"Kate, sana isang araw bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipakita sayo kung gano ka kahalaga."
Haaaay etoh na! Nangangamoy bakasyon na! Kung di ba naman talagang gaganahan kang matulog! Sa wakas kase eh nagkaron na ng peace and order ang buhay namen. Akalain nio un?! After 48 yrs eh natapos den yung iyakan.. Kahit talagang nasira na ung pagkakaibigan namen ni James eh ok lang. Kasalanan niya un noh. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating mangmang, eh di sana hindi kame nagkaganito. To namang bruha kong pinsan eh taking advantage of the situation. Todo dikit kay James. Todo kapit todo sunod to the point na nagmumuka na siyang tuta. Yung grades ko naman. aysus! Pasa lahat. Wala akong singko. Kung di ba naman talaga ko pinagpapala ng Diyos oh. (Perfect nga ung prelims ko sa Math!)
Kame ni Kate? Ganun pa den. Wala ng ibang ginawa kung hindi magkulitan. Yun nga ung mga moments na naiiisip kong ang swrte swerte ko kase pagkatapos nung lahat ng mga nangyari, walang nagbago samen. Kahit alam niang hindi lang siya simpleng kaibigan para saken eh hindi siya lumayo. Wala lang.. Tuloy lang ang ikot ng buhay.
Kaya naman ang saya saya nung dumating na nga yung sembreak. Patunga-tunganga na lang ako.. Patulog-tulog. Heaven! Ang masaya pa eh malapit na ung inter-sub intramurals. At pag may intrams shempre may basketball. Yahoo! Ang saya saya! Kame ata defending champion noh.. Andito ko eh! Kombinasyon ata to ni Shaq, Duncan, at Jordan! Oh ha, san ka pa!?
Ang kwela nun, si James eh sumali dun sa mga repapips niya sa kabilang sub. Yung mga nangbugbog saken na nabawian ko den naman.. Loko nila, susupalpalin ko silang lahat! Pag ganitong gigil na gigil ako sa mga pgmumuka nila, wag silang pepengal. Kaya naman todo practice kame ng tropa db? At si Kate, laging nandun sa mga practice namen.. Nanonood. Inspiradong inspirado naman ako! Lahat shoot, walang sablay. Tangna, isang ngiti lang niya full charge na ko kagad eh. Makita ko lang na nandun siya, solb na ko..
Practice lang ng practice hanggang sa nag-umpisa na yung eliminations. 8ng subdivisions yung kasali. Para ngang UAAP eh kaso lang wala kameng mga hayop sa pangalan ng team. Color-coding lang. Panalo kame sa first game. Pati sa 2nd sa 3rd sa 4th hanggang sa pasok na kame sa Finals. Walang kahirap hirap db? Oo, walang kahirap-hirap, lahat sila tinambakan namen. Ang kaso lang eh ganun den ung team nila James na nasa bracket B naman. Ganun den kabilis ung panalo nila at pasok na sila sa Finals. Pasok sila, pasok kame. Isa lang ang ibig sabihin nun...
Maghaharap kame ulet ni James...
*PRRRRRRRRRRRRRRT!*
End of 3rd quarter na. Isang quarter na lang. Tangnang yan, lamang pa sila ng 15 points. 12 minutes, running time, 15 points. Kaya ba namen yun? Bwiset naman kase eh, lamang na kame nung 2nd quarter kaso ang dumi nila maglaro. Nangbabalya. Tong ref naman parang kailangan mo pang bigyan ng binoculars para makita ung nangyayari! Ano ba to?! No blood no foul?! Na-injury na ung captain namen at hindi na nakapaglaro wala pa deng tawag. Pero etoh, panay ang tawag samen! Kung di ka ba naman talagang makakapag-dakdak ng referee!
"Mark oh, tubig."
Nice naman. Tubig from Kate. Narerecharge na naman ako. Wooohooo..
"Ganito.. Hayaan nio na silang mangbalya ng mangbalya. Wala na tayong magagawa dun. Wag na kayong gumanti, alam nio namang bias ung ref eh. Cool lang kayo. Easy lang.. Oh ito game plan naten. Sa defense tao-tao tayo. I-double niyo ung magshooshoot. I-rebound niyo ung bola. Makipagatayan kayo para sa bola. Sa offense screenan niyo. Go for 3. Pag di pumasok rebound niyo. Labas niyo ung bola tapos go for 2 para di sayang yung score. Malinaw na ba un?"
Tumango kamen lahat. Ang galing ng captain namen, kahit injured nkakapagproduce pa den ng magandang game plan!
*PRRRRRRRRT!*
Etoh na. Jumpball. Samen bola. Shoot. 85-73 na. 12 points na lang. Bola na nila. Pinasa kay James, fastbreak. Di ko nahabol, shoot. bola namen, bola nila, bola namen, bola nila. Makkakashoot kame, makakashoot sila. Punyeta, pano kame aabot nito?
4th Quarter na, last 2 minutes.
"Ganito, Mark, kailangan naten ng 3 points. Kahit anong mangyari, 3 points tayo. Pag di pumasok, rebound niyo tapos ipasa niyo ulet kay Mark. Paul, screenan mo. Kailangang naten ng puntos. Sige na, GO!"
GO talaga. Papatay na ko para sa bola.
"Mark." Tinawag ako ni Kate. Bat kaya? "Mark, galingan mo ah.. I-checheer kita. Sige na, Shoot that ball!"
Nginitan niya ako and suddenly magically nabuhayan ako ng loob. Etoh na, nararamdaman ko ng mananalo kame. Mananalo talaga kame. Mashooshoot ko tong bolang to. Mananalo kame.
Ayan na, bola na namen. Pinasa saken ni Paul, tinakbo ko sa three point line... Etoh na. Shoot yan, Shoot yan.. Shooooooooooooooooot..
"YES!"
"Nice one Mark! Wooooooooooh!" Si Kate talaga oh. Kinikilig ako nito eh. Hehehe.
Bola na nila. Kay James ang bola. Wahahaha. Patay kang bata ka. Di shoo-shoot yan! PLAK! Tangna mo, palpal ka ngayon! HIDNE NA KAYO MAKAKA-SHOOT!
Tumatakbo ang oras, kumokonti ang lamang. Last 30 seconds, 2 points na lang ang lamang. Nasaken ang bola, nakabantay saken si James. Asa siya. Hinde niya ko kaya. Lalo na't ganito ko ka-inspirado at ganito ko kabanas sa kanya! Wag na shang pepengal at baka tuluyan na nga tong maging wrestling!
"Hinde ka makakashoot."
"Asa ka James. Tignan mo kung pano ko papasukin tong bola na to sa harap mo."
Konting dribble, konting pang-lito, nakalusot na ko. 3-point line, isang fake.. Tangnang yan mashoot ka. Mashoot ka.
Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka.
"Shoot yan! Go Maaaaaaaaaaark!"
Ang lakas ko manalangin. Pasok.
YahuNg yAhoo! Panalo kame! Pano ba yan?! Kame champion at etoh pa! Eto pa talaga! MVP ako! Kung di ba naman ako talagang magiging masaya niyan?! Supalpal si James at pakramdam ko bawing bawi na talaga ko sa lahat ng mga pinag-gagawa niya. Sayang nga lang, di sha natamaan ng bola sa muka. Eh di ang gwapo gwapo sana niya ngayon! Rosy face db?!
At dahil panalo kame, may celebration! Buong team dumerecho sa bahay, pati ung mga klasmate nameng babae na nanood.. At shempre, si Kate. Pwede ba namang wala sa pag-cecelebrate ko ung inspirasyon ko nung laro? Di lang nila alam pero si Kate talaga ang rason kung baket ako nakashoot. Ayoko atang mapahiya sa kanya no. Todo cheer pa man den siya.
Nagpabili kagad ako kay manang ng inom at chibog! Tradisyon na kase namen na twing panalo eh magpapainom ang MVP. Ehem ehem, cno ba ang MVP? Etong pinaka-cute, pinaka-charming at pinaka-mabait ata!
Pagdating ng chibog eh, LETS PARTY! Nag-kainan na kame, kwentuhan, inuman. Ngayon na lang ako siguro naging ganito kasaya sa loob ng ilang buwan nga ba? Isa? Dalawa? Ewan ko. Hindi na mahalaga yun. Ang importante, buhay pa ko, masaya at kasama si Kate.. Dito sa tabi ko.. Kahit hinde kame, ayos lang. Hu cares? Basta masaya sha, masaya na den ako. Motto ko na nga sa buhay yun eh.
"Oh Mark, pano ba yan? MVP ah.. Mukang inspirado.."[/color]
"Syempre naman.."
"Pero lam mo tol, buti na lang nanalo tayo. Isipin mo na lang kung pano nila tayo pagtatawanan kung natalo tayo. Lalo na ung James na un."
"Sinabi mo pa. Kung di lang ako takot na ma-foul out, siniko ko na ung mga pagmumuka nung mga dugyot na un eh. Lalo na si James?! Pucha, ang sarap patikimin ng siko."
"Easy lang pre.. Panalo na naman tayo db?"
"Oo nga, pero nakakagigil pa den talaga pag naiisip ko ung ginawa niya. Ang lakas niya mang-g*go. Nagui-guilty tuloy ako pag naaalala kong nagalit tayo dito kay Mark nung nagkabangga sila ni James."
"Oo nga, lalo na si Ryan. Sinapak pa si Mark!"
*tawanan*
"Sus mga tol, wala na yun. Wag na nateng isipin yun, tapos na yun eh. Chaka isa pa, ayos na naman tayo db?"
"Woooooh, ang bait naten ah."
"Nanjan lang kase si Kate.."
*tawanan*
Napatingin ako kay Kate. Medyo napapangiti siya pero tahimik pa den. Hindi ko alam kung baket sha ganun. Db dapat masaya ngayon?! Db dapat masaya siya para samen? Saken? Hay layp. You are so unfair!
"Oi Kate, galaw galaw baka mastroke."
"Uhm, Mark, sandali lang ah.." Tumayo siya tapos umalis. Nyemas naman talaga oh. Tang!
"Naku Mark, napikon ata. Tsk tsk tsk."
"Sundan mo na.."
"Dali, sundan mo na tol!"
Tumayo ako tapos sinundan ko na si Kate. Dun ko siya sa rooftop tinignan. At yun, nandun nga siya. Nakatayo, tulala, at malamang-lamang lang eh nagmumuni-muna na naman tungkol sa mga bagay na hinde na sana niya iniisip.
"Kate."
"O Mark, bat nandito ka? Dapat db nandun ka sa baba?"
"Eh iniwan kase ako nung gusto kong makasama sa pag-cecelebrate eh.."
"Kaw talaga.. Sige na, baba na. Baka hinihintay ka na nila."
"Ayoko, dito lang ako.. Kung nasan ka, gusto ko nandun den ako. Ayoko na kaseng mawala ka ulet eh.."
Nagbuntong hininga lang sha tapos hinde na sha nagsalita. Tumulala na naman siya sa kawalan, habang ako, nandun, nabibingi sa katahimikan at unti unti na namang nakakaramdam ng saket. Parang dahan dahang binubutas ng katahimikan ung puso ko.. Palalim ng palalim.. Pasaket ng pasaket.
"Kate.. Kung.. Kung hihingin ko ba sayong kalimutan mo si Siege... Si James.. At ung nakaraan, pagbibigyan mo ba ko?"
"H-ha?"
"Kung.. Kung hihingin ko ba sayong bigyan mo ko ng pagkakataon na mahalin ka.. na alagaan ka.. Pagbibigyan mo ba ko?"
"Mark.."
"Pls naman Kate oh, pagbigyan mo na ko.."
"Hindi kase ganun kadali un eh.. Kung kaya ko lang sanang - "
"Kate oo lang o hinde. Alam mo kase, nasasaktan den naman ako eh. Nahihirapan den ako. Kung hindi talaga pwede, tatanggapin ko kahit mahirap pero sana, hayaan mo naman akong mahalin ka.."
"Mark, pls naman, wag ka naman sanang maging selfish."
Tama ba yung narinig ko?! Ako?! Selfish?! Makasarili?! Ano un, joke?! Tangna, kung maksarili ako, pano na ung iba?! Simula nung makilala ko si Kate wala na kong ibang inisip kung hindi ung kapakanan niya, ung kaligayahan niya.. Kinalimutan ko na nga ung sarili ko dahil sa kanya eh. Tapos ganito, sasabihan niya ko ng makasarili?! P*tang ina naman.
"Mahirap ung sitwasyon ko Mark.. Kung alam mo lang kung gano kahirap.. Kaya sana naman intindihin mo ung nararamdaman ko.."
"Kate! Hanggang kelan ba ko dapat maghintay na makalimutan mo ung nakaraan?! Hanggang kelan ba ko dapat maghintay na mawala si Siege sa puso mo?! Hanggang kelan ba ko makikipaglaban sa taong patay na!? Alam mo, hindi ko na nga alam kung sinong kailangan kong hintaying mawala sa puso mo eh, si Siege ba o si James?! Kate, kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako! Nasasaktan ako sa twing nakikita kitang umiiyak ng dahil kay Siege.. Ng dahil kay James.. Nasasaktan ako ng doble sa twing nasasaktan ka! Lalo na pag wala akong magawa maliban sa yakapin at patahanin ka.. Pag - pag hindi kita mapangiti, pag hindi kita masaya.. Pag hindi ko magawang alisin ung saket na nararamdaman mo! Masaket saken un Kate.. Masaket na makita kang umiiyak at nahihirapan dahil sa taong hindi ka kayang alagaan habang ako walang sawang naghihintay na mahalin mo.. Na pansinin mo.. Na mabigyan man lang ng pagkakataong mahalin ka.. Na ipakita sayo kung gano ka ka-halaga.. Kaya kung nagkakaganito man ako ngayon, sisihin mo ung tanga kong puso.. Yung puso kong walang sawang umaasa na maambunan ng atensyon mo.. Hindi ako makasarili Kate, mahal lang talaga kita.."
Hindi ko na kinaya. Masyado ng masaket.
Kaya umalis ako na dalawa kameng umiiyak...
No comments:
Post a Comment