Si Kate nga yun. Si Kate nga yung nakaupo dun. Nilapitan ko kagad siya - umiiyak. Hindi nia napansin na nandun ako. Basta, nakayuko siya at umiiyak. Iyak siya ng iyak. Tangna, baket na naman kaya?! Ano na naman kayang ginawa nung kupal na yun sa kanya?!
"Kate.."
Walang sagot.
"Kate.. Si Mark to.. Kate?"
Dahan dahan tumingin siya saken. Yung mata niya magang maga na sa kakaiyak. Wala na yung saya sa mata niya. Walang wala na. Nakatitig lang siya saken habang tahimik na tumutulo ung mga luha galing sa mata nia tapos...
Tapos bigla niya kong niyakap. Niyakap niya ko ng mahigpit tapos umiyak siya ng umiyak. Kitang kita ko na nasasaktan siya pero baket? Baket na naman ba siya nagkakaganito?! Ano na naman bang nangyari?!
"Shhh.. tahan na Kate.. Ano bang nangyari? Shhh.. Nandito na ko.. Wag ka na umiyak."
Hindi siya tumigil. Lalong humigpit ung yakap niya saken. Lalong lumakas yung iyak niya. Niyakap ko den siya, pilit na pinapatahan. Hindi ko na namalayan, pati ako, umiiyak na den. Nasasaktan kase ako eh. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ganito. Lalo na pag wala akong magawa para sa kanya.
"Kate?"
"Mark... Si Siege.."
Sabi na nga ba eh.
"Ano bang nangyari?"
"Si Siege.. Mark.." Puro un na lang ung naintindihan ko sa sinasabi nia. Naisip ko, hindi ko makakapagusap ng matino dito. Lalo na kung pati ako, ganito. Pinunasan ko na ung mata ko at tumayo.. Inaya ko si Kate sa loob ng koche para dun kame magusap.
"Kate? Sige na naman oh, sabihin mo na saken.. Ano bang nangyari?"
"Si Siege Mark.. Wala.. D-Di siya pu - pu- munta... Sabi niya pupuntahan nia ko.. Ta-pos tapos na-nkita ko siya.."
"Saan?"
"Ka-kasama si Jane.. Nan--nandun sila sa Lover's Lane.. Tapos... Maaark.."
Alam ko na ung nangyari. Hindi na niya kailangang ituloy pa. Alam na alam ko na. At P*TANG INA MAKAKAPATAY AKO NG TAO!
Umiiyak pa den siya. Humihibi. Niyakap ko ulet siya. Yun lang naman ang kaya kong gawin eh.. Hindi ko naman kayang tanggalin ung saket na nararamdaman nia. Hindi ko den kayang baguhin ung mga nangyayari.. Kahit gusto ko pa.. Hindi ko talaga kaya..
"Mark.. Baket ganun? Baket nangyayari ulet ung mga nangyayari dati? Masama ba ko? Baket ba nila ko ginaganito? Kala ko ok na pero baket ganun? Ano bang nagawa kong mali?"
"Shhhhh. Wala kang ginawa.. Hindi mo kasalanan un Kate.. Tahan na.. Wag ka na umiyak.."
Tangna naman kase eh, hindi ba pwedeng sumaya na lang siya?! Hindi ba pwedeng hindi na siya mahirapan at malungkot?! Hindi ba pwede na ako na lang yung sumalo ng lahat nung mga makakasakit sa kanya?! Hindi ba pwedeng ako na lang yung saktan nila?! Hindi ba pwedeng ako na lang ung pahirapan!? HINDI BA PWEDE YUN!? Tangna naman kase eh.. Pwede namang ako na lang db?! Kesa si Kate.. Kesa ung mahal ko.. Ako na lang.. Pls naman oh..
Hiniga niya ung ulo niya sa balikat ko, nakayakap sa braso ko. Nararamdaman ko pa den na humihikbi siya.. Na umiiyak pa den siya.. Ang saket. Ang saket saket. Sobrang saket. Masaket na makita mo ung mahal mo na nasasaktan dahil sa iba. Masaket dahil wala akong magawa. Masaket kase.. Kase hindi ako ung mahal nia.. Hindi ako..
"Sana.. Sana ikaw na lang yung minahal ko Mark.. Sana ikaw na lang si Si Siege.."
Kung pwede lang sana...
Inuwi ko si Kate sa bahay nila.. Nagthank you saken si tita pero hindi ko na kinwento yung nangyari. Baka kase mapagalitan pa siya. Dagdag pa yun sa problema nia. Pero hindi ako umalis.. Nagpaalam ako kay tita kung pwedeng bantayan ko si Kate.. Pumayag naman siya kaya etoh ko, nakatitig sa mukha ng babaeng mahal na mahal ko..
Haaay, baket kaya ganun ang buhay? Pag mahal mo, hindi ka mahal pero pag hindi mo naman mahal, mahal ka. Ang gulo db? Bat kaya hindi na lang ginawa ng Diyos na nagmamahalan ung lahat para wala ng nasasaktan? Para wala ng umiiyak.. Wala ng nahihirapan.. Ginagawa ko naman lahat pero wala pa ding nangyayari. Etoh pa den ako, nagmamahal. Nasasaktan. Pero ayos na den yun. Hindi naman ako nagmahal para sa kung ano eh. Mahal ko si Kate dahil mahal ko siya.
Si Kate... Kawawa naman. Mahal na mahal nia si Siege pero ganito ung nangyayari. Nahihirapan siya. Monthsary nila, hindi siya sinipot at mas malala nakita pa nia ung kupal na yun na kasama si Jane. Anong ginagawa? Eh di ano pa, naglalampungan. P*tang ina nilang dalawa! Mamatay na sila! Ano bang ginawang kasalanan sa kanila ni Kate ha? Wala naman eh.. Pero ayun pa den sila, tuloy lang sa pagpapahirap kay Kate..
Ano na kayang mangyayari bukas? Bukas makalawa? Araw-araw na naman bang iiyak si Kate? Araw araw ko na naman ba siyang yayakapin at patatahanin? Kelan kaya matatapos tong gulong toh?! Kelan kaya siya sasaya? Ako? Kelan ako sasaya?
"Siege..."
Hanggang sa pagtulog ba naman si Siege pa den hinahanap nia? Hay Kate, kung pwede ko lang talagang baguhin lahat. Kung kaya ko lang.
"Sige na, matulog ka na.. Nandito lang ako.. Babantayan kita.."
Ayan na, tumulo na naman ung mga luha ko..
"Wag ka aalis ah.."
"Oo.. Dito lang ako.. Hinding hindi hindi kita iiwan.. I Love you Kate.. I Love you Love of my Life.."
Hinalikan ko siya sa noo. Tinitigan. Habang walang sawang naglalabas ng luha yung mata ko. Kahit pigilan ko, ayaw tumigil. Ayaw huminto. Sobra na yung nararamdaman ko eh. Sobra na yung dindala ko sa dibdib. Tangna naman kase eh.. Mahal na mahal na mahal na mahal ko siya.. Wala pa kong minahal ng ganito sa buong buhay ko. Siya pa lang. Si Kate lang..
"Mark?" Si tita. Pinunasan ko kagad ung luha ko pero late na. Nakita na den nia.
"P-po?"
"Kumain ka muna oh."
"Thank you po tita.."
"Hay iho, hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?"
Hindi ako makakibo. Alam kong nahihirapan ako pero un naman ung gusto ko eh..
"Alam mo minsan may mga bagay na kailangan den nating pakawalan.. Kahit gano pa naten ka-gusto un. Kahit gano pa ka-importante. Minsan may mga bagay talagang hindi para saten.. Kailangan nating tanggapin yun. Kahit mahirap. Kahit masaket."
"Pero.." Baket kaya sinasabi saken ni tita to?
"Ganun den sa tao Mark. May mga taong minamahal naten ng mas higit pa sa buhay naten at pinapahalagahan ng sobra na minsan eh nakakalimutan na naten ung sarili nateng kaligayahan. Pero minsan den, yung mga tao na yon ay hindi ginawa ng Diyos para saten.. Kundi para sa ibang tao.. Mark, isipin mo naman ung sarili mo.. Alam ko mahirap pero isipin mo nalang na kailangan mo deng sumaya. Ganyan talaga ang buhay.. Minsan kung sino pa yung mahal na mahal naten eh yun pa ung kailangan nateng pakawalan..."
Tumayo na si tita at lumabas ng kwarto habang ako, naiwan dun na nag-iisip. Hindi ko kayang isipin ung sarili kong kaligayahan habang nahihirapan si Kate. Hindi ko siya kayang kalimutan. Hindi ko siya kayang iwan.
Hindi ko siya kayang pakawalan...
Umaga na ko umuwi samen para magbihis papasok ng skul. Kumain ako tapos inantay ko si Kate. Siguro lang hindi ko siya pwedeng pabayaan db? Siguro lang den hindi ko sha pwedeng hayaan na harapin si Siege mag-isa. Ang lakas ng vaybs kong kakausapin siya nung ewan na un eh. Syempre mag-sosorry. Magpapacute at manglalambing. Leche nia! Kala naman nia hahayaan kong makalapit siya kay Kate. Mangyari na kung anong mangyayari. Wala akong pakialam. Kung hindi nga lang ako sinabihan ni Kate na wag sapakin yang si "Siege", tangna, baka wala na siya sa mundo ngayon.
Tahimik lang kameng dalawa ni Kate. Nakakabingi pero ayos na den. Wala din naman akong masabi eh. Naisip ko lang, siguro tama na tong drama sa buhay ko. Tama si tita, kailangan ko ding masaya. Kakayanin ko naman sigurong mahalin si Kate at maging masaya ng sabay db? Kaya ko naman sigurong pasayahin siya kahit hindi kame. Eh hindi ko naman siya mapapasaya kung mismong ako eh lulugo-lugo kaya simula ngayon, lahat gagawin ko pra maging masaya kami pareho.
"Mark."
"Baket?"
"Si Siege... Nandyan."
Ayun nga ung ulupong. Naglalakad papunta samen at mukang natalo ng isang milyon. Ip i know, paawa epek lang yan para hindi magalit sa kanya si Kate.
"Kate, pwede ka bang makausap?" Pls lang pigilan niyo kong manapak! Nakakagigil amp*ta.
"Ayaw na kitang makausap. Ayaw na kitang makita." Nice one Kate.
"Kate, pls naman oh. Kahit sandali lang." Wag ka na chong! Lul mo!
"Pare pwede ba tumigil ka na?"
"Ano bang pakialam mo?! Ikaw ba kinakausap ko ha?!" Aba! Ang lakas ng loob na magmayabang ng isang to ah!
"James pwede ba tigilan mo na ko?! Tigilan na naten tong lokohan na to! Akala mo ba hindi ko alam na hindi ikaw si Siege?! Akala mo ba hindi ko alam na nagkukunwari ka lang?! Alam ko lahat un James.. Alam ko lahat un. Tanga na nga lang talaga ko dahil pumayag ako na gaguhin mo ko! Tanga na lang ako dahil akala ko mabubuhay si Siege sayo! Pero ano?! Anong ginawa mo!? Ginago mo lang ako! Kaya pwede ba, tama na tong lokohang to!"
*BGSHK*
"G*GO KA PALA EH!!!"
Hindi ko na napigilan ung sarili ko. Nasuntok ko na siya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Alam ni Kate.. Alam nia.. Pero wala siyang ginawa.. Si James - tangna nia talaga! Mamatay na siyang hayop siya! Ang lakas ng loob niyang gaguhin si Kate. Ako. Yung buong tropa. Kaming lahat! Ang g*go g*go nia!!!
*BGSHK BGSHK BGHSHK*
Sunod-sunod ung suntok ko sa kanya. Lahat ng galit ko, dun ko na nailabas. Lahat ng saket na naramdaman ko. Lahat ng hirap. Para sa lahat ng ginawa niya kay Kate - sa pangloloko, sa pag-papaiyak.
Itinayo ko siya tapos hinawakan sa kwelyo. Kahit may dugo dugo na ung muka nia, wala akong pakialam.
"Ano ha?! ANO!!? Tumayo ko jan! Lumaban ka! Tang ina mo James! Bat mo to ginawa?! Sabihin mo saken, baket mo kame kailangang lokohin?! Grabe, ang galing mo den talaga! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?! ALAM MO BA?"
Hindi na siya makapagsalita. Si Kate tahimik lang na naiiyak.
"Mark, tama na.. Hayaan na naten siya.."
Susuntukin ko pa sana siya pero umawat na si Kate.
"Pasalamat ka marunong maawa sa mga kagaya mo si Kate. Pasalamat ka hindi siya kagaya mo dahil kung hindi, napatay na kita."
"Mark.."
"Alam mo, binalaan na kita eh.. Sabi ko sa oras na saktan mo pa ulet si Kate, hindi na kita sasantuhin. Sabi ko sayo, babawiin ko siya. Pero hindi ka nakinig kaya tandaan mo to James, isaksak mo to sa kokote mo. Ayoko ng makita yang pagmumuka mo at mas lalong wag na wag ka ng lalapit pa kay Kate! Naintindihan mo ba yun ha?!"
Tinulak ko na siya tapos hinatak ko na paalis si Kate. Hindi siya nag-sasalita at alam kong hindi siya ok kaya dinala ko siya ulet sa tuktok ng main building.. Dun sa may edge kung san kita mo ung buong maynila.. Kung san kita mo lahat..
"Hindi kita pipigilang umiyak ngayon.. Hindi kita papatahanin.." Tumingin siya saken.. Puno pa den ng saket at luha ung mga mata niya.. "Alam mo ba kung anong gagawin ko? Yayakapin lang kita at hahayaan kitang umiyak.."
Yumakap na siya saken at tuluyan nang umiyak.
"Iiyak mo na lahat yan dahil ito na ang huling beses na iiyak ka..."
Sa wakas, tumila na ang ulan. Humupa na ang bagyo. Magiging ok na si Kate dahil sa wakas tapos na ang gulo. Tapos na lahat malaiban na lang sa isa.. Maliban sa kwento naming dalawa. Yung kwentong hindi ko isusuko hangga't di nagkakaroon ng happy ending. Nakarating na ko ng ganito kalayo.. Hindi na ko hihinto.
"Kate?"
Tumingin lang siya saken. Halatang malungkot pa den siya pero kahit ganun, hindi na siya umiiyak.
"Gusto mo pasyal na lang muna tayo?"
"San tayo pupunta?"
"San mo ba gusto?"
"Kahit saan basta masaya.."
"Tara SM tayo."
Nagpunta nga kaming dalawa sa SM San Lazaro. Hindi ko pa kase nabibisita ung bagong mall na un eh. Chaka para maiba-iba naman db? yun, kumain muna kaming dalawa sa Tokyo Tokyo at pagkatapos naming kumain eh masaya-saya na siya. Shempre hindi niya malalabanan ang aking irresistable sense of humor at charms db?
Naglibot-libot muna kame hanggang sa makarating kame sa Quantum. Nag-laro kame nung Air Hockey kung saan nalaos lang naman ang kagwapuhan ko kay Kate. Ang lupet, nio hindi ako nakaisa. Pwedeng pwede na siyang mag-varsity ng Air Hockey. Hehehe. Nag-laro kame ng kung ano-ano dun lalo na ung "di-token na pindot ka lang ng pindot ng kahit anong mapipindot". DUn naman ako rumesbak. Expert ata ako sa pag-pindot. Hehehe.
Hanggang hapon, dun lang kame sa Quantum. Paikot-ikot, naglalaro, nag-aasaran, nag-kukulitan at higit sa lahat nag-tatapon ng pera sa pagbili ng mga token. Masaya ko kase masaya siya. Balik na kame sa normal. Balik na kame sa dati. Wala ng lungkot, puro saya na lang..
"Mark, videoke tayo. kanta ka.."
"Kala ko ba tayo? Eh baket ako lang ung kakanta? Kaw talaga."
"Syempre style un! Hehehe." To talagang si Kate oh.
"O siya sige, dun tayo sa loob.."
"Wag na, jan na lang. Maganda naman boses mo eh. Televised pa." Lingid kase sa kaalaman ng nakararami eh may tv sa salamin nung Quantum na un at ang palabas eh ung mga nagsisikanta sa stage. Ayos db? Instant celebrity ka.
"Ayoko nga, nakakahiya."
"Sus, nahiya ka pa.. Sige na, kanta na. O ayan token."
Wala na nga akong nagawa. Inichahan na niya ko ng token at tinulak paakyat ng stage. Lahat ng tao nakatingin. Josme, baka madiscover ako nito ah. Mahirap na, ayoko atang maging celebrity. Pano na studies ko niyan pag nagkataon?
Lumapit na saken si Kuyang tagapindot ng videoke machine at tinanong kung anong gusto kong kanta. Binulong ko sa kanya at habang dinudutdot niya ung videoke machine eh sinamantala ko na yung pagkakataon..
"Pasensya na po kung may konting speech pa ko bago kumanta.. Ah.. Gusto ko lang po sanang idedicate tong kantang to sa kanya.. Thank you po."
Nag-play na ung intro at maya-maya, nagumpisa ng tumugtog ung kanta.."Umiiyak ka na naman.. Langya talaga, wala ka bang ibang alam? Namumugtong mga mata.. Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa, Sa problema na iyong pinapasan.. Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan.. May kwento kang pandrama na naman.. Parang pang TV na walang katapusan.. Hanggang kailan ka bang ganyan? Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga.. Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka.. Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga... Hindi na dapat pag-usapan pa Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita Hindi ka rin naman nakikinig Kahit sobrang pagod na ang aking bibig Sa mga payo kong di mo pinapansin Akala mo?y nakikinig di rin naman tatanggapin Ayoko nang isipin pa Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya Ang dami-dami naman diyang iba Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita Na lalake na magmahal sayo At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siya'y pinapangarap ko.. Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.. Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siya?y pinapangarap ko... Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.."
No comments:
Post a Comment