"Akala mo ba gusto ko yun ha?! hindi ko gusto yun at mas lalong hindi ko sinabi sa kanya na halikan ako! At isa pa, ano naman sayo kung halikan nia ko?! ha?! Ano naman sayo?! Ano ba kita?! boyfriend ba kita!?"
"Oo nga naman.. Sino nga ba naman ako sa buhay mo para makialam?! Kakilala mo lang naman ako eh. Kakilala na biglang nakitira sa bahay nio at nag-feeling close. Sorry kung pakiramdam ko may karapatan akong makialam sa buhay mo. Di bale, aalis din naman ako dito pag-dating nila mama eh. Babayaran ko na lang ung renta. Ituring mo na lang akong border dito. Nakikiupa. Kaya hindi mo ko kailanganag pakisamahan. Wag kang magalala, simula ngayon, hindi na kita pakikialaman. Simula ngayon hindi ko na isisiksik ung sarili ko sayo."
Tinalikuran ko na sya at umalis. Hindi lang naman sya ung marunong mapikon eh. hindi lang naman sya ung marunong masaktan. Pero, oo nga naman. Sino ba ko sa buhay nia?!
Wala. Ako lang naman yung lalakeng nagmamahal sa kanya ng sobra sobra.
Yung sumunod na linggo na siguro ang isa sa pinaka-malalang parte ng buhay ko. Kung alam nio lang kung gano ko kapinagsisihan na nagalet ako at nag-walkout nung gabing tinangka kong makipagbati kay Kate. Baket ko ba kase pinairal ung init ng ulo?! Yan tuloy, nagalet na ng tuluyan ang lab op my layp.
Nagtataka kayo kung anong nangyari saken ngayong linggo at nagkakaganito ko?! ETO!
Sa School:
Para kong naliligaw na bata. Mag-isang pumapasok, mag-isang naglalakad sa hallway at corridor, mag-isang kumakain. Mag-isa lahat! And above all, tulala. Para na nga daw akong lantang gulay sabi ng mga kaklase at prof ko eh. Naninibago sila saken kase daw ang gulo gulo ko dati, tapos ngayon, halos di nagsasalita. Ang "stiff" ko daw. Ang masaklap pa dun, lagi kong nakikita si Kate at James na magkasama. Sabay sila pumapasok (nag-uumpisa pag sinusundo ni James si Kate sa bahay. Dahil dun araw-araw akong late dahil nagkukunyari akong tulog pa para wag nila ako ayaing sumabay. Inaantay ko munang umalis sila), sabay din silang naglulunch, nagrerecess, at umuuwi. Lahat na ng pwedeng gawin ng sabay, ginawa nila to the point na akala ng lahat eh sila na. Shempre ang puso ko, halos mapulbos na sa sobrang selos. At take note, di pa jan nagtatapos yan!
Sa Bahay:
Batang gulay pa den ako. Halos di nagsasalita. Ang mga sinasabi ko na lang siguro, "paabot nito, paabot nian". Nakakatawa nga eh, nung isang beses na wala kameng hapunan, para kameng sira ni Kate. Para kameng ung mga nasa telenovela sa tv.
"Paki tanong nga kay Mark kung san nia gusto kumain"
"Paki sabi kay Kate di ako gutom. Kayo na lang ang kumain."
"Paki sabi jan sa pasaway mong pinsan kumain sya. Baka sabihin pa nia ginugutom ko sya."
"Paki sabi jan sa kaibigan mong di marunong magluto, thanks but no thanks."
"Ah le*he, kayo nga magusap!"
Ang ending, nagpadeliver na lang sha sa Jollibee. Sa totoo lang, deep inside, napapangiti ako kase pakiramdam ko "nagccare" sha para saken. May concern. Haaay, sana nga. Pero nakakadepress yung ganito na araw araw ko shang nakakasama sa isang bahay, pero wala man lang akong magawa para sa kanya. Ni hindi ko nga sya makausap eh. Ang masaklap pa, nakikita ko syang masaya pag kasama nia si James. Tumatawa. Ngumingiti. Mga bagay na hindi ko nakikitang ginagawa nia pag kasama nia ko. eto nga ata talaga yung sinasabi nilang "selos". Haaay.. 'Tangna. Di pala masarap magselos. Pero kung sa bagay, kasalanan ko naman tong kalbaryong pinagdaanan ko eh. Ang tigas kase ng ulo ko.
At sa buong linggo na to, ngayon lang kame nagkausap. Ngayong sabado. Tinanong nia ko kung may nakita kong recorder. Sabi ko wala. Parang ayaw niang maniwala tapos ayun, tinalikuran nia ko. Yung ichura nia nung tinanong nia ko ng tungkol sa recorder, parang ung ichura nia nung nawala ung laket nia. Yung halos magdikit na ung dalawang kilay sa sobrang kunot ng noo. Siguro kung bati lang kame nagyon eh umiyak na naman sya. Pero dahil galet kame, nagpigil sya ng luha at taas noo nia kong tinanong.
Di ko naman talaga alam kung nasan eh. Hindi ko nga alam kung anong recorder ba yung hinahanap nia. Siguro nga napakahalaga para mag-panic sya ng ganun. Ano kayang meron dun? Sobrang napaisip tuloy ako. Ah.. thesis nila ni James? Mga paborito niang kanta? Kwento? Dedication? Ano?! Sana malaman ko. Pero sana di na lang din pala ko nag-isip. Pano, malalaman ko din naman pala.
Kinagabihan...
Haaaay. Lecheng buhay talaga to. Paminsan-minsan tuloy napapaisip ako, ano bang ginawa ko para pahirapan nila ko ng ganito? gud boy naman ako ah. chaka, only pipol, nagkakamali den. Baket, bawal ba magkamali? Hindi naman ah.
Hindi bawal magkamali. Sadyang may parusa lang.
Payn. sabi mo eh. sino ba ko para kumontra?! Kaya imbis na nag-hahappy happy ako ngayon, etoh ko,, nakakulong sa kwarto, nagmumuni-muni habang may nagaganap na strike sa chan ko. Ang hirap pala mag-hunger strike. Ilang gabi na nga ba kong hindi naghahapunan? ah... Pitong araw? eQuivalent sa isang linggo? gRabe. tatag ko nO?! Maliban sa emotional stress na pinagdadaanan ko eh may physical torture pa. Kelan kaya matatapos to? Ewan. Kaya habang di pa natatapos ang aking "pasakit" eh magpapakasawa muna ko sa kakaisip kung-
"Ang kapal ng muka mO!" Boses ni Kate yun ah. Sino naman kayang kaaway nia? Magaalas-dose na ah.
"Matagal na! Ang tanga mo naman kung hindi mo alam!" Aba aba aba, boses ni Jane yun ah. Nag-aaway sila?
"Pwede ba ibalik mo na saken yang recorder ko?!" Recorder? Na kay Jane?
"Magmakaawa ka muna" Na kay Jane nga! Teka, baket nasakanya yun?! Kay Kate yun db? Naku, umiral na naman pagiging maldita nitong pinsan ko. Mapuntahan nga sila. Baka kailangan ni Kate ng superman, batman, robin, kahit ano. Basta superhero.
Lumabas ako ng kwarto ko tapos pumunta ko sa kwarto ni Kate. Katabing kwarto lang naman yun eh. Medyo nakabukas yung pinto. Nakaupo si Kate sa kama. Si Jane nakatayo as harap nia, nakapamewang. At may hawak na recorder. Yun ba yung recorder na hinahanap saken ni Kate?aNO bang gagawen ko? Mali naman siguro kung papasok ako kagad.
"Kung gusto mong makuha tong recorder mo, magmakaawa ka muna."
"Alam mo, hindi ko kailangang magmakaawa sayo dahil ibabalik mo saken yan sa ayaw at sa gusto mo."
Teka?! Hinde ako makakonek! ano bang meron sa recorder?! baket ba yun kinuha ni Jane?! Baket ba nila pinagaawayan yun?!
Tumayo si Kate tapos inagaw yung recorder kay Jane pero ito namang si Jane eh naiiwas ung recorder. Lalong lumapit si Kate kay Jane habang pinipilit agawin yung recorder. Pareho nilang ayaw bumitaw. Hilahan sila ng hilahan. Halos magpatayan na nga sila eh. Kulang na lang eh maglabas sila ng kuchilyo at magsaksakan. Hilahaan sila ng hilahan hanggang sa may nakapindot na ng play at nagumpisang tumunog ung recorder.
Napatigil si Kate. At nag-umpisang tumulo ang kanyang mga luha...
Napatigil na lang din ako bigala nung narinig ko yung laman nung recorder. Boses ng lalake. Nagsasalita. Kinakausap si Kate.
“Kate, kung nakikinig ka man, sorry. Yung nakita mo, di ko gusto un. Oo, pustahan lang un nung una. Pero nagsisisi na ko kung bakit ko pa ginawa un. kc mahal na kita. I fell for you. It may sound weird pero totoo. Ang saya mo kasama. Ang saya mo kausap. Napapatawa mo ko. Nung gabi pagkatapos ng prom, dapat sasabihin ko na sayo ung totoo kaya lang natakot ako na mawala ka sakin. Yung nakita mo nun, Jane was just trying to win me back. Sa totoo lang, sya ung nagumpisa nun. Gusto daw nia koh, mahal. Pero sabi ko, I don't lyk her. Ayaw nia ko tigilan hanggang sa cnabi nia na titigilan lang nia koh pag napasagot kita. Kaya pumayag akoh kc sobrang naiinis na talaga ko sa kanya. Aayusin ko na dapat lahat ng katangahan ko kaya lang nakita mo un. Iba ung intindi mo. Alam ko nasaktan kita. Sorry talaga Kate. Alam ko na malabong mapatawad mo koh. Nasaktan ka, nagalit. Sa totoo lang nasaktan din akoh. Lahat na ng paraan ginawa ko. Di ko naman kc alam na hahantong sa ganito. Ngaun, napagisip-isip ko na kung wala ka sa buhay ko, wala na ding saysay un. Basta ipangako mo na lang na pag nawala na ko, aalagaan mo yang sarili moh. Wag ka magmumukmok. Cge ka, masisira yang ganda mo, di na ikaw ang pinakamaganda. Ipangako moh din na mghahanap ka ng iba para may magaalaga sayo. Para may magmamahal sau. Para may pumuno ng mga pagkukulang ko. Life is short so you should make the most out of it. Nakilala kita, nagmahal ako ng totoo. Kontento na koh dun.”
Tumahimik sandali tapos narinig ko uli ung boses nung lalake. Kumakanta, umiiyak. Kasabay ng pagkanta nia ay ang tunog ng busina, gulong, preno. Tunog ng aksidente. Tunog ng nabubunggong koche.
“Mahal kita. Sobrang mahal kita, wala na kong pwedeng sabihin pang iba kungdi sorry talaga di ko sinasadya. Talagang sobrang mahal kita Wag kang mawawala Sorry na…”
Habang naririnig ko un, dahandahang kong naintindihan kung baket ganun si Kate. Yun ang eksplanasyon sa lahat - At yung laket - 'tang ina.
Dahan dahang bumalik lahat sa isip ko yung mga ngyari simula pa lang nung una ko shang nakita, nung umiyak sha habang kumakanta si James sa klasrum, nung nawala yung laket nia, nung naiyak sya dahil sa palabas na pinanood namen, nung sinabi ni Jane na makikitira sha kanila Kate, nung sinabi nia na gusto shang ligawan ni James, nung sinabihan ko sya ng kung ano-ano, nung nawala yung recorder.
Kaya pala titig na titig sya kay James nung nasa court kame, kaya pala tumakbo sha palabas ng klasrum, kaya pala napakahalaga nung laket, kaya pala sobrang natataranta sya nung nawala yun, kaya pala di sya nakasagot kagad kay Jane nun, dahil ang maldita kong pinsan pala ang may kagagawan ng lahat. kaya pala sya naiyak sa pinanood namen, kapareho yun nung sitwasyon nia - na nakakilala ng isang lalakeng kamuka nung taong mahal na mahal nia - na nawala sa kanya. Kaya pala lagi syang umiiyak. At 'tang ina, wala nga akong karapatang sabihan sya ng iyakin dahil kahit sino, iiyak kung sila ang nakaranas nun. Ako na talaga ang pinakamalaking tanga sa mundo. Kaya pala ganun na lang sya ka-ilang kay James nung una. Kaya pala ganun yung reaksyon nia sa pangliligaw ni James. Kaya pala ganun sya kay James - dahil kamuka ni James yung lalakeng nagsasalita sa recorder, ung lalake sa laket - yung lalakeng mahal nia.
Kaya pala..
Siguro nga hinde ko na talaga masasabi sa kanya yung nararamdaman ko. Pano ko namang sasabihin sa kanya kung ganito na ung sitwasyon? Ang gulo gulo. Salasalabat. San pa ko sisingit?! Ngayon pa nga lang gulong-gulo na si Kate. Pano pa pag nakigulo ako? Siguro ang magagawa ko na lang eh maging kaibigan nia. Yung kaibigan na aalalay sa kanya. Yung kaibigang magpapatahan sa kanya twing iiyak sya. yung kaibigang magpupunas ng luha nia. Yung kaibigang kahit kelan, di magiging ka-ibigan.
"Awwwww.. masarap ba mag-reminisce Kate? Masarap bang alalahanin ang pagkamatay nia? Kasalanan mo yan. Lahat yan kasalanan mo. Kung hinde mo sha nilandi, siguro, naging kame. siguro buhay pa sha ngayon! You know what Kate, i was this close to being his girlfriend! And i loved him. More than anyone else. Kung ako siguro ung minahal nia, hinding hindi ko na sya pakakawalan. Hinding hindi ko sya sasaktan. Kung ako lang sana yung minahal nia.. Kaso, ikaw yung minahal nia. Pero anong ginawa mo?! Pinabayaan mo sya. Alam mo ba KAte kung gano kasaket saken na makita syang ganun?! Nung gabi na namatay sya, samen sya galeng. Pinuntahan ka daw nia pero pinagsaraduhan mo lang sya ng pinto. Ni hindi mo man lang sya bngyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Sabi sya ng sabi na ang tanga tanga nia. Baket daw sya pumayag sa pustahan namen, baket ko daw kase sya nilapitan nung araw na yun?! Kulang na nga lang isampal nia sa muka ko na ako yung may kasalanan kung baket ka galet sa kanya eh. Ang saket saken nun Kate. Ang saket saken na yung taong mahal ko, umiiyak ng dahil sa iba. Tapos ayun, nag-aya syang uminom. Anong magagawa ko?! Wala. Sinamahan ko sya. know what? During those times na umiinom sya, wala shang ibang ginawa kundi banggitin ang pangalan mo. Kate, Kate, Kate. Walang sawang Kate. Tapos, umalis na sya. Nag-drive ng lasing. You know what happpend next. Aksidente. Then, he died. And its all your fault."
Aksidente?! Nagdrive ng lasing?! 'Tangna. Totoong aksidente pala yung ngyari. Totoong aksidente pala yung napakinggan ko. At yung namatay.. Yung mahal ni Kate. Kaya pala ibang klaseng takot yung nakita ko sa mata nung muntikan na kameng mabangga. Kaya pala ganun yung iyak nia - hindi lang basta takot. may kasamang sakit.
"Ano Kate? Magsalita ka!"
PLAk. Sinampal ni Jane si Kate.
"That is for making my life miserable."
PLAk. Sinampal ulet ni Jane si Kate.
"And that is for killing him."
"Hindi ko sya pinatay.. Aksidente yung nangyari. Baket, sa palagay mo ba gusto ko ung nangyari?! ha!? palagay mo ba gusto ko un?! hinde Jane! hinding hindi!"
Iyak ng iyak si Kate. Yung iyak na parang hindi na sya titigil pa. Hikbi na din sya ng hikbi. At kitang kita ko na nasasaktan sya. Iyak sya ng iyak habang si Jane, nakatitig lang ng masama sa kanya.
PLA.. -
Tama na Jane. Sumosobra ka na." Pumasok na ko sa kwarto. HIndi ko na kayang manood na lang. Hindi ko kayang tignan na lang si Kate na basta basta na lang sinasampal-sampal ni Jane.
"Ano?! kakampihan mo sya?! Sige. Go with that b!+c#." Tinanggal nia yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya tapos umalis sya.
"Kate.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung pano sya patatahanin.. Kung pano sya patatawanin.. Hindi ko alam kung pano patitigilin tong mga ngyayari. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.
"Mark.."
"Shhh.. tahan na.."
"Mark.." Yun na lang din siguro ang kaya niang sabihin. Umakap sia saken. Ang higpit higpit. Nararamdaman ko yung paghikbi nia.
Niyakap ko den sya. Iyak pa den siya ng iyak. Tuloy tuloy ung pagpatak ng luha nia. Ang saket nga pala talaga pag umiiyak ung mahal mo. Tapos wala kang magawa.
"Tama na Kate.. Tahan na.."
"Iiwan mo - ba ko - pag - hindi ako- tumigil?"
"Hindi Kate.. hindi kita iiwan.."
Hinding hindi kita iiwan...
iLang minuto den bago sya tumigil sa pag-iyak. Pero kahit wala ng luha na pumapatak galing sa mata niya, nakikita ko pa den sa kanya na sobrang nasasaktan sya. Nakatulala lang sya, di nagsasalita. Hindi ko alam kung anong dapat gawen. Kakausapin ko ba sya o hahayaan na lang na ganyan? Pero, ayoko na syang makita na nasasaktan.
Kase nasasaktan den ako.
At hindi ko na alam kung san ako lulugar sa napakagulong sitwasyon na to - Mahal ko sya pero nililigawan sya ng bestfriend ko na kamuka ng mahal nia na namatay sa aksidente dahil sa kung ano mang pakulo na ginawa ni Jane na pinsan ko. Ano?! Anong gagawin ko?! Manahimik na lang sa isang tabi?! Panoorin na lang si Kate na nahihirapan?! Panoorin na lang tong mga napakagulong pangyayari?! Hinde ko ata kayang gawen yun.
"Mark.." Sa wakas, nagsalita na sya.
"Ok ka na ba?"
Umiling lang sya. Yung mata niya, nagbabadya na namang umiyak at maglabas ng luha. Hinde pwede. hindi na sya dapat umiyak. Tumayo ako at hinila sya patayo.
"Baket?"
"Aalis tayo. Para wag ka na umiyak."
"Pero-"
"Hayaan mo na ko.. Para makabawi man lang ako sa kasalanan na nagawa ko sayo."
Tumayo na den sya. Lumabas kame ng bahay at dumerecho sa koche. Pinagbuksan ko sya ng pinto. Parang ayaw pa niyang pumasok nung una pero nung tinignan ko na sya sa mata at tumango, pumasok na den sya. Sumakay na den ako ng koche at nagdrive.
Idinaan ko muna ng ministop. Bumili ako ng pagkain at softdrinks tapos ng-drive na ko papuntang UST. Dadalin ko sya sa main building.. Db nga, dun ako pumupunta pag may problema ko? Ewan ko ba.. basta, gumagaan pakiramdam ko pag nandun ako. At
Sana nga lang, bukas pa...
Hay.. thank you Lord! si manong guard na kabaybs ko ang nagbabantay. Eh di syempre, instant pass na yun sa gate. Yun nga lang, sabi saken ni manong nung nakita nia si Kate, wag daw ako gagawa ng kalokohan. Sus naman to si manong, sa ilang taon kong nag-aral dito sa Ust, simula nursery hanggang ngayong college na magkakilala kame eh pinaghinalaan pa kong gagawa ng kalokohan. At si Kate pa ang gagawan ko ng kalokohan?! HAH! NEVER!
So ayun, pumasok na kame ng UST habang mejo nagtatago sa ibang guards na nakaduty. Syempre, hindi naman lahat sila eh ka-close ko.
Finally, nakarating na kame sa Mainbuilding. Pumasok na kame at umakyat sa taas. Nagelevator, nag-elevator ulet tapos umakyat na sa hagdanan. Binuksan ko na yung pinto tapos ayun, pumasok na kame.
Umupo sya kagad sa isang tabi, habang ako, nilalabas ang secret weapon ko. Teka teka teka, bago kayo mag-isip ng kung ano ano, hindi bomba o kung ano man ung secret weapon. Hindi ako terorista. mini sofa at lamesa ung secret weapon ko.. Na pinaghirapan kong iakyat dito nung 2nd yr highschool ako. Ang hirap naman kase ng nakaupo lang sa lapag diba?! Dapat komportable kaya, ayun, nag-akyat ako dito. At buti na lang ginawa ko yun, at least may pakinabang ngayon.
Inayos ko na yung mesa at upuan. Nilagay ko na den yung pagkain at softdrinks sa mesa. Inaya ko na sya umupo dun sa mini-sofa tapos tinabihan ko sya. Nagbukas ako ng coke in can. Uminom. Habang sya, tahimik lang.
Ilang minuto kaming ganun. Sya tahimik lang, habang ako, nagpapakabundat sa coke. Siguro, mga 15 minutes kaming ganun bago sya nagsalita.
"Alam mo Mark, mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Siege."
Siege siguro yung pangalan nung lalake.
"First year pa lang, may gusto na ko sa kanya. Ang cute kase nia eh. Mabait, hindi mukang suplado. Magaling kumanta, magaling sumayaw, matalino, at higit sa lahat, magaling magbasketball. Alam mo ba, never akong naka-miss ng laro nia. Lagi akong nandun.. tumatalon sa tuwa twing nakaka-shoot sya. Siguro, hindi nia ko napapansin. Sa dinami-dami ba naman naming tumitili para sa kanya, eh mapapansin pa ba naman nia ko?"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ilang taon din yun na nabuhay lang ako sa mga simpleng panaginip.. Mga panaginip na malay mo, isang araw, makita nia ko at magustuhan. Kala ko hindi na mangyayari yun. Pero nung 4th yr.. grabe.. Nagkatotoo lahat ng mga dinedaydream ko. Inaya nia ko sa prom. Lumabas kame.. nanood ng sine, naglibot sa mall, uminom ng kape sa starbucks, nagkwentuhan."
Nakatulala lang sya habang nag-sasalita. Yung mga luha nia, tahimik na lang din na pumapatak galing sa mata nia. Hindi ko na sya magawang pigilan na umiyak. Dahil alam ko, iiyak at iiyak din sya ulet. Hangga't nasasaktan sya, papatak at papatak pa den ang luha nia. Siguro, mas mabuti na nga lang den na umiyak sya.. Para kahit pano, mailabas nia ung sakit na nararamdaman nia.
"Tapos, ang saya saya nung prom. Yun na siguro ung pinaka-masayang gabi ng buhay ko. Yung lalakeng apat na taon kong gusto, minahal, finally nakasama ko den. Ang saya saya ko talaga nun. Sabi pa nia, im the most beautiful girl he ever laid his eyes on. Ang sarap pakinggan db? Nagpapicture pa nga kame pagkatapos ng prom eh. Tapos, hinatid nia ko.. sinabi nia saken na mahal daw nia ko. Niyakap sa gitna ng ulan. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at tinakbuhan ko sya. Sabi ko, baka takot lang akong masaktan. Chaka, di ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Ang campus hearthrob, may gusto saken?! imposible. Pero naisip ko den na unfair sa knya at saken un kaya nag-decide ako na magsorry sa kanya kinabukasan.."
Ang hirap siguro para sa kanya na ikwento yun pero, ayan sya, kinkwento saken lahat ng mga nangyari sa kanya noon.
"Kinabukasan, unang unang nakita ko pagpasok sa skul, si Siege at si Jane. Ang saket saken nun. Pagkatapos niang sabihin na mahal nia ko, ganun ung makikita ko.. kahit cno naman siguro, masasaktan db? Tnry nia kong kausapin pero, tinakbuhan ko na naman sia. Masyado kasing masakit eh. Tapos, si Jane, sinundan ako sa cr. Pustahan lang daw un. Ang saket saket nun. Kala ko sa mga telenovela lang ngyayari yung pinagpupustahan ung babae. Yun pala, kahit sa sa totoong buhay nangyayari din yun. Iniwasan ko na sya simula nun. Ayoko makarinig ng kahit ano galing sa kanya. Ganun kagrabe ung sakit na nararamdaman ko. Ayoko na nga sya makita eh. ayoko ng maalala pa un.. Dumating yung graduation. Kala ko tapos na lahat pero, ayun.. hanggang bakasyon, nagsosorry pa den sya saken. Gusto daw nia magpaliwanag pero masyado tlaga kong nasaktan. Gabi gabi umiiyak ako lalo na pag naaalala ko sya. Hanggang sa isang araw, dumating sya sa bahay. Kahit 5 minutes lang daw hayaan ko syang magpaliwanag."
Kaya pala pinagbuksan nia ko ng pinto nung nasabi ko na kahit 5 minutes lang hayaan nia ko mag-explain. Kase.. naalala nia si Siege.. Kaya pala..
"Pero, pinagsaraduhan ko sya ng pinto. Nag-tatalo kase ung utak at puso ko. Sabi ng utak ko, tama a. Pero sa bi ng puso ko, bgyan ko sya ng chance.. Tutal naman, mahal ko sya. Tapos, nung finally, nakapagdecide na ko na kausapin sya.. Wala na.. Wala na sya. Umalis na. Kinabukasan, may kumatok ulet sa pinto, akala ko sya. Pero hinde, si Jane. Umiiyak. Binigay saken ung recorder at laket. Tapos.. ayun. Alam mo na yung mga kasunod na nangyari. Narinig mo naman ung recorder db? tapos eto, pinilit ko sina mama na lumipat dito. Pero ano? una kong nakita sa 'brand new life' ko dito sa manila, Si james. Dun ko nga lang napatunayan na life is full of surprises eh. Sa dinami-sami nga makakamuka nia, si Siege pa. Tapos, eto, pwede daw ba mangligaw. Dumating pa si Jane. Sabihin mo nga saken Mark, masama ba ko? Masama ba kong tao?! Masama ba ko para pahirapan ako ng Diyos ng ganito?! Anong kasalanan ba ang nagawa ko sa Kanya at pinaparusahan nia ko ng ganito?!"
Lumakas na naman yung pag-iyak nia. Nag-umpisa na naman siyang humikbi. Wala talaga kong masabi. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam, ganun pala kagrabe ung nangyari noon. Ganun kagulo. Ganun kahirap. Ganun kasakit.
Niyakap ko sya ulet. Sa ngayon, yun lang ang kaya kong gawen. Ang yakapin sya at iparamdam sa kanya na magiging ok din lahat. Na nandito ko para sa kanya. Na hindi ko siya pababayaan. Na hindi ko sya iiwan.
"Tama na.. wag ka na umiyak. Hindi ka masama. Wala kang kasalanan.. Shhhhhh.. Wag ka na umiyak.. magiging ok din lahat. Pangako ko sayo, simula ngayon, gagawen ko lahat para wag ka na masaktan.. Tatanggalin naten lahat ng makakapag-paalala sayo nung mga ngyari dati, kay Siege. Tutulungan kitang makalimot."
Iniharap ko sya saken, pinunasan ung mga luha nia at hinawakan ang mag kamay nia.
"Tumingin ka nga saken.." Tinignan ko sya sa mata.
"Simula ngayon, ayoko ng makita ka na umiiyak.. Lahat gagawin ko para makalimutan mo siya. Lahat gagawen ko para sumaya ka. Kahit maging personal clown mo pa ko, ok lang. Wag ko na lang ulit makitang nalulungkot ka. Kaya sana, simula ngayon wag ka ng iiyak.."
Dahil lahat gagawin ko para lang sumaya ka...
No comments:
Post a Comment