“Ano bang problema mo ha?!”
“Tangna mo pala Mark eh. Kala ko ba walang taluhan?!"*BGSHK. Sapul si Mark sa mata*
Taluhan?! Sino bang unang nang-talo sameng dalawa?! Db sya?! P*ta, ang lakas ng loob niang magalet at suntukin ako!
“Tangna mo den!” *Sapul si James sa muka* “Db ikaw nagsabi na may the best man win?! Sinunod ko lang yung gusto mo James. Pinagbigyan lang kita.”
Ano ba talagng ipinuputok ng buchi neto ni James?!
“Akala ko kaibigan kita Mark! Bestfriends tayo db?! Baket hindi mo man lang saken sinabi?!” *BGSHK*
BESTFRIENDS?! Yeah right! Magkaibigang totoo kame!
*BGSHK BGSHK* “PUTANG INA JAMES TUMIGIL KA NA! Ano bang problema mo ha?! Ano?! Natatakot ka na ako ang sagutin nia?” *Sapul ulet si James* “Baket James? Kelan ba ko nanalo sayo?! Ano bang kinatatakot mo?!“
Tangna, nakakarami na sya ah! May dugo na oh! Leche!
*BGSHK. Sapul si Mark sa may bibig* “Wala kang kwentang kaibigan Mark! WALA KANG KWENTA!” *BGSHK BGSHL BGSHK*
AKO?! WALANG KWENTA?! Tangna! Sino kayang mas walang kwenta samen?! Ilang ulet na nia kong tinarantado sa babae pero ni minsan hindi ako nagalet sa kanya! Ni minsan, wala syang narinig galing saken! Nagpaubaya ako! Nagparaya! Tangna, yun na nga lang ginawa ko buong buhay ko eh! Tapos anO?! Eto sya ngayon nagagalit saken dahil pinaglalaban ko ung babaeng mahal ko!
*Hinawakan ni James si Mark sa kwelyo*
“Tandaan mo to Mark, simula ngayon, hindi na tayo magkaibigan. Simula ngayon, kalimutan mo ng may kaibigan kang James.”
Tinitigan nia ko ng masama bago nia ko binitiwan. Ngayon ko lang nakita si James na ganun kagalit. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Siguro nga may kasalanan ako kase hindi ko man lang sia sinabihan pero tangna, sya ba sinabihan nia ko nung niligawan nia si Kate?! Hinde db?! Ni ha ni ho wala akong narinig galing sa kanya tapos eto sya ngayon galet na galet at nagsususuntok! Bahala sya sa buhay nia. Kung gusto nia ng away, yun ang ibibigay ko sa kanya.
KALIMUTAN NA DEN NIANG MAY KAIBIGAN SIYANG MARK…
Umupo ako dun sa mga risers para kalmahin yung sarili koh. Hanggang ngayon kase nararamdaman ko pa ung urge na manapak. Hanggang ngayon nanggagalaiti pa ko sa galet. Hay naku, inpeyrnes masaket. Dumugo ba naman kase ung labi ko eh. At pupusta den ako na may black eye ako. Pano kaya ako magpapakita kay Kate? Ano kayang sasabihin ko? Hi Kate, nakipagsapakan ako? Sagwa.
Kaso gabi na. Kailangan ko ng umuwi. Tumayo na ko at nagbike papunta ng bahay habang ung isip ko nagliliwaliw sa kawalan. Ang daming mga tanong na pumapasok sa utak ko.. Pano kung mawala saken si Kate? Pano kung hindi nia ako matutunang mahalin? Anong mangyayari saken? Mabubuhay pa kaya ako? Siguro oo, siguro hinde.. Pero, isa ang sigurado, hindi ko na kakayanin pang maging masaya..
Maya maya nakarating na den akoh sa bahay. Iniwan ko ung bike sa labas tapos pumasok na ko. Binuksan ko yung pinto.. Nagulat na lang ako sa nakita ko - si Kate nakahiga sa sofa, natutulog. Baket kaya sya nandito? Siguro, inantay nia ko.. Nakanaman! Concerned sya saken! HAHAHA!
Lumapit ako kay Kate. Haaaaay, wala pa ding pinagbago, muka pa den syang anghel pag natutulog. Ang ganda ganda.. Tinanggal ko ung buhok na napupunta sa mata nia.. Sobrang kakapiranggot na lang yung distansya ko sa kanya.. Para kong hinihypnotize.. Parang sya lang at ako yung nag-eexist dito sa mundo.. Iba yung pakiramdam. Sobrang iba talaga.
"Mark.." Naalimpungatan sya. "Ikaw na ba yan?"
"Oo.. Bakit ka naman dito sa sofa natulog?"
Umupo sya. "Inaantay kase kita eh. San ka ba galing?"
"Sa basketball court. Gusto mo na ba matulog?"
"Oo sana.. Teka, bakit dumudugo yang bibig mo?"
Patay. "Ano kase eh.." Tinignan nia ko na parang sinasabing wag na kong magsinungaling. "Nag-away kame ni James."
Kinuwento ko yung ngyari habang tahimik syang nakinig. Actually, tahimik pa den sya hanggang sa matapos akong mag-kwento. Hindi talaga sya nag-sasalita.
"Kate?"
Tahimik pa den sya, parang nag-iisip. At sa hindi ko malamang dahilan eh biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Parang may masamang mangyayari.
"M-Mark, may sasabihin... May sasabihin ako sayo..."
GULP...
Sasabihin? Ano ba naman tong si Kate.. Ganda den chumempo eh noh? Nakita na ngang nabugbog ako tapos pakakabahin ako ng ganito.. Pero malay nio naman ang sabihin nia saken ay i love you too.. hehe. O kaya naman tayo na Mark.. Pwede deng will you marry me para mas masaya. Hahahaha. Malay nio naman db?
Asa ka pa..
Sige kumontra. Nakita na ngang nagpapalakas ako ng loob dito eh. Pano yung puso ko, nagtatangka na namang tumalon palabas ng dibdib ko sa sobrang kaba. Ewan ba. Bad vibes talaga eh. Dagdag nerbyos pa tong kabingi-binging katahimikan. Josmeng buhay to. Paki baril na nga lang ako pls.
"Ano Mark.. Kase tungkol sa ano... Sa inyo ni James.. Pinatigil ko na kase sya.."
HUWAW! Tama ba yung narinig ko?! Ibig sabihin... WAHAHAHA! Wala na kong kaagaw kay Kate! As in wala na kong karibal! Solo ko na sya! Yahu!
"Baket naman?"
Kungyari ka pa eh tuwang tuwa ka nga..
"Kase im still not over my past."
"Si Siege?" Hay naku, Siege na naman.. Talagang kung hindi si James ang inaalala nia eh si Siege naman.. Pano naman ako?
"Oo, kaya nga sana may hihingin akong pabor sayo.."
"Pabor? Sure why not. Kaw pa. Ano ba un?"
Kahit ano talaga gagawin ko para kay Kate no. Wag lang sanang fatal na tipong yun na yung huling bagay na gagawin ko sa buong buhay ko. Syempre magiging kame pa tapos magpapakasal, magpapatayo ng sariling bahay chaka magkaka-anak.
Managinip ba ng gising?
"Ano sana..." *Buntong hininga* "Mark pwede bang tigi - "
*TOK TOK TOK*
And there was a knock on the door. Sino kaya yun? Naputol tuloy yung sinasabi ni Kate. Lately talaga ang daming abala sa mundo no?! Pero ano bang magagawa ko eh nandyan na sila?!
Tumayo ako para buksan yung pinto. Si Drey, tropa ko. Ano naman kayang ginagawa ng kup@l na to dito?
"Oi pre, mus - " BGSHK!
'Tangna, ang lakas nun ah. Sa sobrang lakas napaupo ako sa sahig at natumba. MUKA BA KONG PUNCHING BAG?! Ano na naman bang pakulo to?! Latest craze ba ang suntukin ako?! Ano ba talaga gusto nilang mangyari?!
"Mark!" Tumakbo kagad si Kate sa tabi ko at tinulungan akong tumayo nung nakita nia na sinuntok ako nung sinto sinto kong katropa.
"Ano bang problema mo ha?! Kanina si James, tapos ngayon ikaw?! Ano bang trip nio sa buhay ha?! Manuntok ng kaibigan?!"
"Ganti lang yan chong. Nanunulot ka kase eh. Chaka anong kaibigan ang pinagsasasabi moh ha?! Hindi mo na kami kaibigan." Sabi nia na kalmadong kalmado lang tapos umalis na sya.
Kung hindi ba naman talagang nakakainit ng ulo to! Hahabulin ko sana sya at babawian ng isang malakas na suntok kaso inawat ako ni Kate. Ang laki ng problema nila no?! Nananahimik ako dito tapos bigla akong sasalubungan ng suntok. Bakit ba ako pinag-iinitan nitong mga to?! Bakit ba hindi nila pag-initan yang si James?! Sha naman naunang manulot ah! P*tang ina talaga nila! Mag-samasama na silang lahat, wala akong pakialam! Pagbuhul-buhulin ko pa sila jan eh.
"Mark, ok ka lang ba?"
"Oo.. Ok lang ako." Sabi ko sabay pahid sa dugo. Sinara ni Kate yung pinto tapos tinulungan nia kong umupo sa sofa. Kumuha sia ng basang face towel, cotton buds chaka gamot.
Umupo sya sa tabi ko tapos hinarap niya ung muka ko sa kanya. "Dahil ba saken kaya - "
Inilapat ko ung hintuturo ko sa labi nia. "Shhh. Wag mo na intindihin un. Ayos lang ako. Kaso sana , di mo ko pinigilan ng nakatikim ng isang malakas nasapak ung kumag na yun."
Pinunasan nia ung dugo.. "Para ano? Para madagdagan yang sakit mo sa katawan? Wag na no."
"Uuuuy, concerned."
Hindi sya nagsalita pero tinuloy na nia yung pag-gamot sa gilid nung labi ko na natamaan ng suntok. Medyo masakit nga eh pero, superman ata to no! Walang sakit sakit saken. Im a man of steel! hehehe.
Habang ginagamot nia ko, nakatingin lang ako sa kanya. At habang nakikita ko sya, hindi ko maiwasang mapaisip. Yung mga tipong, ano nga kaya ang mangyayari sa buhay ko pag nawala sya? Pag iniwan nia ko? Sa totoo lang, ayoko ng alamin. Ayoko ng isipin. Dahil ang gusto ko eh makasama sya habang buhay.
"Anong nginingiti-ngiti mo jan? Nasuntok ka na nga tapos - "
Hindi ko na sya pinatapos sa pag-sasalita. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.. Basta, yung mga braso ko, kusa na lang yumakap sa kanya.
"M-M-Mark.."
"Kate... Please, wag kang mawawala saken ha.. Mahal na mahal kase kita eh. Alam ko ang corny pakinggan pero, yun ung totoo. Hindi mo lang alam kung gano mo ko binago.. Kung gano mo ko pinasaya.. Kaya sana, wag ka ng mawawala sa buhay ko ha.. Dito ka na lang... Kahit ano gagawin ko wag mo lang ako iwan. Sige tulog ka na, may pasok pa tayo bukas. Gudnight.. Ako isipin mo bago ka matulog ha. I Love you Love of my Life..."
Hinalikan ko sya sa pisngi bago ko tuluyang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo na ko at dumerecho sa kwarto...
Sabay pahid ng mga luhang tumulo galing sa mga mata ko...
Wag mo ko iiwan ha.. Paulit-ulit sa utak ko yung sinabi na yun ni Mark. Naiwan lang akong nakatulala at nakaupo sa sofa. I was so dumbfounded that I wasn't even able to move. Parang na-freeze na lang ako dun bigla.. Parang may pumindot ng pause button sa remote at bigla akong nahinto sa paggalaw. Ewan ko ba.. Hindi lang siguro ko makapaniwala sa narinig ko.. Si Mark, ang ultimate joker at class clown slash personal clown ko, naging ganun ka-seryoso. Akala ko nga hindi sakop ng abilities nia ung pagiging seryoso eh. Alam nio yun, yung tipong wala sa bokabularyo nia yung salitang “serious”.
But today, just a minute ago, he was serious. Dead serious.
Ang saket talaga sa ulo.. Yung utak ko, parang sasabog na sa sobrang pag-iisip. Kung computer nga lang ako eh matagal na talaga kong nag-hang sa sobrang dame nung “data” na “pnoproccess” ko.. At chaka, kelan ba ko naging magaling sa pagdedesisyon? Never noh. Lalo na sa ganito.. Yung magkalaban ang sinasabi ng utak sa puso.
Contradicting thoughts.
Si Siege, my first love. And probably true love too. Kaso, he's a thing of the past. Obvious naman db? Wala na sya. He's gone and its my fault. And no matter how much I regret it, he will never come back. My tears won't bring him back. Even if I want to, even if he wants to, and even if the whole world wants to, he will never come back. Coz he can't. I can never feel his arms around me again, nor could I ever hear him say 'I love you Kate'.
Sana nga lang talaga nasabi ko man lang sa kanya kung gano ko sya ka-mahal. Sana nasabi ko man lang sa kanya na mahal na mahal na mahal ko sya and if there's one guy I would want to spend the rest of my life with, it would be him. Kaso nga, wala na sya. And I guess, I couldn't do anything about it.
However, there's Mark. Someone who's here with me now. Ngayon. Present. Alive na alive and he's doing everything that he can to make me happy. So, anong pipiliin ko? To stay trapped within my past or live my present life?
Siguro yung present. Wala na naman sigurong mag-oobject kung pipiliin kong sumaya db? But in my present life are two guys. James and Mark The Dynamic Duo.
Si James o si Mark?
Si James - gwapo, magaling kumanta, magaling mag-basketball, crush ng bayan, seryosong loko-loko, sweet, at makulet. “Siege-like”. Hearthrob at sobrang habulin ng mga babae. Prince charming yung dating.. Someone who's almost too good to be true. Yun nga lang, true sya. Nakikita at nahahawakan. Pero… Ewan. Parang may mali eh. Magaan yung loob ko sa kanya pero, hindi palagay. Tama. Magaan pero hindi palagay.
Si Mark - cute, magaling den kumanta (nakakahimatay nga yung boses nia eh), magaling den naman magbasketball at crush den ng bayan. Sobrang kulet, national patawa, gentleman, sweet, at higit sa lahat siya ang unan ko. Yung yumayakap saken pag malungkot ako, yung iniiyakan ko, yung pinagsasabihan ko ng problema ko. He's my knight in shining armor. Palagay yung loob ko sa kanya at napapatawa nia ko. Pag kasama ko sya, pakiramdam ko, safe ako. Yung tipong walang makakasakit saken. Chaka pag kasama ko sya, masaya ako.. Nakakalimot ako sa oras.. Nakakalimutan ko lahat… Including Siege. At isa pa, alam kong mahal na mahal nia ko.
Haaaaaay…. Ano ba yan, napapangiti na naman ko. Siguro nga between Mark and James eh si Mark yung mas matimbang. Kahit pa kamuka ni James si Siege. Pero it seems na my past has a way of creeping into me everytime I decide to move on. Ang saya noh? Sa tuwing nagiging ok yung lahat, biglang nagiging hindi ok. Everything I worked hard for suddenly vanishes into thin air. Tangay tangay yung “happiness”. The feeling I've been longing to feel since Siege.
Pero Mark deserves a chance. A fair and unbiased chance to prove himself to.. to me.. Actually that's what he's doing since the day he confessed. Pero hindi rin ba unfair na hayaan ko syang mag-effort to the max habang, yun nga, alam ko na nakatali pa den ako sa “mere memories” ni Siege. Pero sa bagay, hindi na naman ako committed sa kanya eh. Matagal na namang “terminated” yung relationship namen although walang formal ending.
Ano ba yan. Puro na lang pero.
Sabi ng utak ko wag ko nang hayaan pa na maging mas komplikado pa yung sitwasyon. Patigilin ko na sya to avoid hurts and problems, etc etc etc. But what my heart says is to give him a chance. Period.
The last time na sinunod ko ung utak ko, everything went wrong. Everything went crushing down on me. I lost everything. Including “him” and my happiness. Although takot na kong masaktan at takot na kong i-entrust sa kahit na kanino yung puso ko ulet eh ayoko na din naming mawala yung chance na sumaya ko ulet. Yung chance na mag-mahal ako ulet. Nothing would happen naman if I wont take the risk eh. Siguro nga it's about time to follow my heart. Its about time that I forget the past and face what's happening right now.
And what's happening right now is Mark...
Good morning Philippines! Hay, ang ganda ng gising ko ngayon ah. Kaso, badtrip. Kita pa den yung pasa ko sa mukha. Hay naku, inggit lang sila kase wala silang
ganito kagwapo, kacute at kacharming na muka kaya ayan, gumagawa sila ng paraan para mabawasan ung value ng muka ko. Ang hindi lang nila alam eh kahit anong gawin nila, pag cute ka, cute ka pa den. Hehehe.
“Mark, tara na! Malalate na tayo!”
Bye bye muna sayo gwapo kong reflection, tawag na ko ng aking love of my life eh. Teka, spray muna ng pabango para dagdag sa pogi points ko. At syempre, ang
mga pinagpuyatan kong nirecord kagabi.
Bumaba na ko at shet naman talaga, ang ganda ni Kate. Di bale, alam ko one day someday soon sasagutin den nia ko at magiging Kate “ko” na sya.
Lumapit sya saken. As in Ma-la-pet. Tinitignan nia yung mga pasa ko. With matching pahaplos-haplos effect pa.
“Masaket pa ba?”
“Ang thoughtful naman ng Kate ko. I love you.”
Nginitian lang nia ko tapos tumalikod siya.
“Wala bang I love you too?”
Humarap siya saken tapos pinisil yung ilong ko sabay sabing “Ang kulet mo talaga..”
Ngiti lang nia sobrang solb na talaga ko eh. Nakakagaan sa loob na nakakahawa. Contagious yung ngiti nia. Siguro kase maganda talaga yung ngiti nia. Siguro dahil si Kate sia. O malamang-lamang lang kase mahal ko sya.
“Huy Mark! Tara na..”
Pumasok na kame sa school. As usual, late na naman kame. Ano pa bang bago dun? Kinausap na nga kame ng prof namen eh. Isang late pa daw eh ipapatawag na yung
magulang namen. Sa isip-isip ko, para naman kameng highschool nian.. Ano yun, Parent-Teacher conference? Pero ok lang. Patawag nia. Wala naman dito parents
namen ni Kate eh. Hehehe.
Ang saya ko nga lang ngayon kase hindi na makalapit si James kay Kate. Alam na naman siguro nia na sinabi ko kay Kate yung ginawa nia. May utak den naman ung ugok na un kahit pano noh. Isa pa, pinatigil na sya ni Kate sa pangliligaw kaya ano pang dahilan nia para lumapit kay Kate db? Manigas sya jan.
Si Jane naman, pansin ko panay ang lapit kay James. Tama yan, magsama silang dalawang major asungot. Wag na talaga silang mag-lalalapit samen ni Kate para
naman kahit pano eh manahimik yung buhay namen.
Nung 2nd subject namen binigay ko ung isang tape kay Kate. Ngumiti lang sya at para na naman akong nasa heaven. Para ngang drugs yung ngiti nia eh.. nakakaddict. Hinahanap-hanap ko lagi. Pumunit sya ng papel sa pad nia tapos may sinulat siya. Tinupi nia tapos inabot nia saken.
..Thank you love of my life..
HUWAW! Tama ba tong nakikita ko?! Thank you love of my life?! Tinawag nia kong love of my life?! HAHAHAHAHA! Kung hindi ba naman ako hihimatayin sa tuwa! Senyales ba ito?! HAHAHA! Kahit ano pa yun, basta ang alam ko masaya ko! Love of my life daw oh?! God is good! All the time! All the time! God is good! HAHAHAHA!
“Mr. Vista! What is funny?!”
Walang makakasira sa saya ko ngayon! “Wala po ma’am. Masaya lang po yung puso ko.” Sabiko ng nakatingin kay Kate.
Akala siguro tuloy ng prof ko baliw ako kaya ayun, hinayaan na nia ko. Anong magagawa ko eh sa masaya ko eh. Oh, love of my life.. Hahahah.. Naka-high na naman ako!
Hanggang uwian, ganun yung mood ko. Sobrang saya at sobrang ligalig. Pati nga si Kate eh, tawa din ng tawa. Ang saya-saya talaga. Kumain muna kame sa KFC sa
may Dapitan chaka nag-kwentuhan. Hindi ko na sya tinanong kung baket may ‘love of my life’ dun. Baket ko pa tatanungin eh ang linaw linaw na ngang nakalagay dun db?! Baka mamaya magbago pa isip nia.
After naming kumain, nag-lakad na kame papunntang Espana. Dun kame sa Lacson dumaan ( Street yun sa gilid ng UST). Lakad lang kame, tawa ng tawa, kwentuhan ng kwentuhan. Parang kaming dalawa lang yung tao dun. Pero ang ipinapangako ko sa sambayanang Pilipinas, isang araw maglalakad den kame ni Kate ng hawak ko yung kamay nia... Ng kame na.
Ang saya saya ko nga ngayon eh. Lahat ok. Aba, bibihira lang mangyari saken na maging ok yung buong araw ko noh. Once in a blue moon lang yan kaya enjoy it while it lasts. hehehe.
Medyo lagpas na kame ng Lacson gate nung napansin ko na may grupo ng lalake na sumsuond samen. Ganun na ba ko kagawapo at may mga nababading saken? Hehehe. Nilingon ko sila. Tangna, tropa ni James sa kabilang sub. Yung tropa nia na puro basag-ulo at saket sa katawan ang hanap.
Kakasabi ko lang na ok ung araw eh. Kakasabi ko lang eh. Bwiset naman talaga oh. Ano naman kayang kailangan nga mag asungot na to samen at sumusunod sila samen?! Parang tuta kung makasunod eh.
Lakad lang kame, di ko sila pinapansin kaso palapit na sila ng palapit samen. Kumakabog na yung dibdib ko. Siguradong gulo hanap nila kaya nila kame sinusundan. Binilisan ko yung lakad kaso hindi makasunod si Kate.
“Kate, bilisan naten.” Binulong ko sa kanya sabay hatak.
“Ha? Baket?”
“Basta.”
Hinatak ko si Kate palayo kaso yung mga tropa ni James sumsunod pa den. Tangna talaga, ngayon pang kasama ko si Kate. Ano ba kaseng kailangan ng mga kupal na to? Binilisan namen yung lakad kahit nahihirapan si Kate na sumabay.
Maya maya, nasa harap na namin silang walo. Nakaharang. Tanga naman talaga oh.
“Pare, pwede ka bang makausap sandali?”
P*ta nangangamoy trouble to ah...
Napakapit saken si Kate ng mahigpit.
“Pare kung ano man yun, pls wag ngayon.”
“Kung ayaw mong makipagusap, yang kasama mo na lang.” Sabi nung isa sabay hinatak si Kate pero nahawakan ko siya sa braso. Nakikita ko na natatakot na siya ngayon. Pati naman ako eh. Pero hindi ko pwedeng ipahalata yun.
“Tol wag yang kasama ko. Ano bang kailangan nio ha?!” Kumakabog na yung dibdib ko. Sana kung ako lang eh, kaso kasama ko si Kate. Sa kwento pa man den saken ni dati ni James eh may pagkahalang ung mga bituka niang mga yan. Ewan ba kung pano nia naging tropa yang mga kumag na yan.
“Good boy ka naman pala eh. Tara, sumama ka na.” Hinatak nila kame papunta dun sa van na nakapark sa may tabi nung bangketa.
“Pare wag na yung kasama ko pls. Pauwiin nio na sya.”
“Anong gusto mo, isama ko sya sayo o iuwi ko sya sa bahay ko?!”
“Tangna pre, walang bastusan.”
*BGSHK* Aray. Sapul na naman ako. “Minumura mo ko ha?! Gusto mong pasabugin ko yang utak mo?” Yung mga tao, nagtitinginan na pero walang gumagalaw. Sumigaw kaya ako?! HELP! Kidnapper! Murderer! Rapist! Snatcher! Estapador! Mamamatay tao! HELP!
“W-w-wag.” Si Kate.. “S-s-sa-sasama po ako.”
“Di mo gayahin tong chicks mo. Mabait. Sige na, sumakay na kayo.”
Sumakay na kame sa Van. Napapagitnaan kame ni Kate nung dalawa sa mga tropa ni James. Yung kaninang nagsasalita yung nag-drive. Yumakap saken si Kate. Umiiyak.
“Mark…”
“Shhhhh.. Tama na.” Niyakap ko sya ng mahigpit hoping na tama na yun para mapalagay yung loob nia kahit pano. Wala naman kase akong ibang masabi eh, Hindi ko alam kung ano tong ngyayari. Hindi ko alam kung anong kailangan nila saken.. Samen.. Hindi ren ako makapag-isip ng maayos. Ni hindi ako makapag-isip ng paraan para makatakas. Maya maya tinakpan nila yung mata namen ng blindfold. Humigpit yung yakap saken ni Kate, nanginginig sya sa takot. Gusto kong sabihin sa kany na magiging ok den lahat pero hindi ko magawa dahil kahit ako natatakot na. Wag lang talaga nila sasaktan si Kate dahil p*tang ina, magkakamatayan talaga kame.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kameng nasa sasakyan. Siguro 30minutes, siguro isang oras, san ba nila kame dadalin?! Ano bang atraso ko sa kanila?! Baket ngayon pa kung kelan kasama ko si Kate?! P*tang ina naman kase eh. Ano na ba talagang nangyayari?!
Maya-maya huminto na ung sasakyan at pinababa na nila kame. Tinanggal na din nila yung blindfold namen. Hindi ko alam kung nasan kame. Wala akong idea. May isang bahay na parang 48 years ng pinabayaan. Muka na ngang pinamamahayan ng mga insekto, alikabok at multo eh. Tinulak nila kame papasok sa loob, pinaupo sa silya at tinali.
Ano ba to?! Hostage drama?! Kidnapping?! Ano ba?! For ransom?! Anong sasabihin ko?! "Wala kameng pera.. Mahirap lang po kame. Maawa na kayo samen. huhuhu.."?
Diyos ko po.. Pls help us.. Ipadala nio na si Angel Gabriel, Raphael, lahat ng mga anghel nio, kahit si Lucifer pwede nah! Superman, Batman, Robin, Spiderman, Captain Barbel, Darna.. Kahit sino..
Tulungan nio kame...
Ay grabe na to! Di na talaga ko makapag-isip. Obvious naman db? Pati sila Darna sinali ko na sa drama ng buhay ko. Leche naman kase talaga. Ano bang trip nitong mga to sa buhay nila!? Humanda sila pag ako nakawala dito, ipapa-imbestigador ko sila! Hindi namen kayo, tatantanan! hehehe.
"Tayo."
Yoko nga. Sarap sarap ng upo ko dito eh. Mag-please ka muna. hehehe.
"Sabi ko tayo."
Sira-ulo din tong mga to eh no?! Papaupuin, itatali tapos papatayuin. Pano kaya ako makakatayo kung nakatali akoh db?! May utak ba tong mga to ever?!
"Nakatali ako. Pano ko tatayo?"
Tinanggal nung isa yung tali kO tapos hinatak ako patayo. Tinalian nila ulet ung kamay ko sa likod. Di sila masyadong mahilig manghatak no? Medyo lang.
"Ano bang kailanagn nio samen ha?!"
"Sayo lang."
Ok payn. Saken lang. Eh di mas mabuti.
"Ano ngang kailangan nio?!"
*BGSHK*
"Yan?! Yan ang kailangan nio saken?! Dinala nio ko dito para bugbugin?! Eh ang duduwag nio naman pala eh!"
Yun na yung huli kong nasabi. Sinunod-sunod na nila ko ng suntok. Suntok dito, suntok dun. May kasama pa ngang sipa eh. Hindi ko alam kung baket nila ko binubugbog. Kung hindi lang ba ko nakatali dito eh si sana kanina ko pa sila inupakan. Naririnig ko si Kate sumisigaw ng "Tama na" pero wala na talaga ko magawa. Nakatali ako. Bug-bog sarado na. Wala na kong ibang magawa kundi ang maging punchuing bag nila. Masakit pala maging punching bag. hehe. Nagawa ko pang mag-joke no?! Shempre, ako pa. Superman......
ata....
tooooo...
Db?
At ayun na nga, bumagsak ako. Sa dami ng suntok, tadjak at sipa. Sa sobrang bugbog. Inupo nila ko dun sa silya. Naririnig ko silang tumatawa. Hahaha, nakakatawa. Feeling naman nila nian malaks na sila!? Eh kng hindi ba naman sila mga isa't kalahating tanga, panong di nila ako mapapatumba eh walo silang nagtutulong-tulong saken?! Kung hindi ba naman unfair yun no! Ikaw ba naman ang gawing dummy ni Manny Pacquiao ng walong tao di ka ba tutumba?! Take note, ng sabay sabay.
Binuhusan nila ko ng tubig sa ulo. Nice one. Ano un? Pangpagising o pampaligo? Ewan ko sa kanila. Humanda lang talaga sila saken pag nakarecover na ko. Tignan ko lang kung di sila pulutin sa kangkungan.
"Mark..."
Wow. Isang tingin pa lang ni Kate full charge na ko ulet! Kahit ilang ulet nila ko pabagsakin, di pa den nil ako matitibag! Im a man of steel nga db? HAHA! Man of steel! Sige Mark, magpalakas ka nalang ng loob dyan. Yun lang naman kaya kong gawin ngayon aside sa maging punching bag nila eh. Pero sa totoo lang, ang sakit. Sobra. Halos hindi ko na nga maidilat yung mata ko eh. Lahat ng parte ng katawan ko masaket. Hindi na talaga ko makagalaw.
"Mark... Ok ka lang ba?" Umiiyak si Kate. Hayup naman kase tong mga to eh. Bwiset. Kung hindi nila kami dinala dito, eh di sana nananahimik kame ni Kate sa bahay. Hindi sya umiiyak ngayon. Kaso hindi den ako makapagsalita. Pati ata muscles ko sa bibig nadali nila.
"Ui... Mark.. o-ok k-ka l-ang ba?"
"Sinabi ko bang magsalita ka?!" *PLAK*
PUTANG INA! ANONG KARAPATAN NIANG SAMPALIN SI KATE?!! GUSTO BA NIANG MAMATAY NA NGAYON?!!
"Tang ina mo ah! bading ka ba?! Bakit ka pumapatol sa babae?!"
"Ako?! Bading?! Gusto mong k******n ko yang chiks mo sa harap mo ha?!"
"G*GO KA PALA EH!!!" *BGSHK*
Tang ina pala talaga ia eh!! Ang kapal ng muka niang bastusin si Kate!!! ANG KAPAL NG MUKA NIA!!! Sa sobrang galit ko hindi ko na naramdaman ung sakit ng katawan ko. Ang alam ko lang nun, gusto ko syang suntukin! Ang kapal kapal talaga ng muka nia! Ano?! Hindi sya makalaban ngayon! Tangna, lampa naman pala tong isa na to eh! Malakas lang loob nia dahil may pito syang alipores na pang back-up.
Maya maya lahat na nung mga hunghang niang alipores eh inaawat na ko. Pano, ni isang suntok hindi nia ko napadapuan. Kala nia ah! LAMPA!!! Hawak na nila ko pero nagpupumiglas pa den ako. H*yup kase talaga tong g*gong to eh! Kung hindi nia sana binastos si Kate eh di sana hindi ko sya nasapak ng ganito!
"Ano?! Lalaban ka pa?! DUWAG!"
"Duwag pala ah!" *BGSHK*
At bago pa man ako maka-amba, pinagtulungan na naman nila ko. Suntok, sipa, tadjak. Balik sa buhay punching bag. Unti-unti na naman akong nanghihina. Ang naririnig ko na kang ay si Kate. Sinisigaw nia ung pangalan ko. Sabi sya ng sabi ng 'tama na'. Kung hindi lang ba kase sila sabay sabay db! Eh di sana lahat sila may boljak galing saken.
Tuloy tuloy lang sila sa pangbubugbog saken. Tuloy tuloy lang yung sipa suntok at tadjak nila. Tuloy tuloy lang den ung pagsigaw at pag-iyak ni Kate. Lahat yun tuloy tuloy lang hanggang sa may nagsalita.
"Tama na yan."
Ibang boses. Mahinahon lang. Pero pamilyar. Kahit masakit ung katawan ko, kahit puro dugo na ko, at kahit halos di na ko makagalaw, nilingon ko kung sino ung nagsalita. Nandun sya sa may pinto, nakatayo.
"Sinabi ng tama na eh."
Lumakas yung boses nung nagsasalita. Pamilyar talaga yung boses. Nakikita ko ung paa nia. Naglalakad sya papalapit samen. Lahat sila tumigil. Biglang nanahimik. Bigla silang nagsitakbuhan papalabas. Tinulungan nia ko tumayo tapos inupo nia ko sa silya.
"Ok ka lang ba?" Pinilit kong idilat ung mata ko. P*ta. Sabi na eh. Pamilyar yung boses. Pamilyar na pamilyar.
Si James...
No comments:
Post a Comment