Simply Kate Part 6
Si Kate ba yun?
PLAK
Ayan, suntok ka kasi ng suntok sakin eh. nakatikim ka tuloy ng sampal galing sa kaapu-apuhan ni Gabriella Silang. buti nga sayo at nasampal ka ng babae.
"DI KA BA MARUNONG UMINTINDI HA? DI KA BA MARUNONG PAKIUSAPAN? NAGMAKAAWA NA KO SAYO NA TIGILAN MO NA SYA DB? BAKIT BA AYAW MONG TUMIGIL?! ANO BANG PROBLEMA MO?! ANONG UTAK BA MERON KA?"
Grabe, and there was silence. ang lakas ng boses ni Kate. rinig na rinig sa buong bar. LAhat napatigil. Lahat napatingin. haha. go kAte! ang tindi mo! nilamapaso mo yang bakulaw na yan! buti nga sa kanya't nasopla mo sya!
"tara na Mark" sabi nia sakin ng, thank you Lord, mahinahon. inakay na nia ko hanggang sa koche. galit kaya sya? siguro lang. sa ginawa ko ba naman eh - umalis ng di sya kinikibo, naglasing, makipagbugbugan este nagpabugbog at ngayon, ano na? Sumakay ako sa driver's seat tapos sumakay na din sya sa passenger's seat.
Pano kaya kame uuwi? Lakas ng tama ko. hanggang ngayon umiikot pa din paligid ko. doble pa din lahat. lasing talaga ko.
"Wag mong sabihin na magddrive ka?"
"oo naman. ako pa. kaya ko to no."
start...
ready,
get set,
GO!
aarangkada ko ngayon. parang grandturismo lang naman to eh. left, right, konting preno, madaming gas.
"MArk ano ka ba?!!! Tumigil ka na nga! di mo ba nakikitang Lasing ka?!"
"di ako lasing no. tignan mo."
haha, isang matinding apak lang sa gas and WUUUUUUSSSSHHHHUUUUNNNGGGG..! para na kameng lumilipad sa sobrang bilis.
"Mark, tama na naman oh. pls itigil mo na yung koche."
napatigil ako sa narinig ko at napatingin kay Kate. umiiyak na siya at humihikbi. nakatakip ung kamay niya sa muka nia.
narealize ko bigla ung ginagawa ko. nagddrive sa ng sobrang bilis ng lasing. ng nakasakay si Kate sa tabi mo. bobo mo Mark. db sabi nia itigil m ona yung koche? db nag-please na sha sayo? bakit di mo sya pinakinggan? cnong di matatakot sa ginawa mo?! tanga mo talaga Mark. ang tanga mo!
"MARK SASAKYAN!"
BEEP BEEP!
p*tang ina! truck! kasalubong namen. napaapak ako sa preno sabay kabig ng manibela.
"Maaaark!"
BEEP BEEP!
BEEP BEEP!
BEEP BEEP!
BLAG!
tumigil na ung koche na muntik-muntikanan ng sumalpok sa puno.
buhay pa ba ko?
haaaay.. Salamat kay Lord at buhay pa ko. Hinding hindi ko na talaga gagawin yun ulet. Hinding hindi na ko ulet magddrive ng lasing. its dangerous for your health. kaya kayo, dont try this at home ah.
engot ka din eh no. nakuha mo pang magbiro?!
Sabi ko nga eh. pano ko pa nga bang nagagawang magbiro? dala ba to ng kalasingan ko? o ng katangahan na nagawa ko?
Buti na lang di kame sumalpok sa puno. buti na lang umabot ung preno ko. at buti na lang, di kame nabangga nung 10-wheeler na track. buti na lang hinde kame-
kame. hindi lang ako. kame.
Kate.
"Kate?"
Nung una walang sumasagot pero maya maya, naririnig ko na ung iyak nia. tumingin ako sa kania. sa ilang ulit ko syang nakitang umiyak, eto na ata ung pinakagrabe niyang iyak. at kasalanan ko kung bakit sya takot na takot ngayon. kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganito ngayon. siguro, consolation ko na lang eh, at least ok sya. buhay kame.
Lumabas ako ng koche at binuksan ung pinto sa side nia. hanggang ngayon nakatakip pa din ung kamay nia sa muka nia. nanginginig.
"Kate, sorry... di ko sinasadya.. Kate, ok ka lang ba?"
tanga mo talaga Mark. Ang Laki mong tanga.
"Kate, pls naman oh, magsalita ka. kausapin mo naman ako. Kate.. sorry.."
hindi pa rin sya sumasagot. anong gagawin ko ngayon? pano kung di na nia ko mapatawad? pano kung di na nia ko kausapin buong buhay ko? pano kung di na nia ko kibuin? anong gagawin ko?
"Kate sorry tala-"
"o - ok lang a- a- ako. ik-k-kaw?" Mahal nga ako ng Diyos. Nagsalita si Kate kahit humihikbihikbi.
"ok lang ako. Kate, sorry talaga. sorry sorry sorry.. Galit ka bA?"
Nakayuko lang sya, umiiling. pero umiiyak pa din. Tinanggal ko ung kamay nia at nakita ko na tuloy tuloy ang agos ng luha nia. Anong gagawin ko? Naman kasi eh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!!!
"Kate.. Please naman oh. wag ka na umiyak. hindi ko na alam gagawin ko eh. Kaya lang naman ako nagkaganun kasi.. basta. un na un. tama na naman oh.." Pinunasan ko ung mga luha sa pisngi nia tapos tinignan ko sya sa mata. Ung mata nia - Malungkot. Takot. Galit. Nagbabanta na namang maglabas ng luha. Nagbabanta na namang umiyak.
Hindi ko kayang tumitig sa kanya ng matagal. hindi ko kayang makita lahat ng emosyon na yun sa kanya. nahihirapan ako. nasasaktan. dahil kasalanan ko to. First time ata to na hindi ko magagawang lumusot sa kasalanan. First time ata to na hindi ko magagawang baliwalain lang ung mga ngyari. First time din na hindi ko magawang patawanin ung sarili ko. Hindi ko madaan sa biro.
"Mark.." sabi nia sabay yakap sakin. ang higpit ng yakap. sa sobrang higpit parang di na sya bibitiw. hindi ako sigurado kung dapat ko din ba syang yakapin pero ung mga braso ko, kusang yumakap sa kania.
"Shhhh.. tama na.. wag ka na matakot.. wag ka na umiyak.. tama na Kate.. uuwi na tayo.."
Oo. Uuwi na tayo.
Kung pano ko nakapagdrive pauwi ng hindi nabubunggo, hindi ko alam. basta ang alam ko, gusto ko ng iuwi si Kate. Gusto ko na syang pagpahingahin. Gusto ko ng mawala ung takot niya. Buti nA nga lang nakatulog sya eh. kase kung hindi sya nakatulog, baka hanggang ngayon umiiyak pa din sya at baka pinapatay na ko ng konsensya ko.
Binuhat ko sya palabas ng koche hanggang sa kwarto nia. Kaso si JAne, ayun, feel at home na feel at home, nakabulagta sa kama. sinolo. san ko pa ngayon ippwesto si Kate?
sa kwarto ko. dun ko sya ihiniga sa kama ko. haaay.. Tulog na tulog sya. sana bukas pag gising nia, nakalimutan na nia lahat ng nangyari. Ano ba naman kasing katangahan ang ginawa ko?! Anong kaengotan na naman ba kasi ang pinairal ko?! Ano ba kaseng pumasok sa kokote ko at naglasing ako?! Ano ba kaseng pumasok sa bulok na kokote ko at nagdrive ako ng lasing ng hindi inaalala na nakasakay si Kate sa koche?! Anong kabobohan na naman ba kasi ang pinairal ko?!
Consolation prize ko na lang siguro, matitigan ng ganito katagal si Kate. Alam nio, habang tumatagal, paganda sya ng paganda sa paningin ko. habang tumatagal, lalo kong nahuhulog sa kanya. Un nga lang, sasaluhin ba nia ko?
O baka naman si James ang saluhin nia.
Pero kung sa bagay, di pa naman ako nagsasabi sa kanya. Di pa ko nagpapaalam kung pwede mangligaw. kaso, ang one million dollar question, kaya ko bang taluhin ang kaibigan ko? ang bestfriend ko? kaya ko ba?
"M-Mark?" sabi nia habang dahan-dahang dumidilat ung mata nia. "Nasan na tayo?"
"Nasa bahay na tayo. Sige na, matulog ka na."
"Pero-"
"Sige na. Matulog ka na."
Tumango sya tapos nag-gudnyt saken.
Parang nagpapatulog ng bata, hinaplos (hinaplos - nax, ang lalim) ko ung buhok nia na napupunta sa noo nia. kung alam lang nia kung ano ung nararamdaman ko no? pAno nga ba kasi ako natamaan ng ganito? ang lalim eh. sapul na sapul. bull's eye. sentrong sentro. Yung tipong di man lang ako binigyan ng pagkakataong mag-isip kung gusto ko bang ma-inlove. Ni hindi nga ako nabigyan ng chance na kilalanin muna sya eh. kumbaga sa mataya-taya, hindi ako nabigyan nung "give chance to run". Nakita ko lang sya tapos, un na yun. alam ko ng mahal ko sya at hinding hindi ko sya pakakawalan.
Oo nga pala. sabi ko sa sarili ko noon, hindi ko sya pakakawalan.
Tama, magkamatayan man, hinding hindi ko sya pakakawalan.
kAtE
BLAG. BLAG.
KLANG.
Waaaah... ano ba yan? aga aga ingay ingay. ano ba yung mga nagkakalabugan na yun? parang... parang mga kawali at sandok. ano ba naman yan... teka, anong oras na ba? may pasok ako ngayon ah.. lagot, late na naman ako. aray.. ang saket ng ulo ko.. chaka, waah.. nahihilo ko. ano ba - aray. ano ba yan. natisod pa ko. ano ba kasi yang lecheng maingay na yan?
KUsina..
BLAG.
"Mark? anong ginagawa mo? Bakit ang aga aga nagdadabog ka jan."
"magluluto sana ko ng almusal naten kaso.. di talaga ko marunong. chaka, tama lang yan na nagising ka na no. alas-dose na ho. tulog mantika ka kasi."
"Tulog mantika ka jan. kapal." Nagpunta ko sa may lababo at nagtoothbrush, tapos naghilamos. haaay.. nabuhay din ang dugo ko sa wakas.
"Hoy - anong ngayari dito?!" walangya, parang sinalanta ng bagyong yoyong bagyong winnie at tsunami combined ang kusina namen. may mga eggshells, may arina, may mantika, kawali.. deyr everywhere! nakuuu.. kung nandito si mama, baka pareho na kameng nabato ng kawali ni Mark.
"hAy naku.. may batang nagmamarunong magluto."
"buti nga ipagluluto pa kita. eh ikaw nga tong batugan jan. tanghaling tanghali na, tulog pa den"
aba, at to the highest level na talaga ang kakapalan ng muka! apari hanggang julo! eh kung di ba naman sya isa't kalahating tungax eh di sana, hindi sya lasing kagabi, hindi sya napaaway at hindi sana nagmuntikmuntikanan ang buhay namen. Pero, nung nakita ko kasi ung mga mata nia kagabi bago ko tuluyan makatulog, nawala lahat ng galit ko sa kanya. ewan ba.. iba ung mata nia kagabi.. iba tumingin.. ang lalim.. kaya pasalamat sya sa mata nia kunghindi war kame ngayon.
"alam mo ikaw.. ang kapal kapal mo talaga.. haha, yan bagay sayo yan!" Nilagyan ko sya ng arina sa muka. haha, mukang batang nasabugan ng pulburon!
*tumatawa* "bagay na bagay sayo.."
"bagay ah.. etoh, mas bagay sayo!" Waaaaaah! Ang daya! hindi ako handa!
"TAma bang buhusan ako ng arina sa ulo?"
*tumatawa din* "Yan! mas bagay sayo! muka kang matandang ermitanya galing sa bundok tralala! haha! Lola..!"
kapal talaga ng mukang pagtawanan ako! naku..! kung di ka lang- kung di ka lang- un na un! basta! haaay.. ano nga ba tong nangyayari saken? ang gulo. nakakawindang. kase lately lagi kong naiisip tong Mark na to. Hala ka Kate. Ano na yan? Hmp. bahala na si batman kung ano man yun.
"ay ang bata, nagtampo na.." aba, at nakakuha pa ng libreng kurot sa pisngi. "uhm... kate, galet ka pa ba?"
"Ung sa kagabi? wala na yun."
"di nga?"
Kala mo lang yon. di ako ganun kabait nun no. ano ko santa?
"oo, di na ko galet sayo.. pero sa isang kondisyon."
Yangsa! Kala ko pa man din lusot na ko, may kondisyon pa pala. pero ok na din yun no kesa habang buhay syang magalet saken. Pero in fairness ha, ang ganda ng gising niya. Maliban nga lang siguro sa medyo na-shock sya sa gulo ng kusina. Ang bait talaga ni Kate no? akalain niyong napatawad niya ko ng ganun kabilis? ha! Pinagpapala talaga ko dahil isa ko ng mabait na nilalang. Sabi nga db, pinagpapala ni Lord ang mababait? hehe.
"Anong kondisyon?" Dis is it. malalaman ko na kung anong kaparusahan ang naghihintay sa akin.
"Linisin mo yung kusina tapos damay mo na din ung sala. lalo na yung kwarto mo, natisod ako paglabas ko. tapos libre mo ko ng pagkain. ok? Sige na, maglinis ka na, tutal nman di na tayo makakapasok eh. Gudluck!"
Yun na yun. Nilayasan nia ko wid matching pacute na kindat pa. Pero teka, parang nadaya ata ako dun ah. sabi nia isang kondisyon eh sa mga inutos nia parang ginawa na niya kong personal achoy! at nagpalibre pa?! nadaya talaga ko! at ang nakakakaba pa dun, maguusap daw kame. ano naman kayang paguusapan namen? tapos mukang seryoso pa ata sya.
Para matapos na tong "kautusan" ng "mahal na reyna" eh maumpisahan na nga to. Ang tanong, san ako maguumpisa? bakit ko ba kase kinalatan ng ganito to eh. Nagtapon pa ko ng arina. Haaay, ang bilis ng karma. Sige Mark, Go! kaya mo yan! karirin mo muna ang pagiging achoy para naman matuwa sayo yang babaeng sumapul sa puso mo.
Pulot muna ng mga sandok at kaldero na nagkandalaglag-laglag kanina, tapos tapon yang mga kalat. KOnting walis, konting punas at hugas ng sangkaterbang pinggan.
Makalipas ang isa't kalahating oras sa buhay ng isang personal utusan..
..Ay sumulpot na ang kanyang pagkaganda-gandang reyna."Hi Mark.. tapos ka na ba?"
"Malapit na po senyorita. wawalisan na lang yung sala"
"eh nagugutom na ko.. tara na."
At ako hinde? eh ako tong nagpakapagod dito na naglinis! di nga ako nagrereklamo eh. tapos ikaw, mamadaliin mo ko. Violation ng human rights ito!
"Naman Kate.. tignan mo nga ko, nanglilimahid. eh ito pa ung suot ko kagabi. gusto mo bang mangamoy ako?"
"sa bagay, may point ka. O sya, binibigyan kita ng limang minuto para mag-evolve ulit sa pagiging tao." At nilayasan na naman ako. sabi ko nga eh, 5 minutes para magmukang tao ulit. posible ba yun?
O sya Mark, dahil sabi ng reyna maligo ka within 300 seconds, magtransform ka muna into superman para bumilis bilis ka kumilos.
*tok tok tok*
"MArk...
"oo, Lalabas na! Umalis ka muna jan, wala akong damit" hindi sya demanding no?
"basta bilisan mo ah. 1 minute!" Hindi talaga sya demanding. kahit isang patak ng pagiging demanding, wala!
Sige Mark, bilisan mo magbihis, kahit sa maling butas mo pa maisuot yang kamay at ulo mo, ayos lang. ang mahalaga one minute nasa baba ka na.
"MARK!!!"
"Nandyan na!"
At kumaripas na ko ng takbo pababa. PAgbaba ko, ayun, sinita ko dahil para daw ako ng hahabulin ng plancha. eh sa pinagmamadali mo ko eh. Dis tym nag-commute na lang kame. Pareho pa kaming may hangover sa nangyari. syempre, pinakamalapit na kainan, Jollibee. Umorder na ko tapos kumain kame in complete silence. Kala ko nga lusot na ko sa "usap" namen eh kase pagkakain, tumayo na sya kagad, un pala, mag-aaya sa ministop. desert daw tapos dun na kame maguusap. Eh di sige, punta kame sa ministop at umorder ng icecream. And then...
..tentenententenen!
...Here comes Judgement time...
"usapang matino ah. wag kang pasaway. Bakit ka ba talaga nagkaganun kagabi?"
Naku naman, nangusisa pa. Sinunod na nga lahat ng utos nia tapos may question and answer portion pa. Anong kadayaan na naman ba to?
anong isasagot ko ngayon? Maglulubid ba ko ng kasinungalingan o magsasabi nag totoo? Teka, weytaminit. isa isahin naten.
Ano ba mapapala ko pag nagsabi ako ng totoo?
Baka lang naman maunshame ang pagporma mo kay kate.
kUng mapopormahan ko. Eh pag hindi ko naman sinabi...
Malamang lamang lang clueless sya pero pag nabuking ka nia. PAtay kang bata
ka. *pffft* end of your career.
ganun? eh bakit parehong masama ang kalalabasan? wala bang letter C sa choices? hanggang A at B na lang ba? MArk.. magdecide ka na ngayon. Nagiintay sya ng sagot mo.
"Hindi ba pwedeng pass?"
"Sige, pwedeng magpass pero chupi ka na din sa bahay."
"Ano yan, blackmail?"
"Parang ganun na nga." Waaah! may tinatago din palang sungay at buntot ang anghel ng buhay ko! akalain niong iblackmail ako? wala naman akong balak matulog sa kalye kasama ng mga lamok at ipis no.
"Magagawa mo ba sakin un Kate? Maaatim ba un ng konsensya mo na patulugin ako kasama ng mga insekto at asong kalye?"
"ako pa."
Ang Lupit naman nia! ang sama! ano na ngayon ang gagawin ko? A or B? B or A? WALA BA TALAGANG LETTER C?! hAay.. ganito na lang. 50-50. 50 percent katotohanan 50 percent kasinungalingan.
"Ganito kasi un Kate.. Ah.. mejo sumama kasi ung loob ko sa sinabi mo na sinabi ni James sayo."
"Yung kung pwedeng mangligaw?"
"oo"
"eh ano naman ngayon un sayo? diba sabi mo bestfriend mo yun?"
"oo nga pero - " MArk, dating gawi - paikutin ang usapan.
"pero?"
"Un na nga eh, bestfriend ko sya." Yan ganyan.. paikutin mo lang. MAgsasawa din yan kakatanong.
"o tapos?"
"ginanun nia ko." MAlito ka. hehe.
"Anong ginanun?"
Tinalo? May - may gusto ka den... saken?" Patay. HUli. Buking. Natumbok nia. ANo na ngayon ang gagawin ko? Ang daya talaga nag buhay na to!
"Ang kafal naman ng muka mo sister, di tayo talo no."
No comments:
Post a Comment