Ilang minuto den na yakap ko si Kate bago sya tuluyang tumigil sa pag-iyak. At eto na kame ngayon, nasa tuktok pa den ng mainbuilding. Nakaupo at sya, nakahiga sa balikat ko. Nakatulala sa kawalan.
Ako? hindi ko na naman alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin ko. Hindi ko den maintindihan tong nararamdaman ko - mabigat na parang hindi ako makahinga. Yung parang may luha sa dulo ng mga mata ko.
Haaaaay.. eto ata yung tinatawag nilang sakit eh. Yung ... Yung.. masakit. Ayun. Masakit. May iba pa bang description dun? Basta, ang alam ko, di maganda sa pakiramdam. Di masarap. At ayoko ng maramdaman to.
Kung baket ba naman kase talaga napasaok ako sa ganitong sitwasyon eh. Hindi naman sa pinagsisisihan ko na nakilala ko si Kate.. Pero sana, hindi yung ganito na magulo. O kaya sana noon ko pa sya nakilala. Yung bago pa nia nakilala si Siege para hindi sia nasasaktan ng ganito. Kung pwede lang sana ibalik ang oras no? Kung pwede lang sana, matagal ko ng ginawa para masaya na lahat. Walang gulo. Walang aksidente. Wala lahat ng nakakapagpahirap kay Kate.
"Mark.. Thank you ha. Thank you kase di mo ko iniwan.. sinamahan mo ko dito sa pagmumukmok ko. Thank you talaga."
"Thank you lang? wala bang 'how can i ever repay you'?"
*natatawa* "Ikaw talaga. O sya, sige na nga.. how can i ever repa you my brave knight?"
Ang sarap naman pakinggan nun. Lalo na't may kasama pang smile. "Hinde no, joke lang. Kaw pa, eh ang lakas mo saken."
"Lakas ka jan.. if i know, kanina mo pa ko gustong ilaglag kase para kong bata na ngawa ng ngawa."
"iKaw? ilalaglag ko?! hindi nO! sige na, nandun na tayo sa para kang bata kung ngumawa pero hindi kita ilalaglag no. Eh di pag nilaglag kita, wala na kong patatahanin. hehehe."
Aba, tawanan lang ba ko ng tawanan?
"Yan! ganyan lang dapat lagi." At may bumbilyang umilaw sa ulo kO."db sabi mo haw can you ever repay me?! alam kO na! wag ka na ulit iiyak. ok na ba yun?"
"ang hirap naman nun.."
At may isa pang bumbilya na umilaw sa ulo ko.
"eh db nga tutulungan kita? Ano.. Ah.. tatanggalin naten lahat ng nkakapagpaalala sayo kay.. sa kanya. Yung laket, ung recorder.. hindi ka na pupunta sa starbucks.. Basta, Lahat. db ok naman un?"
"Pano si - si- si James?"
Oo nga pala. Si bespren. Pano na nga ba yun? eh nagumpisa ng mangligaw si james kay Kate. At pumayag den naman si Kate. GRRRRR! Ayoko ng maalala yun! lalo na ung hinilakin ni - gRRRR! pag naaalala ko yun, parang gusto ko lang pumatay ng bespren eh!
Haaay... Hinga ng malalim. Inhale... Exhale... Control yourself. Control Mark. Control..
"Oi Mark. Pano na yun?"
"Eh ano ba lagay nia sayo? gusto mo ba sya?"
"Ah..... Eh....."
Gulp. Sana hindi...
And there was silence. Complete silence. Yung tipong nakakabingi na dahil sa sobrang katahimikan. Pagkatapos nung 'ah.. eh...' nia, wala na. Hindi na sya nakapagsalita.
Eto na naman yung masamang pakiramdam sa dibdib ko. Mabigat. Gusto ko syang tanungin kung bakit hindi sya makasagot, bakit natahimik na lang sya. Bakit?! Dahil ba sa oo yung sagot nia?! Oo na gusto nia si James at hindi lang nia masabi saken?! Pero, mas mabuti na kung sasabihin nia saken db?! Kesa ganito, nag-iisip ako kung baket katahimikan ang sagot nia sa tanong ko. Oo o hindi lang naman eh. Hindi rin naman ako magagalit kung sakaling oo yung isagot nia, kung sakaling sabihin nia na gusto nia si James. Hindi naman talaga ko magagalit eh.
Masasaktan lang.
Hindi ko na kaya to. Hindi ko na kaya tong katahimikan na to. Its time to break the ice.
"Kate, ano na? Yung tinatanong ko sayo. Gusto mo ba si James?"
Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no. Please say no.
"Ha? hindi..."
Yes! hindi daw! Narinig nio yun?! hindi nia gusto si James! Wuhooooooo! Hindi gusto ni Kate si James!
".....Hindi ko alam."
Ha?
Ano daw?! Teka, paki ulit nga. Baka nabibingi lang ako. Hindi ako pwedeng magkamali. db sabi nia hindi?! db?
Putang ina.
"Hindi ko alam Mark. Hindi ko alam. Ang gulo gulo talaga. Hindi ko alam kung bakit ko sya pinayagan na ligawan ako kahit alam ko naman na ako den ung mahihirapan. Hindi ko nga den alam kung bakit hinayaan ko lang sia nung hinalikan nia ko eh. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalit. Siguro kase nakikita ko sa kanya si - si- si Siege. Ewan ko. Siguro kase gusto ko mabuhay sa kanya si Siege. O siguro kahit paano gusto ko den sia. Ewan ko Mark. Ewan ko."
Parang awa nio na. Sabihin nio saken na
"Mark.."
Ewan ko na den. Hindi ko na den alam. Wala na kong masabi. Wala na kong maisip. Wala na lahat maliban sa sakit.
"Mark, magsalita ka naman oh. pls."
Eh ano ngang sasabihin ko?! Na tama na?! Bawiin nia yung sinabi nia dahil hindi maganda sa pakiramdam?!
Hindi pwede to. Hindi pwede na wala akong masabi. Hindi pwede na wala akong magawa. Kakapangako ko pa lang sa kanya na tutulungan ko sya tapos, ganito ko. Hinde pwede.. Kaya Mark, hinga ulet ng malalim. Control yourself. Kaya mo yan. Inhale... Exhale... Yan... Kalamahin mo yung sarili mo. Wag mo na isipin si James. Isipin mo na lang si Kate. Inhale... exhale...
"Kate.. kase.. pano ba to.. Ah.. ganito kase yun eh. kailangan magdesisyon ka. kailangan isipin mo na kung anong gusto mong mangyari. Kung gusto mong makalimot, isipin mo na kung sa anong paraan. Gusto mo nga bang makalimot?"
"oo."
"Kakayanin mo bang makalimot kung nandyan si James?"
"Hindi naman naten sya mapapaalis db?"
"hindi nga pero - Sa totoo lang kase kate, hindi ko na den alam eh. Gusto mong makalimot pero nandyan si James. Naaalala mo si Siege sa kanya. Pano kang makakalimot kung araw araw mong makikita yung tao na nakakapagpaalala sayo dun sa taong gusto mong kalimutan? Siguro hindi na naten talaga maaalis yun dahil hindi nga naten pwedeng paalisin na lang si James. Siguro pagisipan mo na lang muna kung hahayaan mo pa syang ligawan ka o hindi."
And again, there was silence...
Ilang mintuo na naman ng nakakabinging katahimikan. Nakakapraning. Para kong si Hamlet na halos mabaliw na sa kakaisip.. Tipong to be or not to be, that is the question. Saken nga lang, mas malala, dahil hindi lang yun ang iniisip ko. Hindi lang yun ang tanong na nasa utak ko.
Ano na bang mangyayari saken kapag hinayaan sia ni Kate? Habang buhay ko na lang bang papangarapin ung “the us that never was”? Habang buhay ko na lang bang panghihinayangan yung pagkakataong sinayang ko? Anong -
“Bahala na si batman.”
Batman?! Nandito ko nagpapaka-concerned tapos bahala na si batman?! Ano ba namang buhay to? Nakanaman ng pucha oh. Batman?!
Eh di maging si batman ka.
Sawsaw, is dat you?! Are you back from outerspace?! Kaso naman.. Nu ba yang suggestion mo! Balak mo pa kong pagsuotin ng maskarang may kadugtong na tenga ng paniki at brief na nakapatong sa leggings. Yak ah.
“Pero, promise ko sayo. Ittry ko na hindi na umiyak.”
Hay salamat. Pero mas maganda sana kung ang sinabi nia eh hindi na nia hahayaan si James na ituloy ung pangliligaw. Para libre na ko. Db?! Ano ba naman kasing gagawin ko kung matuloy-tuloy ung pangliligaw ni James kay Kate?
Eh di makipagsabayan ka.
Grabe, salamat po Poong may kapal at ibinalik nio ang aking anghel de la gwardia. I lab you so much na.
Anghel de la gwardia ka jan. Engot, hindi ka lang talaga marunong mag-isip. At pwede ba. I lab you?. Di tayo talo no.
Basta, salamat kay Lord at pinadalan nia ko ng sign - tama! Manghihingi na lang ako ng tatlong sign. At kapag natupad yun, itutuloy ko na ung pangliligaw kay kate. Hmmmmm… Ano kaya? Aaaaaaaahhhhhhhhhh...
Una, pag walang assignment na binigay samen ung mga prof bukas. Tapos... pangalawa, pag nag-red si Kate sa susunod na bukas. At pangatlo, pag hinalikan nia ko.
Lord, please send the signs.
*muah*
Yes! Yes! 3rd sign! Dis is it! Ang senyales mula sa kataastaasan na dapat kong ligawan si Kate!
"Kate..." Syempre dapat may paluhod-luhod effect den.
"Mark.."
"i Love you"
"Mark. Mark gising na."
Ha?!
Reality check. Panaginip lang yun.
Ay punyeta. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na. Kala ko yun na yun tapos -shet! i hate dis life! Hayup talaga. Kala ko totoo na. Kala ko hinalikan na nia ko. Kala ko sasabihin nia Mark i love you too tapos un pala, Mark gising.
Mark i love you too? In your dreams pare.
Oo na, Oo na. In my dreams na. Wag mo ng ipamuka saken na hanggang panaginip na lang magiging kame.
"Mark, gising na."
Sige na nga. Eto na po, gigising na. 1, 2, 3. Mark, dumilat ka - Wow! Am i in heaven? Ang ganda ganda naman ng gising ko. Panong hindi gaganda eh ang ganda den ng gumisng saken? Grabe.. Best morning ever.
"Hay naku. salamat naman at gumising ka na. Tulog mantika ka talaga." sabi ng, ehem ehem, 'anghel' ko sabay pisil sa ilong ko. Haaaay.. sa mga pagkakataong ganito, i just cant help but smile.
"Kanina ka pa gising?"
"Hindi naman masyado. Uhm, Mark. Pano na to? Pano tayo papasok? Ang dame na nating late kaya di na tayo pwedeng mag-absent."
"oo nga no. Kaso naman, ni hindi pa nga tayo nag-totoothbrush. Jahe naman pumasok ng bad breath db? Pano nga ba to? Ahhh.. Uwi na lang muna siguro tayo tapos habol na lang tayo kahit sa last subject naten."
Hinila ko na sya patayo tapos bumaba na kame. Si ate guard sa 4th floor ang sama ng tingin samen. Akala siguro may kung ano kaming ginawa ni Kate. Wish ko lang no. hehe.
Lumabas na kame ng main building at dumerecho sa parking lot and off we go. Pauwi sa bahay. Pagdating na pagdating dun sa bahay, waha, nagunahan kagad kame sa lababo para magtoothbrush. Sinong nanalo? tinatanong pa ba yun?! eh di ako! hehe. Yun nga lang, naunahan nia ko sa cr.
Siguro mga 45 minutes, umalis na ulet kame. Nagmamadaling pumasok para makahabol sa kahit huling subject. Pagdating namen sa ust, tumakbo na kame kagad paakyat sa classroom at salamat na naman sa Diyos, wala pang prof. Swak na swak yung dating namen kase mga ilang segumdo lang, pumasok na yung prof namen.
Haaaay... 45 minutes din to na uupo ako no. Boring. Ano kayang magawa ko? Eh di tutunganga as usual. Muni-muni dito. Nilay-nilay jan.
Yes. malapit na. 5 minutes na lang! Ano kayang magandanag magawa sa huling 5ng minuto ng klase? Teka, ung sign ko nga pala. Matanong nga dito kay labo kung may assignment ng binibigay ang mga prof.
"May pahirap na bang binibigay mga prof naten?"
Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala.. Sana wala..
"Wala pa." Yes! dis must be my lucky day! yehey!
Ok Class, thats all for now. But before you go, pls take note of your assignment that i will be dictating to you."
Lucky day pala ah.
No comments:
Post a Comment