Simply Kate Part 12

Whew! Sa wakas! Nasabi ko na den! Woooooohooooooooo! IM THE KING OF THE WORLD! HAHAHA! Pero teka. Ang N.R. naman nito ni Kate. Wala man lang karea-reaksyon. Wala bang epekto sa kanya yung sinabi ko? 

"Kate? Ka-" 

Sabi ko nga eh. Tulog sya. 

Ayan. kase. ang dame mong keme. Ano? may napala ka ba? Wala! haha. buti nga sayo! tinulugan ka ni Kate. Kupad mo kase eh. 

OO na, oo na. hindi mo naman kailangang ipagdukdukan eh. Baket naman kase napakaantukin nitong babaeng to? tulugan ba ko in the middle of my proposal? huhuhu. kawawa naman ako. Tignan nio, tignan nio, ang himbing ng tulog. Ang sarap ng higa sa balikat ko. Ginawa pang embrace yung braso ko. Kala ata nito ni Kate unan ako eh. 

Hay naku, ano pa nga bang gagawin ko? Eh di iuwi sya. Binuhat ko sya at isinakay sa koche tapos nag-drive na ko pauwi. Pag-dating sa bahay, binuhat ko ulit sya at ihiniga sa kama nia. Umupo ako sa gilid nia at ayun, pag tingin na pag tingin ko pa lang sa kanya, para na naman akong na-hypnotize. Yung parang naka-drugs. Alam nio na naman siguro ung pakiramdam na un db? Yung nag-uumapaw yung puso mo sa feelings na hindi mo naman maidescribe. 

Hinalikan ko sya sa noo tapos, pumunta na din ako sa kwarto ko, humiga at tumulala sa kisame. Sa loob ng dalawang linggo, ang dami na ng nangyari. At ngayon, kailangan na kong kumilos! kailangan ko na talagang makapagatpat kay Kate. Alam nio na, before its too late. 

*ting* At may umilaw na light bulb sa kokote ko. 

Lumabas ako at nagdrive papuntang laong laan. Alam nio naman kung anong meron dun db? At buti na lang, may isa pang bukas kahit dise-oras na ng gabi. Sabi nga ni ate na nagtitinda, usually daw kase, may mga late-night buyers kaya ayan, nagchachaga syang magbantay. Pero ok lang no, sa dami ba naman ng binili ko eh bawing bawi na si ate. Tapos nakita pa nia ko. Aba, eh para na niang nakita si Brad Pitt sa personal! O db, para na syang naka-jackpot nun?! hehehe. 

Tapos, pumunta den ako sa tuuuuuut. Secret ko na kung saan yun. Basta, bumili ako ng malaking malaking teddy bear. Yung life size. Dihamak na mas malaki kesa dun sa napanalunan ko sa star city. Halos di na nga mag-kasya sa trunk ng koche eh. At tapos, umuwi na den ako sa bahay. 

May ginawa muna ko shempre na something special bago ko pumunta sa kwarto ni Kate. Buti na lang mahimbing sya matulog at hindi sya nagigising kaya eto, samantalahin ang pagkakataon. hehehe. Basta bukas, desididong-desidido na ko at wala na talagang makakapigil saken! Sasabihin ko na talaga sa kanya! Kaya, matutulog na ko at kailangan ko pa ng beauty rest. Ehem ehem, hindi ako bakla ah. Basta, abangan nio na lang ang surprise ko kay Kate na sana eh, magustuhan nia. 

Sana…

 Haaaaaaaaaaaaay... Ang sarap matulog. Grabe. Anong oras na ba? wow, 10:00 na. in fairness, maaga na yan. Teka! Naku, lagot, nakatulugan ko pala si Mark kagabi. Tagal tagal naman kase magsalita eh. Kasalanan ko ba kung pumikit na yung mata ko? Pero, magsosorry ako sa kanya, baka naman magalit saken. *yawn* Makabangon na nga - woah! Ano to?! Anong ginagawa ng isang malaking teddy bear sa desk ko?! Wow grabe, mas malaki pa ata saken to ah! ang cuuuuuuute! May hawak pa syang bouquet ng red roses. At isa pang woah! baket parang inulan ng rose yung kwarto ko? Ang ganda naman.. may red petals all-over. At may isang bouquet pa ng red roses sa bedside table ko. Wow naman.. Kanino kaya galing to? Sino kayang may pakana nito? Ang ganda ganda.. Nananaginip ba ko? 

Nag-punta ko sa cr sa kwarto ko para magtoothbrush at maghilamos. Baka sakaling magising na yung dugo ko at mamulat ako sa reality. Parang sa mga movies lang kase nangyayari to eh. Pero pagbalik ko ng kwarto ko, oh my God, nandun pa den ung teddy bear at flowers! Ibig sabihin nun, totoo lahat yung nakita ko! Dun na nagsink-in sa utak ko na may nag-handa nito para saken. And at that very moment, naramdaman ko na napangiti na lang ako sa sobrang kilig. 

Tinignan ko yung flowers na hawak nung teddy bear pero, wala namang nakalagay kung kanino galing. Ang nakalagay lang, "Follow the white petals and you'll find me standing there, waiting for you." 

Aba ang taray, english. Pero, who would do something this big for me? Sobrang ganda na ang kaya ko na lang talagang gawin ay ngumiti ng abot tenga. Si James kaya? Sya lang naman ngliligaw saken ngayon eh. Kung sa bagay, sinurprise naman na nia ko dati pa. Haaay, nakakakilig naman sya. Ang sweet. 

Pero sabi, follow the white petals. Eto, may white petals nga papunta sa labas ng kwarto ko. Wow, hanggang sa may hagdanan may white petals. Tumayo ako sa tuktok ng hagdanan, still amazed. Pati yung hawakan ng hagdanan, may white roses na naka-ikot. As in bundles of white roses na naka entwine sa hawakan. Sa steps naman ng hagdanan eh may white petals den. Wow naman talaga! Super sweet! And standing at the foot of the stairs is my prince charming, holding another bouquet of flowers, This time, assorted na. At yun na yata ang pinakamagandang flower arrangement na nakita ko sa buong buhay ko! Ang ganda ganda! 

Bumaba na ko para makita sya. Natatakpan kase nung flowers yung muka nia eh. So ayun nga, bumaba na ko para naman makapag-thank you kay James sa super gandang surprise na ginawa nia para saken. 

*one big smile*"Hi James. Thank you ah." *another big smile*

 

 

JAMES?!! Kap*ta-p*tahan naman oh! Kelan pa ko naging si James?!! Ang pangalan ko ay Mark Eillor Vista! hindi james! Kahit tignan nio pa sa birth certificate ko! Ano ba naman to, pagkamalan ba kong si James! bAket, si James lang ba mai karapatan at kakayahan na maghanda ng surprise? Kaya ko din naman ah. Hay naku, lech*ng buhay to. 

Inabot ko na yung ginintuang bulaklak (mahal kasi kaya ginintuan) kay Kate at ayun, gulat na gulat. Hindi alam kung anong sasabihin. Kahit naman ako eh, hindi ko na alam kung anong sasabihin. Pano pa ko ngayon magsasalita ngayon kung ang inaasahan naman pala nia sa simula't simula pa lang eh si James?! 

"Mark?! Aba naman talaga. At magkakunchaba pa kayo ni James ah. Kala ko ba gusto mong iwasan ko sya? Pero teka, sa kanya ba galing lahat yun? Ang sweet naman nia. Ang ganda ng surprise." 

Beng. Sapul. Siguro kung totoong bala yun, malamang-lamang lang, kanina pa ko bumulagta dito at namatay. Tagos sa puso ko yung bala eh. Ang sakit. 

"Oi Mark, kay James ba galing to?" 

James?! Leche! HINDI galing kay James yun! HINDI ok? Naiintindihan nio?! Hindi galing sa kanya yun! SAKEN! Kay MARK!

"Oo." 

"Wow naman talaga. Ang daming bulaklak nun ah. At yung teddy bear, super laki. Ang ganda talaga. Nasan sia?" 

Ewan ko. Pero mamaya, panigurado, nasa ibang planeta na sya. 

"Secret." 

"Ang daya naman! Pero, sige, bahala ka. Kumain ka na ba? Kain ka na lang dyan ha. Balik muna ko sa kwarto ko. Ayusin ko lang yung mga flowers.. Ang ganda ganda talaga." 

At ayun, bumalik na sya sa kwarto nia na parang naka-high. Alam nio un? Kilig na kilig na parang in-love na in-love. Ngiting-ngiti sya. Dapat para saken yung ngiting yun pero ano?! Nabutas na nga yung bulsa ko, nasayang pa lahat ng effort ko! Pinagpuyatan ko yun! Pinagpaguran ko! Dugo't pawis! Leche talagang buhay to! Pakamatay na lang kaya ako? 

Eh engot ka kase. Baket mo sinabing galing kay James yun? 

Ano ngang gusto mong sabihin ko? Na saken galing yun para atakihin sa puso si Kate? Ano?! Gusto mong magtapat ako? Hindi mo ba nakitang asang-asa at siguradong sigurado yung tao na galing kay James yun?! 

Bakit ba kase ganun eh... Baket ba kase lagi na lang si James yung napapansin? James James James, puro na lang James. Para na ngang echo eh. Para ng sirang plaka na paulit-ulit. James James James, puro na lang talaga James. Hindi ba pwedeng kahit minsan maging Mark naman? 




Kahit sa puso lang ni Kate...

 

Ang saklap talaga ng buhay. Pagkatapos kong magpakapuyat at magpakapagod kagabi para ihanda yung surprise ko kay Kate, wala ding nangyari. Siguro nga kasalanan ko kase sinabi ko na galing kay James yun pero - hay naku, kayo na lang kaya sa pwesto ko?! Basta pag ako naging presidente ng Pilipinas, makikita nio, ibaban ko ang pangalang James at lahat ng may mga pangalang James ay i-eexile sa ibang kontinente. Tapos lahat ng mga may pangalang Kate at Mark ay automatic na magpapakasal. Bwahahahaha!

Para ba kong tanga? Oo, alam ko na para na kong tanga. Uhm, hindi, tanga talaga ko, since the beginning of time. Wala na talaga kong ginawang tama no? Ano bang nangyayari saken? Can this be love? Haaay, tinatanong pa ba yun? 100% love ito. Love, pagibig, pagmamahal. 

Alam nio kung bakit ako nagkakaganito ngayon? Alam nio kung bakit ako suklam na suklam sa mundo?! 'Tangna, pano kong hindi mabbwisit eh magkasama ngayon si Kate at si James. huhuhuhu, kawawang ako. Habang si James kasama si Kate, nag-eenjoy, ako nandito sa bahay, nakahiga habang nakatitig dun sa dalawang butiki na nasa kisame. Ang sweet nga nila eh. Close na close.. Sana kami na lang ni Kate yung mga butiki. Kahit naman maging butiki sa kisame na lang si Kate mamahalin ko pa din naman sha eh. At sya pa ang magiging pinakamagandang butiki sa buong mundo.

Haaay, para na naman akong timang. Ikaw ba naman kase maghintay dito, hindi ka ba mappraning?! 2oklak nung umalis sila, alas-syete na, wala pa den. LIMANG ORAS NA YUN AH! Waaaaaaaaaaaah! Unfair! Unfair! Welga ako! Welga, welga, welga!

After 1 hour of complete boredom at pagpapaka-paranoid...

Finally, nandyan na sila. Sumilip ako sa bintana. Lumabas na sila sa koche ni James tapos nagusap sila sandali. Hmmm.... ano kayang pinaguusapan nila? Tumatawa si Kate ah.. At sh!t. Ano yun? Kiss na naman. Swerte nia sa pisngi lang yun kung hindi baka tumalon na ko simula dito sa ikalawang palapag at ibinitin ko na yang James na yan ng patiwarik!

Nung nakita ko si Kate na pumasok na sa bahay, humiga na ulit ako sa kama at nagtulug-tulugan. Ano bang sasabihin ko db? Alanganamang makihapi-hapi ako kahit deep inside eh gusto ko ng pumatay ng tao? Kaso naman tong Kate na to, hindi pinansin ang disguise ko. Ayun, diredirechong pumasok sa kwarto ko ng walang katok katok. Ginising nia ko ng pilit na kulang na lang iwagwag nia ko tapos nung umupo na ko na nagkukunwaring bagong-gising eh hinatak nia ko sa baba. 

Umupo kami sa sofa. Hindi sya nagsasalita kaya ako na yung nauna.

"Bakit ka naman nanggiigising? Nakita mo ng natutulog yung tao eh. Alam mo bang pagod ako?"

"Napagod? At ano naman ang ikinapagod mo?"

*Pabulong* "Halos tumirik lang naman yung mata ko sa kakahintay sayo." 

"Ano?"

"Wala." At masakit man sa loob ko eh sinabi ko na ding "O, anong nangyari sa lakad nio?"

"Sa lakad namin? Wala lang, ang saya saya. Alam mo Mark, parang nagugustuhan ko na talaga si James. Ang bait, ang gentleman, ang saya kasama... Tapos may surprise pa sya saken kaninang umaga. Haaay.."

Aray. Foul! Time-out! Injured player! Pls, tumawag kayo ng ambulansya. Mamamatay na ata ako! Tangna, ang sakit ng puso ko. 

"Ui Mark, hindi ka na nagsalita jan. Teka, may itatanong nga pala ko sayo tungkol dun sa surprise na yun.

*Gulp* "Ha?" 

"Tungkol sa mga flowers at teddy bear."

* Double Gulp* "Ano namang tungkol dun?"

"Ano namang tungkol dun? Niloloko mo ba ko Mark? Gagawa ka ng surprise tapos sasabihin mo galing kay James. Bakit hindi mo saken sinabi na galing sayo yun?" 

Sh!t, anong sasabihin ko? Pano nia nalaman? Naku, baka nag-thank you sya kay James kanina tapos sinabi ni James na wala naman syang hinahandang surprise. Leche, impromptu speech na naman. Anong sasabihin ko? Isip Mark.. Isip.. 

tick tock, tick tock. tick tock, tick tock.

"Kase... Kase..."

tick tock, tick tock. tick tock, tick tock.

 

Patay. Cornered.

No comments: