Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Aray ko, masakit pa den. Makalakad pa kaya ako neto?! Pero sa totoo lang, di bale ng hindi makalakad eh, wag lang talaga ma-damage tong ginintuan kong muka. Pag nasira to, wala ng titilian ung mga chicks. Hehe.
Weytaminit, nasan ba ko?! Ano ba nangyari? Bakit ako nandito?! Hmmmm.. Teka, may bumubugbog saken tapos dumating si James… SI JAMES! Sabi na nga ba yung t*arantadong yun ang may pakana eh. Obvious naman db?! Tropa nia yung mga “nang-kidnap” at bumugbog saken eh, so sino pa nga mag-uutos sa kanila?! Sino pa nga ba kungdi si James! Yung bespren-besprenan ko. May pa hero hero effect pa syang nalalaman jan ah! And the winner for the best actor category is JAMES! Palakpakan naten si James, ang galing umarte Best actor na best actor. Pang Oscars! Ip I know. Isa yung KAPLASTIKAN! Isa syang malaking OROCAN! Gusto ko syang suntukin. Tadjakan. Sipain. Gaya nung ginawa saken nung mga duwag at lampa niang ka-tropa. Pero, hindi ko magawa. Battery empty na ko. Wala na kong lakas kaya ayun, taob si superman.
At isa pang teka, nasan si Kate? Nasan na si love of my life?! Baka kasama ni James ah.. HINDE! Hindi maaari yun. CANNOT BE! Kapal naman ng muka nia no. Baka gusto niang ipalibing ko sia kasama nung walo niang katropa.
“Mark… Gising ka na pala…” Hay, nanjan ka lang pala. Kala ko nawala ka na eh.
“Nasan ba tayo?”
“Sa ospital.. Kagabi pa tayo dito. Ok ka na ba?”
“Oo ayos lang ako. Teka.. Sino nagdala saten dito?”
“Si James..”
“Nasan na yung hayup na yun?! Sya may pakana nito db?! Nasan sya?!”
“Hindi sya yung may pakana nun Mark. Nilinaw na nia saken kanina. Nakwento daw kase nia dun sa barkada na nia yung nangayri.. Yung tungkol sa away nio. Tapos sabi nila, igaganti daw nila si James. Pero Mark sabi sabi saken ni James – “
“Hindi sya pumayag. Ano ba Kate?! Naniniwala ka ba sa kanya na wala syang kinalaman dun?! Panong – pano nia nalaman na nandun tayo?! Kate naman..”
“Mark sabi ni James kaya daw nalaman kase… ano… ano daw… Nakita daw nia tayo dun sa may labas ng UST. Tapos sumunod sya..”
“Kate kung nakita nia tayo, bakit hindi kagad sya tumulong?! Tropa nia yun Kate!”
“Ewan ko Mark.. Basta, yun ung sabi nia saken.”
“At ano?! Naniniwala ka naman?! “
“Siguro.. Ewan ko. Magpahinga ka na lang muna . Dito lang ako. Babantayan kita. Ok?”
“Kate, pwedeng umuwi na lang tayo? Please.. Ayoko lang talaga sa ospital. Kaya pls, umuwi na tayo.”
“Sige.. Ayusin ko lang sa cashier. Dyan ka lang ah.”
Tumayo na si Kate at umalis. Ayoko talaga sa ospital. May naaalala kase ako eh. Si Ate.. Naaksidente sya. Nabangga yung koche nia. Lasing daw yung driver nung nakabunggo sa kanya.. Sinugod sya sa ospital pero wala na ding nagawa yung mga doctor. Ang sakit nun saken.. Na makitang ganun yung lagay ni ate. Sya lang kase yung napagsasabihan ko ng problema ko eh. Kaya ang sakit sakit saken nung namatay sya. Gusto kong murahin yung mga doctor nun. Gusto kong sabihin sa kanila na bakit hindi nila magamot si ate, db doctor sila?! Ang bata pa nia para kunin ni Lord. Eh, etong March lang nangyari yung aksidente kaya medyo nasa utak ko pa talaga lahat. Ang galing nga eh, madali ko lang den nakalimutan ung lahat. Kase turo un saken ni ate, “when something bad happens or when your heart is broken by someone special, let go and move on.” Nakatatak sa puso ko yun kaya pinilit kong gawin. Pero ngayon na nandito ko sa ospital, bumabalik lahat.. At hindi ko maiwasan na mapaiyak..
“Mark? A-ayos ka lang?”
Pinunasan ko ung luha ko bago ko humarap sa kanya. May man of steel bang umiiyak? Hehe.
“Ayos lang ako. Ano? Ok na ba?”
“Oo.”
Inassist kame nung nurse hanggang sa pagkuha ng taxi. Grabe, mabagal pa kame sa pagong na natraffic. Kasalanan ko ba kase kung napuruhan ung binti ko?! Humanda lang talaga ung mga yun. Bugbog sarado den sila saken pag magaling na ko. Tignan ko lang tibay ng mga tuhod nila.
Tahimik lang kame pareho ni Kate hanggang sa pagdating sa bahay. Nung dumating kame dun medyo mag-gagabi na. Umorder si Kate ng pagkain tapos kumain kamain kame. Sinubuan nga nia ko eh. Ang sweet namen no? Ganyan talaga pag nagmamahalan. Hehehe.
Pagkatapos naming kumain inalalayan na ko ni Kate papunta sa kwarto ko. Humiga na ko habang nakaupo sya dun sa tabi ko. Ang sweet talaga ng love of my life ko no?
“Mark.. Thank you sa kahapon ah. Dapat kase hindi mo na sila pinatulan. Lalo ka lang tuloy nabugbog.”
“Hahayaan ko ba namang bastusin ka nila? Magkakamatayan muna kame no.”
“Si superman ka nga pala. Sige magpahinga ka na. Punta na ko sa kwarto ko.”
Tumayo na sia at naglakad papalabas ng pinto. Nooooooooooooooooooooooooo! Dito ka lang!
“Kate..”
Napatigil sya at humarap saken. “Uhm.. Ba…baket?”
“Pwede mo ba ko tabihan? Kahit ngayon lang. Please.. Ayokong mag-isa ngayon eh. Natatakot ako na baka pag gising ko, wala ka na. Parang kanina sa ospital, pag gising ko, kala ko wala ka na. Kala ko, sumama ka na kay James.. Kala ko iniwan mo na ko.. Promise, wala akong gagawing masama sayo! Promise, cross my heart!”
“Kaw talaga.”
Dahan-dahan syang lumapit saken. Tapos hinalikan nia ko sa noo. Wow naman. Kung lagi ba naman akong bonus na kiss galing kay Kate tuwing nabubugbog ako eh lagi na lang akong magpapabugbog. Kahit masakit, at least may kiss. Hehehe.
Umupo sia sa kama tapos tumabi sya saken na humiga. Haaaaaaay.. ang lakas na naman ng kalabog ng puso ko. Akalain mong tumabi nga talaga saken si Kate?! Ang saya ko naman.. Pero promise ko, wala talagang malisya to. Puro naguumapaw na pagmamahal lang. Oo na oo na, alam ko na sasabihin nio, ang corny ko na naman. Telling the truth lang po.
“Ano, tulog na tayo?” Tumango lang ako ng nakangiti.
]“Gudnyt Kate..”
“Gudnyt.. Tulog na ha.. Chaka thank you talaga..”
“I love you love of my life..”
Nung sinabi ko yun, nginitian lang nia ko tapos pumikit na sya. As usual, muka na naman syang angel. Inosenteng inosente yung muka. Parang bata. No wonder na na-inlove ako sa kanya. Na sobrang nahulog yung puso ko ng sobrang lalim. Yung sa sobrang lalim eh hindi na sya makakaalis pa dun. At dun sa moment na yun, naramdaman ko na si Kate yung babaeng hinding hindi ko papakawalan. Sya na yung babae na kasama kong bubuo at aabot nung mga pangarap ko sa buhay. Kahit ganito naman loko-loko eh ay may pangarap den naman ako noh. Basta. Si Kate na yung babaeng mamahalin ko forever and ever amen.
Till death do us part…
Whattacoincidence. Soon after ng pagmumuni-muni ko kung san na ko pupulutin ay tumawag si mama sa cellphone ko. Ano sinabi?! Nandyan na sila kasama si Papa. Kung di ba namang "in the nick of time" ang pag-uwi nila mama. Pero ok na din kase nakakahiya naman sa parents ni Kate kung dun pa ko makikitira. Yun nga lang, badtrip sa lahat ng badtrip, di ko na makakasama si Kate. Huhuhuhu. Kawawang Mark. Kawawang ako.
Pero ok lang den, kase sa loob ng isang linggo eh lagi akong binibisita ni Kate sa bahay. Inaalagaan nia ko. Ulet, inaalagaan nia ko! Kung di ba naman ako sasaya nun db?! At eto pa, nakilala na sya ni Mama, ni Papa at ni Kulet - ng buong pamilya ko. Welcome na welcome sya sa bahay. Although si papa nagalit nung una kase nasangkot daw ako sa gulo ng dahil sa babae eh naintindihan din naman nia. Lalo na nung nakilala nia si Kate. Sabi nga ni Papa eh jackpot daw ako. Bukod sa maganda na eh maalaga pa daw. Tapos, mabait, magalang, at nakakasundo ni Kulet kahit na barok pa yung kapatid ko. Approve nga den sya kay mama eh. Kahit daw di marunong si Kate ng mga gawaing bahay eh maasikaso naman chaka yun nga, magalang. Feeling ko tuloy magpapakasal na kame. Hehehe.
Tuwing gabi naman pag mag-isa na lang ako eh ang walang kamatayang recorded messages ko para kay Kate. Kanta dito, kanta dun. Nagkkwento ng tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Tapos ibibigay ko sa kanya sa umaga.
Teka, wondering kung ano nangyari dun sa mga bumugbog saken?! Nakaresbak na ko mga chong! May sarili atang kapit to no. Alanganamang magpadehado ko db?! Aba, masakit sa katawan ung ginawa nila no kaya dapat lang na mabugbog den sila. Sayang nga lang at di ako nakasama sa resbak.
Sa school naman eh, ayos lang. Di na kame masyadong nalalate kase nandyan na ung mga parents namen. May nag-aasikaso na samen. Si James at yung buong tropa eh ganun pa den saken, iwas to the max. Ewan ba dito sa James na to, abnormal! Pag-katapos kameng iligtas kuno-kuno sa mga karopa nia eh biglang magsusungot. Menopause?! Hehehe. Di bale, hindi naman talaga ko naniniwala in the first place na hindi nia pakana yun eh. Sigurado ko na sya mastermind nun. Kaya pag may meeting sila ni Kate tungkol sa baby thesis na suuradong kuno-kuno den eh sinasamahan ko si Kate. Keshong mabulok ako kakahintay masigurado ko lang na wala syang gagawin sa love of my life ko. Pero, dahil pinanganak akong may busilak na puso eh hinahayaan ko naman sila "paminsan-minsan" na silang dalawa lang. Sabi saken ni Kate eh, mabait naman si James. Wala naman daw ginagawang kung ano. Normal lang. Siguradahin lang talaga nia no kung hinde mabibigyan ko sya ng isang malaks na BGSHK!
Si Jane naman eh mejo tahimik lang. Surprisingly. Sobra dahil ang pagkakakilala ko dun sa pinsan ko na yun eh try and try until you die talaga ang motto at hindi papayag na hindi nia makukuha yun gusto nia. Ewan ba dun sa babae na yun kung likas na pinag-lihi sya ng nanay nia sa mga kontrabida ng mga telenovela o addict den sha sa mga telenobela. Pero napapansin ko den na lagi silang mag-kausap ni James. Isang kagulat-gulat na bagay dahil sapagkat daptapwat allergic sa kanya si James. Hehehe. Ewan, may hidden agenda ata sila.
At ayun, tuluyan nang natapos ang buwan ng Hunyo. Isang buwan pa lang yun pero parang ang dami ng nangyari. Nakakawindang pero at least, nakilala ko si Kate. Dun palang sobrang solb na ko. Na someone like Kate came into my life and gave a new meaning to it. HAYUP! Iba talaga effect saken ni Kate, akalain niOng nakapag english ako?! Isang sentence din yun ah! Hehehe.
At eto na ang pinakaaabangan kong buwan sa lahat ng buwan - august! Ang month ko! Ang buwan ko! Alam nio kung baket?! Shempre, birthday ko na sa dadating na august 5. (august 1 na ngayon, may pagkakataon pa kayong mag-prepare ng regalo nio para saken. Tatanggap ako ng gifts, ipadaan nio via LBC pero mas gusto cash, ipadala nio sa Western Union. Hehehe) Happy birthday to me na! Bwahahahaha!
Pero, happy nga ba talaga?
august 4 na. Ano ba yan?! Birthday ko na bukas. Pestengyawang buhay to. Ano kayang magandang gawin bukas? Magpa-party? Hinde. Masyadong pambata yun. Magpainom?! Hinde den. Wala na kong tropa na papainumin. eh alanganamang kami ni Kate ang maginuman db? Parang malabo ata yun. Haaaaaaay, kung nandito lang sana si kambal, eh di sana di ako nagiisip ng ganito. Kung nandito lang sana si Ate Jen, ok na sana kagad yung birthday ko.
"Lalim ng iniisip naten ah." [/color] Wow naman, nandito si Kate. sabi sa inyo eh, welcome na welcome sha dito samen.
"Di naman." Magdeny ba?! Di bale, ok lang yan. Birthday ko naman bukas eh. hehehe.
"Ano balak mo bukas sa birthday mo?"] Huwaw! Alam nia na birthday ko bukas.
"Pano mo alam?"[/color] Pano nga kaya nia nalaman? A.Chinika ng mama ko? Or B.pilit na ipinahiwatig ng bulol kong kapatid?
"Sinabi saken ni Kulet."
"Akalain mong naintindihan mo si Kulet?" *tawa*
"Oo, medyo gets ko na language ng kapatid mo." Ang sarap naman nia tignang tumawa."Ano na nga balak mo bukas?"
Wala nga eh. Di na kase ko pede magpainom, la na tropa ko. La na den si Ate Jen kaya la ng magpplano ng birthday ko]
"May ate ka?"
"Oo, si Ate Jen. Kambal ko yun at kaya lang sha naging ate eh nauna siyang uluwal ni Mama by 2 seconds. Laking diperensya no? Pero wala na sya. Car accident, nitong March lang. Sabi lasing daw ung nakabangga kay ate."
"So-sorry.."]
"Sus, la un no. Past is past. Uhm, Ganito na lang, punta ka na lang dito, mga 6PM, dinner tayo kase sigurado ipagluluto naman ako ni mama eh. Ok lang ba?"[/color] What a bright idea. A birthday with Kate. Talino ko talaga.
"Tinatanong pa ba yan? Shempre naman pupunta ko no. Ikaw pa. Pero baka ma-late ako ng konti dahil itong magaling na James na to eh nagdedemand na naman ng meeting. Galing nia no? Di nauubusan ng pagmeemeetingan."*tawa*
"Pwede bang wag ka na lang magpunta?" James talaga oh. Walang kupas ang timing. Pwede bang kahit bukas lang eh patirahin ko muna sya sa Mars? Agaw eksena eh.
"Di pwede eh. Importante DAW. Pero promise, dadating ako
"Basta pumunta ka ha. Hihintayin kita. Chaka mag-ingat ka dun kay James ha. Loko-loko yun eh
"Opo birthday celebrant. Sige na, alisa na ko. Matulog ka na ha.. Araw mo bukas. Cge, gudnyt Wala bang gudnyt kiss? Hehehe.
"Sige, babye. Gudnyt love of my life. Love you."
Nginitian lang nia ko tapos umalis na sya. Ngitingngiti pa lang, ok na talaga ko eh. Pero shempre mas maganda kung magiging kame na db? Para pwede ko na shang hawakan sa kamay, tapos yakapin chaka halikan.. Tapos pwede ko na sya pakasalan, tapos lilipat kame sa bahay namen, tapos magkakaanak kame ng madaming madaming madami. Saya siguro nun no?
]Nangarap na naman ng gising
Hoy sawsaw bawal kontra ngayon. Birthday ko na bukas. Hay naku, mkatulog na nga. At least sigurado na kong magiging masaya na talaga yung birthday ko bukas. Kahit wala tropa ko, kahit wala si kambal, nanjan naman si Kate. Presensha pa lang nia eh isang malaking birthday gift na.
Ano kayang mangyayari bukas?
Good morning world! Its my birthday, im gonna party like its my birthday im gonna sip bacardy (tama ba spelling kO? ... ang matalinong author ;D) like its my birthday! Yaahoooooooooooooooooo! Birthday ko na, birthday ko na, BIRTHDAY KO NA!!!
Start the day right dapat! Toothbrush para fresh breath tapos goli para mabango tapos bihis ng maganda para gwapo! Nakanaman, ang gwapo ko talaga pwede na ko dun sa tv idol! Im the man! Hehehe. Bumaba na ko. Grand entrance to mga chong! Kumbaga eh red carpet with matching torotot on the side. Shempre ganun talaga dapat, birthday ko eh!
"Ma, pagluto mo ko. Pupunta si Kate dito mamaya."
"At bakit kita ipagluluto?"
"Birthday ko!"
"Eh ano naman?"
"Ma naman..."
"Hay naku Mark, eto, Happy birthday! Yan, masaya ka na?"
"Sige na, pagluto mo na ko."
"O ayan, pera, bumili ka ng iluluto mo tapos iluto mo kung gusto mo. Aalis kame ng papa mo mamaya. Bukas na lang tayo lumabas ha. Pero bawala ka umalis ngayon, iiwan ko sayo si Kulet."
And poof, wala na sha. Bakit ba mga tao samen may lahing koko crunch?! Tong nanay ko na to talaga oh. If i know bibili lang sila ni papa ng regalo para saken. Talaga tong parientes ko, di na nagbago ng style! Since birth ata ganun na style nila eh. Style bulok. Hehehe.
Pero mukang seryoso inay ko na di sha magluluto ah. Sige na nga, ako na lang kahit hinde ako marunong. Eh ano naman iluluto ko?!? Naman oh. Umorder na lang kaya ako? Kaso wala namang personal touch un. Isi Mark, isip...
Sinigang? Nilaga? Puchero? Pata? Chicken? Steak? Huwaw! Sasarap nun ah. Kaso alam ko bang lutuin yun?! HINDE! Anong malay ko sa pagluto nun?! Huhuhuhu. ALAM KO NA! Bibili na lang ako ng cookbook sa national bookstore tapos chaka ako magluluto! TAMA!
And off to national bookstore. Waaaah, ang daming tao! Ang haba ng pila! Pero ok lang, basta makabili ng kailangan. Tapos teka... anong mga ingredients ba ang kailangan? Ayan.. ayun... Bili na nga ako sa supermarket. Anak ng putakte naman talaga, box office hit ang pila! This cannot be, tanghali na, kailangan ko ng mailuto to.
At after 49 yrs, sa wakas, napagbentahan den akO! Makakauwi na ko sa wakas! Grabe, kapagod pero hindi ako pwedeng magpahinga, kailangan makapgluto na ko. Teka.. Step1.. blah blah blah blah... LEche, ang hirap naman neto pero basta kaya ko to!
"Kua.."
Naku naman kulet, hindi mo ba nakikitang busy-busyhan ang kuya mO?
"Kua mamam.."
Ilang taon na tong kapatid ko na to mamam pa den tawag sa tubig. Sus naman!
"Ikaw na kumuha."
And so, balik sa pagluluto.. Step two... etc etc etc etc.. Pano ba yun? Ah baka ganito... Hiwain ichop imix, lintek naman o. Basta alam ko ganito yan, eto dito, yoon dun, yan ganyan. Wow, bango. Infairness mukang masarap. Hahaha, mukang tagumpay ako ah!
Now its time to set the table. Shempre dapat may utensils... Plate spoon at fork for two. Baso at centerpeice. Ayan, bulaklak... Uhmm... sa rooftop ko na lang iseset to. In fairness may weight ang mesa at upuan. Araguy.. nirarayuma na ata ako, ang bigat. Hay, tapos tong mga utensils pa. Tapos -
"Kua, mamam"
"Ikaw na kumuha."
Roses! Leche, wala pa kong roses! san ako ngayon hahanap ng roses nian?! Dangwa? Ang layo pero may choice ba ko? Wala! Go Mark, kaya mo yan! Liparin mo ang Dangwa. Ganito lang yan eh... Kulet, ang bato! DARNO! Nyahahahah, Darno daw oh. Patawa! Para naman kaseng di ko birthday neto eh, ako ung naghahanda! Tama ba un? Di bale, ok lang yan! Labs ko naman si Kate eh.
So eto na ang roses. Kumpleto na ang lamesa, ang kulang na lang ay ang kakain! Shempre maliligo na ko ulet para naman magmuka akong tao db? San ka naman nakakita ng gusgusing birthday celebrant! At isa pa, turn off un kaya goli muna ko ulet.. Porma, gel, at pabango and tada! Tao na ko ulet! Hehehe.
6:00 na pala, may isang oras pa ko. Nood muna ko ng tv! Hahaha, ang saya saya, excited na ko! Ang saya siguro nitong birthday na to. Db? Birthday wid da lab op ur layp! San ka pa?!
30 mins...
1 hr...
Nasan na kaya si Kate? Baka binibilan ako ng regalo! Hehehe.
1hr 30 mins...
Baka nahirpang pumili..
1hr 45 mins..
Baka mahaba pila...
2hrs...
Baka traffic..
2hrs 30 mins..
NASAN NA BA SI KATE?! Dapat nandito na un ah.. Baka kung ano na nangyari sa kanya ah. Anong gagawin ko? San ko sya hahanapin? Pano kung naaksidente sya? O kaya napahamak? Anong gagawin ko?
*KNOCK KNOCK KNOCK*
Finally! Sabi na nga ba dadating si Kate eh. Sus, un pa iinjanin ako eh labs ako nun. Hehehe. Teka, gwapo na ba ko? Hinde, ang tanong eh kelan ba naging hinde?! Nyahahaha.
"Hi - "
"Happy birthday pinsan!." JANE??? Ano naman daw ginagawa neto dito? Surprise visit? Kala ko ba galet kame?
"Mukang di ka pa sinisipot ng pinakamamahal mong si Kate ah.." Pano... Pano nia alam? "Stop wondering pinsan, she's out there flirting with someone else.. What's new anyway? That b!tch flirts with anyone..."
"Pwede ba Jane tigilan mo ko?!"
"Uuuuuuy, napipikon. Alam mo ever dearest cousin, concerned lang naman ako sayo.. And to prove na tama ako, i'll tell you where she is. Kate is in the park... Nasasayo na un kung pupuntahan mo sya. Happy birthday ulet! Enjoy..."
PARK??? MAY KASAMA??? SINO??? Tumakbo ko palabas papunta ng park. Pero bakit ba ko tumatakbo papunta dun? Eh nangako naman saken si Kte na pupunta sya sa bahay ah. Hindi pwedeng may kasamang iba si Kate. Nangako sya saken na magdidinner kame... Pero pano nalaman ni Jane na may kasama sya kung di nia nakita?! Hindi talaga pwedeng mangyari un eh, birthday ko.. Hindi pwede yun.. Nangako sya.. Sabi nia pupunta sya.. Kaya imposible talaga na may ka.... sa..... ma.... sya –
Pls sabihin niong hindi totoo tong nakikita ko. Pls sabihin niong joke lang to, victim, yari ka, wow mali! Na illusyon lang tong nakikita ko.. Na bangungot lang! Pls gisingin nio na ko. P*tang ina, parang awa nio na sabihin nio saken na hindi totoo na sa gitna ng park at sa gitna ng mga naglalaglagang dahon sa puno, nandun nakatayo si Kate at James - magkayakap.
PUTANG INA TALAGA.
No comments:
Post a Comment