Simply Kate Part 13

Ok… Hinga ng malalim… Mark, stay calm. Don't panic. Kaya mo yan. Isa pang hinga ng malalim. Inhale… Exhale… Punyeta naman, panong hindi ako magpapanic eh pinapaamin nia ko on the spot. Para kong ginigisa neto ah. Nagmamakaawa po ako sa Diyos Poong Maykapal na nasa kaitaastaasan. Tinatawagan ko lahat ng mga nghel at Santo.. Parang awa nio na.. Nagmamanikluhod ako, tulungan nio po ako... 

“Ano? Di ka ba magsasalita? Mark naman kase eh, bakit di mo sinabi saken na sayo galing yun? Alam mo ba, sobrang nagmuka akong tanga sa harap ni James kakapilit na sa kanya galing yun..” 

Sabi ko nga eh. Akala ko pa man din ang inaalala nia eh hindi nia ko napasalamatan at nasayang yung effort ko. Yun pala iba ung inaalala nia - na nagmuka siyang tanga sa harap ni James. Baket, sino ba talagang nagmukang tanga?! Db ako naman? At hanggang ngayon, ako pa din yung nagmumukang tanga dito na walang maisagot sa tanong nia. Baket ba kase hindi ko masabi sa kanya na sakin talaga galing yun? Na gusto ko siyang ligawan? Na mahal ko sya? Db yun naman yung gusto kong sabihin sa kanya simula't simula pa lang?! Pinanganak na ata talaga kong engot eh. 

“Mark… Ano ba talaga?” Shet. Isang malaking shet. This cannot be. Hindi sya pwedeng umiyak! Hindi ito maaari. Kaya habang nagbabadya pa lang ang kanyang mga luha ay pipigilan ko na. 

“Sige na, sasabihin ko na. Aamin na. Wag ka lang umiyak.” 

“Promise?” *Teary-eyed pa den.* 

“Oo na, Promise na. Pag di ako tumupad wag mo na kong kasuapin habang buhay.” 

“Yehey! Sabi ko na nga ba mahal mo ko eh.” *one million mega-watt smile* Mahal? Di lang mahal. Tangna, mahal na mahal. Pero narealize ko, I fell for a trap. May lahing artista din pala tong isa na to eh. Dramahan daw ba ko para lang mapaamin?! Naku, wala na talagang atrasan to. Ano pa nga ba kasing hinihintay ko eh db ipinagkaloob na saken ung tatlong sign na hiningi ko? Tama! HAH! Pangpalakas loob - na may back-up ako sa taas. Hehehe. 

“O, ano na?” 

Haaaay, this is it. Wala na talaga akong kawala. Nakapangako na ko eh. At isa pa, ang laki ng kapalit. Biruin nio, pag di ako tumupad din a nia ko kakausapin forever and ever amen?! Di ko kaya yun no. Kaya, Wooohooo! Here goes nothing. 


Wish me luck…

Kumuha ko ng isang bote ng SanmigLight na binili ko nung isang araw tapos inaya ko sya dun sa may terrace. Sabi ko sa kanya, dun ko sasabihin. Pumayag naman sya kaya umakyat na kame. May dalawang upuan dun tapos may lamesa sa gitna. Umupo kame - ako sa kanan, sya sa kaliwa. Pareho kameng nakatingin sa kawalan. Lumagok ako ng konti. Pangpalakas-loob. 

Huminga ko ng malalim. Eto na. 

"May isang lalake, sobrang mahilig magbulakbol. Walang pakialam sa mundo. Puro basketball, gudtime at chicks lang ung inaatupag nia. Masayahin sya. Parang laging walang problema. Pero yun ung akala ng lahat. Yun din naman kase yung pinapakita nia kahit sa loob-loob nia eh madami syang inaalala. Ganun din sya sa babae. Ligaw dito ligaw dun. Kahit madalas niyang kakumpitensya yung bestfriend nia. Kala nia, ganun na lang lagi ung magiging takbo ng buhay nia. Pero mali pala sia." 

Nagatataka na ata sya sa mga pinagsasasabi ko. Pero maya-maya, maiintindihan din nia. Lumagok ako ulet, tapos tinuloy ko na yung kwento ko. 

"Maling mali sya kase biglang dumating ung babaeng nagpabago sa kanya. Nagbabasketball sya nun nung nakita nia yung babae na sumapul sa puso nia. Kaso, hindi sa kanya nakatingin - dun sa bestfriend nia. Sa isip isip nia, tangna, kumpitensya na naman. Tapos bigla na lang umalis ung babae. Nag-bike sya papalayo. Umiiyak. Hinabol sya nung lalake pero nung naabutan nia sa park para tanungin yung pangalan, tumakbo ulet ung babae. Hinabol sya ulet nung lalake tapos nalaman nia na magkapitbahay pala sila." 

"Mark?" 

"At eto pa, naging magkaklase sila. Pero nung nakita ulet nung babae ung bestfriend nung lalake, umiyak ulet sya, tumakbo. Hinabol pa den sya nung lalake. Nagtataka kung bakit. Yung laket nung babae, nakita nia na kamuka nung bestfriend nia ung lalake sa picture. Pero, hindi na nia pinansin. Hanggang sa may mga bagay na nangyari. Tumira sila sa isang bahay, Yung bestfriend nia niligawan ung babae, naglasing sya, muntikan na silang mabunggo, nagkagalit sila nung babae. Lungkot na lungkot ung lalake nun. At nung finally gusto na niyang makipagbati, nalamn na man nia ung hindi inaasahan. Yung past nung babae. Na kamuka nung bestfriend nia ung lalakeng mahal nung babae - nung babaeng mahal nia. Pero, ginawa nia lahat mapasaya lang yung babae. Habang tumatagal, lalo syang nahuhulog. Humingi sya ng tatlong sign - walang assignment, magpula ung babae, tapos halikan sya. Akalain mong natupad ung tatlong sign? Sasabihin na sana nia kaso, habang sa kalagitnaan ng pag-amin nia eh nakatulog ung babae. Ang saya no? Kala pa man din nia masasabi na nia." 

Uminom ako tapos tinuloy ko na ulet. 

"Naghanda sya ng surprise. Flowers, at isang malaking teddy bear. Sabi nia, panigurado matutuwa ung babae. Haaay, natuwa nga pero ang akala nung babae, ung bestfriend nia yung may gawa nung surprise. Kaya umOo na lang sya. Kahit masakit sa loob nia. Alam mo, mahal na mahal nia talaga yung babae. Kahit hindi nia alam kung pano sya nahulog. Ayaw din niang nakikita ung mahal nia na nasasaktan at umiiyak. Kase doble yung sakit na nararamdaman nia. Basta ang alam lang niya talaga eh mahal na mahal na mahal nia ung babae. Alam mo ba kung ano yung pangalan nung babae? Yung babaeng nakapagpabago sa kanya? ...Kate. At yung lalake naman, Mark. At ngayon, ang gusto lang nia eh bigyan sya nung mahal nia ng pagkakataon na patunayan un..." 

"M-Mark..." 

"Kate, pwede bang mangligaw?"

 

30 minutes na at hindi pa den ako makapaniwala! Sa wakas, nakahinga na den ako ng maluag. Finally nasabi ko na kay Kate yung nararamdaman ko. Medyo corny nga lang at medyo madrama but the point is, NASABI KO NA! Hahahahaha. At alam nio kung ano ang hindi ko mapaniwalaan hanggang ngayon? 

PUMAYAG SYA! Pumayag syang magpaligaw saken! 
Nagulat sya nung pagkasabi ko kung pwede bang mangligaw. Hindi sya kagad nagsalita. Tapos ayun, pinaulanan na ko ng mga tanong. Pinaliwanag ko isa-isa at nagmakaawa sa kanya na pumayag na sya. Pagkatapos ng mahabang pilitan eh pumayag din sya. 

Im the happiest man alive! Sobra. Dahil lisenshado na kong ligawan si Kate. Kaya humanda na yang James na yan. Walang kaibi-kaibigan ngayon. May the best man win ha. Tignan lang naten. Talo talo na tayo ngayon. Gusto mo ng away ah? Hahahaha! Eto na talaga ang pagkakataon ko! Hinding hindi ko na to palalagpasin. 


Watch out James... 

No comments: