Simply Kate part 18

Kahit anong gawen ko, hindi ko pa rin macomprehend yung pinaliwanag saken nung “tao” na yun. Sya daw si Siege. Pero hindi pwede. Walang kakambal si James. WALA! Kung meron, eh di sana alam ko.. Eh since birth nga magkaibigan na kame db? At isa pa, ano ung pinagsasasabi niang amnesia?! Amnesia amnesia.. If I know, nagaamnesia-amnesiahan lang yun. Na-overdose siguro un sa telenobela.

Oo. At ikaw, malapit ng ma-overdose sa alak. Langya, isang lingo bang gawing tubig ang beer.

Ah leche. Kontra ka. Tong beer na nga lang kakampi ko eh, tapos ipagbabawal mo pa. Naman, panong hindi ako iinom?! Sobrang sakit eh. Ikaw ba naman, araw-araw mong makita ung babaeng mahal mo na kasama nung lecheng ewan na un na laging magkasama, magkaholding hands, sobrang saya at halos papakin na ng langgam sa sobrang sweet, hindi ka ba maglalasing?! Hindi mo ba hihilingin na sana, hindi ka nalang ipinanganak?! O kaya sana, bigla ka na lang pumutok na parang bula para pati ung sakit na nararamdaman mo eh pumutok na den?! Tangna, kung alam nio lang kung anong nararamdaman ko ngayon.. 

“Mark..?”

Haaay.. tignan nio, sa sobrang miss ko na si Kate, naririnig ko na ung boses nia. At take note, tinatawag ako. Nice one Mark. Sige, maghallucinate ka.. Isipin mong sa gitna ng paglalasing mo eh pupuntahan ka ni Kate.

“M-M-Mark? Pwede bang pumasok?”

And look, the magical voice is asking for permission to enter my room! Nax naman, marunong naman pala kong mag-english pag lasing eh. Pumasok kaya ako ng English ng lasing? Baka sakling maka-uno pa ko.

“Mark? Papasok na ko ah.”

Aba, at papasok na daw sya. Tignan ko nga kung bubukas ung pinto. Open Se… sa…. KATE?! 
“Mark… Mark, anong.. anong ngyari sayo?”

Tangna. Si Kate nga. Pero.. Anong ginagawa nia dito? Baket.. Baket sya nandito? Ano – 

“Mark…” 

Tumakbo sya papalapit saken.

“Kate…”

“Mark.. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Ilang araw ka ng absent. Ilang araw ka nang pumapasok ng lasing.. Ano bang nangyayari sayo?”

Nangyayari saken? Hindi ba obvious kung anong ngyayari saken? 

“Kate, nasasaktan ako. Tama na. Pinipilit na kitang kalimutan kaya sana wag mo na kong pahirapan. Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong magkasama. Nasasaktan ako pag nakikita ko kayong masaya. Hindi ko alam kung bakit.. Db un naman ung gusto kong mangyari? Yung sumaya ka? Pero twing nakikita kitang nakangiti at nakatawa ng dahil sa kanya.. Kate, masaket.”

“Pero Mark – “

“Tama na Kate. Maawa ka naman saken oh.. Pls, kahit ngayon lang, maawa ka naman saken..”

Hindi ko na napigilan. Napaiyak na den ako. Lumabas na lahat nung nararamdaman ko. Lahat nung bigat, galet, saket. Lahat nung emosyon na kinimkim ko ng isang lingo, bumuhos. Hindi ko na talaga kaya eh.. Hindi na. Sobra na.

“Mark..”

“Pls lang Kate, iwasan mo na ko. Wag ka ng magpapakita saken..”

“Hinde. Ayoko. Gusto ko magkaibigan pa den tayo.”

Hinawakan ko sya sa balikat at tinitigan sa mata – sa mga mata niyang umiiyak.

“Ano bang gusto mo Kate? Gusto mo ba na umarte ako na parang walang nangyari?! Kumilos ako na parang hindi ko kayo nakikita?! O gusto mong umarte ako na hindi naaapektuhan?! KATE HINDI KO KAYA!”

“Mark, ang gusto ko lang naman kase – yung – yung bumalik tayo sa dati. Maging ok tayo ulet. Gusto ko – pumasok ka. Wag ka – wag ka ng maglasing. Maging masaya ka.”

“Masaya? Kate, pano kong magiging masaya? SABIHIN MO NGA SAKEN, PANO KO MAGIGING MASAYA?!”

Parang sinasaksak ng paulit ulit ung puso ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya kayang makitang malungkot. Mas kaya kong makita na masaya sya kahit hindi ako yung kasama nia kesa sa ganito.. Umiiyak siya, nahihirapan.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

“Shhhhh.. Tama na Kate.. Tama na. Hindi ko sinasadya. Hindi ako galet sayo… Shhhh.. Sige na, bati na tayo. Bati na den kame ni Siege. Hindi na ko iinom. Papasok na ko. Hindi na kita iiwasan. Sige na, tahan na, bati na tayo..”

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganun – nasa sulok ng kwarto, nakaupo sa sahig. Yakap ko sya. Pinapatahan. 

Hanggang kelan kaya kame ganito? Hanggang kelan ko kaya sya yayakapin sa tuwing umiiyak siya? Saken ba walang yayakap at magpapatahan? Hanggang kelan ko kaya kakailanganing magkunwaring kaya ko kahit sa totoo lang, gusto ko ng mamatay? Hanggang kelan ko kaya pipiliting ngumiti kahit gusto ko ng umiyak? Hanggang kelan ko kaya sasaktan ung sarili ko para sa kanya? 


Siguro habang buhay.. Habang tumitibok pa ang puso ko..

 

Tinupad ko yung pangako ko kay Kate. Hindi na ko umiinom chaka pumapasok na ko. Kulang na nga lang lagyan ako ng halo sa ulo sa sobrang bait ko eh. Grabe, sudden change of image talaga. From sira-ulo to di makabasag pinggan. Pero kahit ganun, mahirap pa den. Ang dami kong na-miss na lectures, assignments at quizzes. Ang linis tuloy ng record ko sa mga prof ko. Sa sobrang linis eh wala ng macompute. Ang malala pa eh malapit na kong ma-F.A. sa mga subjects ko. Pano naman akong susurive ng first sem nito?! Amf talaga oh.

Ang pinakamahirap sa lahat eh un pa ding dati kong kalbaryo. Si kate at si “Siege” with all the sweetness in the world. Yun na siguro ung di ko matatakasan. Siguro nga kailangan ko na lang harapin un. Wala naman akong magagawa eh. Ang malupit pa pala nito eh kung kumilos sila, parang wala talagang nangyari. Lalo na yang "Siege" na yan! Tangna, machempuhan ko lang talaga yan ng hindi nia kasama si Kate, he's dead men, He's dead. Akalain nio ba namang manadya?! Grabe kung pumulupot kay Kate pag nanjan ako. Prang nanglilingkis ampucha! Tapos may pa-pare pare effect pa siya. Nag-aaya sa gimik at sa kung saan saan. Shempre hindi ako makatanggi db? Isang sulyap lang ni Kate eh wala na, lusaw na ko. Di na ko makapengal. Kaya nga sa basketball ko na lang siya binabawian eh. Aya aya ka pa ng basketball ah.. Tangina mo ka, eto sayo, PALPAL!! Kung di ka ba naman talaga mawawalan ng simpacha sa kapwa mo tao. Provoking eh! Sobra!

Ang mabuti na nga lang na naidulot nito eh nag-kaayos na kame ng tropa ko kase, gaya ko, hindi din sila naniniwala sa pakulo ni “Siege”. Magkakadugtong na ung mga bituka namen kaya kilala namen ung isa’t isa. Kakambal ah?! Kung nandito lang sana si tita Anna (Mommy ni James), eh di sana, natanong na namen. Kung baket ba kase lagi na lang wala ung mga taong kailangan mo eh.  Humanda yang "Siege" na yan, dumating lang talaga si tita Anna and the show's over.

Hay naku, sila na lang talaga ung naaasahan ko ngayon. Sa tuwing nanjan si Kate at “Siege”, sila ung nagpapalamig nung sitwasyon. Kung hindi nagpapatawa eh hahatakin nila ko palayo. Nakakatouch nga eh. Ang thoughtful pala ng tropa ko at nag-aalala sila saken.

Ganun na nga lang ung ngyari sa buhay ko. Straight line talaga. Kung ano ung ginagawa ko ngayon, ganun din kinabukasan. Nakakasawa na nga eh. Nakakasawa na yung para kong binabaril sa puso sa twing makikita ko sila. Nakakasawa na ung wala akong magawa dahil sa ayaw kong masakta si Kate. Tangna, paulit-ulit na lang ung nangyayari eh. Masasaktan ako ng dahil sa kanya, iiyak siya, yayakapin ko sya at papatahanin tapos lahat ng pwede kong isakripisyo, isasakripisyo ko. Pati nga sarili kong kaligayahan tinatapon ko na para sa kanya eh. Ganun ba talaga pag nagmamahal ka?! 


Dahil kung ganun, ayoko ng magmahal pa...

 

Mabilis na lumipas ang isang linggo ng buhay kong tinutungo at binabagtas pa den ang straight line to kalungkutan. Pero kahit pano, nasanay naman na ko sa mga nakikita ko. Ikaw ba naman eh, araw araw mong makita un, di ka ba maiimyun?! Pero kahit ung mata ko sanay na, ung puso ko, hinde pa den. Lagi pa ding apektado. Lagi pa ding nasasaktan. Hay Lord, bat mo ba ko ginaganito?!

Kaya ngayong weekend eh napagdesisyunan kong magpakasaya naman kahit pano. Eh langya, talo ko pa ung mga nagpepenitensya twing mahal na araw. Chaka at least sila eh pisikal lang ung kasadistahan, eh saken tagos hanggang puso. Hindi naman siguro masama kung kahit paminsan-minsan eh sumaya ko db?

Kaya nagbasketball ako nung hapon. Shoot dito, dribble don. Bawat talbog ng bola may kasamang galit at saket. Binuhos ko sa basketball lahat ng depresyon at frustrations ko sa buhay. Lahat ng sama ko ng loob.

Shoot. 3points na naman.

"Mark!"

Sh!t. Kilala ko yung boses na un ah. Langya ka naman talaga Lord. Nahahawa ka na ba kay "Siege" na nananadya?! Alam nio na ngang ang goal ko ngayong araw eh lumimot at magpakasaya eh, tapos papapuntahin nio dito ung cause ng lahat ng saket na nararamdaman ko! Ampucha, kung di lang talaga All-mighty Alpha and Omega yang si Lord eh minura-mura ko na siya at hinamon ng square. Master nia ung Art of timing eh! Grabe!

"O Kate?" *Pilit na ngiti* "Kanina ka pa ba jan?"

"Oo. Pinapanood nga kita eh. Galing ah, walang sablay."

Napatitig ako sa kanya. Ang ganda nia ngayon. Tapos ung ngiti nia iba. Parang ang saya saya. Yung mata den nia iba. Kung dati kumikislap un dahil sa mga luha, ngayon dahil na sa saya. Ang saya-saya nia tignan pero.... Pero parang may mali pa den. Ewan ba. Nag-hahallucinate lang siguro ko. Hay, dapat nga siguro eh isaksak ko na sa utak ko na mas masaya siya pag kasama nia si Siege. Na si Siege lang ung makakpagpasaya sa kanya. Hindi ako o kung sino pa man. Si Siege lang at wala ng iba pa.

"Huy Mark nakikinig ka ba?"

"Ah. Oo. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Ha? Ah... Iniintay ko si.. si..."

"Si Siege."

Tumango lang siya tapos yumuko. Hindi siya makatingin saken. HIndi ko alam kung baket. Siguro kase nahihiya siya saken. O baka naaawa. Ewan ko. Hindi ko alam.

Hinawakan ko ung kamay nia at tinignan sa mata.

Aray ko, ang saket. Sapul na naman ako.

"Kate, alam mo ayos lang naman ako eh. Kahit banggitin mo siya ok lang. Siya naman yung boyfriend mo db? Chaka basta masaya ung love of my life ko, masaya na den ako." Habang nagsasalita ako, nararamdaman kong umaakyat ung saket - galing sa puso ko papunta sa mga mata ko. Pinilit kong ngumiti at pigilan ung mga luhang nagtatangkang pumatak galing sa mata ko. 

"Thank you Mark ha."

"Sus, wala un. Malakas ka saken eh. Anong oras ba usapan nio?"

"3:00. Hindi mo ba siya nakita?"

Ampucha, 3:00?! Eh mag-aalasais na ah! Mag-tatatlong oras ng naghihintay si Kate dito! Tangna ka talaga "Siege". Isa kang malaking g*ago! G*ago ka talga! G*AGO!

"HIndi eh. Alam mo, kain na lang muna tayo sa ministop.. Wag ka mag-alala, libre ko."

"Wag na, baka kase dumating siya eh."

"Txt mo na lang sia.."

"Patay nga ung cel nia eh. Kanina ko pa kase siya tinatawagan"

"Basta ako ng bahala."

Hinatak ko na siya papuntang ministop habang sa isip ko minumura-mura ko na si "Siege". Tama bang pag-antayin ng ganun katagal si Kate?! Kung di mo ba naman talaga mabibigwasan eh! Nakakgigil talaga! 

Dumating na kame sa minstop tapos umorder na ko ng pagkain namen - siopao at iced milo. Tapos bumalik na ko sa table namen ni Kate. Ang tahimik nia. Hindi siya nagsasalita kaya sinamantala ko na muna ung pagkakataon na magtxt Tinxt ko si Jay, ung tropa ko.

Jay, pkihnp nmn si Jmes. Tngna, knina pa inaanty ni K8 eh.

Pagkasend ko nung message eh kinausap ko na ulet si Kate. Hindi ko alam kung baket, basta lumabas na lang sa bibig ko ung tatlong salita na yun.

"Masaya ka ba?"

Hindi siya kagad nakasagot. Hindi ko alam kung nag-iisip siya o kung ano pa man.

"Sa totoo lang naguguluhan ako. Kase.. Kase ilang ulet na nia ginawa to eh. Yung kung hindi siya sobrang late, hindi siya dadating sa usapan namen."Nagbuntong hininga siya. "Nagagalit ako sa kanya pag ginagawa nia yun pero pag kasama ko na sia.... Lahat ng galit nawawala. Napapalitan ng saya. Masaya ko na buhay siya, na kasama ko siya. Na mahal pa den nia ko. Mahal na mahal ko kase siya eh.  Masaya ko pag kasama ko siya kahit minsan.. kahit minsan parang hindi na siya ung dating Siege na kilala ko. Iba ung kilos nia pero pag naiiisip ko na nandito na siya at hindi na mawawala pa ulet, sumasaya ko. Basta kasama ko siya, sumasaya ko."

Nice one. Isampal-sampal ba sa pagmumuka ko na mahal na mahal niya ung ungas na un!? Hay puso ko, buhay ka pa ba?! Kaya mo pa bang tumibok?! Ampucha, akalain mong may mas masaket pa pala sa pinakamasaket?!

"Matagal lang kase kayong hindi nagkasama kaya ganun.. Wag mo na isipin un, babalik den kayo sa dati."

Aray naman talaga. Kung nakakapgsalita lang siguro ung puso ko eh inulan na ko ng mura. Inulan na ko ng "tama na, masyado ng masaket, hindi ko na kaya! Pwede bang tigilan mo na yang katangahan mo?! May mahal na siyang iba, hindi mo ba nakikita yun?!"

Ang talino ko naman kase eh. Imbis na umiwas, etoh, inaya ko pa siyang kumain. Bobo bobo mo talaga Mark! Wala kang kasing bobo! BOBO!!!

"Mark. thank you talaga ah.."

"Sus, sinabi na ngang wala un eh.."

Tutut. tutut.

Tol, nakita ko si James ppuntang ministop. My ksmng chekas.

May kasamang babae?!! Eh p*tang ina pala nia eh! Anong babae?! Kanina pa siya hinihintay ni Kate tapos may kasama pala siyang ibang babae?! G*go ba siya!? Eh kung binabasag ko kaya ung pagmumuka niya?! Hindi ba niya inisip ung mararamdaman ni Kate pag nakita niang may kasama siyang iba?! At sh!t naman, papuntang ministop?! 



ANONG GAGAWIN KO?!

 

Nag-paalam ako kay Kate sandali tapos lumabas ako kagad para tignan kung totoo ung sinasabi ni Jay. Bahala na si Batman kung anong makita ko. Bahala na Diyos kung anong magawa ko sa kanya pag nakita ko siyang may kasamang iba.

Nasan na ba ung g*gong un?!

Ayun. At p*tang ina, may kasama ngang babae. Nakaakbay pa. Ampucha naman tong babaeng to, damet pa bang matatawag ung suot nia!? Langya, dinaig pa nia costume ni darna eh! Sige nga, matatawag pa bang damit yun?! Retaso na tawag dun no!

At tong hayup naman na to, parenti-prenti lang. Paakbay-akbay dun sa babaeng sus maryanong garapon ang ichura.

"Siege."

Lumingon siya, nagulat at nag-panic na tanggalin ung kamay nia dun sa kasama nia.

"Oh pre."

"Wag mo kong pinapare-pare. Hindi kita pare. Alam mo bang may usapan kayo ni Kate ngayon ha?!"

"Nakalimutan ko eh."

Nang-jojoke ba siya?! Tatlong oras niyang pinaghintay si Kate. TATLO! Tapos etoh siya ngayon makikita kong may kasama at sasabihin nia sakeng nakalimutan nia! Wag niyang sabihin sakeng nagka-amnesia na naman siya noh! Baka gusto niyang gilitan ko siya ng leeg!

"Ahhhh, nakalimutan mo.. Nakalimutan mo kaya hindi mo man lang siya tinext at tapos may kasama ka pang babae."

"Ano bang pakialam mo? Girlfriend mo ba siya ha?!"

G*go pala tong isa na to eh! Naghahanap ba to ng gulo ah?! Baka naman gusto mong iumpog ko yang ulo mo sa pader! O kya para mas masaya, pag-uumpugin ko na lang ung ulo nila nitong babae niya. Ganda nun, head-on collision! BAGUM!

"Hinde. Pero kaibigan ko siya." 

"Talaga lang ah. Nasan ba siya?"

"Nasa loob. Kaya wag na wag kang magpapakita sa kanya na may kasamang iba."

"Siya siya, iyo na yang chicks ko. Pupuntahan ko na si Kate."

Espirito ng pag-pipigil at pasensya, parang awa mo na, sapian mo ko. Konting konti na lang, bibinggo na saken to! Konting konti na lang talaga.

Tumalikod na siya pero hinawakan ko siya sa balikat.

"Wag na wag mo ng uulitin to James - "

"Hindi ako si James."

"Wala akong pakialam kung sino ka. Ang gusto ko, magkaliwanagan tayong dalawa. Wag na wag mo na tong uulitin at mas lalong wag na wag kang magpapahuli saken kung hindi - " 

"Babawiin mo saken si Kate?! Asa ka Mark. Asa."

BGSHK

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nasapak ko na siya. Bahala siya kung magsumbong siya kay Kate. Bahala siya sa kung ano man yung gusto niang gawin basta ang alam ko, galit ako. Tangna niya, sumosobra na siya eh. Wag niyang ipamuka saken na sila ngayon ni Kate dahil naging sila lang naman dahil nagkunwari siyang siya si Siege. At wag na wag niyang sasabihin saken na siya talaga ung Siege na mahal ni Kate dahil p*tang ina, halatang halatang pakulo lang nia to. Lokohin nia lelang niang panot!

Tumayo siya tapos kinwelyuhan niya ko. Tinanggal ko ung kamay nia saken. Ayokong mahawaan ng virus niya noh.

"Palalampasin ko to ngayon MArk pero sa susunod na gawin mo yun - "

"Ano?! Anong gagawin mo?! Sasapakin mo den ako?! Ikaw ang magtanda dahil alam kong hindi ikaw si Siege. Ikaw ang umayos dahil sa oras na ulitin mo pa yang kalokohan mo at sa oras na gaguhin mo si Kate, hindi lang yan ang aabutin mo."

Pumasok na ko sa loob para balikan si Kate na automatic na ngumiti nung nakita nia si Siege sa likod ko. Yung g*go naman kung kumilos eh parang walang nangyari. Dumero-derecho sia tapos.. 

Tapos hinalikan nia si Kate.

Aray. Aray talaga.

"Sige Kate, una na ko. Enjoy kayo ah." Pinilt kong ngumiti pero hindi ko magawa. "Tol, alis na ko."

"Sige, thank you Mark ah."

Lumabas na ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Oo, alam ko, nagpamalas na naman ako ng kakaibang kamartiran at ng malaking katangahan. Kung nakakapgsalita lang siguro tong puso ko eh malamang-lamang lang isinigaw na nia saken na " Hello? Just in case na hindi mo alam, nasasaktan ako. Tama na, tigilan mo na yang kalokohan mo." Alam ko naman eh. Sobrang saket na at sa sobrang grabe nung saket eh hindi ko na maipaliwanag ung nararamdaman ko. Hindi kaya ng salita lang. Masyadong matindi. Halo-halo na. Galit. Lungkot. Panghihinayang. Pagtataka. Saket. 


Hanggang kelan ko kaya kakayanin to?!

 

Pinilit kong tanggalin sa utak ko ung ngyari na un dahil eto na ang the dreaded week – prelims week. Ang linggong wala kang ibang gagawin kung hindi ang ngaragin at windangin ang sarli mo sa kaka-aral. Ayos lang sana kung hinde ganun ung record ko eh kaso dahil nga sa nag-uumapaw kong absent at naglalaglagan kong grade eh kailangan kong mag-aral. Eh anong aaralin ko, wala akong notes. Wala kahit isa. Parang brand new nga yung mga notebook ko eh.

“Klasmeyts, baka naman pwedeng manghiram ng notebook jan!”

At shempre dahil mahal ako ng mga kaklase ko eh madaming nag-pahiram ng mga notes nila. Kaya ayun, napagkakitaan ako ng mga xeroxan. Ilang notebook at readings den yun hiniram ko ah.

At dahil may aaralin na ko eh pwede na kong mag-aral. Pero dahil maarte ako eh ayokong mag-aral sa bahay kase ayon sa mainarte kong utak eh hindi conducive ung atmosphere sa pag-aaral. Shempre madaming temptations. Nanjan yung tv, ung dvd player, ung component at ung computer. Isama mo pa ung refrigerator eh wala na. Wala na kong maaaral.

Kaya nag-alsabalutan muna ko at binitbit ung mga dapat kong aralin sa park. Wag na kayo kumontra, mas ginaganahan akong mag-aral pag may kasamang konting sight-seeing eh. Malay nio, sa park ko makilala ung babaeng magmamahal saken. *Sniff sniff*
Hay naku, enough of the drama. Mag-review ka na lang kung ayaw mong magpunta sa tinuturo ng statwang si Benavides (For more information visit the Pontifical The Royal and The Catholic University located at España Manila). 

Eh di sige, review review review kahit wala naming naaabsorb ung kawawa kong utak na pawang nahaharass na sa sobrang dame ng impormasyong pilit kong pinapasok sa kanya. Konti na lang sisigaw na yan ng “data-overload!” with matching red lights at wang wang. Hay, kaawa-awang nilalang ng Diyos,

Review review review. Kaya mo yan Mark. Kaya ko nga pero hindi ko na kaya. Huhuhu, hindi ko na talaga to kaya. Sana may mag-magandang loob na turuan ako dito kung hindi masisingko ko. Nakikinikinita ko na kung anong mangyayari pag nagka-singko ko. Isang malakas na WAPAK galing sa nanay ko. Huhu, araguy un.

“Oi Mark.”

Naman, pinaglihi ba sa kabute tong si Kate at bigla biglang susulpot out of nowhere.

G*go ka pala eh, hingi hingi ka ng magtuturo sayo tapos sasabihan mong parang kabute. Engot ka talaga. Padala yang si Kate ng langit noh. Sagot sa mga panalangin mo.

Ganun ba yun? Pwes, binabawi ko na ung dasal ko. Pwede namang hindi si Kate yung ipadala nia ah. Pwede namang ibang kaklase na henyo pero sino pinadala nia, si Kate! Hayup, nananadya nga ata talaga si Lord.

“O Kate, anong ginagawa mo dito?”

“Wala lang. Nakakainip sa bahay eh. Ikaw, anong ginagawa mo dito?”

Nagsusunog ng brain cells. Este “Nag-aaral.”

“Ikaw nag-aaral?” Aba’y tawanan ba ko?! Tawanan ba ang pag-eeffort ko?!

“Sige ganyan ka Kate, tawanan mo ko.”

“Ikaw naman, nagbibiro lang. San ka na ba? Tapos na kase ko mag-aral eh.” Huhu, buti ka pa.

“Etoh, walang katapusang basic Algebra.”

“Hay naku, ang dali dali lang niyan eh. Lika nga, turuan kita.” 

Umupo siya sa tabi ko tapos tinignan na nia ung notes ng klasmeyt ko na pinaxerox ko na akin na ngayon. Ngumingiti-ngiti siya habang tinitignan niya yung notes. Ewan ba kung baket. Siguro iniisip niya ang tanga tanga ko at kasimpleng math problem hindi ko ma-solve.

“Oh ano, game na?”

“Ah.. siguro?” 

Tumawa kame ng tumawa sa hindi ko malamang dahilan. Basta tawa lang kame ng tawa na parang yung dati. Masaya ko kase kahit pano, parang bumalik ung panahon na sobrang ok kame.. Na walang problema. Na walang inaalala.

Pagkatapos naming tumawa eh ayun, nag-simula na ung duduan ng ulo. Una eh naguguluhan ako pero pagkatapos ng ilang paliwanagan eh finally, nalinawagan na ang utak ko. Ang galing kase nia magturo eh. Pinapasimple nia ung mahabang pasikot-sikot ng prof namen.

Mga six na nung natapos kameng magturuan sa Algebra. Nagkwentuhan muna kame ng konti at nagpapasalamat ako na hindi tungkol sa date nila kahapon ung pinag-usapan namen kung hindi kung ano anong mga kalokohan lang. Yung tipong sasabihan ng iba na nonsense pero saken, yun na ung pinaka-meaningful na conversation ng buhay ko. 

Pagkatapos ng isang oras ng tawanan eh time to go home na. Tutal naman magkapitbahay kame eh sabay na kaming umuwi. Shempre hindi pwedeng mawala ang kwentuhan. Kwentuhan kwentuhan at mas madami pang kwentuhan. Kung pwede ko lang sanang patigilin ung oras.. Kung pwede lang sana na hindi na dumating ung mamaya o bukas. Kung pwede sanang habang buhay na ganito na lang.. Pero unfortunately, nakadating na den kame sa bahay.

“Sige Kate, thank you ah. Sigurado na kong papasa ko bukas.”

“Dapat lang noh. Pinahirapan mo kong mag-explain eh… Joke!” At tinawanan na naman nia ko ng tinawanan.

“Alam mo, ngayon lang kita nakitang ganyan kagrabe tumawa. Sobrang nakakatawa ba talaga ko?” 

“Hinde, masaya lang ako ngayon kase kasama kita.”

ANO DAW???

“Sige Mark, ba-bye, bukas ulet ah!” *MUAH*

Hinalikan nia ko sa pisngi tapos tumakbo na siya papasok ng bahay nila habang ako, naiwan dun na nakatayo na mas madami pang tanong sa utak kesa nung wala pa kng alam sa Math.



Pwede bang paki-explain?

Wooohoooo, this is it! Etoh na ang Math exam na pinakaaantay ko. Im sure sisiw lang to saken. Ikaw ba naman ang tutoran, sabihan ng “masaya lang ako ngayon kase kasama kita” at halikan sa pisngi ni Kate eh, hindi ka ba makakaperfect?!

And true enough, sinisiw ko lang ung test. As in chicken feed at ang lakas ng vaybs ko na 100 nga ang grade ko dun. Chaka multiple choice lang naman eh. Hehehehe.

Pagkatapos nung exam eh naglakwacha muna kame ng tropa ko. Kumain, naglaro ng counter strike (peyborit past time pa den namen hanggang ngayon) at nagbasketball. Eh pano ba yan, may sandamukal na stock ako ng inspiration kaya sandamukial na points den ang nagawa ko.

Ewan ko na naman kung baket pero sa di matukoy at di mapaliwanag na kadahilanan eh nagkaron ng spark of hope saken dahil sa sinabi ni Kate saken kahapon. Masaya daw siya dahil kasama nia ko. Ang sarap ipag sigawan sa buong universe na MASAYA SIYA KASE KASAMA NIA KO!!!!!!!! Kung di ba naman ako magiging siksik liglig umaapaw. Amen?! Amen! 

Pagkatapos ng basketball eh uwian time na. Ako naman eh dumerecho sa park, baon na naman ung mga Xerox ko. Malay mo, nandun si ulet si Kate. Db nga sb nia kahapon bukas ulet?

Eh di nag-review muna ko habang wala pa siya. Basa basa basa. 

Isang oras…

Dalawang Oras…

Tatlong oras…

Alas-siyete na pero wala pa den si Kate. Siguro nga hindi na siya dadating. Sino ba naman kase ako para puntahan niya dito at pag-aksayahan ng oras db?! Ang engot ko naman kase eh. Ang hilig kong magpapaniwala sa mga sinasabi niyang wala namang kasiguraduhan. Ni hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin nung sinabi niya db? Hay Mark, national engot ka talaga!

Kaya ayun, umuwi akong luhaan at sawing palad. Daig ko pa lungkot ng UST nung natalo sila sa UP nung first game ng UAAP. Daig ko pa yung waiter na na-fire sa unang araw nia sa trabaho. Daig ko pa ung mga prayleng hindi nakakuha ng komisyon nila. Daig ko pa si Gloria na nabuking sa pandaraya niya kasama si Garci. Daig ko pa si Susan Roces nung namatay si FPJ. Daig ko pa buong mundo na nagluksa nung namatay si Elvis Presley. In short, daig ko silang lahat.

Pero, what can I do? Ganyan talaga buhay. At kahit anong mangyari, sabi nga nila eh the show must go on. Kaya etoh pa den ako, alive na alive on the outside, rotting dead on the inside.

Tumilaok na naming muli ang mga bokbok manok at sumikat na si haring araw. Ibig sabihin, kinabukasan na. May iba pa bang ibig sabihin ang tilaok at sinag nig araw?! 

Pasok sa school. Kuha ng test.

Kinabukasan. Pasok sa shool. Kuha ng test.

Kinabukasan, Pasok sa school. Kuha ng test.

Kinabukasan, Pasok sa school. Kuha ng test.

Ang monotonous db?! Wala na, un na yung huling araw na nakausap ko si Kate. Hindi ko na sinubukang itxt siya o tawagan kase wala naman akong mapapala pag ginawa ko yun eh. Ang importante eh tapos na ang the dreaded week. Wala ng ibang problema maliban sa isa.


SEPTEMBER 5

 

Hay buhay. Yan na lang ata ang kaya kong sabihin sa twing maiiisip ko na Sept. 5 na bukas. Siguro ang babaw na maapektuhan ako ng dahil dun pero hindi ko pa den maiwasan eh. Sa tuwing maiisip ko na isang buwan na ung nakaraan since nung nangyari ung pangyayaring un eh kumikirot ung puso ko na parang ginutay-gutay at nilamukos na papel ng isang batang paslit.

Oo, isang buwan na. At hanggang ngayon, wala pa den akong ibang ginagawa kung hindi ang magisip at humiling na sana ako na lang si "Siege". Sana ako ung laging kasama ni Kate. Sana ako ung nakakapagpangiti sa kanya. Sana ako yung nakakapagpasaya sa kanya. Sana ako yung nag-aalaga sa kanya. 

Sana ako na lang yung mahal nia.

Kaso kahit anong dasal ang gawin ko eh hindi magiging ganun un kase hindi naman ako si "Siege". Ako si Mark. Yung lalakeng sawi sa pag-ibig. *sniff sniff* yung lalakeng nagmahal, nageffort na mahalin den pero sa huli eh umuwing luhaan, talunan at sugatan. Ako lang naman yung walang kasawa-sawang nagpapakaengot at nagpapakatanga na umasa na isang araw eh magiging square yung mundo at biglang magbabago lahat. Hoping against hope na isang araw eh bubukas ang pintuan ng langit, may bababang anghel at magsasabog ng milagro sa tapat ng bahay namen. Ako lang naman si Mark eh. Yung lalakeng mahal na mahal si Kate. 

Pero, ano nga bang meron sa Sept 5? Monthsary ba ni Kris Aquino at James Yap? Birthday ba ni Saddam Hussein? Death anniversary ba ni Lapu-Lapu? First kiss ba ni Gloria? Bobombahin na ba ni Bush ang Iraq? Pupulbusin na ba tayo ng America? Ano? Alin dun?

None of the above. 



September 5. Monthsary na nila...

 

Etoh na. This is it. Kailangan ko na silang harapin. At gaya ng dati, konting gel, konting pacute sa salamin, konting papogi. Para naman kahit pano eh gwapo kong haharapin lahat ng mga problema ko. Db?! Oo na lang kayo. Alam ko namang gwapo ko sa paningin nio eh.

Lumarga na ko papuntang skul, nag-park, tumakbo sa bldg namen para wag ma-late at tumayo ng limang minuto sa harap ng klasrum namen, nagdadalawang isip kung papasok ako o hindi. Nakikipagdebate sa sarili kung anong magandang gawin. 

Ganito kase un eh... Pag pumasok ako at nakita ko sila, maaaring ito na ang maging huling araw ko sa mundo. Pag hindi naman ako pumasok, wala lang, isang absent na naman sa class record. Ano kayang gagawin ko?

5 minutes pa ulet..

10 minutes..

"Mr. Vista." Hu da Pak?!

O hindi. Si sir. "What are you doing here Mr Vista?"

"No-nothing sir."

"Get your ass inside the classroom now."

"Y-y-yes sir." 

O hindi naman talaga oh! Isang malaking OH HINDEEEE! Eh ano pang magagawa ko ngayon? Eh di ipasok nga ang pwet ko sa loob ng klasroom. Bwiset.

Hmmm.. Teka, wala si "Siege". Pero nanjan si Kate. Bakit kaya siya wala?! Hay naku, pakialam ko ba kung wala siya. Eh di mas maganda, hindi ko kailangang makita yung makapal niyang pagmumuka. Eh di umupo na ko sa upuan ko. As usual, lutang na naman ako. habang nakaupo ako dun eh naglalakbay sa outerspace yung utak ko at tntry isolve ang pinakamahirap na problema sa lahat. - kung pano lumimot. Madami namang paraan eh. Pwede kong iumpog ung ulo ko sa pader. Pwede din namang ihambalang ko ung sarili ko sa gitna ng south super highway. Kailangan ko na lang pagdesisyonan kung alin dun ang mas maganda at less painful.

Natapos yung walo kong subjects ng ganun lang yung ginagawa ko. Ang boring. Ang badtrip. Ang leche. Dumerecho ko sa bahay ng hindi man lang kinakamusta si Kate. Mahirap na, baka mapagbuhusan pa nia ko ng excitement nia sa date nila ni "Siege".

Sa bahay naman eh pinilit kong libangin yung sarili ko. Nanood ak ng tv, naglaro ng PS2, nag-PC, nagpasigaw ng component, nagtatambling-tambling sa kama, lumamon, nahiga, naupo, nakipag-away kay Kulet, nakipag-debate sa nanay ko, pinagalitan si manang, uminom ng konting San Mig Light sa rooftop. nagmuni-muni, nagnilay-nilay, dinutdot ung aquarium, tumitig sa kawalan at nag-aksaya ng tatlong oras kakaisip kung nasan kaya sila ngayon at kung ano kayang ginagawa nila.

Alas-dose na ng gabi. Etoh ko sa rooftop, kaharap ung San Mig Light na muntikan pang maagaw saken ni papa, nakatingin sa kawalan, naghahanap ng sagot sa mga walang katapusang tanong, nakakaramdam ng hindi maipaliwanang na sakit, nagpipigil ng luha. Nakakainis na. Paulit ulit na lang. Wala na kong ibang naramdaman kung hindi saket. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya maalis sa isip ko. Sa puso ko.

*tutut. tutut.*

Sino naman kaya to?! Gabing gabi na, nagtetext pa.

From: Mama-in-Law
Mark, alam mo ba kung nasan si Kate?

Nag-reply ako kagad.

To: Mama-in-Law
Hindi po, wala pa po b sya sa inu?

Baket kaya?

*tutut tutut*

From: Mama-in-Law
Wla p nga eh. Ang alam ko, aalis sila ni Siege.

Aray.

To: Mama-in-Law
Ako n po bhala. Ha2napn ko po siya. Ma2log na po kau.

Tinawagan ko kagad ung cel ni Kate pero walang sumasagot tapos biglang nag-out of coverage area. Nasan na ba si Kate?! Alas dose ng gabi wala pa siya sa bahay nila?! Nasan na siya?! Hindi ba nia alam na delikado pag gabi na?! Tangna naman eh.

Lumabas ako kagad, sumakay sa koche at nag-ikot sa sub. Lahat ng lugar tingingan ko - sa park, sa court, sa Ministop pero wala siya. San ko pa kaya siya pwedeng puntahan?!

Sa bahay nila James. 

Pumunta ko dun pero patay na lahay ng ilaw. Tahimik na. At higit sa lahat, nandun ung koche ni "Siege" o ni James o nung kung sino man siyang leche siya. Ibig sabihin, nasa bahay na siya. Pero kung nasa bahay na siya, nasan si Kate?!!?

Pumunta ko ng UST kahit alam kong sarado na yun. Nag-babakasakaling nandun si Kate. Pero dahil sarado na eh hindi na ko nakapasok sa loob. Lumibot ako sa gilid-gilid. Wala siya sa España. Wala sa P.Noval. Wala sa Dapitan. Sa Lacson na lang ung pag-asa ko. 

Dahan-dahan ako sa pagdaan sa Lacson. Tinitignan kung san siya pwedeng magpunta. Kung alam lang nia kung gano ko ka-kinakabahan at nag-aalala. Baket ba kase wala pa siya sa bahay nila?! Pano kung may mangyaring masama sa kanya?! Pano kung mapahamak siya?! P*tang ina talaga.

Nasa may Lacson gate na ko ng UST nung may nakita akong babae. Naka-uniform ng Educ. Nakaupo siya sa bangketa. Nakayuko. Yakap yakap ung bag nia. Hindi ako pwedeng magkamali.. Yung bag na un na puno ng keychain... Hindi talaga ko pwedeng magkamali..





Si Kate yun...

No comments: