Para kong binuhusan ng nagyeyelong tubig nung dumating saken yung realization na koche ni James yung nakapark sa tapat ng bahay nila Kate. Bigla na lang akong napatigil. Naging statwa. Parang pinako ung sapatos ko sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ko makagalaw. Ang daming tanong na biglang nagsipasukan sa utak ko.
Anong ginagawa ni James dun? Naabutan kaya niyang umiiyak si Kate? Alam na kaya niya yung ngyari? Anong ginagawa nila? Anong pinaguusapan nila? Naguumpisa na ba syang mangligaw kay Kate? Ano?! Bakit ba sya nandito? Ano na bang gagawin ko?
Kahit anong isip ko, WALA! Walang sagot na pumapasok sa isip ko. At habang lalo akong nagiisip, lalo lang dumadami ung mga tanong ko. Lalo ko lang nararamdaman ung bigat nung sitwasyon. Na nauubusan na ko ng galaw. Na parang wala na talagang pagasa na maayos ko pa tong gulo na ginawa ko. Na parang nawala na sya saken ng tuluyan. Pero, hindi. Hindi pwede un. Hindi pwedeng mawala saken si Kate. Dahil hindi ko sya pakakawalan.
Kaya kesa tumunganga ako dito, papasok na lang siguro ko sa loob para makausap ko na siya. Para maayos ko na to.
Sana nga maayos ko pa.
Pumasok na ko sa bahay at para sa pangalawang pagkakataon, para na naman akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig. But this time, umuusok-usok pa. Alam nio kung anong nadatnan ko?! Alam niyo kung ano yung putang inang nakita ko?! Si James nakaluhod, ung kaliwang kamay nia hawak ang isang boquet ng red roses at ung kanang kamay naman nia hawak ung kamay ni Kate habang kumakanta siya. Ayos lang sana na kumanta-kanta sya dun ng nakaluhod eh, walang kaso saken yun. Ang masakit lang kase, si Kate ngiting-ngiti at mukang kinikilig pa sa ginagawa ni James.
Nung napansin nila ko, biglang tumayo si James. Nawala ung ngiti ni Kate at bigla syang sumimangot.
"Oi pre, 'anong ginagawa mo dito?"
Anong sasabihin ko?! Wala lang? Napadaan lang? Ano?
"Ha? Ah.. Wala.. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa, eh di umaakyat ng ligaw. Sige 'pre, una na ko. Kitakits na lang bukas o kaya sa Sabado. Db basketball day ng barkada yun? Sige, ingat."
Tumayo si Kate sabay sabing "Hatid na kita sa labas" kay James. Wala na kong nagawa. Nadikit na naman yung paa ko sa lapag at napatulala habang naguusap silang dalawa. Nag-thank you si Kate kay James at nagwelcome naman sya. Tapos biglang nangyari ang di inaasahan.
Kung alam ko lang na yun ung makikita ko, sana pinagpilitan ko na lang na gumalaw para sana di ko naramdaman tong nararamdaman ko ngayon - yung pakiramdam na parang may sumabog na bomba sa puso ko. Yung parang sinaksak. Yung parang binaril. Yung parang hinahampas ng paulit-ulit. Yung parang di na ko makakahinga pa ulet.
Sana tumalikod man lang ako para hindi ko na nakita yung nangyari.
Hinalikan ni James si Kate - sa labi
Pakiramdam ko tumigil buong mundo nung nakita kong hinalikan ni James si Kate. Pakiramdam ko, isang milenyo na kong nakatayo dun at nakatingin sa kanila. Parang ang tagal tagal ng lahat kahit sa totoo, wala pang dalawang segundo yun. Pero kahit smack lang yun, pakiramdam ko mamamatay na ko. Yung parang, the end na. Wakas. Tapos na. And they lived happily ever after na. Yun nga lang, may pahabol na "leaving the other prince dying because of pain." Parang wala na kong magagawa pa. Un na yun eh. nahalikan na ni James si Kate ng hindi sya nagalet o pumalag man lang. Kaya, ano pang magagawa ko. wala na db?
Wala ka dyan. Baket, sila na ba?
Hindi nga pero, hindi pa ba sapat na senyales yun na dapat ko ng itigil to? Kase parang kahit ano pang gawin ko, hindi na ko makakahabol. mga twenty na hakbang na lang nasa finish line na si James habang ako, nasa bahay pa lang, nagdidisisyon kung sasali pa sa karera. Nasan pa dun ang pag-asa kong manalo? db wala na?!
"Oi insan.. nastroke ka ata jan."
Ha? Sino yOn? ah... si Jane.
"bAket gising ka pa?"
"Anong baket gising pa ko? Tinatanong kita, baket parang nastroke ka na jan?"
"wala. Kumain na ba kayo?"
"Uuuuy... iniiba usapan. Selos ka no?" At iniwan akong mag-isa pagkatapos akong asarin.
Mayamaya, narinig ko na yung tunog ng sasakyan na papaalis. I'll make one last attempt para ayusin to. Pag di pa den umubra - magpakamatay na lang kaya ako?!
Pumasok si Kate ng parang walang ibang tao. Dinedma lang nia ko. Tuloy tuloy lang sya ng parang di nia ko nakikita. Ayan na naman, para na namang binaril yung puso ko.
"Kate.." Lumingon sya sakin, binigyan ako ng isang mahabang titig tapos tinalikuran na ko. Bang! Nabaril na naman ako. Ang sakit.
"Kate. Pls naman oh.. Nagmamakaawa ako sayo. Pls kausapin mo na ko.." Wa epek. Ni hindi man lang ako nilingon. Umakyat lang sya ng dire-direcho papunta dun sa kwarto nia. Sinundan ko sya pero pagdating ko sa taas, nakasarado na yung kwarto nia. At kahit anong katok ko, di pa din nia ko pinapansin. Dedma talaga. Parang wala syang naririnig.
"Kate, sorry na. Hindi ko naman sinasadya yung mga nasabi ko kanina eh. Pls naman, kausapin mo na ko." Naman.. asar. Di talaga nia ko pinapansin. Ni ha ni ho, wala.
"Kate pls, kahit 5 minutes lang, kausapin mo ko." Wala. Wala talaga. Galit na galit siguro talaga sya saken kaya ganito, hindi man lang nia ko magawang kausapin. Kung alam lang nia kung gano ko kapinagsisisihan ung ngyari. Ung mga nasabi ko. Kung kaya ko nga lang ibalik ang oras, eh di sana ginawa ko na. Babawiin ko lahat ng nasabi ko na nakasakit sa kanya.
Hindi pa den sya sumasagot. Siguro nga, ganun sya kanasaktan at siguro nga kailangan ko na lang tanggapin kahit masakit na kahit kelan, kahit anong gawin ko, hindi na nia ko mapapatawad.
Paalis na sana ko nung biglang biglang bumukas ang pinto..
"Kate pls, kahit 5 minutes lang, kausapin mo ko."
Bigla ako ng napatulala nung sinabi ni Mark yun. Nawala lahat ng galit na nararamdaman ko at napalitan ng sakit. Nung mismong segundo na yun, bumalik sa alaala ko si Siege. Parang may nagrewind at nagplay nung vcd na matagal ko ng itinigil at pinilit kalimutan.
Kate pls, kahit 5 minutes lang, kausapin mo ko.
Si Siege. Yan yung sinabi nia saken nung araw na - nung araw na pumunta sya sa bahay para mag-sorry.. Yun ung araw na hindi ko sya pinakinggan. Yun ung araw na pinagsaraduhan ko sya ng pinto. At yun din ung araw na.. na... huli ko syang...
Huli ko syang nakita.
Naalala ko na naman ang katangahan ko. Naiyak na naman ako. Bakit ba kase hindi ko magawang ibaon na lang sa limot ang lahat?! bakit ba kasi kailangang laging may magpaalala saken ng mga ngyari noon?! Kay Siege??! Baket ba kailangan kong maalala lahat yun??! Nasasaktan lang naman ako eh. hindi naman yun isang happy memory na masarap balik-balikan eh. Isa lang yung masamang panaginip na ayoko ng maalala pa. Kahit kailan.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang tumayo. Hindi ko alam kung bakit ko biglang binuksan yung pinto. Siguro kase takot akong mangyari ulet yung nangyari noon. Siguro kase, gusto ko ng kausap. Ewan ko! Ang gulo gulo ng isip ko. Basta ang alam ko, nung nakita ko si Mark, nakita ko si Siege.
Nakita ko si Siege sa nakakatunaw na mata ni Mark..
Salamat sa Poong May kapal at pinagbuksan ako ni Kate. Pero, umiiyak sya. Titig na titig sya sa mata ko at kitang kita ko bawat pagpatak ng luha niya. Dahil ba saken kaya sya umiiyak?
"Batang iyakin ka talaga."
"5 minutes lang hiningi mo db? Sige na magpaliwanag ka na."
Para naman tong impromptu speech. Nakakapressure at nakakapanic. Wala akong masabi. Ah.. Pano ba to? Anong sasabihin ko?
"Mark, sige na, mag-salita ka na."
"Kase Kate, di ko talaga sinasadya yung nangyari.." at ayun nagspeech na nga ako.. Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi ko naman talaga sinasadya yun, na may rason ako kung bakit ako naglasing at kung bakit ko nagawang magbakla-baklaan. Isang rason na hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Sa ngayon.
"Ang gusto ko lang namang sabihin eh... sorry. Sorry Kate. Oo medyo iyakin ka pero, di naman ako nagsasawa sa kakapatahan sayo eh. Kahit habang buhay ka pang umiyak, patatahanin at patatahanin kita. Alam mo kung baket? Kase ayokong nakikita kang nalulungkot. Nalulungkot din kase ako eh."
"Pero Mark, wala ka pa ding karapatan-"
"Alam ko. Kaya nga nag-sosorry ako eh. Pero sana Kate, sabihin mo din naman saken yung dahilan kung bakit ka umiiyak para hindi ako nanghuhula."
"Kahit na - "
"Basta Kate. Sorry."
Pareho kameng biglang napatahimik. Nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip nia ngayon pero sana, mapagdesisyunan na niyang patawarin ako.
"Kate..."
"Hindi ko alam Mark. Hindi ko alam. Ang gulo ng isip ko. Magulo lahat. Hindi ako makapag-isip. "
"Sabi ko nga eh. Magulo pa isip mo. Baket Kate? Dahil ba kay James? Hindi ka ba makapagdesisyon kung sasagutin mo na ba sya o hindi?! Pero sa palagay ko naman hindi ka mahihirapang magdesisyon eh. Nagpahalik ka nga sa kanya db?"
PLAK! Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Kate.
No comments:
Post a Comment