIT SI MARK PA???
“Please kate…”
HINDE! HINDE PWEDE! AYAW KITANG MAKASAMA!!!! Wala akong balak na tumira sa iisang bahay! na kasama mo! bAket? palagay mo napatawad na kita? kung akala mo biano ko na sa limot ung ngyari dati, pwes, NAGKAKAMALI KA!!! hindi pa kita napapatawad at mas lalong hindi ko pa nakakalimutan lahat ng ginawa mo sakin noon! kung di ka sana maepal, magkasama kami ni Siege ngayon. KAME!!! masaya! sana-
sana...
sana buhay pa sya
tama na Kate. paiiyakin mo lang yang sarili mo. once and for all, pls, kalimutan mo na sya. kahit anong gusto ko na ipamuka at ipagsigawan sa kanya un, di pwede. Do I have a choice? WALA..
“sige ok lang.”
“Talaga? Thank you Kate! Love you talaga!”
Yuck! Gross! Love you? Galing kay Jane. Sabihan na ako ng I love you ng lahat ng maligno sa mundo, aswang, tikbalang, white lady, dwende, kapre, chanak. Kahit sino. Matatanggap ko! pero si Jane? Urgh! Pwede ba? Kadiri..!
Haaay. Kung minsan talaga si Lord mahilig magpatawa. Di naman nakakatawa. Bakit naman nia binalik si Jane sa buhay ko? Anong pakulo na naman ba to ha? Pwede bang paki sabi in advance, mga 3 days before, para kahit pano, mapaghandaan ko naman. Para kahit pano, maihanda ko ung sarili ko sa mga pwedeng mangyari.
Leche naman kasi talaga. Kung di ka lang pinsan ni Mark, siguro kinaladkad na kita sa CR at fnlush sa inidoro. Sb na nga ba eh, dapat noon pa lang ginawa ko na un, para sana wala ka na ngayon sa buhay ko! nandun ka na kasama ng mga... eew. alam nio na.
hay buhay. Ano kayang mangyayari sakin ngayon at nandito na ulit si Jane sa buhay ko?
ikA ngA ni Vivian, kaya ko to! AJA!
No comments:
Post a Comment