Nagdrive na ko papuna sa UST. Pati si manong guard kinakunchaba ko na den. Alam na niya kung anong gagawin niya - pagbuksan kame ng gate at papasukin sa main building na ngayon eh medyo mukang haunted house sa dilim. Umakyat kame ni Kate, hawak ko siya sa kamay. Finally, dumating na den kame sa elevator, tapos dun sa hagdanan papuntang cross.. tapos dun na - sa pinakmataas at pinakamagandang parte ng UST.. Yung lagi naming tinatambayan dati.. Yung cross ng Main Building - renovated version.
Siyempre pati un pinaganda ko. May mga petals sa lapag, may lights, may music. Napangiti siya pag pasok namen.. Napasaya na naman niya ko.
Lumakad siya papunta dun sa may dulo.. Para na naman siyang bata na aliw na aliw sa pag-sisight seeing. Habang tinititigan nya ung mga ilaw ng building eh tinititigan ko naman sya.. Yung inosente at napakaganda niyang mukha..
"Oh, ngumingiti ka jan." Nyaks, nakikita nya ko?
"Ako? Hinde ah."
Hindi na sya sumagot kaya tumahimik kami ulet. Biglang parang may nagwrewrestling sa utak ko. Sasabihin ko na nga ba sa kanya ngayon ung nararamdaman ko o chaka na? Pero siguro - kaya lang kse - waaaaaah! Ngayon na. Ngayon na talaga!
"Mark.. Thank you ah.. Alam mo, ito na yung pinakamasaya kong birthday.." Nakatingin pa den sya sa kawalan. "Ngayon lang kase may naghanda ng ganito para saken eh.."
"Sus, wala yun. Kaw pa eh malakas ka saken."
"Uhm.. Galit ka ba saken?"
"Ako? Magagalit sayo? Hindi no."
Umihip ung malakas na hangin tapos lumamig..
"O.." Binigay ko sa kanya ung polo ko para wag siyang ginawin.
"Salamat.."
"Kate.. Kung.. Kung.."
"Kung?"
"Kung sasabihin ko ba sayo ngayon lahat ng nararamdaman ko, magagalit ka ba?"
Hindi sya kagad sumagot pero maya maya, tumango siya. Hindi ko den alam kung pano ko uumpisahan. Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako.. Ayokong sumablay.. Ayokong magkalabuan na naman kame.. Hindi ko na kaya na mawala pa siya saken ulet.. Hinding hindi na talaga..
"Kase Kate - "
*BUMM*
Timing nga naman. Kumulog.. Kumidlat.. Umulan..
"Sumilong muna tayo.."
"Ayoko Mark. Dito lang tayo.. Sabihin mo na ung sasabihin mo.." Ang wirdo talaga nito ni Kate paminsan-minsan.
"Gusto mo bang patayin ako ni tita?"
"Sabihin mo na ngayon.." Nakatulala pa den siya kahit basa na sya ng ulan.
Huminga ako ng malalim.. Sasabihin ko na nga siguro.
"Kase Kate.. Mahal pa din kita. Yun.. Ganun.. Basta mahal na mahal kita.. Simula nung una kitang nakita, alam ko ng iba ka. Alam ko din magulo ung sitwasyon. Alam ko kailangan mo ng oras. Pero Kate, handa akong maghintay ng kahit gano katagal para sayo.. Hindi ko maisip kung anong mangyayari saken pag nawala ka.. Ang hihingin ko lang naman sayo eh ung pagkakataon na patunayan sayo kung gano kita - "
"Hindi mo na kailangang patunayan un Mark. Napatanuyan mo na yun ng ilang ulet na. Masyado lang akong tanga kaya hindi ko nakita yun.. Masyado lang talaga akong bulag.. Masyado lang akong natakot na masaktan pero Mark, dahil sayo, handa na ko. Handa na kong masaktan ulet.. Wala na kong pakialam sa kung ano man ung pwedeng mangyari.."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ako. Kulang talaga ung mga salita para maipaliwanag kung ano ung nararamdaman ko. Sobrang saya ko parang hindi ako makahinga. Wala akong masabi. Napangiti lang ako. Napapailing sa sobrang tuwa. Ang saya saya ko. Parang hindi totoo ung mga nangyayari.. Kanina lang, nagsosorry ako sa kanya pero ngayon..
Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ung kamay niya. Tinitigan lang niya ko. At dahan dahan, sa gitna ng ulan, hinalikan ko siya. Hindi siya nagalit. Hindi siya tumutol.
Mahal din niya ko..
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Yun lang talaga ang masasabi ko! Hindi ako makapaniwala! Kami na ni Kate! Kami na! Alam niyo un?! KAME NA! Girlfriend ko na sya! Boyfriend na nya ko! Kame na talaga! Kung di mo ba naman talaga nanaising magtatambling-tambling sa sobrang saya! Kame na! Kame na talaga!
Makabangon na nga ng masigurado kong hindi lang panaginip yun! Dahil kung panaginip yun, hindi na ko gigising! Pero etoh, nakabangon na ko, naligo, nagbihis at nagpapogi tapos humarurot na ko papunta sa bahay nila Kate. (Kumupit muna pala ko ng fruits sa ref dahil nagkasakit si Kate. Oo, nagkasakit siya. Magpaulan ba naman kame eh. Napagalitan pa nga ako ni tita eh pero nawala naman ung inis nya nung nalaman nyang kame na. Hehehe.)
*Katok katok katok*
"O Mark! Agang bumisita ah.."
"Shempre tita, aalagaan ko pa si Kate eh. Ok na ba sya?"
"Mejo tumaas ung lagnat sya pero wag kang mag-alala, hindi nya un ikamamatay. Sige na, puntahan mo na siya sa kwarto niya."
Inabot ko kay tita ung mga tooty-fruity tapos nag-hi na den ako kay tito tapos pinuntahan ko na si Kate na sleeping beauty pa den hanggang ngayon. Woooooow, ang ganda niya. Ang ganda ganda niya talaga. Lalo na pag tulog. Ang cute!
Inayos ko ung kumot nya tapos tinitigan ko lang sya.. Grabe, namagnet talaga ko. Kaso maya maya naalimpungatan sya at tuluyan ng nagising nung nakita ung gwapo kong muka.
"Good morning love of my life.."
"M-Mark?"
"Hehe, gulat ka ba?"
"Mejo.. Anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa, eh di aalagaan ka! Kisspirin at yakapsul langa ang katapat niyan!"
"Ang corny mo talaga kahit kelan! Chaka asa ka noh! Kiss kiss ka jan!"
"Uuuuy, pakipot ka pa! Eh kagabi lang.." Namula siya bigla kaya tumawa na lang ako. Shempre fresh na fresh pa sa isip ko ung kissing scene namen kagabi db? Ang sweet nga eh. Papasa ng pang telenovela. Isipin nio, sa tuktok ng main building woth matching paulan-ulan effect pa!
"Pano ba yan Kate. Eh di tayo na talaga?"
Ngumiti siya pero hindi siya sumagot.
"Wag ka na magpakipot. Sinu-suspense mo pa ko eh!"
"Pakipot ka jan. Hay naku Mark.."
"To talaga, ang pikon. Syempre gusto ko lang marinig sayo na.. alam mo na.."
"Tapos ngayon may pa-alam mo na alam mo na ka jan..Kung di ka lang cute, sinapak na kita." Uy, cute daw ako. Sabi ko na nga ba eh! hehehe.
"Sa lagay mong yan? Haha, asa ka. Pero dahil labs kita, magpapasapak ako sayo ng libre.."
"Wag na, ikamatay mo pa."
"I love you Kate.."
Nginitian na naman nya ko. Aba naman, kung di lang nakaka-inlove yang ngiti nya..
"I love you Kate.. I love you Kate.. I love you Kate.. I Lo-"
"Oo na, oo na, i love you na den..."
"Napilitan?"
"Ang drama talaga ng love of my life ko.. Lika nga dito.."
T-t-teka? Tama ba ung narinig ko? Tinawag niya kong love of my life?! Tapos niyakap pa niya ko! Nakakakilig naman to! Nyahahaha, ganito pala feeling pag kinikilig. Parang.. Wow, cloud 9.. Heaven.. Hay, walang kaduda-duda, inlove na inlove ako kay Kate.
"Ehem, ehem! Bawal ang triple X dito! Kayong dalawa talaga!"
Nyay, si tita. Nakakahiya naman to! Huling-huli. Bistong-bisto. Di bale, hug lang naman eh. Hehehe. Inabutan lang nya kame ng mga prutas na ngayon eh nabalatan at nahiwa na. Kumain naman kaming dalawa. Syempre sinubuan ko si Kate.. Ayoko yatang mabinat ang aking love of my life.
Buong araw akong nandun. Kinukulit ko sya kung kame na ba talaga, dahil hanggang ngayon, hindi pa den ako makapaniwala! Ang tigas talaga ng ulo ko. Sa sobrang tigas hindi makapasok ung katotohanan na kame na nga! Ewan ba, pero kahit ilang ulit nyang sabihin na kame na, kahapon pa, eh hindi talaga ko maconvince na hindi ako nanananaginip lang. Grabe, di kaya ng capacity ng utak ko to!
Nung gabi na, pinauwi na ko ni tita, sabi nya kailangan daw magpahinga ni Kate kaya syempre, para good shot, di na ko nakipagtalo.
"Sige Kate, una na ko. pagaling ka ah.."
"Opoh.. thank you sa pagdalaw.."
"Mamimiss kita.."
"Sige na, ang drama mo pa eh. Hehehe."
"Mark.. Sige na.. Gabi na.."
"Opo tita.. Uhm Kate, bye! i.. iLove you!"
"i Love you den.."
Hinalikan ko siya sa totoo at thank goodness hindi tinaga ni tita ang ulo ko nung nakita nya un. Umuwi na ko sa bahay tapos humiga na ko sa kama. Tinulalaan ko na naman ung ever-faithful na butiki sa bubong. Pangiti-ngiti na lang ako sa twing naiisip ko si Kate lalo na ung mga i love you niya! Ay sha, pwede na kong mamatay!
Bago ko matulog, tinxt ko muna si Kate.
To: Love of my Life
gudnyt po. Swit drims. sunduin kta bkas ah. i luv you..
Maya maya, tumunog den ung celphone ko.
From: Love of my Life
kaw den tulog na. anty kta bukas ah. luv u den.. muah!
Wow, my i love you na, may muah pa! Sabi ko nga eh, hindi panaginip to. Kame na nga talaga.
Kahapon pa...
Being with Kate really made me happy. Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, masaya ako. Parang nakamighty bond na ung ngiti sa labi ko.. Samahan mo pa ng rugby, ng sikat na sikat na Elmer's glue, paste, laway, sipon at kanin, eh un na! Hindi na talaga mawala ung ngiti ko. Sabi nga ng mga classmates namen, blooming daw ako. Sabi ko naman, inggit lang sila! Hehe.
Sa isip isip ko, panong hindi ako magiging ganito kasaya eh kame na ni Kate. Ung fact nga lang na un masaya na ko eh. Idagdag mo pa ung pagiging perfect girlfriend nya - may wake up calls and texts, may gudbye and gudnyt kiss, tapos pinagluluto pa nya ko lagi ng lunch na kinakain namen sa lover's lane. Ang sarap talaga ng feeling, lalo na pag hawak ko ung kamay nya tapos maglalakad kame ng sabay, magbibiruan.. Parang hawak ko ung oras.. Prang hawak ko lahat.. Ganun ako kasaya pag kasama ko siya.
Minsan kasama namen tropa ko. Minsan barkada nya. Minsan joint-assembly kame. Naalala ko tuloy nung minsang lumabas kame ng magkakasama, nag punta kame sa bar tapos ayun, nag truth or dare kame. Napasayaw tuloy ako ng di-oras ng topless. Sabi ni Kate saken, may career daw ako sa pagiging sexy star. Lokang babae talaga yun!
Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na mag-iisang buwan na kame. Take note, hinde pa kame nag-aaway kahit isang beses! San ka pa?! Breaking the record ata un.
Bisperas ng monthsary namen, kinausap ako ng tatay ko. Mukang seryoso. Oo, ngayon ko lang sya nakitang ganun kaseryoso. Napaisip tulloy ako, ano kayang nagawa ko? In fairness naman, mabait ako. Pwede na nga akong bigyan ng pakpak at halo eh.
"Mark.."
"Po?" Naks, ang galang. Hehe.
"Sasabihin ko na to sayo ng biglaan. Lilipat na tayo sa america."
WHAT THE F*CK?!!! Tama ba ung narinig ko!? Lilipat kame sa america?! Hinde.. Madame lang sigurong luga ung tenga ko..
"PO???"
"Sabi ko, lilipat na tayo sa america.. Dun na tayo titira. For good."
"Pero? Baket? Pano na ung pag-aaral ko? Pano na si Kate?" Etoh na, naguumpisa na kong magpanic! For good? ibig sabihin till forever dun na kame titira? HINDI PWEDE UN!
"May mga negosyo akong kaylangang asikasuhin dun. Nahihirapan na si Mama mo ng pabalik-balik. So we decided na dun na tumira."
"Yeah ryt! Tama un Pa! Tama na magdesisyon kayo ni mama ng hindi man lang ako kinukunsulta! Hindi nio man lang ba naisip kung ano ung mararamdaman ko?!"
Kala ko nun, sasapakin na ko ng tatay ko! Grabe, nasigawan ko siya! First time kong nagawa un sa tana ng buhay ko!
"Calm down anak.."
"Calm down? Gusto ko nio kong kumalma!? Pano kong kakalma Pa?! Sasabihin mo saken yan sa bisperas ng monthsary namen ni Kate! Sige nga Pa, pano kong sasabihin sa kanya na iiwan ko sya?! Na lilipat tayo dun? FOR GOOD??!"
"Tell her right away. The sooner the better. Aalis tayo next next week - "
"2 weeks?! You're telling me that i only have two weeks left to spend time with Kate?!"
"Anak, kung kayo, kayo. Kahit isang milenyo pa kayong hindi magkita."
Then, he left. Nilayasan ako ng tatay ko! Iniwan nia kng devastated, nasa state of shock, state of panic, denial stage at nasa bingit ng kamatayan! Pano nila nagawa saken ni mama to?! Pano na kame ni Kate?! Pano?!!!
Sabi ko na nga ba eh, dapat kabahan ako na masyadong masaya ung naging relationship namen. Isang buwan nga kameng walang problema, etoh naman ngayon.. Dumilim na naman ang kalangitan - nagbabaja ng bagyo.
Hindi lang pala nagbabaja, dahil nagbuhos na sya ng bagyo - malakas na malakas na bagyo.
Isang buwan! Ano ka ba naman Lord?! Minsan ka na nga lang magbibigay ng happiness saken kinuripot mo pa ko! Isang buwan! Nak naman ng pucha, 31 days! Kung sinabi nio lang sana ng mas maaga-aga pa, eh di sana mas nilubos-lubos ko ung mga oras na magkasama kame tapos sana nakapaprepare man lang ako kung pano ko sasabihin sa kanya un. Wala ng breaking-it-gently toh. Ampucha, lalabas to as one big blow. Hindi kaya nya ko ilaglag sa main building?!
Pano ko naman sasabihin to? Patatapusin ko kaya muna ung monthsary namen o ngayon ko na sasabihin?! Pucha, 15 minutes na lang at susunduin ko na sya. Waaaaaaaaaaaaaaaaaah, anong gagawen ko? May 2 weeks na lang kame dito. Ayoko namang sirain ung monthsary namen pero dapat malaman niya to asap. Ayokong itago sa kanya pero ayoko syang saktan. Nyeta, bat ba kase naimbento pa yang eroplano eh! Eh di sana, hindi na kame makakapunta sa pesteng america na yan! Sirain ko na lang kaya ung eroplanong sasakyan namen? O kaya palubugin ko na lang kaya ung america? Tama! Pasasabugin ko ung airplane tapos imimissile-bomb ko ung america para hindi na kame matuloy!
Ang tikas mo naman boy!
Waaaaaaaaah! Nandito ka pa pala dakilang sawsaw! Wag kang makulet jan baka iicha kita! Pag ganitong namomroblema ko ah.
Eh abnormal ka naman pala eh.. Pasasabugin mo ung eroplano at palulubugin mo ung america? Feeling mo naman Diyos ka!
Ah basta, hindi kame pwedeng matuloy! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi talaga pwede! HINDE HINDE HINDE
"HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE - "
"Ano bang pinagsisisigaw mo diyan? Hoy, late ka na sa lakad naten! Hmp, pinagintay mo ko.. Kala ko kung ano ng nangyari sayo, yun pala nababaliw ka lang dyan! Ano bang feeling mo ha? Cute ka dahil nagfee-feeling bida ka sa teleserye? Hay nku Mark, mga pakulo mo talaga..."
Umupo sya sa kama ko tapos kinurot nya ung ilong ko. Ang saket naman. Hmf,wala pang pasko gusto na kong pagmukaing reindeer ni Kate.
"Happy monthsary Mark!"
*Mmmmmmmuuuuuuuaaaaaaaah*
Wow, ang sweet naman ni Kate. May greeting na, may kiss pa. Huhu, lalo tuloy ako nalulungkot.
"Gift ko sayo.."
May inabot sya saking box na nakabalot sa blue na giftwrapper tapos may ribbon den na blue. Grabe, touch na talaga ko nito, my regalo pa sya saken.
"Buksan mo na."
"Ngayon na? Pwede bang mamaya na lang? Nakakahiya eh.."
"OO ngayon na. Cge na buksan mo na. Pls pls pls?"
Ang pilit talaga ng batang ire. Sige na nga, bubuksan ko na nga. So ayun, binuksan ko ng pagkaingat-ingat para mapreserve ko ung pambalot. Syempre memorable un noh. First gift ni Kate saken.. Touching talaga! Hindi na to mawawala at mabubura sa aking puso't isipan magpakailanman!
Drama naman.
Che! Paki mo ba? Moment ko naman to ah!
"Nagustuhan mo ba?"
Wait lang ah, hindi ko pa nakikita eh.. Ano ba toh? ...WOW!!!! NBA CARDS!!!! ANG MATAGAL KO NG PINAPANGARAP NA NBA CARDS! WOW!!!!!!!!!! LAHAT ORIGINAL!!! WOW TALAGA!!!
"Hui, nagustuhan mo ba?!"
"Ha?"
"Hinde mo naman ata nagustuhan eh.. Waaaaaah, iyak na ko.."
"Original lahat toh ah.. Uh.. Grabe Kate, gustong gusto ko toh... Ang tagal ko ng pinaplanong bumili nito eh.. Pano mo alam na itoh gusto ko? Grabe talaga Kate, hindi ka na dapat bumili nito, mahal kaya to."
"Hindi kaya. Afford naman eh. So, nagustuhan mo?" ;D
"Oo.. Sobra.. Thank you Kate ah.."
"Buti na lang nagustuhan mo.. Ang galing ng source ko! Haha. Tara na, medyo gabi na eh."
Nilagay ko sa drawer ko ung regalo ni Kate tapos bumaba na kame. Nagbabye na ko sa kanilang lahat maliban kay papa na hanggang ngayon eh hindi ko pa din kinikibo. Pakiramdam ko kase kasalanan nya lahat toh eh. Hay naku, kasalanan talaga nya!
Pumasok na kame sa koche tapos syempre nag-drive na ko. Grabe, parang masusuka ko. Halo halo ung nararamdaman ko. Masaya kase kame na db? One month na nga kame eh. Tapos etoh sya sa tabi ko, nandito. Excited ako kase 1st monthsary namen to. Masayang masaya talaga ko. Pero kinakabahan pa den ako.. Nalulungkot.. Natatakot. Pano ko sasabihin kay Kate? Pano kung umalis talaga kame? Pano kung matagal pa bago kame bumalik? Makakapaghintay ba si Kate? Mahihintay ba nya ko? Pano kung hindi na kame bumalik? Pano na kame? Pano na....?
"Mark, ok ka lang?"
Pano na talaga toh? Anong gagawin ko?
"Mark? ...MARK!"
Woah, snap back to reality. "Ha? Baket?"
"Ok ka lang ba? Parang may saket ka yata eh.. Gusto mo next time na lang tayo umalis?"
Kung may next time lang sana. "Hinde, ok lang ako.."
"Promise?"
"Promise.."
Ngumiti sya tapos hinalikan nya ko sa pisngi..
"I Love you Mark.."
No comments:
Post a Comment