Simply Kate Part 11

Shet. Pano na yung first sign ko?

 

Waaaaaaaaah! Pano na ang first sign ko?! Hindi maaaring maudlot yun! Ano ba naman yan! Ano ng gagawin ko? Siguro lang, wala kase db nga sign ung hinihingi ko? ibig sabihin, pag di binigay ng Diyos eh we're not meant to be. 

*tok tok tok* 

At may kumatok sa pinto namen. Lumabas si prof. Nagusap sila sandali at mukang seryosong usapan ang naganap. Maya-maya, pumasok na si prof. Yung puso ko kabog pa den ng kabog. Kinuha lang nia yung bag nia tapos sinabi nia, "you may go". Waha! Tama ba yung narinig ko? You may go? Wala ng assignment?! 

Saved by the katok 

Oo nga eh. Saved by the katok. At tatanawin kong malaking utang na loob sa kung sino mang anghel na sugo ng Diyos yung pag-katok nia at pag-istorbo sa pagbibigay samen ng homework. Haha! Wala na ngang assignment, 1st sign accomplished pa. O db, 2 in 1? 

Db sinabi na nga ng teacher na you may go? Eh di inaya ko na si Kate na umuwi. Tinanong ko sya kung may lakad sya ngayon at, yehey! wala! At dahil wala, sabi ko sa kanya daan muna kame ng ministop. Tutal naman walang pasok bukas at pwede kaming matulog hangga't gusto namen, eh pwede din kameng maglakwacha ngayon. Pumayag sya kaya lumabas na kame ng klasrum. At dahil kabaybs ko lahat ng mga staff dito mula kay manong guard, janitor, at hanggang kay ate elevator, nag-elevator na kame. Tapos dumerecho kame sa ministop at kumain. Kwentuhan, asaran, biruan. Tawa lang sya ng tawa kaya masaya na den ako. 

Wala ka bang balak gumawa ng lakad para bukas? 

Pwede rin.. San naman kaya? Ang mabuti pa, tanungin ko na lang si Kate. 

"Kate, alis tayo bukas. Liwaliw lang para malibang naman tayo pareho. Ok lang sayo?" 

"Sige ba, basta libre mo ha. Joke!" 

"Syempre lilibre kita, pwede ba namang hindi? San mo ba gusto?" 

"Kahit san basta masaya. Bahala ka na." 

"Star City, ok sayo?" 

"Star city? cge ba. Tagal ko ng hindi nakakapunta dun eh." 

"Wala ng atrasan yan ah" 

Yes! official na ito! Wala ng bawian! May date kame bukas ni Kate. 

Date ka jan? Asa ka pa. 

Bakit kaya ang daming kontrabida sa mundo? No? Nyahaha! basta ako masaya at may lakad kame bukas. Gagawin ko yung super saya para kay Kate. 

Maya maya, umuwi na den kame. Sa bahay, nanood ng tv, nagkwentuhan lang ulet. Nung sinabi nia na matutulog na sia, natulog na din ako. At syempre, pinaalalahanan ko sya sa lakad namin bukas. Haaaay, excited na kO! ano kayang mangyayari bUkas? 

Kinabukasan... 

Gud afternoon Philippines! Im so happy today because dis is the day of all the days! hahaha! Grabe, anong oras na ko nagising, 12 na! Teka, makababa na nga. At aba, ready na ang pagkain. Inaya na ko kagad ni kate na kumain. After naming kumain, naligo na ko. Pagkalabas ko ng banyo, syempre, papogi na. Konting gel at konting pabango at ako na yata ang pinakamagandang lalake sa mundo. hehehe. Habang nagpapapogi ako, naliligo naman sya. Teka, ang 2nd sign ko! Red shirt dapat ang isuot niya ngayon. Basta kahit anong pulang damit. Maabangan nga sya sa labas ng banyo. Witwiwiw witwiwiw.. 

Umikot na ang doorknob... 

Bumukas na yung pinto... 

And the color of the day is... 

rEd! Lord pls let it be red! red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red red . 

Sorry. blue. 
Ha? blue? baket blue? Ang sama naman! Natupad na nga yung first sign eh, tapos ganito! Waaaaah! ayoko na! Ayoko na talaga! Ang sama mo Lord, pinapaasa mo pa ko! huhuhu! Kawawa naman ako. Umaasa na lang sa wala. hUhUhU.

 

"O Mark, anong ginagawa mo jan? gagamit ka ba ng cr?" 

Hinde! ano naman gagawin ko sa loob ng cr? magmumukmok? Waaaaaaah! Ansama talaga. "Hinde. Inaantay lang kita." 

"Sus naman. Para namang kakainin ako ng cr." 

"Malay mo. Sige, antayin na lang kita sa sala ha." 

At ayun, umakyat na sya sa kwarto nia para magbihis habang ako naman, pumunta sa sala ng luhaan. Ang sama ng feeling. Kala ko pa man den. Pero kung sa bagay, db nga sign ang hinihingi ko.. Eh baket ako magagalet kung di mabigay. Yun nga lang yun eh, pag di binigay eh di, sorry na lang ako. Habang buhay ko na lang talagang papangarapin na kame ni Kate. Na mahal din nia ko. Ang hindi ko lang naman makakayang tanggapin siguro eh kapag naging sila ni James. Alam ko na panigurado mangyayari saken nun. Por layp na kong luluha at malamang, por layp na den akong magluluksa. Na isang babae na naman ang naagaw saken ng bespren ko. Pero inpernes ah, naalala ko, may isa nga palang pagkakataon na nanalo ko kay James. Panandalian nga lang. Nung 3rd yr highschool kase kame eh sabay kaming nangligaw sa isang babae. Si Anna. Haaay, sobrang tyoe na type ko talaga yung babae na yun at shempre, heaven ang feeling ko nung mas pinili nia ko kesa ay James. Kaso nga lang, wala pang isang buwan eh gumuho na ulit ung mundo ko. Nalaman ko na lang sa bestfriend ni Anna na sila na ni James. Ang saklap ng pakiramdam ko nun. Masaklap pero hindi masakit. Naisip ko nga nun eh, kaibigan ba talaga tong si James? Eh kung tutuusin, para nia kong sinaksak sa likod nun. Pero, hinayaan ko na lang. Ayoko naman na masira yung pagkakaibigan namen ng dahil sa babae lang db? Kaya, ayun, nagparaya ako. 

At ngayon magpaparaya ka na naman. Eh hindi na pagpaparaya ang tawag jan. Katangahan na yan no. 

Si Kate? hinding hindi ko ipagpaparaya si Kate. Maliban na lang kung dun sya masaya kay James. Siguro, kahit magiging masakit para saken yun, eh, hahayaan ko na. Dun sya masaya eh. Kesa naman na kasama nia ko pero yung isip at puso nia nasa iba den. *sniff* 

Teka nga pala, nasan na ba tong si Kate. Nakapagkwento na ko ng history ng buhay ko at nakapagsenti, wala pa den. Haaay, mga babae talaga o. Katagal magpaganda. 

*Pasigaw*"Kate, Matagal ka pa ba?" 

"Jan na." 

Hay sa wakas. At ayun, narinig ko na ang footsteps nia na pababa ng hagdanan. Matignan nga kung maganda tala - 

Shet. Totoo ba tong nakikita ko? Baka naman color blind na ko?! 

Naka-red ba talaga si Kate? 

oh shet, oh shet! naka red nga si Kate! Nakanaman talaga! hAhA! eh teka, nakablue sha kanina db? Panong -? Panong naging red yung suot niyang damit?!


"Oh Mark, para kang nakakita ng multo jan." 

"Ha? Ah, eh, nagulat lang ako sayo, nakablue ka kase kanina tapos ngayon nakared ka na." 

"Natapunan kase ng pulbo ung tshirt ko kanina eh. Namuti. Kaya nagpalit ako. Ano, tara na?" 

Lumabas na kame at sumakay sa koche. Haaay, salamat sa pagkakatapon ni Kate ng pulbo. Akalain mo yun?! nakablue na sya tapos naging red pa. Kung di ba naman talagang ITS A SIGN FROM THE LORD UP ABOVE! hehe. Pangalawang beses na to na muntik hindi magkatotoo ung sign na hinihingi ko pero nagkakaron ng kung anong pangyayari kaya natutuloy pa den. Divine intervention na ang tawag dito! 

Eh di sige, drive drive drive. Habang tong katabi ko eh himbing na himbing sa pagkakatulog. Kung di lang ako kinakabahan na baka mabangga kame eh sa kanya na lang siguro ko tumingin. Ang peaceful kase ng muka nia pag natutulog eh. Parang anghel. Walang stir. Walang halong joke. At di den ako nagiging exag. Muka talaga syang anghel. 

Mga 45 minutes, nandun na kame sa star city. Pinark ko yung koche sa parking lot (malamang). Haaay, tulog na tulog pa den tong batang to. Tulog mantika pala ko ah?! Sino ngayon ang tulog mantika?! 

May icoconfess ako sa inyo. Alam nio, natetempt akong halikan sya ngayon. Sobrang gusto ko syang halikan. Lilinawin ko lang, hindi kung ano mang kahalayan ang nasa isip ko. Clean intentons talaga. Alam nio un, ung puso ko kumakabog pa tinitignan ko sya. Parang nag-uumapaw. Ang hirap i-explain pero basta, ganun katindi ung nararamdaman ko. Isang hibla na nga lang ng buhok yung layo ng muka ko sa muka nia eh. At hindi ko talaga kayang pigilan yung nararamdaman ko. Kaya hahalikan ko na talaga - 

"Mark?!" Patay. Nagising. Caught in the act. "At ano naman daw ang balak mong gawen?"

 

"Eh di gisingin ka. Nandito na po tayo no."

Parang ayaw pa nia maniwala. Siguro den kase ano ba naman yung posisyon ko db? Sobrang nakalapit ako sa kanya. "Ano, tara na." 

Sumama na din sya saken kaya pumila na kame sa para sa tickets tapos pumasok na din kame sa loob. Ang ligalig nia. Lahat ng rides gustong sakyan. Hindi makapili kung anong gustong unahin. Hila ng hila saken sa kung saan saan. Ang hirap pala pag babae kasama mo no? Para kong aso na nakasunod lang nakasunod. Kulang na lang sabihin nia na, 'chu... come here boy. come here Mark.' Pero, ok lang. Basta masaya sya. 

Mga ilang oras na din yun na nag-rrides kame at eto ko, malapit ng masuka. Umiikot na yung paningin ko. Malala pa to nung nalasing ako ah. Parang bumabaliktad yung sikmura ko. Ikaw ba naman kase sumakay sa cyclone loop at sa viking ng paulit-ulit. 

Finally, nag-aya na siyang kumain. Pagkatapos naming kumain, nagpunta kame dun sa may mga games na may prizes. Yung bibili ng token. At ayun, nakakita ng malaking malaking stuffed toy. Hindi na ko tinigilan. Parang bata, ayaw umalis hangga't di nakukuha yung laruan. May magagawa ba ko? Eh di shempre wala. huhuhu, malapit na ko mamulubi kakabili ng tokens, hindi ko pa den nakukuha yung prize. 

*beng* 

"Yan Mark, dalawa na lang! dali!" 

*Beng* 

"Mark, isa na lang! Kaya mo yan! Dali!" 

Excited na excited. Ako naman tong nagpapakahirap dito. Halos magkandaduling-duling na nga ako dito kakaasinta eh. Kaw kaya dito. Hmp. 

Eto na, here goes nothing. 

*beng* 

*tumatalon-talon at tawa ng tawa* "Yey! Mark, ang galing mo! Natamaan mo!" Haaaay, finally. Malapit na kong ma-bankrupt eh. Pero ok lang, abot langit naman ang smile nia eh. 

Inabot na saken ni kuya (na sukang-suka na sa pagmumuka ko) yung stuffed toy at ako naman, kinuha ko na parang isang malaking trophy. Dugo't pawis ko to no.

"O ayan, masaya ka na, napanalunan ko na yung teddy bear mo." Inabot ko na kay Kate ung stuffed toy at ayun, ang saya saya ng bata. 

"Oo naman. Thank you Mark! I love you na talaga." 

I love you? Narinig nio un? Sinabihan ako ni Kate ng i love you. Ang saya saya naman. 

Feeling mo naman mahal ka nia talaga. 

Kontra bulate. Kahit kelan ka talaga, kontrabida! Inggit ka lang kase ako sinabihan ni kate ng i love you. 

"Thank you talaga Mark ha." *muah* 
Halik ba talaga yun?

Napatayo na lang ako dun at napahawak sa pisngi ko. halik nga un. Halik! Alam niO un? halik? kiss? ung mUah? ung tsup tsup? Grabe, cloud9 ito! ang saya saya. 2 in one na naman, hinalikan na nia ko, binigay pa ung 3rd sign ko. Teka, ang ibig sabihin nun ay... ^drumroll^ and ^heartbeat^ liligawan ko na si Kate! un na un eh! db, ibinigay na ni Lord up above ang tatlong sign na hinihingi ko?! 

Oo, kaya what are you waiting for? 

Wala! Wala na kong hihintayin pa. Timing na lang. Aayusin ko na to! Hindi ko na aantayin pa ang bukas! Mamaya den ay magtatapat na ko! db? db? Wala na kong dapat aksayahin na oras. Kailangan kong makahabol sa byahe. Kailangan kong abutan si James! KAYA KO TO! 

"Hoy Mark, tara na!" Hay naku, palibhasa masaya na at nakuha na nia ang inaasam-asam niang teddy bear. Pero ok lang, nakuha ko den naman ang inaasam-asam kong halik eh. hehehe. 

"Baket, gusto mo na bang umuwi?" 

"Medyo. Inaantok na kase ako eh." 

*Pabulong* "Antukin." 

"Anong sabi mo?" 

"Wala. PICC muna tayo. Sige na, pagbigyan mo na ko." 

"Mag-bbike? Sige bA. tAra!" 

At ayun, mas excited pa saken. Hinatak na ko palabas. Nagpunta na kame ng PICC, nagrent ng bike at nagikot-ikot. Ang lamig ng hangin pero ang sarap. Lalo na yung feeling ko ngayon! Heaven itO! Kung gano kabigat yung pakiramdam ko noon eh ganun naman kagaan ngayon. 

After ng mga isang oras siguro ng pag-liliwaliw eh sinoli na namen ung bike kay manong. Tapos, umupo kame sa isa sa mga bench. Tahimik lang kame pero feeling ko un na ung pinakamasayang conversation ng buhay ko. Ewan. Basta yun na yun. Ganun lang talaga siguro pag in-love ka. 

Corny mo tsong. 

Parang ikaw hindi corny ah. Hmp. Dakilang kontrabida ka talaga! Malala ka pa sa mga kontrabida sa telenobela eh. Kahit pumapatay sila, at least hinde naninira ng dreams. 

Nagpaalam muna ko kay Kate na bibili ng pagkain kaya ayun, tumakbo ko sa pinakamalapit na bilihan ng ice cream Special request ng, ehem ehem, "leading lady" ko. Pagkabili ko, binalikan ko na sya at inabutan ng ice cream. Haaaaay. Ayan na naman ang pagkalambing-labing niang "thank you Mark" at syempre, ang kanyang "heart-melting smile". Wala na, tunaw na tunaw na naman ang puso ko. Parang ice cream na iniwang nakabilad sa init ng araw. 

Tumabi na ko sa kanya at kinain na den yung ice cream ko habang tinitignan-tignan sya. In fairness, muka naman siyang masaya. Walang kabahid-bahid ng lungkot. Wish ko lang, sana laging ganito. Kase hindi lang naman sya ung nahihirapan eh. Pati ako nahihirapan. Nalulungkot. Nasasaktan. 

"Mark? pwede bang mag-tanong?" 

"Oo naman. Ano ba yun?" 

"Naaalala mo pa nung nalasing ka?" 

"Oo. Baket? Galit ka pa den ba saken?" 

"Hindi na. Kase.. Ano.. Hindi ko pa den alam kung baket ka nag- naglasing nun. Baket nga ba?" 

"Ha?" Naku. Mukang its time to tell the truth ah. Di bale, plano ko na naman talagang magsabi db? "Gusto mo ba talagang malaman?" 

"Oo naman." Yumakap sya sa braso ko tapos humiga sya sa balikat ko. Heaven na naman. Pero teka. Ang pangit naman siguro kung ganun ganun ko lang sasabihin sa kanya. Wala man lang ka-sweetan. Di man lang romantic. Ang sagwa. 

Ayan ka na naman. Basta, its now or never.

Sabi ko nga eh. Pero, wala talagang kalatuylatuy eh. Kahit saang tingin ko daanin, wala talagang arrive. Alam nio un, walang enta. Tipong hindi man lang ma-iimpress si Kate. Hindi ko ata style yun. Ang gusto ko yung may romantic set-up. Yung maganda yung lugar, yung ambiance. Basta. Yung masasabi mong "perfect" 
Bahala ka. Sige, palagpasin mo na naman yang pagkakataon. Tapos sisihin mo yang sarili mo pag nawala sayo si Kate. 

In fairness, may point. Isang malaking tuldok na kitang-kita ko. Isang malaking tuldok na nag-sasabing "Mark, wag ka na namang magpakatanga. Sabihin mo na." 

Ok payn. I've decided. Ngayon na. Ngayon na ngayon na. 

"Nag-lasing ako nun kase.. kase nalaman ko na liligawan ka ni James." Hirap naman neto! "Gusto din kita. Nung una palang kitang makita. Natakot ako na baka mawala ka saken at mapunta ka kay James. Hindi ko kaya yun.. Alam mo kung baket?" 

Hinga ng malalim. Eto na. Eto na talaga to. 

"Kate, i love you.."

No comments: