Simply Kate 25

Ano kaya ung ibig sabihin ni papa?  Hay Kate, istapit. Wag ka ng umasa. Ikaw lang den madidisapoint sa huli. Magsayaw ka na lang jan at pilitin mong ngumiti para naman magmuka kang nageenjoy kahet deep ung utak mo nagliliwaliw sa kung saan.

Hay Mark, nasan ka ba ngayon? Ni ha ni ho wala. Sana tumawag ka man lang. Kahit isang happy birthday lang masaya na ko. Marinig ko lang ung boses mo.

"O, iiyak ka na jan.. Iniisip mo si Mark no?" 17th dance ko na, si James. 

"Hindi..." Hay Kate, ang laki mong sinungaling. Deny ka pa eh.

"Obvious naman eh. Kanina pa kita tinitignan. Lahat ng ngiti mo, pilit. Para kang wala sa sarili mo. Magtiwala ka saken Kate, ngumiti ka. Magpakasaya ka. Hindi pa tapos ang gabi.."

"James.. teka - "

"And now, to serenade our debutant, let's give it up for Anonymous"

Ok naman, parang hindi to kasama sa program ah. Hay, kung sino man may pakulo nito, fyn. Right now, i just want to get over this.. Sirang sira na ung gabi ko. I thought i cuuld pretend to be happy pero hindi pala..

Oh, Love of my life

Naman Lord, sa dinami dami ng kanta.. Bat yan pa?? Baket yun pang kinanta ni Mark nung birhtday ko? Nung gabing naging kame? Kailangan mo ba talagang ipaalala?

Destined forever, I will be right here by your side

Nasan na ba ung kumakanta na yan? 

No falling tears when we're together, You know the joy you bring to me..

Baket parang hindi ko makita ung kumakanta? Hmf, bahala sya.. Hay Lord, pls bigyan mo ko ng miracle. Ngayon lang talaga. One time big time, pls dalin nio dito saken si Mark.

There'll be no other we'll share as lovers, Right from the heart, from my mind to your soul I will give it to you, girl...

Promise magiging mabait na mabait na ko. Magiging santa na ko. Lagi na kong mamimigay ng limos, ng pagkain.. Kahet ano..

My every little thing that I'm more than willing I will give to you
Lord, si Mark lang po talaga ung magpapasaya saken ngayon..

Forever starts from now I promise you, Loving you is all that I can do 

Lord please... Let me be truly happy..

[size=11]No one can take it away from me [/size] 

Let me be truly happy..

Nobody but you.. 

Even just this once..

"Happy birthday Kate.. Happy birthday love of my life.."


MARK???

 

Oh. My. God. Si Mark ka nga ba talaga? Lord hindi mo ba ko jinojoke? Si Mark ba talaga yung nakikita ko? Yung Mark na laging nagpapatawa saken? Yung Mark na nag-chaga sa kapapatahan saken? Yung Mark na nagturo saken na magmahal ulet? Si Mark ko ba talaga yan Lord?

"Kate..."

Ohmygodohmygod. Si Mark nga. Si Mark nga. Si Mark nga. Si Mark ngaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
"Oh, bat ka umiiyak? Hindi ka ba natutuwa na makita ko?"

Engot! Tears of joy yan! For the first time sa 18 years of existence ko sa mundo, sa wakas nakapagproduce na din ako ng tears of joy! Hay Lord, you really love me! I love you too with all my heart and soul!

"Mark.."

"Hindi mo ba ko isasayaw? Nilangoy ko mula US hanggang dito para sayo.."

He took me by the waist and the most magical dance of my life started. 

Ako.. Si Mark.. Kaming dalawa.. Kala ko hindi na mangyayari to.. Kala ko hindi ko na sya makikita ulet pero eto sya ngayon, kaharap ko.. 

Madaming nagbago sa kanya.. Tumangkad sya, mas nagkaron ng built yung katawan, mas gumwapo. Ng sobra sobra sobra.

Halos lahat nagbago sa kanya. Lahat maliban sa isa.

Yung mga mata niya.. Yung mga mata nyang pag tumitig sa mga mata ko, walang ibang pinapakita kung hindi pagmamahal.. Yung mga matang walang ibang sinsabi kundi 'ikaw lang Kate, ikaw lang..' 

At hanggang ngayon, yun pa din ung sinasabi ng mga mata niya..

"Hindi mo pa den ako pinapansin hanggang ngayon.."

"Hindi.. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka ngayon.. Kase.. Kase buong gabi,  ito.. ito yung pinagdasal ko.. Na sana.. Na sana dumating ka.. Kala ko kase.. Kinalimutan mo na ko.. Kala ko.. May iba ka na.."

"Kahet kelan ka talaga, haha.."

"Mark naman eh.. Tawanan ba ko? Moment ko to tapos tinatawanan mo ko.."

"Kase naman ung mga iniisip mo eh.. Ikaw, kakalimutan ko? Ikaw, ipagpapalit ko? Hindi ba nakakatawa yun?"

"Kase akala ko - "

"Alam mo namang hindi ko gagawin yun db? Alam mo namang ikaw lang db?"

Napatango na lang ako sa sinabi nya. Tama naman sya eh. Alam kong ako lang pero hindi ko din maalis na matakot. Pero ngayong nandito na sya at sinabi na nya saken na ako pa din talaga yung mahal nya, sobrang saya ko na.. Ang saya saya saya ko.. Alam niyo ung pakiramdam na eto na, eto na ung hinihintay ko buong buhay ko, nandito na, dumating na, wala na kong pwedeng hilingin pa..

"Isang ngiti naman jan.."

Pinunasan ko ung 'tears of joy' ko at ngumiti.. Genuine smile talaga. Kahit sino naman sigurong babae ang nasa lugar ko eh mapapangiti db?

"Alam mo Mark, namiss kita. Yung mga good morning mo saken, yung mga goodnight, mga i love you.. Pero alam mo kung anong pinaka-namiss ko? Yung mga corny mong jokes.. Haha.. Hindi talaga ko makapaniwalang nandito ka.. Hindi naman siguro ko nag-hahallucinate db? Db? Mark? Ma-ark? Ano bang tinitignan mo jan?"

"Yung.. yung kwintas.. Suot mo kase.." Hala, at teary-eyed sya. Mark talaga, gusto akong agawan ng moment. Haha.

"Ah ito ba? Lagi ko namang suot to eh.."

"Talaga?"

"Oo.. Sabi mo yun db? Chaka sabi mo den, tignan ko yan pag nalulungkot ako.. Kaya lagi ko syang suot.. Para twing namimiss kita, bubuksan ko lang sya tapos makikita na kita.. Pag nga naiiisip ko na baka nga may iba ka na dun, tinitignan ko lang din yan.. Tapos naaalala ko ung promise mo na babalikan mo ko.."

"Lika nga dito.."

Niyakap nya ko.. Isa sa mga pinaka-namiss ko sa kanya.. Yung yakap nya na nagbibigay saken ng pakiramdam na ligtas ako.. Na walang pwedeng mangyaring masama saken.. Yung yakap nya na nagdadala saken sa ibang mundo.. Yung yakap nya na nagtatanggal sa lahat ng takot ko.. Yung yakap nya nagsasabing kahit anong mangyari, may Mark na magaalaga saken.. Poprotekta at magtatanggol.. Kahit anong mangyari, may Mark na magmamahal saken habang buhay..

"Kiss! Kiss!"

Bumalik ako sa realidad nung narinig ko yung mga tao na sumisigaw. Anong kiss kiss pinagsasasabi nitong mga to? Ending na ba ng kwento ko?

Kinuha ni Mark yung mic nung narealize na den nya na nagsisigawan na silang lahat ng 'kiss!'.. Hay, magsspeech na naman ang bata. Favorite talaga kahit kelan..

"Good evening po sa inyong lahat.. Siguro ung iba sa inyo nagtatanong kung sino tong tao na to na hindi nio naman kilala na bigla bigla na lang umeepal sa debut ni Kate.. Uh, ako po si Mark.. Yung.. Yung ano.. Uhm.."

"Long-lost boyfriend ni Kate!"

Haha, kahit kelan talaga to si James oh. Syempre nagtawanan lahat ng tao. Haha, long-lost boyfriend..

"Tama po. Long-lost boyfriend ni Kate. Kaya ako nandito ngayon kase hindi naman ako papayag na wala ako sa special night ni Kate.. Ang lagay ba eh kayo lang.."

Tumawa na naman sila.. Tama bang mag-punchline pa sya? Hay, some things really never change..

"Pero maliban sa ayokong kayo lang ang kasama ngayon ni Kate eh may isa pang dahilan kung bakit ako nandito.. May.. May gusto kase akong sabihin kay Kate na gusto ko ding marinig niyong lahat.." 

Sasabihin? Uh, i miss you? I love you? Ano? Golay, ano to?!

"Kate - "

"Woopsie! No, no, no.. You can't say that now Mark.. Not now coz i have something important to say. Sayo at syempre, sa debutant. You think you've had enough of me? Pwes, mali kayo.."

"Jane ano ba.." Pabulong na sinabi ni Mark kay Jane. Dont get me wrong, hindi nag-gate crash si Jane. Matagal na kameng nag-kaayos.

"Don't worry, this wont take long.. So give me that damn mic and shoo.." At tuluyan na nga nyang inagaw ung mic kay Mark.

And i thought friends na kame ni Jane.. Ano ba to Lord?

 

Namaaaaaaaaaaaan! Jane! Ngayon pa! Ngayon ka pa sumingit! Akala ko ba we're ok na?! As in friends.. sisters.. close... ano tong ginagawa mong pag-extra sa moment namen ni Mark?!

"Jane, ano ba to?"

"Shush.. This will only take a minute.."

"Wha - ?"

From experience, it will only take 30 secs for Jane to ruin a very complete moment. Hindi mo kailangan ng isang minuto neng! Dahil pag isang minuto kang nag-moment jan, wala na.. Gunaw na mundo..

"Uh, excuse me everybody.. Since uso naman ang epalan sa debut ni Kate eh makiki-epal na den ako coz i know that i wont get the chance to say this, if not now. So.. Three or so years ago, i met Kate. I hated her so much that i did mean things to her. And when i say mean, i mean the evil kind of mean. Alam ko isa ko sa mga taong nagpahirap talaga sa kanya.. Ako ung resident kontrabida sa buhay niya.. Always thinking devious plans and schemes para lang maging miserable yung buhay niya. But you know what? Though i made her life miserable for probable a year or so, i was never happy..."

History 101 ba ito? Uh, Jane.. Baket mo binubulgar lahat to?

"Siguro kase despite the fact na nakikita ko syang nahihirapan, hindi ko pa din naman nakukuha ung gusto ko. After nung first mess na ginawa ko.. God, she still had the heart na patirahin ako sa bahay nila.. "

Hindi naman ata kabaitan tawag dun eh, katangahan. Hehehe.

"Kate is such a wonderful person. Kala niyo walang naubuhay na tao with a heart of gold? Meron.. Si Kate yun.. Because after all that's been said and done, eto, napatawad pa din nya ko. Hindi ko na ieenumerate ung mga naging kasalanan ko sa kanya but believe me, malala talaga un."

Tama. Malalang malala. At may kahabaan din un. Tipong pasko na, nag-eenumerate pa di sya. Hehe. Pero ok ang, forgive and forget nga db?

"And now, on her very special night, im just so happy to see her finally smiling a genuine smile. Nakita naman naming lahat na though tntry nyang ngumiti this past two years, medyo pilit talaga."

Nanggagaling ba talaga kay Jane tong mga to? I mean, naging ok kame pero.. Hindi ganito ka-ok.. Chaka, ganun ba ko ka-obvious?

"Uh, Kate.. I just want to say sorry. Again. For everything. And thank you for being the person you are - forgiving and loving. You're one of everyone's reason to smile and im so lucky to have you as my... friend."

Awwwww.. Speechless ako.

"And i want you to know that.. Ay shocks, tama bang maiyak ako?"

Niyakap ko si Jane. Grabe, all the resentments gone. All the bad feelings.. Wala na.. Naitapon ko na sa ere.. Lumipad na kasama ng hangin. And gosh, tears again. Haha. Tears of.. Peace of mind? Kahit ano pa yan, basta.. Masaya ko.

"Hay Kate, i want you to be really really really happy."

"Kiss! Kiss!"

"Haha, Sira ulo ka talaga James!"

At syempre lumapit na den si James samen. Ang saya saya naman.

"Papayag ba kong kayo lang ang may speech? Shempre hindi. Dapat ako den.. Sorry lang kay bestfriend Mark. Yun na. Alam nio namang hindi mushy ang mga lalake db? Pero kung gusto nio, handa naman akong halikan si Mark para lang patawarin nya ko."

Ang saya ng mga tao, tawa ng tawa. Para lang nanonood ng theatre play ah.

"Chaka, announcement lang, kame na pala ni Jane. Wala lang, share lang." 

And shemaaaaaaaaaaaaay! Hinalikan ni James si Jane! Haha, im so happy for them! Finally naging sila den! Pano sila nag-karon ng something? Haha, mahaba-habang kwento un. But what's important is now. Oh my God, can this night be more perfect?!
Oo, kase Mark's speech is up next...

Aint that happy? James and Jane are finally together! Yung dalawang kontrabida nagkatuluyan. Haha. Kung pano, i wont tell coz it isnt my story. My story is Mark. Si Mark na nakatayo ngayon sa harap ko with so much love and longing in his eyes.

"Ehem ehem.. Congratulations tol.. insan.. Salamat sa pag-epal niyo. Hehe." 

Nagsalita na si Mark as soon as the congratulations commotion died down. Parang gusto ng lumundag ng puso ko palabas sa sobrang kaba. Naman..

"So.. where to start.. Uh.. Yeah.. June 6, 2004.. That's more than two years ago, i met someone who changed my life. Alam naman na nating lahat kung sino yun db? Pero para dun sa mga huli sa balita, that someone is the same person standing right next to me.." 

And there, he gave me one of those looks na nakakapanghina. Hay, tunaw na tunaw na ko.

"Before Kate, medyo walang direksyon ung buhay ko. Actually, wala talaga. Sobrang lahat bahala na. At syempre, wala akong ibang inatupag kung hindi mambabae. Guilty as charged. Pero nung dumating si Kate, everything changed. Angel in disguise talaga. For the first time, nagkaron ako ng goal sa buhay. Yung at least makatapos man lang ako ng college para may maganda kong future na maibigay sa kanya. Take note, iniisip ko lahat yan hindi pa man kame."

Ok naman Mark, ang futuristic mo talaga.

"The first time i saw her, it really felt different. Naalala ko nun, sinabi ko na kagad sa sarili ko na kahit anong mangyari, magkamatayan man, di ko sya papakawalan. Love at first sight? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ewan, basta ang alam ko lang eh i felt that she was the one even from the first time i ever laid my eyes on her."

Wow, lahat tahimik. It seems that everyone is captivated by Mark. Sino nga ba namang hindi makikinig sa kanya? God, what  did i do to deserve someone like him?

"Ang dami naming pinagdaanan. Sya lang sa buong buhay ko ung babaeng nakapagpaiyak saken. Sya lang ung nakapagparamdam saken kung pano mag-alala.. Kung pano maging concerned.. Kung pano mag-mahal.. Yung pakiramdam na isang segundo pa lang yung nakakalipas simula nung huli kayong nag-usap, miss mo na kagad sya.. Yung pakiramdam na parang ikamamatay mo pag hindi mo sya nakita o nakausap man lang.. Yung pakiramdam na buong mundo mo guguho pag nawala sya sayo.. Yung lahat gagawen mo mapasaya mo lang sya.. Kate is one special girl and no one could ever replace her in my heart.."

And no one could ever replace you in my heart.. Ikaw na lang din forever Mark..

"Ang tagal kong hinintay na marinig yung 'i love you' nya.. Lahat na ng pakulo nagawa ko.. Kala ko nga hindi na dadating yung panahon na yun eh.. And finally, exactly 2 years ago, narinig ko din.. Dun sa tuktok ng main building.. Sa gitna ng ulan. One of the happiest moments ng buhay ko.. Yung marinig na mahal din nya ko.."

I wish i said that earlier. Kung alam mo lang kung gano ko ka-pinagsisihan na nag-sayang pa ko ng oras..

"Kaso sandali lang din ung binigay samen eh. A month after, i had to leave. Papuntang America, not knowing kung kelan ako babalik o kung makakabalik ba talaga ko. But just the same, pinangako ko na babalik ako. Para sa kanya."

And you did come back. On this special day.. God knows how happy i am na nandito ka ngayon..

"And now that ive finally returned.. Isa lang.. Isang bagay lang yung gusto kong gawin.. And i'll do this the traditional way.."

Slowly, he knelt in front of me, took my hand and looked straight into my eyes..

"Kate.. Alam mo kung gano kita ka-mahal. You're my weakness and strength at the same time and you mean everything to - no.. You dont just mean everything to me because you are everything to me. And i dont know what i'd do kung mawawala ka saken.. You really are the love of my life.. And i know that no one would ever make me feel this way.. The way you make me feel is just different. Just the thought of you makes me smile.. Pag nakikita kita, laging isa lang ung nasa isip ko.. 'There, that's the girl i want to spend the rest of my life with'.. Corny? Baduy? Typical? Wala akong pakialam. Yun yung nararamdaman ko.."

He took something from his pocket - singsing..

"Im not going to ask you to marry me or to be my wife.. Marriage? Temporary lang yan. I dont want you in my life temporarily. I want you in my life till i breathe the very last breath i could breathe.. Kate... Will you please, please, please be mine...? Even after forever?"

I wanted to say yes.. Gusto kong isigaw sa kanilang lahat na oo! Dahil mahal na mahal na mahal ko din si Mark and i couldnt bear it kung mawawala sya saken.. But words failed me. I couldnt speak. I couldnt utter a single word. Masyadong overwhelming yung nararamdaman ko. Tears were flowing down from my eyes.. I was so happy at that moment that all i could do was nod..

He stood up and placed the ring on my finger, never leaving his eyes on mine. Still, words failed me but i know that whatever i can't say out loud, maiintindihan at mararamdaman nya.

"I love you Kate.."

I was about to tell him i love him too when fireworks rose into the air. He pulled me close and kissed me, his hands wrapped around my waist and neck.

I kissed him back and it simply felt like magic. Parang nothing could go wrong ever again. It was the most perfect kiss in the world - sincere, romantic and full of love.


And that's how im gonna end my story.


A vow of forever with Mark and a sweet kiss under the fireworks.


My own happily ever after...

Simply Kate Part 24

Nung sinabi niya un, biglang bumuti ung pakiramdam ko...

Nanood kame ng sine. Siguro mga tatlong ulet naming pinanood ung palabas. Kase naman eh, hindi ako makapg-focus. Pano kong makakapag-concentrate sa movie eh si Kate ung pinapanood ko. Kung pano sya matawa sa mga jokes dun sa movie, kung pano sya magulat, at kung pano sya tumili pag may pinapatay na. Ewan ko ba dito kay Kate, bat yan pa gustong panoorin.

After naming manood eh nag-Starbucks naman kame. Ang sarap sarap mag-relax. Higop higop lang ng kape habang nakaakbay kay Kate. Tapos sya naman eh nakahiga sa balikat ko, umiinom den ng frappe nya. Every now and then, binubulungan nya ko ng i love you. Hay Lord pwede bang dito na lang ako forever?

Kaso hinde ako pinayagan ni Lord eh. Umalis den kame pagkatapos magharutan at mag-asaran ng konti. At habang tumatagal eh nararamdaman ko ng i'm doomed. Wala akong choice kung hinde ang sabihin sa kanya ung napakasama at kahindik-hindik na balitang un. Asar.

Dinala ko sya sa tuktok ng main building kung saan prepared na ang aking mga props. May mat, may drinks at konting food. Lahat pinaayos ko kay kuya guard. (Wag ka mag-alala kua guard, isasama kita sa acknowledgements ko. Hehehe.)

"O Mark, bat may ganito dito?"

Hindi ko na sya sinagot. Inaya ko na lang syang humiga dun sa mat.

So ayun, humiga kameng dalawa. Kahit hinde kame nag-uusap at nakatitig lang sa mga stars sa langit, pakiramdam ko, ako na ung pinakamasayang tao sa mundo. Pakiramdam ko, kumpleto ako. Kontentong kontento na ko. Kung pwede lang sana na kame na lang ni Kate ung mga bituin, eh di sana kahit kelan hindi na kame magkakahiwalay.

"Ang ganda ganda noh Mark?"

Umupo sya, yakap yakap nya ung mga binti nya. Yung ulo nya, sinandal nya sa tuhod nya tapos pumikit sya. Umupo na den ako. Nakakatitig lang sa kanya. Lumubog ung puso ko. Alam kong bilang na ung mga araw na magkakasama kame.

"Gusto ko Mark, pag nagpakasal na tayo, titira tayo sa malaking maliking bahay. Tapos gusto kong dalawang anak. Isang babae chaka isang lalake. Tapos Mark den ung pangalan nung lalake para maging kasing gwapo mo. Tapos - "

Niyakap ko sya. Tama na, ayoko ng marinig yan. Mas mahihirapan lang akong umalis. Mas mahihirapan lang akong iwan sya. Mas madami lang akong maaalala pag wala na sya.

Habang yakap ko sya, bumalik sa isip ko lahat ng mga nangyari.

Naalala ko nung una ko syang nakita sa court..

Nung umiyak sya sa classroom..

Nung unang beses na dinala ko sya dito..

Nung nakatulog sya sa balikat ko habang umiiyak..

Nung nag-star city kame..

Nung sinabihan nya ko ng mahal nya ko..

Lahat ng yakap nya..

Lahat ng halik nya..

Lahat ng i love you nya..

Yung pagbigkas nya ng pangalan ko..

Yung mata nya..

Yung ngiti nya..

Si Kate.. Ung babaeng mahal na mahal ko...

"Kate, may kailangan akong sabihin sayo.."

Tumulo na ung mga luha ko. 

"Kate, gusto kong malaman mo na ikaw.. ikaw lang ang babae na minahal ko ng ganito. Ikaw lang den ung nagmahal saken ng ganito. Dahil sayo, naging masaya ko."

"Mark?"

Bumitaw sya sa yakapat tinignan nya ko mukha.

"Mark..  Baket.. Baket umiiyak ka? May.. M-m-may problema ba?" 

Nakikita ko na natatakot sya. Nangigilid ung mga luha nya. Alam nya. Alam nyang may mali.

"Basta Kate, tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita. At ikaw.. ikaw na ung huling babaeng mamahalin ko."

Tumulo na ung mga luha nya.  Alam na nyang may problema. 

"Mark... Mark naman eh.. Baket ka ba ganyan?" 

"Kase Kate, aalis kame. Pupunta kame ng america. Dun na kame titira. Dun na ko pag-aaralin ni papa."

Tuluyan na syang umiyak. Niyakap ko sya ulet pero tinulak niya ko palayo.

"Ang sabi mo, hindi mo ko iiwan. Sabi mo, dito ka lang lagi. Ang daya daya mo naman Mark eh! Sabi mo.. Dito ka lang lagi.. Db sabi mo yun? Db? Db pinangako mo saken un? Baket ka aalis? Baket mo ko iiwan? Mark naman eh.."

Iyak na sya ng iyak. Hinahampas nya ko pero habang lumalakas ung pag-iyak nya, humihina ung mga palo nya.

"Ang sama sama mo Mark.. Ang daya daya mo.. Sabi mo dito ka lang.. Db? Db?!"

Tinakpan nya ung muka nya at tuluyan ng umiyak ng umiyak.

"Kate naman eh.. Wag ka namang ganyan.. Hindi ko den naman to gusto eh. Masaket den saken to. Pero, wala akong magagawa. Si papa ang masusunod. Hindi ko gustong iwan ka dahil ayoko... Ayokong mawala ka saken..."

Yumakap na lang sya ng bigla saken at niyakap ko den sya ng mahigpit na mahigpit. Ayoko syang pakawalan.

"Shhhhh, tama na. Babalik den naman ako eh."

"Pero kelan pa? Kelan ka pa babalik Mark?"

"Hindi.. Hindi ko alam.. Pero Kate, pangako, babalik ako.." 



"Babalik ako para sayo."

 

Masaya ko kase naintindihan ni Kate na kailangan kong umalis. Masaya ko kase hindi sya nakipagbreak saken. Masaya ko kase hindi namen ginaya ung mga ‘mas mabuti pa maghiwalay na lang tayo’ na drama sa mga telenovela. Instead, after ng iyakan, eh napagkasunduan namen na hihintayin nya ko kahet anong mangyari. Ang sarap ng feeling na makakaalis ako ng maluwag ung dibdib. Ang sarap ng feeling na habang nandun ako eh hindi ako kakabahan na baka wala na kong balikan. Ang sarap ng feeling na alam kong kahit anong mangyari eh may Kate na maghihintay sa pagbalik ko.
 
Araw araw magkasama kame. Kung mag-enjoy kame eh ung parang wala ng bukas. Minsan nakakalungkot den lalo na pag naiiisip ko na wala ng mangungulet saken pag nandun na ko. Wala ng magsasabi saken ng I love you. Wala ng yayakap saken. Wala na deng kiss. Wala ng Kate. Pero twing sinasabi ko sa kanya lahat un, niyayakap lang nya ko at pinapatigil. Sabi kase nya mas gusto daw nya kung magpapakasaya kame kesa magmumukmok. Konti na nga lang ung panahon na magkakasama kame eh, magddramahan pa ba naman kame? Sabi ni Kate gusto daw nya na mapasaya nya ko habang nandito pa ko. Gusto daw nyang bumawi para sa mga oras na nasayang. Sabi ko naman, hindi na nya kailangang mag-effort kase makasama ko lang sya, sobrang masaya na ko.
 
Pero in fairness noh, muntik pa kaming mag-away nung huling gabi ko dito sa Pinas. Last date namen. Cinancel nya dahil bibili daw sya ng regalo para sa pinsan nya. Muntik pa nga akong magtampo eh pero dahil ganun ko sya kamahal at dahil ayokong mag-away kame, hindi na ko nagalet. Buti pala hindi ako nagalet kase surprise despidida pla.
 
Nandun silang lahat – classmates, mga pinsan ko na hindi ko alam kung pano nya hinagilap, ung buong tropa. At ang hindi ko inaasahan, si James.
 
“O, anong ginagawa mo dito?”
 
“Ako nagpapunta sa kanya dito Mark.” HUWAT DA PAKING SHET!? 
 
“Tol, aalis ka na daw?” Kungyari ka pa jang concerned. If i know nagpplano ka na naman ng kung ano.
 
“Oo. Bukas na ng tanghali.”
 
“Kelan ka babalik?”
 
“Hindi ko alam. Siguro matagal pa. Dun na ko mag-aaral eh.”
 
“Pre, pwede bang kalimutan na naten ung mga nangyari? Aaminin ko, kasalanan ko talaga. Ayoko den naman na umalis ka ng mag-kaaway tayo.”
 
Ganun na lang ba un? Pagkatapos mo kong ipabugbog, pagkatapos mong agawin saken si Kate, pagkatapos mo syang saktan, sorry na lang?! Yun na un?!
 
“Mark.. Pls?” Payn! Sabi ko nga makikipagbati na ko eh.  Si Kate na nagsalita eh.
 
“Pasalamat ka kay Kate James..”
 
“Aminin mo na Mark, na-miss mo den ako.” Asa ka! Baka ako namiss mo.. Hehe.

“Sapakin kita jan eh.”
 
“Awwww, kiss na kayo! Haha, kiss and make-up na!” Kate talagaaa.. Kung di lang kita mahal.. Nakuuu..
 
“Oo nga tol, kiss and make-up na tayo, na-miss kita eh. Haha.”
 
Ang g*go talaga ni James, pinagduldulan talaga ung nguso nya saken hanggang sa nahalikan na nga nya ko. Isang nakakapanindig-balahibong experience pero masaya, dahil ayos na kame ng best friend ko. Nag-usap kame, sinabi kong alagaan nya si Kate para saken pero wala ng sulutan dahil pag nangyari un, i-lilips to lips ko sya.
 
Ang saya tignan na nanjan lahat ng mahal mo at nagmamahal sayo. Ang sarap tignan na masaya lahat. Parang tumigil ung oras para saken.. Masaket lang  isipin na tong mga kulitan at gaguhan na to ung isa sa mga bagay na mamimiss ko pag alis ko. Isa sa mga bagay na hahanap-hanapin ko. 

Umabot hanggang alas-tres ung inuman at kodakan. Si Kate, tumabi na kay Kulet tapos isa isa na den silang nakatulog.. Shempre last man standing ako. Malungkot na makita ko lahat ng mga taong iiwan ko.. Lahat ng mga mawawala saken..
 
“Uy… Si.. Mark, naiiyak.. Wag ka mag-alala tol, hindi ka namen makakalimutan. Chaka.. ung bilin mo saken.. Wag ka den magalala.. I-lilips to lips ko lahat ng titingin sa Kate mo..”
 
“Sira ka talaga, matulog ka na nga lang jan..”
 
“Seryoso pre, mamiss kita..” 
 



At tuluyan na ngang nakatulog si James.

 

11:45. Oras ng flight ko. Gusto kong ibalibag ung eroplano para hindi na ko umalis. Gusto kong ipagsigawan kay daddy na dito ko masaya. Gusto kong iglue na lang ung paa ko para hindi na ko umalis. Pero hindi ako si superman para mabuhatung eroplano. Hindi din ako ganun katapang para suwayin si daddy. At mas lalong wala akong balak tumira sa airport habang buhay.
 
Nakatitig lang ako kay Kate. Hawak yung kamay nia. Nagpipigil ng luha. Parang scene lang sa mga telenovela kung san maghihiwalay na ung bidang lalake chaka ung leading lady nya. Ang pinagkaiba lang, kame ni Kate hindi nagsasalita, tahimik lang.
 
Masyado sigurong overwhelming ung emotions kaya hinde na makahabol ung dila namen sa nararamandaman namen. Masyado nga matindi para masabi. Pero kahit hindi kame nagsasalita, alam kong nagkakaintindihan na kame.
 
Flight blah blah blah.. Shattap!
 
“Mark, tara na…”
 
Hindi ako makapaniwala, aalis na talaga kame. Hindi ako gumalaw, hindi ako nagsalita, pero deep inside, todo panalangin ako na sana may lumitaw dito na Michael V. na sisigaw ng YARI KA! NASA TV KA! Naghintay ako. Walang Bitoy na lumabas. Walang camera. Walang staff. Walang accomplice. Pero may babaeng yumakap saken ng mahigpit na mahigpit at nagsabi saken na mahal na mahal nya ko at hihintayin nya ko kahet anong mangyari.
 
Wala talaga akong masabi. Hindi ko kayang magsalita. Pakiramdam ko sasabog na ko. Maisip ko lang na kailangan kong iwan si Kate pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namen eh nadudurog na ung puso ko sa saket. Akala ko tanggap ko na pero eto ko ngayon, humahagulgol na parang batang ayaw bumitaw sa mommy nya.
 
“Anak, kailangan na talaga nating umalis. Baka maiwan tayo.”
 
Bumitaw sa yakap si Kate. Nagtitigan lang kame tapos sabay na nagpahid ng luha at tumawa. Pinangako kase namen na hindi kame iiyak kahet anong mangyari.
 
Kinuha ko ung kamay nya at binigay ung ‘farewell gift’ ko sa kanya.
 
“Alam ko yung huling taong nagbigay sau nyan, iniwan ka at hindi na bumalik. Pero Kate, tandaan mo, kahit anong mangyari, babalik ako.. Sana tuwing makikita mo yan, ngingiti ka at maaalala mo lahat ng happy memories naten. Ayokong iiyak ka habang wala ako ah. Ako lang naman may chagang magpatahan sayo eh..”
 
“Mark naman eh..” Iyak tawa nya kong niyakap, tapos binigay naman nya saken ung ‘farewell gift’ nya. “Sa airplane mo na buksan.. Sige na, baka maiwan pa kayo.. Tito, tita, thank you po. Kayo na po bahala kay Mark. Paki batukan na lang po pag pinagpalit ako. Ingat po kayo..” 

Buntong hininga.
 
“Mark…” Ngumit lang sya at naintindihan ko na lahat ng gusto nyang sabihin.
 
Tumalikod na sya at naglakad palayo. Gusto ko syang habulin, yakapin at hindi na bumitaw kahet kelan pero…
 
“Mark, tara na”
 
“Opo..” 

Lumakad na den kame at sumakay sa eroplano.. Ilang minuto lang, nasa ere na kame. Malayong makayo kay Kate..
 
Binuksan ko ung regalo nya saken – keychain-sized teddy bear na may nakalagay na”Press Me”. Haha, Kate talaga, bigyan ba ko ng nagsasalitang teddy bear..
 
I love you Mark
 
Pumatak na naman ung  luha ko. Ang saket pala talagang iwan ung mahal mo.
 
I love you love of my life. I love you Mark
 
Waah, bwisiet kang teddy bear ka, pinaiyak mo ko! Marinig ko lang ung boses ni Kate, naaalala ko na lahat. Maisip ko lang na baka may iba na sya pag balik ko, naiiyak na ko.
 
“Hoy Mark, kung iiyak ka wag mo namang iparining sa lahat. Baka isipin nila autistic ka.”
 
Pinilit kong tumigil pero hindi ko nagawa. Ganito pala ung pakiramdan na hindi mo kontrolado ung luha mo.
 
“Alam mo anak, kung mahal niyo talaga ang isa’t isa, makakapaghintay kayo. Mahihintay ka ni Kate. Kung kayo, kayo.”
 
Wa epek pa din ang pagpupumilit kong pigilin ung pag-iyak. Pesteng luha yan oh.
 
“Sige na, itulog mo na lang yan. Pag gising mo ok ka na.”
 
Pinikit ko ung mata ko.. Nakita ko ung mukha ni Kate.. Yung mata nya, ung ngiti nya…
 
I love you Mark

I love you Mark

I love you Mark
 

Pinakinggan ko lang ng paulet ulet ung boses nya hanggang sa makumbinsi ko ung sarili ko na mahal ako ni Kate at hihintayin nya ko. Mahal ako ni Kate. Hihintayin nya ko. 


 
At pagbalik ko, we will live happily ever after…

 

Loner. Takot maging attached sa kahit na sino kase takot mawalan. Takot na baka mahulog at ma-inlove. Takot masaktan. Takot sa maraming bagay. Yan ako 3yrs ago. Yan ako bago sila dumating sa buhay ko.

Si Siege na nagturo saken na things arent always what they seem. Minsan we have to look, not just see dahil hindi lahat ng nakikita naten ganun na. There's  always a story and reason behind what we see. And that's when we have to have faith in people. Kailangan naten magtiwala kahit minsan. Because of we dont, there's a big chance na pagsisisihan mo kung baket hindi mo man lang sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag kahit 5mins lang ung hinihingi nya.

Si Jane - ang kontrabidang nagturo saken kung pano lumaban. A living proof na people could really be mean when they're threatened at hindi lahat ng lesson sa buhay eh nakukuha sa mga kaibigan. Dahil minsan, may mga importante din tayong matututunan sa kaaway. At minsan din, good things happen because of the bad ones. 

Si James. The guy who taught me na no matter how similar one person is to another, hinding hindi mo mahahanap sa isa kung ano ung nakita mo sa isa. Kahit gano pa sila ka-magkamuka o magkapareho. Kaya mali na hanapin mo sa isang tao ung mahal mo. You'll just end up fooling someone. And yourself as well.

At syempre si Mark. The ultimate love of my life. The guy who taught me one of the greatest lessons in life - kung pano magmahal ulet pagkatapos mong masaktan. Na hindi lahat ng tao sasaktan ka. And pain is really a part of life and love. Package deal yan. Hindi pwedeng wala ang isa. And so what kung masaktan ka? It only proves na tao ka. Chaka there's always a reason to smile even if the whole world seems to
crash down on me. And that reason is him. 

Dalawang taon na din simula nung huli ko syang nakita. Nag-eemail kame, minsan YM.  Minsan tumatawag den sya. Nung last birthday ko, pinadalan nya ko ng gift. Itong mga huling buwan lang kame walang communication. Busy daw sya sa studies nya at pagaasikaso sa business nila eh. Miss na miss na miss ko na sya. Pero kahet ilang taon pa abutin, hihintayin ko sya.



Dahil i can wait forever ang drama ng lola niyo ngayon...

 

Simula nung naging kame, yun na ung dream ko. Mag-debut ng kasama si Mark. Yung isayaw nya ko under the stars habang natutunaw ako sa tingin nya. Wala akong pakialam kung bongga man or hindi. Kahet nga muka lang kameng mga alipin sagigilid ok lang eh. Basta kasama ko sya. Kase pag nanjan sya, alam kong wala ng pwedeng maging mali.

Ayoko na nga sanang mag-debut kase walang kasiguraduhan kung dadating sya. Alam ko namang hindi din ako magiging masaya sa gabi na un kung wala sya eh. So bat pa kame gagastos at mag-eeffort na maghanda? Kaso si mapilit ang aking mudra. Hindi daw pwedeng hindi dahil nasa chan pa lang nya ko ehpinangarap na nya kong makitang mag-debut. So may magagawa ba ko? Wala. Eh di go. Debut kung debut.

Grabe, ang hectic ng preparations. Tawag dito, tawag dun. Punta dito punta dun. Ang daming aayusin. Venue, souveneir, gown, invitation, etc etc etc. Tapos may practice practice pa para dun sa kutilyon. And to think na inaasikaso ko sya kasabay ng prelims. Gudlak na lang kung hindi ako magmukang zombie sa laki ng eyebags ko db.

Pero kahet stressed out ako at mejo dying na ang kalagayan eh go pa din. Tntry ko namang ma-excite every now and then para matuwa si mama at para naman masulit ung libo libong ginastos para sa debut ko. So far ang pinakakinatutuwa ko dito eh yung gown. Wow talaga sa ganda.. Super balloon na color pink na madaming madaming bead works.. Naplano na talaga lahat. Kumpleto na din ung guest list, napamigay na ung invitations. Gawa na ung souveneir. Isa na lang talaga ang kulang. Yung prince charming ko.

Pero dumating man si Mark or hindi, the show must go on. And it did. This is it. Debut ko na. Grabe, ang ganda ganda ng lola nyo. I really look royalty tonight with the gown and hairstyle na pang princess with matching tiara, and all the jewelry.. Tipong fairy godmother pwede bang ganito na lang ako kaganda araw araw?!

Ang ganda den ng venue. Ang magical ng dating.. Every inch of the place was decorated with lights.. Tapos may petals everywhere.. Haha, para lang akong nasa dreamland..
Nagumpisa na ung program.. Ecort ko si papa na muka pang mangiyak-ngiyak.. Sows itay, ganun ba ko kaganda ngayong gabi para umiyak ka? Haha. Si mama naman hindi lang close to tears. Umiyak talaga. Natatawa na nga lang ako eh. Siguro chaka ko lang maiintindihan to pag ako na ung magulang.

Shempre pinakaaabangan kong part eh ung 18 gifts.. Wow ang dameng gifts. Bongga! At pinili ko talaga ung madaming anda para maganda ang mga regalo. Mwahahahaha!

Sumunod ung 18 wishes na mejo parang nakatulog ung maga tao at tipong kung hindi ako ung nakaupo dun at binibigyan ng wish eh malamang naghilik na ko. Sabi na eh, hindi ko na to dapat sinama. Hehe.

And of course, ang inaabangan ng lahat ng debutant maliban saken.. Ang 18 roses. At kung sa kanila, 18, saken 17 lang. Alam naman naten kung baket db. Dahan dahan ko ng naramdaman ung lungkot.. I felt so empty and incomplete. God, anong klaseng debut to, wala ung mahal ko. Maganda nga ako, hindi naman nya ko makikita. So ano pang silbi ng lahat ng to kung wala din ung magpapakumpleto ng gabi ko?

"Iniisip mo si Mark no anak? Alam mo, madami pang pagkakataon na pwede kayung magkasama. Isa pa, hindi pa naman tapos yung gabi db?" 

"Pa naman, alam mo namang hindi sya dadating eh. Wag mo na ko paasahin."

"Dumating man sya o hindi, maganda ka pa den. Ngiti na anak. Tandaan mo, hindi pa tapos ang gabi.."

"Ha? Ano - ?"

"Next in line is a dear friend.. Blah blah blah.. "

Simply Kate 23

Nagdrive na ko papuna sa UST. Pati si manong guard kinakunchaba ko na den. Alam na niya kung anong gagawin niya - pagbuksan kame ng gate at papasukin sa main building na ngayon eh medyo mukang haunted house sa dilim. Umakyat kame ni Kate, hawak ko siya sa kamay. Finally, dumating na den kame sa elevator, tapos dun sa hagdanan papuntang cross.. tapos dun na - sa pinakmataas at pinakamagandang parte ng UST.. Yung lagi naming tinatambayan dati.. Yung cross ng Main Building - renovated version.

Siyempre pati un pinaganda ko. May mga petals sa lapag, may lights, may music. Napangiti siya pag pasok namen.. Napasaya na naman niya ko. 

Lumakad siya papunta dun sa may dulo.. Para na naman siyang bata na aliw na aliw sa pag-sisight seeing. Habang tinititigan nya ung mga ilaw ng building eh tinititigan ko naman sya.. Yung inosente at napakaganda niyang mukha.. 

"Oh, ngumingiti ka jan." Nyaks, nakikita nya ko?

"Ako? Hinde ah."

Hindi na sya sumagot kaya tumahimik kami ulet. Biglang parang may nagwrewrestling sa utak ko. Sasabihin ko na nga ba sa kanya ngayon ung nararamdaman ko o chaka na? Pero siguro - kaya lang kse - waaaaaah! Ngayon na. Ngayon na talaga!

"Mark.. Thank you ah.. Alam mo, ito na yung pinakamasaya kong birthday.." Nakatingin pa den sya sa kawalan. "Ngayon lang kase may naghanda ng ganito para saken eh.."

"Sus, wala yun. Kaw pa eh malakas ka saken."
"Uhm.. Galit ka ba saken?"

"Ako? Magagalit sayo? Hindi no."

Umihip ung malakas na hangin tapos lumamig..

"O.."  Binigay ko sa kanya ung polo ko para wag siyang ginawin.

"Salamat.."

"Kate.. Kung.. Kung.."

"Kung?"

"Kung sasabihin ko ba sayo ngayon lahat ng nararamdaman ko, magagalit ka ba?"

Hindi sya kagad sumagot pero maya maya, tumango siya. Hindi ko den alam kung pano ko uumpisahan. Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako.. Ayokong sumablay.. Ayokong magkalabuan na naman kame.. Hindi ko na kaya na mawala pa siya saken ulet.. Hinding hindi na talaga..

"Kase Kate - "

*BUMM*

Timing nga naman. Kumulog.. Kumidlat.. Umulan..

"Sumilong muna tayo.."

"Ayoko Mark. Dito lang tayo.. Sabihin mo na ung sasabihin mo.." Ang wirdo talaga nito ni Kate paminsan-minsan.

"Gusto mo bang patayin ako ni tita?"

"Sabihin mo na ngayon.." Nakatulala pa den siya kahit basa na sya ng ulan.

Huminga ako ng malalim.. Sasabihin ko na nga siguro.

"Kase Kate.. Mahal pa din kita. Yun.. Ganun.. Basta mahal na mahal kita.. Simula nung una kitang nakita, alam ko ng iba ka. Alam ko din magulo ung sitwasyon. Alam ko kailangan mo ng oras. Pero Kate, handa akong maghintay ng kahit gano katagal para sayo.. Hindi ko maisip kung anong mangyayari saken pag nawala ka.. Ang hihingin ko lang naman sayo eh ung pagkakataon na patunayan sayo kung gano kita - "

"Hindi mo na kailangang patunayan un Mark. Napatanuyan mo na yun ng ilang ulet na. Masyado lang akong tanga kaya hindi ko nakita yun.. Masyado lang talaga akong bulag.. Masyado lang akong natakot na masaktan pero Mark, dahil sayo, handa na ko. Handa na kong masaktan ulet.. Wala na kong pakialam sa kung ano man ung pwedeng mangyari.."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ako. Kulang talaga ung mga salita para maipaliwanag kung ano ung nararamdaman ko. Sobrang saya ko parang hindi ako makahinga. Wala akong masabi. Napangiti lang ako. Napapailing sa sobrang tuwa. Ang saya saya ko. Parang hindi totoo ung mga nangyayari.. Kanina lang, nagsosorry ako sa kanya pero ngayon.. 

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ung kamay niya. Tinitigan lang niya ko. At dahan dahan, sa gitna ng ulan, hinalikan ko siya. Hindi siya nagalit. Hindi siya tumutol.


Mahal din niya ko..

 

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Yun lang talaga ang masasabi ko! Hindi ako makapaniwala! Kami na ni Kate! Kami na! Alam niyo un?! KAME NA! Girlfriend ko na sya! Boyfriend na nya ko! Kame na talaga! Kung di mo ba naman talaga nanaising magtatambling-tambling sa sobrang saya! Kame na! Kame na talaga!

Makabangon na nga ng masigurado kong hindi lang panaginip yun! Dahil kung panaginip yun, hindi na ko gigising! Pero etoh, nakabangon na ko, naligo, nagbihis at nagpapogi tapos humarurot na ko papunta sa bahay nila Kate. (Kumupit muna pala ko ng fruits sa ref dahil nagkasakit si Kate. Oo, nagkasakit siya. Magpaulan ba naman kame eh. Napagalitan pa nga ako ni tita eh pero nawala naman ung inis nya nung nalaman nyang kame na. Hehehe.)

*Katok katok katok*

"O Mark! Agang bumisita ah.."

"Shempre tita, aalagaan ko pa si Kate eh. Ok na ba sya?"
"Mejo tumaas ung lagnat sya pero wag kang mag-alala, hindi nya un ikamamatay. Sige na, puntahan mo na siya sa kwarto niya."

Inabot ko kay tita ung mga tooty-fruity tapos nag-hi na den ako kay tito tapos pinuntahan ko na si Kate na sleeping beauty pa den hanggang ngayon. Woooooow, ang ganda niya. Ang ganda ganda niya talaga. Lalo na pag tulog. Ang cute!

Inayos ko ung kumot nya tapos tinitigan ko lang sya.. Grabe, namagnet talaga ko. Kaso maya maya naalimpungatan sya at tuluyan ng nagising nung nakita ung gwapo kong muka.

"Good morning love of my life.."

"M-Mark?"

"Hehe, gulat ka ba?"

"Mejo.. Anong ginagawa mo dito?"

"Ano pa, eh di aalagaan ka! Kisspirin at yakapsul langa ang katapat niyan!"

"Ang corny mo talaga kahit kelan! Chaka asa ka noh! Kiss kiss ka jan!"

"Uuuuy, pakipot ka pa! Eh kagabi lang.." Namula siya bigla kaya tumawa na lang ako. Shempre fresh na fresh pa sa isip ko ung kissing scene namen kagabi db? Ang sweet nga eh. Papasa ng pang telenovela. Isipin nio, sa tuktok ng main building woth matching paulan-ulan effect pa! 

"Pano ba yan Kate. Eh di tayo na talaga?"

Ngumiti siya pero hindi siya sumagot.

"Wag ka na magpakipot. Sinu-suspense mo pa ko eh!"

"Pakipot ka jan. Hay naku Mark.."

"To talaga, ang pikon. Syempre gusto ko lang marinig sayo na.. alam mo na.."

"Tapos ngayon may pa-alam mo na alam mo na ka jan..Kung di ka lang cute, sinapak na kita." Uy, cute daw ako. Sabi ko na nga ba eh! hehehe.

"Sa lagay mong yan? Haha, asa ka. Pero dahil labs kita, magpapasapak ako sayo ng libre.."

"Wag na, ikamatay mo pa."

"I love you Kate.."

Nginitian na naman nya ko. Aba naman, kung di lang nakaka-inlove yang ngiti nya.. 

"I love you Kate.. I love you Kate.. I love you Kate.. I Lo-"

"Oo na, oo na, i love you na den..."

"Napilitan?"

"Ang drama talaga ng love of my life ko.. Lika nga dito.."

T-t-teka? Tama ba ung narinig ko? Tinawag niya kong love of my life?! Tapos niyakap pa niya ko! Nakakakilig naman to! Nyahahaha, ganito pala feeling pag kinikilig. Parang.. Wow, cloud 9.. Heaven.. Hay, walang kaduda-duda, inlove na inlove ako kay Kate.

"Ehem, ehem! Bawal ang triple X dito! Kayong dalawa talaga!"

Nyay, si tita. Nakakahiya naman to! Huling-huli. Bistong-bisto. Di bale, hug lang naman eh. Hehehe. Inabutan lang nya kame ng mga prutas na ngayon eh nabalatan at nahiwa na. Kumain naman kaming dalawa. Syempre sinubuan ko si Kate.. Ayoko yatang mabinat ang aking love of my life.

Buong araw akong nandun. Kinukulit ko sya kung kame na ba talaga, dahil hanggang ngayon, hindi pa den ako makapaniwala! Ang tigas talaga ng ulo ko. Sa sobrang tigas hindi makapasok ung katotohanan na kame na nga! Ewan ba, pero kahit ilang ulit nyang sabihin na kame na, kahapon pa, eh hindi talaga ko maconvince na hindi ako nanananaginip lang. Grabe, di kaya ng capacity ng utak ko to!

Nung gabi na, pinauwi na ko ni tita, sabi nya kailangan daw magpahinga ni Kate kaya syempre, para good shot, di na ko nakipagtalo.

"Sige Kate, una na ko. pagaling ka ah.."

"Opoh.. thank you sa pagdalaw.."
"Mamimiss kita.."

"Sige na, ang drama mo pa eh. Hehehe."

"Mark.. Sige na.. Gabi na.."

"Opo tita.. Uhm Kate, bye! i.. iLove you!"

"i Love you den.."

Hinalikan ko siya sa totoo at thank goodness hindi tinaga ni tita ang ulo ko nung nakita nya un. Umuwi na ko sa bahay tapos humiga na ko sa kama. Tinulalaan ko na naman ung ever-faithful na butiki sa bubong. Pangiti-ngiti na lang ako sa twing naiisip ko si Kate lalo na ung mga i love you niya! Ay sha, pwede na kong mamatay!

Bago ko matulog, tinxt ko muna si Kate.

To: Love of my Life
gudnyt po. Swit drims. sunduin kta bkas ah. i luv you..

Maya maya, tumunog den ung celphone ko.

From: Love of my Life
kaw den tulog na. anty kta bukas ah. luv u den.. muah!

Wow, my i love you na, may muah pa! Sabi ko nga eh, hindi panaginip to. Kame na nga talaga. 


Kahapon pa...

Being with Kate really made me happy. Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, masaya ako. Parang nakamighty bond na ung ngiti sa labi ko.. Samahan mo pa ng rugby, ng sikat na sikat na Elmer's glue, paste, laway, sipon at kanin, eh un na! Hindi na talaga mawala ung ngiti ko. Sabi nga ng mga classmates namen, blooming daw ako. Sabi ko naman, inggit lang sila! Hehe.

Sa isip isip ko, panong hindi ako magiging ganito kasaya eh kame na ni Kate. Ung fact nga lang na un masaya na ko eh. Idagdag mo pa ung pagiging perfect girlfriend nya - may wake up calls and texts, may gudbye and gudnyt kiss, tapos pinagluluto pa nya ko lagi ng lunch na kinakain namen sa lover's lane. Ang sarap talaga ng feeling, lalo na pag hawak ko ung kamay nya tapos maglalakad kame ng sabay, magbibiruan.. Parang hawak ko ung oras.. Prang hawak ko lahat.. Ganun ako kasaya pag kasama ko siya.

Minsan kasama namen tropa ko. Minsan barkada nya. Minsan joint-assembly kame. Naalala ko tuloy nung minsang lumabas kame ng magkakasama, nag punta kame sa bar tapos ayun, nag truth or dare kame. Napasayaw tuloy ako ng di-oras ng topless. Sabi ni Kate saken, may career daw ako sa pagiging sexy star. Lokang babae talaga yun!

Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na mag-iisang buwan na kame. Take note, hinde pa kame nag-aaway kahit isang beses! San ka pa?! Breaking the record ata un. 

Bisperas ng monthsary namen, kinausap ako ng tatay ko. Mukang seryoso. Oo, ngayon ko lang sya nakitang ganun kaseryoso. Napaisip tulloy ako, ano kayang nagawa ko? In fairness naman, mabait ako. Pwede na nga akong bigyan ng pakpak at halo eh.

"Mark.."

"Po?" Naks, ang galang. Hehe.

"Sasabihin ko na to sayo ng biglaan. Lilipat na tayo sa america."

WHAT THE F*CK?!!! Tama ba ung narinig ko!? Lilipat kame sa america?! Hinde.. Madame lang sigurong luga ung tenga ko..

"PO???"

"Sabi ko, lilipat na tayo sa america.. Dun na tayo titira. For good."

"Pero? Baket? Pano na ung pag-aaral ko? Pano na si Kate?" Etoh na, naguumpisa na kong magpanic! For good? ibig sabihin till forever dun na kame titira? HINDI PWEDE UN!

"May mga negosyo akong kaylangang asikasuhin dun. Nahihirapan na si Mama mo ng pabalik-balik. So we decided na dun na tumira."

"Yeah ryt! Tama un Pa! Tama na magdesisyon kayo ni mama ng hindi man lang ako kinukunsulta! Hindi nio man lang ba naisip kung ano ung mararamdaman ko?!"
Kala ko nun, sasapakin na ko ng tatay ko! Grabe, nasigawan ko siya! First time kong nagawa un sa tana ng buhay ko!

"Calm down anak.."

"Calm down? Gusto ko nio kong kumalma!? Pano kong kakalma Pa?! Sasabihin mo saken yan sa bisperas ng monthsary namen ni Kate! Sige nga Pa, pano kong sasabihin sa kanya na iiwan ko sya?! Na lilipat tayo dun? FOR GOOD??!"

"Tell her right away. The sooner the better. Aalis tayo next next week - "

"2 weeks?! You're telling me that i only have two weeks left to spend time with Kate?!"

"Anak, kung kayo, kayo. Kahit isang milenyo pa kayong hindi magkita."

Then, he left. Nilayasan ako ng tatay ko! Iniwan nia kng devastated, nasa state of shock, state of panic, denial stage at nasa bingit ng kamatayan! Pano nila nagawa saken ni mama to?! Pano na kame ni Kate?! Pano?!!!

Sabi ko na nga ba eh, dapat kabahan ako na masyadong masaya ung naging relationship namen. Isang buwan nga kameng walang problema, etoh naman ngayon.. Dumilim na naman ang kalangitan - nagbabaja ng bagyo. 




Hindi lang pala nagbabaja, dahil nagbuhos na sya ng bagyo - malakas na malakas na bagyo.

 

Isang buwan! Ano ka ba naman Lord?! Minsan ka na nga lang magbibigay ng happiness saken kinuripot mo pa ko! Isang buwan! Nak naman ng pucha, 31 days! Kung sinabi nio lang sana ng mas maaga-aga pa, eh di sana mas nilubos-lubos ko ung mga oras na magkasama kame tapos sana nakapaprepare man lang ako kung pano ko sasabihin sa kanya un. Wala ng breaking-it-gently toh. Ampucha, lalabas to as one big blow. Hindi kaya nya ko ilaglag sa main building?! 

Pano ko naman sasabihin to? Patatapusin ko kaya muna ung monthsary namen o ngayon ko na sasabihin?! Pucha, 15 minutes na lang at susunduin ko na sya. Waaaaaaaaaaaaaaaaaah, anong gagawen ko? May 2 weeks na lang kame dito. Ayoko namang sirain ung monthsary namen pero dapat malaman niya to asap. Ayokong itago sa kanya pero ayoko syang saktan. Nyeta, bat ba kase naimbento pa yang eroplano eh! Eh di sana, hindi na kame makakapunta sa pesteng america na yan! Sirain ko na lang kaya ung eroplanong sasakyan namen? O kaya palubugin ko na lang kaya ung america? Tama! Pasasabugin ko ung airplane tapos imimissile-bomb ko ung america para hindi na kame matuloy!

Ang tikas mo naman boy!

Waaaaaaaaah! Nandito ka pa pala dakilang sawsaw! Wag kang makulet jan baka iicha kita! Pag ganitong namomroblema ko ah.

Eh abnormal ka naman pala eh.. Pasasabugin mo ung eroplano at palulubugin mo ung america? Feeling mo naman Diyos ka!

Ah basta, hindi kame pwedeng matuloy! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi talaga pwede! HINDE HINDE HINDE

"HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE - "

"Ano bang pinagsisisigaw mo diyan? Hoy, late ka na sa lakad naten! Hmp, pinagintay mo ko.. Kala ko kung ano ng nangyari sayo, yun pala nababaliw ka lang dyan! Ano bang feeling mo ha? Cute ka dahil nagfee-feeling bida ka sa teleserye? Hay nku Mark, mga pakulo mo talaga..."

Umupo sya sa kama ko tapos kinurot nya ung ilong ko. Ang saket naman. Hmf,wala pang pasko gusto na kong pagmukaing reindeer ni Kate.

"Happy monthsary Mark!" 

*Mmmmmmmuuuuuuuaaaaaaaah*

Wow, ang sweet naman ni Kate. May greeting na, may kiss pa. Huhu, lalo tuloy ako nalulungkot.

"Gift ko sayo.." 
May inabot sya saking box na nakabalot sa blue na giftwrapper tapos may ribbon den na blue. Grabe, touch na talaga ko nito, my regalo pa sya saken.

"Buksan mo na."

"Ngayon na? Pwede bang mamaya na lang? Nakakahiya eh.."

"OO ngayon na. Cge na buksan mo na. Pls pls pls?"

Ang pilit talaga ng batang ire. Sige na nga, bubuksan ko na nga. So ayun, binuksan ko ng pagkaingat-ingat para mapreserve ko ung pambalot. Syempre memorable un noh. First gift ni Kate saken.. Touching talaga! Hindi na to mawawala at mabubura sa aking puso't isipan magpakailanman!

Drama naman.

Che! Paki mo ba? Moment ko naman to ah!

"Nagustuhan mo ba?"

Wait lang ah, hindi ko pa nakikita eh.. Ano ba toh? ...WOW!!!! NBA CARDS!!!! ANG MATAGAL KO NG PINAPANGARAP NA NBA CARDS!  WOW!!!!!!!!!! LAHAT ORIGINAL!!! WOW TALAGA!!!

"Hui, nagustuhan mo ba?!"

"Ha?"

"Hinde mo naman ata nagustuhan eh.. Waaaaaah, iyak na ko.."

"Original lahat toh ah.. Uh.. Grabe Kate, gustong gusto ko toh... Ang tagal ko ng pinaplanong bumili nito eh.. Pano mo alam na itoh gusto ko? Grabe talaga Kate, hindi ka na dapat bumili nito, mahal kaya to."

"Hindi kaya. Afford naman eh. So, nagustuhan mo?"  ;D

"Oo.. Sobra.. Thank you Kate ah.."

"Buti na lang nagustuhan mo.. Ang galing ng source ko! Haha. Tara na, medyo gabi na eh."

Nilagay ko sa drawer ko ung regalo ni Kate tapos bumaba na kame. Nagbabye na ko sa kanilang lahat maliban kay papa na hanggang ngayon eh hindi ko pa din kinikibo. Pakiramdam ko kase kasalanan nya lahat toh eh. Hay naku, kasalanan talaga nya!

Pumasok na kame sa koche tapos syempre nag-drive na ko. Grabe, parang masusuka ko. Halo halo ung nararamdaman ko. Masaya kase kame na db? One month na nga kame eh. Tapos etoh sya sa tabi ko, nandito. Excited ako kase 1st monthsary namen to. Masayang masaya talaga ko. Pero kinakabahan pa den ako.. Nalulungkot.. Natatakot. Pano ko sasabihin kay Kate? Pano kung umalis talaga kame? Pano kung matagal pa bago kame bumalik? Makakapaghintay ba si Kate? Mahihintay ba nya ko? Pano kung hindi na kame bumalik? Pano na kame? Pano na....?

"Mark, ok ka lang?"

Pano na talaga toh? Anong gagawin ko?

"Mark? ...MARK!"

Woah, snap back to reality. "Ha? Baket?"

"Ok ka lang ba? Parang may saket ka yata eh.. Gusto mo next time na lang tayo umalis?"

Kung may next time lang sana. "Hinde, ok lang ako.."

"Promise?"

"Promise.."

Ngumiti sya tapos hinalikan nya ko sa pisngi.. 

"I Love you Mark.."

Simply Kate Part 22

Waaaaaaaah! Hinde ganun ung intro! Hindi ganun! Pero ano, may magagawa pa ba ko? Wala na! Ayun na eh. Tumaas na ung kurti-kurtinahan namen kaya lumabas na kame - ako at ang barkada ko na kapareho kong mejo windang sa intro na ginawa ni tita.

"Uh.. Unang una po sorry sa hassle. Gusto ko lang pong bigyan si Kate ng surprise na salamat sa napakagandang intro ni tita eh hindi na mashadong surprise."

Tumawa ung mga tao - mga kamaganak ni Kate, konting kaklase niya dati at buong section namen maliban kay Jane at James.

"Uh... Sana po tulungan nio kong kumbinsihin si Kate na makipagbati na saken kase miss na miss ko na ung love of my life ko.."

Umariba naman sa pangaasar ung mga kaklase namen. Napuno ung "function room" ng Sub ng mga "Uuuuuuy" at "Yikeeeee" na kadamihan eh galing sa mga kinikilig-kilig na mga kaklase nameng babae.

"Sa pulis pangkalawakan ko.." Naglabasan na ung walong bata na ni-recruit ko. Yung pito, may nakatagong tig-ttwelve na bulaklak. Yung isa, isang boquet na shempre may ay may special mission. "Alam nio na kung anong gagawen." Binulungan na nila ung mga bisita. 

"Jay, intro!" Nag-umpisa ng tumugtog ung tropa ko. Natonohan na nila kanta at lahat sila napa "awwwwwww"

"Happy birthday to you...
Happy birthday to you..
Happy Birthday, Happy Birthday 
Happy Birthday to you..."



Nagpalakpakan silang lahat habang tumatawa. Pati si Kate napangiti, at for the first time simula nung nagpakita kame sa stage eh tumingin siya saken. Lumakas ung loob ko. Nabuhayan ako.

"Kate, para sayo toh."

Tumugtog na sila ulet. Etoh na. Etoh na talaga.

"I just don't understand 

Why you're running from a good man baby 

Why you wanna turn your back on love 

Why you've already given up 

See I know you've been hurt before 

But I swear I'll give you so much more 

I swear I'll never let you down 

Cause I swear it's you that I adore 

And I can't help myself babe 

Cause I think about you constantly 

and my heart gets no rest over you 

You can call me selfish

But all I want is your love 

You can call me hopeless

Cause I'm hopelessly in love 

You can call me unperfect 

But who's perfect? Tell me what do I gotta do 

To prove that I'm the only one for you"

 

*Instrumental*



"Sa lahat po ng bumoboto na makipagbati na saken si Kate.. alam nio na po ang gagawen nio." 

Isa-isang nagtayuan ung mga bisita, kumuha ng rose sa mga bata at binigay kay Kate.. At infairness, pati ung mama at papa niya.

"I'll be taking up your time 

Until the day I make you realize 

That for your there could be no one else 

I just gotta have you for myself 

Baby I would take good care of you 

No matter what it is you're going through 

I'll be there for you when you're in need 

Baby believe in me, coz If love is a crime 

Then punish me, I would die for you 

Cause I don't want to live without you 

Oh what can I do? 

You can call me selfish

But all I want is your love 

You can call me hopeless

Cause I'm hopelessly in love 

You can call me unperfect 

But who's perfect? Tell me what do I gotta do 

To prove that I'm the only one for you"

 

*Instrumental*



Isa-isang Inabot ng mga bata ung ibang rose kay Kate.

"Why do you keep us apart 

Why won't you give up your heart 

You know that we're meant to be together 

Why do you push me away 

All that I want is to give you love 

Forever and ever and ever and ever 

You can call me selfish

But all I want is your love 

You can call me hopeless

Cause I'm hopelessly in love 

You can call me unperfect 

But who's perfect? Tell me what do I gotta do 

To prove that I'm the only one for you 

Selfishly I'm in love with you 

Cause I've searched my soul and know that it's you

To prove that I'm the only one for you 

So what's wrong with being selfish, selfish, selfish, selfish... 

So what's wrong with being selfish?"



Inabot nung bata na may special mission saken ung boquet. Bumaba ako ng platform tapos nilapitan ko si Kate. Lahat ng tao nakatingin.. Binigay ko sa kanya ung roses.. Nakatingin pa den sya saken.. Nakangiti. Nakatitig lang den ako sa kanya. Ang ganda ganda nya ngayong gabi. Ang ganda ganda niya. 

"Bati na ba tayo?"

Tumango lang siya tapos bigla niya kong niyakap. May sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil lahat sila nagsisigawan ng "Kiss! Kiss!"

Bumitiw siya sa yakap niya saken, ung luha niya nangingilid-ngilid na naman.

"Kate, pwede ba kita isayaw?"

Tumango lang siya ulet tapos sinenyasan ko na sila Jay. Pumwesto na siya sa mic. Tumugtog sila Ryan. Nagpartner partner din ung mga bisita. Nagumpisa na ung kanta. Kumanta na si Jay. 

"Oh, love of my life"

Introng-intro pa lang nung kanta, napayakap ulet saken si Kate at tuluyan na naman siyang naiyak. Nararamdaman ko ung luha niya sa balikat ko.

"Mark.. Sorry.. Sorry talaga.. Miss na miss na kita.."

Hindi na ko nakapagsalita nung narinig kong sinabi nya na na-miss na miss niya ko. Tama na ung limang salita na yun para sumaya ko ng husto nung gabing yun.

"Forever starts from now

I promise you"


Parang kaming dalawa lang ung nandun nung oras na un.. Nung minutong yun..

"Lovin' you is all

That I can do"


Si Kate. 

Ako.

Sa gitna nilang lahat.

"No one can take it

Away from me"


Magkayakap.

"Nobody but you"



"Mahal pa den kita Kate.. Mahal na mahal.."

 

Natapos yung kanta at dahan dahan, naglayo kameng dalawa. Tapos na ung pinaka-mahiwagang dalawang minuto ng buhay ko. Dahil dun sa dalawang minuto na un, sa di ko din maintindihang dahilan, eh naramdaman ko na kahit pano, mahal din niya ko. Siguro dahil mashado akong umaasa o siguro dahil yun ung gusto kong paniwalaan. Pero kahit ano pa man yun, wala na kong pakialam. Basta ayos na kame. Masaya na ko dun.

Maya maya, nagsimula na ding magalisan yung mga bisita. Nagthank you sila kay tita pati kay tito. Yung mga classmates naman namen, samen nagsilapitan, inaasar kameng dalawa. Hinatak ko si Kate papalayo sa kanilang lahat. Oras na para sa huling parte ng plano. 

Kinindatan ko si tita, tapos ung tropa ko. Nagkaintindihan na kame dun.

"O Mark, ingatan mo si Kate ah." Sabi ni tita.

"For the kill pre!" Sabi naman nung mga tropa ko.

Sinama ko na sya palabas dun sa koche ko tapos umalis na kame.

"San tayo pupunta Mark? Baka pagalitan ako - "

"Hindi ka pagagalitan, pinagpaalam na kita.."

"Eh san nga tayo pupunta?"

"Sa cross ulet."

"Anong gagawin naten - "

"Basta."

Simply Kate Part 21

Baket ba kase ako nagpapakatanga sa isang babae eh?! Baket ba kase pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa kanya?! Baket ba kase pinaiiral ko tong lecheng puso na to imbis na yung utak ko?! Baket ba kase hindi ko siya makalimutan?! Ano ba talagang meron sa kanya’t kahit tapak-tapakan at durug-durugin na niya ung puso ko eh naghahabol pa den ako?!  

Mag-iisang buwan na kameng hindi naguusap. Akala ko nun ok na eh. Akala ko maaayos na kase wala na si James sa eksena. Pero ano?! Lalong lumala. Hindi niya ko kinakausap, hindi niya ko kinikibo. Ni hindi nga niya ko nililingon eh. Daig ko pa si Bone Clinx na naka-Windwalk sa pagiging invisible eh. Deadma. Parang kong non-existent entity na palutang-lutang lang sa tabi-tabi. Pero anoh? Etoh pa den ako, nagpapakadalubhasa sa tuktok ng main building at nagpapaka-mukang ewan sa kakaisip ng magandang birthday gift para sa kanya. Kahit parang napaka-minute ko sa paningin niya, pinipilipit at pinipiga ko pa din yung utak ko makaisip lang ng magandang pakulo para mapasaya ko siya. Pag ako naman hindi pa nag-qualify neto sa Libingan ng mga Bayani, ewan ko na lang ah.

Eh di sige, isip. Gusto ko kase yung multi-purpose ung regalo ko sa kanya eh. Yung tipong mapapangiti ko siya tapos mapapatawad na den niya ko tapos yung magkakaayos na kame. Gusto ko na makipagbati. Kahit alam kong wala naman talaga kong kasalanan dahil hindi naman labag sa batas ang mapuno paminsan-minsan at magsabi ng nararamdaman  eh ako na ang bababa at mag-sosorry. Sobrang miss ko na kase siya eh. Yung mga joke niyang kahit pang-Wowowee eh bumebenta pa den saken, yung minsan masakit minsan hindi niyang hampas, yung tawa niyang nakakahawa, ung mga pangttrip namen, ung mga asaran, ung pagiging pikon niya, yung – siya. Miss na miss ko na siya.

Teka, eto na. Naguumpisa ng umilaw ang bumbilya sa kokote ko. Bulaklak. Bibigyan ko siya ng bulaklak. Ika nga ng tatay kong paminsan-minsan may silbi den pala eh “No matter what a girl says, a girl wants flowers.” Medyo barok pero ok lang yun, naintindihan ko naman eh. Lalagyan ko na lang ng gimik para maging kakaiba ung pagbigay ko sa kanya. Ano naman kayang gimik un? Sa kaninong hudlum ko naman ipapaabot yun? Hmmm.. E kung sa gwapong nilalang na lang kaya na nagngangalang Mark? Tama. Ako na lang mag-aabot! Kaso, nasan naman ung gimik dun?! Ang engot Mark. Ang engot!

Lumakad ako papunta dun sa edge. Nagbabakasakaling makakuha ko ng idea sa mga puno. Isip lang.. Sige kaya mo yan. Kaya mo talaga yan.

5 minutes.

10 minutes.

30 minutes.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” Hay grabe, ngayon lang napiga ng ganito ang utak ko,. Kahit math hinde pa napadugo ng ganito ang ulo ko. Pero ok lang. Siguro naman dadalawin niya ko sa Mental pag nabaliw ako db?

“Wag kang tatalon! Kua, maghunos dili ka, wag kang tatalon! Masarap mabuhay kua!”

At sino naman tong timang na to? Ako? Tatalon? Sus naman! Sasayangin ko ba tong gwapong pagmumuka na to?! 

“Miss, muka ba kong tatalon?”

“Oo. Muka kang tatalon! Kung di ka ba naman isa’t kalahating timang, tumayo ka ba kase jan!”

Ok ah. Ako pa ngayon naging timang. “Hinde nga ako tatalon.”

“Eh bat may pasigaw-sigaw effect ka pa jan?”

“Kase sumasaket na ung ulo ko kakaisip kung anong gagawin ko para sa birthday niya! Tatlong araw na lang wala pa kong matinong naiisip. Kaya etoh, pinipilit kong mag-isip ng matino sa tahimik na lugar. Kaso biglang may praning na babaeng bumalandra jan at nagsisigaw na wag akong tatalon. Gusto mo bang mayari tayo ng mga sikyo dito?”

“Nagmamalasakit na nga lang ung tao eh. Alam mo, ewan ko sayo. Sige, jan ka na. Tumalon ka na jan. Sige na, talon!”

“Hinde nga ako tatalon!” Ang kulet den ng lahi netong isang to eh noh. Sinabi na ngang hinde ako tatalon. Nakakaintindi ba to ng tagalog?!

“Alam mo, kung gusto mo siyang regaluhan, ang ibigay mo ung galing sa puso. Tapos. Hinde kailangan ng kung ano anong chechebureche. Kung ano ung nararamdaman mo, ilagay mo dun sa ibibigay mo. 100% sure ako, mapapangingit mo un.”

Kung sa bagay, tama un. Hindi ko kailangan ng kung ano ano. May silbi den pala tong isang to sa lahing pilipino. Haha, ang galing galing! Alam ko na kung anong gagawen ko! Buti na lang naalala kong may party na ihinanda si tita. Ang tali-talino ko talaga! 

“Oi miss, salamat ah.”

“Tapos ngayon sala-salamat ka jan. Akala mo libre yun?! May bayad un no!”

“Pwede na ba ung kiss ko ha? Kissable yang lips ko.” 

“Sige na. Iyo na. Iyong iyo na yang labi mo. Saken na ung thank you.”

Sinimangutan niya ko tapos umalis na den siya. Pano kayang nakaakyat un dito? Di bale na. Hehehe. Ang galing ko talaga. Ok na. Ang kailangan ko na lang gawen eh humanap ng  mga kasabwat. 



Hahaha! It’s on!

Ika nga ni Ai-Ai delas Alas sa Tanging ina eh this is really is it! Pagkatapos ng ilang gabing pagpupuyat, nabuo ko na yung plano ko. At etoh na! Etoh na ang the dreaded day. Birthday na ni Kate.

Phase I - Pilitin si tita na ibahin ang concept ng birthday ni Kate from a simple bahay party to a.. a.. kung ano man tawag dun. Basta ung mas malaking party. 

Naglakas loob akong tawagan si tita sa cellphone niya. Sana pumayag.. Dahil pag hindi pumayag si tita, tarajeng pot pot, sira buong plano ko. Sayang lahat ng effort! Wag naman po...

"Hello Mark?"

Hay sa wakas sinagot din. "Hi tita."

"O bat napatawag ka?"

"May hihingin po sana kong pabor eh.." At pinaliwanag ko na kay tita ang aking marvelous plan. Pero dahil malaking hassle ung nirerequest ko eh binigay ko ang isang daang porshento ng convincing powers ko para lang makuha ang matamis na oo ni tita. At shempre, haha! Pumayag sha! Sabi ko na nga ba eh.. Deep inside gusto den niya kong maging son-in-law. Hehehe.

Phase II - Pagpapapogi.
Sows, kailangan pa ba ng effort dito eh ang pogi pogi ko na?! Usual konting gel konting pabango konting porma lang ang kailangan dito. Well, ganyan talaga pag biniyayaan ka ng napakacute at napakagwapong muka na gaya ko. Nyahahaha.

Phase III - Set-up ng props at speech.
Niready ko na lahat ng kailangan ko. Namen. Namen ng mga back-up ko. Sino? Eh di shempre ang mga pinakamamahal kong tropa na napaka enthusiastic sa pagtulong saken na if i know eh puro mga nakokonsensha lang sa pagkampi nila kay James dati.

Phase IV - Maghintay sa tamang oras.
*Heartbeat.*

Buti pa sila, kumakain dun. Huhuhu.

*More Heartbeats*

Gutom na talaga ko. Pero mas malala aatakihin na ata ako sa puso. Wag naman po. Patapusin nio naman muna to. 

Phase V - Etoh na.
Ayun na, narinig ko na ang cue ko galing kay tita na shempre ako den ang nagprovide para mejo makabagbag-damdamin naman ang intro. Sumilip ako. Tamang tama ung pwesto. Nakaupo sa gitna si Kate. Yung mga pulis pangkalawakan ko nakaready na.

"Thank you po sa lahat ng umattend ng birthday ni Kate kahit may mga last-minute changes. But before you go, may huling hirit pa po galing dun sa taong may kagagawan ng lahat ng hassle na to." 

Hala, hindi naman un ung script na binigay ko ah! Si tita talaga!

"Mark?"

Simply Kate 20

"Kate, sana isang araw bigyan mo naman ako ng pagkakataong ipakita sayo kung gano ka kahalaga."

Haaaay etoh na! Nangangamoy bakasyon na! Kung di ba naman talagang gaganahan kang matulog! Sa wakas kase eh nagkaron na ng peace and order ang buhay namen. Akalain nio un?! After 48 yrs eh natapos den yung iyakan.. Kahit talagang nasira na ung pagkakaibigan namen ni James eh ok lang. Kasalanan niya un noh. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating mangmang, eh di sana hindi kame nagkaganito. To namang bruha kong pinsan eh taking advantage of the situation. Todo dikit kay James. Todo kapit todo sunod to the point na nagmumuka na siyang tuta. Yung grades ko naman. aysus! Pasa lahat. Wala akong singko. Kung di ba naman talaga ko pinagpapala ng Diyos oh. (Perfect nga ung prelims ko sa Math!) 

Kame ni Kate? Ganun pa den. Wala ng ibang ginawa kung hindi magkulitan. Yun nga ung mga moments na naiiisip kong ang swrte swerte ko kase pagkatapos nung lahat ng mga nangyari, walang nagbago samen. Kahit alam niang hindi lang siya simpleng kaibigan para saken eh hindi siya lumayo. Wala lang.. Tuloy lang ang ikot ng buhay.

Kaya naman ang saya saya nung dumating na nga yung sembreak. Patunga-tunganga na lang ako.. Patulog-tulog. Heaven! Ang masaya pa eh malapit na ung inter-sub intramurals. At pag may intrams shempre may basketball. Yahoo! Ang saya saya! Kame ata defending champion noh.. Andito ko eh! Kombinasyon ata to ni Shaq, Duncan, at Jordan! Oh ha, san ka pa!?

Ang kwela nun, si James eh sumali dun sa mga repapips niya sa kabilang sub. Yung mga nangbugbog saken na nabawian ko den naman.. Loko nila, susupalpalin ko silang lahat! Pag ganitong gigil na gigil ako sa mga pgmumuka nila, wag silang pepengal. Kaya naman todo practice kame ng tropa db? At si Kate, laging nandun sa mga practice namen.. Nanonood. Inspiradong inspirado naman ako! Lahat shoot, walang sablay. Tangna, isang ngiti lang niya full charge na ko kagad eh. Makita ko lang na nandun siya, solb na ko..

Practice lang ng practice hanggang sa nag-umpisa na yung eliminations. 8ng subdivisions yung kasali. Para ngang UAAP eh kaso lang wala kameng mga hayop sa pangalan ng team. Color-coding lang. Panalo kame sa first game. Pati sa 2nd sa 3rd sa 4th hanggang sa pasok na kame sa Finals. Walang kahirap hirap db? Oo, walang kahirap-hirap, lahat sila tinambakan namen. Ang kaso lang eh ganun den ung team nila James na nasa bracket B naman. Ganun den kabilis ung panalo nila at pasok na sila sa Finals. Pasok sila, pasok kame. Isa lang ang ibig sabihin nun...


Maghaharap kame ulet ni James...

 

*PRRRRRRRRRRRRRRT!*

End of 3rd quarter na. Isang quarter na lang. Tangnang yan, lamang pa sila ng 15 points. 12 minutes, running time, 15 points. Kaya ba namen yun? Bwiset naman kase eh, lamang na kame nung 2nd quarter kaso ang dumi nila maglaro. Nangbabalya. Tong ref naman parang kailangan mo pang bigyan ng binoculars para makita ung nangyayari! Ano ba to?! No blood no foul?! Na-injury na ung captain namen at hindi na nakapaglaro wala pa deng tawag. Pero etoh, panay ang tawag samen! Kung di ka ba naman talagang makakapag-dakdak ng referee!

"Mark oh, tubig."

Nice naman. Tubig from Kate. Narerecharge na naman ako. Wooohooo..

"Ganito.. Hayaan nio na silang mangbalya ng mangbalya. Wala na tayong magagawa dun. Wag na kayong gumanti, alam nio namang bias ung ref eh. Cool lang kayo. Easy lang.. Oh ito game plan naten. Sa defense tao-tao tayo. I-double niyo ung magshooshoot. I-rebound niyo ung bola. Makipagatayan kayo para sa bola. Sa offense screenan niyo. Go for 3. Pag di pumasok rebound niyo. Labas niyo ung bola tapos go for 2 para di sayang yung score. Malinaw na ba un?"

Tumango kamen lahat. Ang galing ng captain namen, kahit injured nkakapagproduce pa den ng magandang game plan!

*PRRRRRRRRT!*

Etoh na. Jumpball. Samen bola. Shoot. 85-73 na. 12 points na lang. Bola na nila. Pinasa kay James, fastbreak. Di ko nahabol, shoot. bola namen, bola nila, bola namen, bola nila. Makkakashoot kame, makakashoot sila. Punyeta, pano kame aabot nito?


4th Quarter na, last 2 minutes.

"Ganito, Mark, kailangan naten ng 3 points. Kahit anong mangyari, 3 points tayo. Pag di pumasok, rebound niyo tapos ipasa niyo ulet kay Mark. Paul, screenan mo. Kailangang naten ng puntos. Sige na, GO!"

GO talaga. Papatay na ko para sa bola.

"Mark." Tinawag ako ni Kate. Bat kaya? "Mark, galingan mo ah.. I-checheer kita. Sige na, Shoot that ball!"

Nginitan niya ako and suddenly magically nabuhayan ako ng loob. Etoh na, nararamdaman ko ng mananalo kame. Mananalo talaga kame. Mashooshoot ko tong bolang to. Mananalo kame.

Ayan na, bola na namen. Pinasa saken ni Paul, tinakbo ko sa three point line... Etoh na. Shoot yan, Shoot yan.. Shooooooooooooooooot..

"YES!"

"Nice one Mark! Wooooooooooh!" Si Kate talaga oh. Kinikilig ako nito eh. Hehehe.

Bola na nila. Kay James ang bola. Wahahaha. Patay kang bata ka. Di shoo-shoot yan! PLAK! Tangna mo, palpal ka ngayon! HIDNE NA KAYO MAKAKA-SHOOT!

Tumatakbo ang oras, kumokonti ang lamang. Last 30 seconds, 2 points na lang ang lamang. Nasaken ang bola, nakabantay saken si James. Asa siya. Hinde niya ko kaya. Lalo na't ganito ko ka-inspirado at ganito ko kabanas sa kanya! Wag na shang pepengal at baka tuluyan na nga tong maging wrestling!

"Hinde ka makakashoot."

"Asa ka James. Tignan mo kung pano ko papasukin tong bola na to sa harap mo."

Konting dribble, konting pang-lito, nakalusot na ko. 3-point line, isang fake.. Tangnang yan mashoot ka. Mashoot ka.
Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka. Mashoot ka.

"Shoot yan! Go Maaaaaaaaaaark!"


Ang lakas ko manalangin. Pasok.

 

YahuNg yAhoo! Panalo kame! Pano ba yan?! Kame champion at etoh pa! Eto pa talaga! MVP ako! Kung di ba naman ako talagang magiging masaya niyan?! Supalpal si James at pakramdam ko bawing bawi na talaga ko sa lahat ng mga pinag-gagawa niya. Sayang nga lang, di sha natamaan ng bola sa muka. Eh di ang gwapo gwapo sana niya ngayon! Rosy face db?!

At dahil panalo kame, may celebration! Buong team dumerecho sa bahay, pati ung mga klasmate nameng babae na nanood.. At shempre, si Kate. Pwede ba namang wala sa pag-cecelebrate ko ung inspirasyon ko nung laro? Di lang nila alam pero si Kate talaga ang rason kung baket ako nakashoot. Ayoko atang mapahiya sa kanya no. Todo cheer pa man den siya.

Nagpabili kagad ako kay manang ng inom at chibog! Tradisyon na kase namen na twing panalo eh magpapainom ang MVP. Ehem ehem, cno ba ang MVP? Etong pinaka-cute, pinaka-charming at pinaka-mabait ata! 

Pagdating ng chibog eh, LETS PARTY! Nag-kainan na kame, kwentuhan, inuman. Ngayon na lang ako siguro naging ganito kasaya sa loob ng ilang buwan nga ba? Isa? Dalawa? Ewan ko. Hindi na mahalaga yun. Ang importante, buhay pa ko, masaya at kasama si Kate.. Dito sa tabi ko.. Kahit hinde kame, ayos lang. Hu cares? Basta masaya sha, masaya na den ako. Motto ko na nga sa buhay yun eh.

"Oh Mark, pano ba yan? MVP ah.. Mukang inspirado.."[/color]

"Syempre naman.."

"Pero lam mo tol, buti na lang nanalo tayo. Isipin mo na lang kung pano nila tayo pagtatawanan kung natalo tayo. Lalo na ung James na un."

"Sinabi mo pa. Kung di lang ako takot na ma-foul out, siniko ko na ung mga pagmumuka nung mga dugyot na un eh. Lalo na si James?! Pucha, ang sarap patikimin ng siko."

"Easy lang pre.. Panalo na naman tayo db?"

"Oo nga, pero nakakagigil pa den talaga pag naiisip ko ung ginawa niya. Ang lakas niya mang-g*go. Nagui-guilty tuloy ako pag naaalala kong nagalit tayo dito kay Mark nung nagkabangga sila ni James."

"Oo nga, lalo na si Ryan. Sinapak pa si Mark!"

*tawanan*

"Sus mga tol, wala na yun. Wag na nateng isipin yun, tapos na yun eh. Chaka isa pa, ayos na naman tayo db?"

"Woooooh, ang bait naten ah."

"Nanjan lang kase si Kate.."

*tawanan*

Napatingin ako kay Kate. Medyo napapangiti siya pero tahimik pa den. Hindi ko alam kung baket sha ganun. Db dapat masaya ngayon?! Db dapat masaya siya para samen? Saken? Hay layp. You are so unfair!

"Oi Kate, galaw galaw baka mastroke."

"Uhm, Mark, sandali lang ah.." Tumayo siya tapos umalis. Nyemas naman talaga oh. Tang!

"Naku Mark, napikon ata. Tsk tsk tsk."

"Sundan mo na.."

"Dali, sundan mo na tol!"

Tumayo ako tapos sinundan ko na si Kate. Dun ko siya sa rooftop tinignan. At yun, nandun nga siya. Nakatayo, tulala, at malamang-lamang lang eh nagmumuni-muna na naman tungkol sa mga bagay na hinde na sana niya iniisip.

"Kate."

"O Mark, bat nandito ka? Dapat db nandun ka sa baba?"

"Eh iniwan kase ako nung gusto kong makasama sa pag-cecelebrate eh.."

"Kaw talaga.. Sige na, baba na. Baka hinihintay ka na nila."

"Ayoko, dito lang ako.. Kung nasan ka, gusto ko nandun den ako. Ayoko na kaseng mawala ka ulet eh.."

Nagbuntong hininga lang sha tapos hinde na sha nagsalita. Tumulala na naman siya sa kawalan, habang ako, nandun, nabibingi sa katahimikan at unti unti na namang nakakaramdam ng saket. Parang dahan dahang binubutas ng katahimikan ung puso ko.. Palalim ng palalim.. Pasaket ng pasaket.

"Kate.. Kung.. Kung hihingin ko ba sayong kalimutan mo si Siege... Si James.. At ung nakaraan, pagbibigyan mo ba ko?"

"H-ha?"

"Kung.. Kung hihingin ko ba sayong bigyan mo ko ng pagkakataon na mahalin ka.. na alagaan ka.. Pagbibigyan mo ba ko?"

"Mark.."

"Pls naman Kate oh, pagbigyan mo na ko.."

"Hindi kase ganun kadali un eh.. Kung kaya ko lang sanang - "

"Kate oo lang o hinde. Alam mo kase, nasasaktan den naman ako eh. Nahihirapan den ako. Kung hindi talaga pwede, tatanggapin ko kahit mahirap pero sana, hayaan mo naman akong mahalin ka.."

"Mark, pls naman, wag ka naman sanang maging selfish."

Tama ba yung narinig ko?! Ako?! Selfish?! Makasarili?! Ano un, joke?! Tangna, kung maksarili ako, pano na ung iba?! Simula nung makilala ko si Kate wala na kong ibang inisip kung hindi ung kapakanan niya, ung kaligayahan niya.. Kinalimutan ko na nga ung sarili ko dahil sa kanya eh. Tapos ganito, sasabihan niya ko ng makasarili?! P*tang ina naman.

"Mahirap ung sitwasyon ko Mark.. Kung alam mo lang kung gano kahirap.. Kaya sana naman intindihin mo ung nararamdaman ko.."

"Kate! Hanggang kelan ba ko dapat maghintay na makalimutan mo ung nakaraan?! Hanggang kelan ba ko dapat maghintay na mawala si Siege sa puso mo?! Hanggang kelan ba ko makikipaglaban sa taong patay na!? Alam mo, hindi ko na nga alam kung sinong kailangan kong hintaying mawala sa puso mo eh, si Siege ba o si James?! Kate, kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako! Nasasaktan ako sa twing nakikita kitang umiiyak ng dahil kay Siege.. Ng dahil kay James.. Nasasaktan ako ng doble sa twing nasasaktan ka! Lalo na pag wala akong magawa maliban sa yakapin at patahanin ka.. Pag - pag hindi kita mapangiti, pag hindi kita masaya.. Pag hindi ko magawang alisin ung saket na nararamdaman mo! Masaket saken un Kate.. Masaket na makita kang umiiyak at nahihirapan dahil sa taong hindi ka kayang alagaan habang ako walang sawang naghihintay na mahalin mo.. Na pansinin mo.. Na mabigyan man lang ng pagkakataong mahalin ka.. Na ipakita sayo kung gano ka ka-halaga.. Kaya kung nagkakaganito man ako ngayon, sisihin mo ung tanga kong puso.. Yung puso kong walang sawang umaasa na maambunan ng atensyon mo.. Hindi ako makasarili Kate, mahal lang talaga kita.."

Hindi ko na kinaya. Masyado ng masaket.



Kaya umalis ako na dalawa kameng umiiyak...

Simple Kate Part 19

Si Kate nga yun. Si Kate nga yung nakaupo dun. Nilapitan ko kagad siya - umiiyak. Hindi nia napansin na nandun ako. Basta, nakayuko siya at umiiyak. Iyak siya ng iyak. Tangna, baket na naman kaya?! Ano na naman kayang ginawa nung kupal na yun sa kanya?!

"Kate.."

Walang sagot.

"Kate.. Si Mark to.. Kate?"

Dahan dahan tumingin siya saken. Yung mata niya magang maga na sa kakaiyak. Wala na yung saya sa mata niya. Walang wala na. Nakatitig lang siya saken habang tahimik na tumutulo ung mga luha galing sa mata nia tapos... 

Tapos bigla niya kong niyakap. Niyakap niya ko ng mahigpit tapos umiyak siya ng umiyak. Kitang kita ko na nasasaktan siya pero baket? Baket na naman ba siya nagkakaganito?! Ano na naman bang nangyari?! 

"Shhh.. tahan na Kate.. Ano bang nangyari? Shhh.. Nandito na ko.. Wag ka na umiyak."

Hindi siya tumigil. Lalong humigpit ung yakap niya saken. Lalong lumakas yung iyak niya. Niyakap ko den siya, pilit na pinapatahan. Hindi ko na namalayan, pati ako, umiiyak na den. Nasasaktan kase ako eh. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ganito. Lalo na pag wala akong magawa para sa kanya. 

"Kate?"

"Mark... Si Siege.."

Sabi na nga ba eh.

"Ano bang nangyari?"

"Si Siege.. Mark.." Puro un na lang ung naintindihan ko sa sinasabi nia. Naisip ko, hindi ko makakapagusap ng matino dito. Lalo na kung pati ako, ganito. Pinunasan ko na ung mata ko at tumayo.. Inaya ko si Kate sa loob ng koche para dun kame magusap.

"Kate? Sige na naman oh, sabihin mo na saken.. Ano bang nangyari?"

"Si Siege Mark.. Wala.. D-Di siya pu - pu- munta... Sabi niya pupuntahan nia ko.. Ta-pos tapos na-nkita ko siya.."

"Saan?"

"Ka-kasama si Jane.. Nan--nandun sila sa Lover's Lane.. Tapos... Maaark.." 

Alam ko na ung nangyari. Hindi na niya kailangang ituloy pa. Alam na alam ko na. At P*TANG INA MAKAKAPATAY AKO NG TAO!

Umiiyak pa den siya. Humihibi. Niyakap ko ulet siya. Yun lang naman ang kaya kong gawin eh.. Hindi ko naman kayang tanggalin ung saket na nararamdaman nia. Hindi ko den kayang baguhin ung mga nangyayari.. Kahit gusto ko pa.. Hindi ko talaga kaya.. 

"Mark.. Baket ganun? Baket nangyayari ulet ung mga nangyayari dati? Masama ba ko? Baket ba nila ko ginaganito? Kala ko ok na pero baket ganun? Ano bang nagawa kong mali?"

"Shhhhh. Wala kang ginawa.. Hindi mo kasalanan un Kate.. Tahan na.. Wag ka na umiyak.."

Tangna naman kase eh, hindi ba pwedeng sumaya na lang siya?! Hindi ba pwedeng hindi na siya mahirapan at malungkot?! Hindi ba pwede na ako na lang yung sumalo ng lahat nung mga makakasakit sa kanya?! Hindi ba pwedeng ako na lang yung saktan nila?! Hindi ba pwedeng ako na lang ung pahirapan!? HINDI BA PWEDE YUN!? Tangna naman kase eh.. Pwede namang ako na lang db?! Kesa si Kate.. Kesa ung mahal ko.. Ako na lang.. Pls naman oh..

Hiniga niya ung ulo niya sa balikat ko, nakayakap sa braso ko. Nararamdaman ko pa den na humihikbi siya.. Na umiiyak pa den siya.. Ang saket. Ang saket saket. Sobrang saket. Masaket na makita mo ung mahal mo na nasasaktan dahil sa iba. Masaket dahil wala akong magawa. Masaket kase.. Kase hindi ako ung mahal nia.. Hindi ako..

"Sana.. Sana ikaw na lang yung minahal ko Mark.. Sana ikaw na lang si Si Siege.."




Kung pwede lang sana...

Inuwi ko si Kate sa bahay nila.. Nagthank you saken si tita pero hindi ko na kinwento yung nangyari. Baka kase mapagalitan pa siya. Dagdag pa yun sa problema nia. Pero hindi ako umalis.. Nagpaalam ako kay tita kung pwedeng bantayan ko si Kate.. Pumayag naman siya kaya etoh ko, nakatitig sa mukha ng babaeng mahal na mahal ko..

Haaay, baket kaya ganun ang buhay? Pag mahal mo, hindi ka mahal pero pag hindi mo naman mahal, mahal ka. Ang gulo db? Bat kaya hindi na lang ginawa ng Diyos na nagmamahalan ung lahat para wala ng nasasaktan? Para wala ng umiiyak.. Wala ng nahihirapan.. Ginagawa ko naman lahat pero wala pa ding nangyayari. Etoh pa den ako, nagmamahal. Nasasaktan. Pero ayos na den yun. Hindi naman ako nagmahal para sa kung ano eh. Mahal ko si Kate dahil mahal ko siya.

Si Kate... Kawawa naman. Mahal na mahal nia si Siege pero ganito ung nangyayari. Nahihirapan siya. Monthsary nila, hindi siya sinipot at mas malala nakita pa nia ung kupal na yun na kasama si Jane. Anong ginagawa? Eh di ano pa, naglalampungan. P*tang ina nilang dalawa! Mamatay na sila! Ano bang ginawang kasalanan sa kanila ni Kate ha? Wala naman eh.. Pero ayun pa den sila, tuloy lang sa pagpapahirap kay Kate..

Ano na kayang mangyayari bukas? Bukas makalawa? Araw-araw na naman bang iiyak si Kate? Araw araw ko na naman ba siyang yayakapin at patatahanin? Kelan kaya matatapos tong gulong toh?! Kelan kaya siya sasaya? Ako? Kelan ako sasaya?

"Siege..."

Hanggang sa pagtulog ba naman si Siege pa den hinahanap nia? Hay Kate, kung pwede ko lang talagang baguhin lahat. Kung kaya ko lang.

"Sige na, matulog ka na.. Nandito lang ako.. Babantayan kita.."

Ayan na, tumulo na naman ung mga luha ko..

"Wag ka aalis ah.."

"Oo.. Dito lang ako.. Hinding hindi hindi kita iiwan.. I Love you Kate.. I Love you Love of my Life.."

Hinalikan ko siya sa noo. Tinitigan. Habang walang sawang naglalabas ng luha yung mata ko. Kahit pigilan ko, ayaw tumigil. Ayaw huminto. Sobra na yung nararamdaman ko eh. Sobra na yung dindala ko sa dibdib. Tangna naman kase eh.. Mahal na mahal na mahal na mahal ko siya.. Wala pa kong minahal ng ganito sa buong buhay ko. Siya pa lang. Si Kate lang..

"Mark?" Si tita. Pinunasan ko kagad ung luha ko pero late na. Nakita na den nia.

"P-po?"

"Kumain ka muna oh."

"Thank you po tita.."

"Hay iho, hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?"

Hindi ako makakibo. Alam kong nahihirapan ako pero un naman ung gusto ko eh..

"Alam mo minsan may mga bagay na kailangan den nating pakawalan.. Kahit gano pa naten ka-gusto un. Kahit gano pa ka-importante. Minsan may mga bagay talagang hindi para saten.. Kailangan nating tanggapin yun. Kahit mahirap. Kahit masaket."

"Pero.." Baket kaya sinasabi saken ni tita to?

"Ganun den sa tao Mark. May mga taong minamahal naten ng mas higit pa sa buhay naten at pinapahalagahan ng sobra na minsan eh nakakalimutan na naten ung sarili nateng kaligayahan. Pero minsan den, yung mga tao na yon ay hindi ginawa ng Diyos para saten.. Kundi para sa ibang tao.. Mark, isipin mo naman ung sarili mo.. Alam ko mahirap pero isipin mo nalang na kailangan mo deng sumaya. Ganyan talaga ang buhay.. Minsan kung sino pa yung mahal na mahal naten eh yun pa ung kailangan nateng pakawalan..."

Tumayo na si tita at lumabas ng kwarto habang ako, naiwan dun na nag-iisip. Hindi ko kayang isipin ung sarili kong kaligayahan habang nahihirapan si Kate. Hindi ko siya kayang kalimutan. Hindi ko siya kayang iwan.
Hindi ko siya kayang pakawalan...

Umaga na ko umuwi samen para magbihis papasok ng skul. Kumain ako tapos inantay ko si Kate. Siguro lang hindi ko siya pwedeng pabayaan db? Siguro lang den hindi ko sha pwedeng hayaan na harapin si Siege mag-isa. Ang lakas ng vaybs kong kakausapin siya nung ewan na un eh. Syempre mag-sosorry. Magpapacute at manglalambing. Leche nia! Kala naman nia hahayaan kong makalapit siya kay Kate. Mangyari na kung anong mangyayari. Wala akong pakialam. Kung hindi nga lang ako sinabihan ni Kate na wag sapakin yang si "Siege", tangna, baka wala na siya sa mundo ngayon.

Tahimik lang kameng dalawa ni Kate. Nakakabingi pero ayos na den. Wala din naman akong masabi eh. Naisip ko lang, siguro tama na tong drama sa buhay ko. Tama si tita, kailangan ko ding masaya. Kakayanin ko naman sigurong mahalin si Kate at maging masaya ng sabay db? Kaya ko naman sigurong pasayahin siya kahit hindi kame. Eh hindi ko naman siya mapapasaya kung mismong ako eh lulugo-lugo kaya simula ngayon, lahat gagawin ko pra maging masaya kami pareho.

"Mark."

"Baket?"

"Si Siege... Nandyan."

Ayun nga ung ulupong. Naglalakad papunta samen at mukang natalo ng isang milyon. Ip i know, paawa epek lang yan para hindi magalit sa kanya si Kate.

"Kate, pwede ka bang makausap?" Pls lang pigilan niyo kong manapak! Nakakagigil amp*ta.

"Ayaw na kitang makausap. Ayaw na kitang makita." Nice one Kate.

"Kate, pls naman oh. Kahit sandali lang." Wag ka na chong! Lul mo!

"Pare pwede ba tumigil ka na?"

"Ano bang pakialam mo?! Ikaw ba kinakausap ko ha?!" Aba! Ang lakas ng loob na magmayabang ng isang to ah! 

"James pwede ba tigilan mo na ko?! Tigilan na naten tong lokohan na to! Akala mo ba hindi ko alam na hindi ikaw si Siege?! Akala mo ba hindi ko alam na nagkukunwari ka lang?! Alam ko lahat un James.. Alam ko lahat un. Tanga na nga lang talaga ko dahil pumayag ako na gaguhin mo ko! Tanga na lang ako dahil akala ko mabubuhay si Siege sayo! Pero ano?! Anong ginawa mo!? Ginago mo lang ako! Kaya pwede ba, tama na tong lokohang to!"

*BGSHK* 

"G*GO KA PALA EH!!!"

Hindi ko na napigilan ung sarili ko. Nasuntok ko na siya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Alam ni Kate.. Alam nia.. Pero wala siyang ginawa.. Si James - tangna nia talaga! Mamatay na siyang hayop siya! Ang lakas ng loob niyang gaguhin si Kate. Ako. Yung buong tropa. Kaming lahat! Ang g*go g*go nia!!! 

*BGSHK BGSHK BGHSHK*

Sunod-sunod ung suntok ko sa kanya. Lahat ng galit ko, dun ko na nailabas. Lahat ng saket na naramdaman ko. Lahat ng hirap. Para sa lahat ng ginawa niya kay Kate - sa pangloloko, sa pag-papaiyak. 

Itinayo ko siya tapos hinawakan sa kwelyo. Kahit may dugo dugo na ung muka nia, wala akong pakialam. 

"Ano ha?! ANO!!? Tumayo ko jan! Lumaban ka! Tang ina mo James! Bat mo to ginawa?! Sabihin mo saken, baket mo kame kailangang lokohin?! Grabe, ang galing mo den talaga! Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?! ALAM MO BA?"

Hindi na siya makapagsalita. Si Kate tahimik lang na naiiyak. 

"Mark, tama na.. Hayaan na naten siya.."

Susuntukin ko pa sana siya pero umawat na si Kate.

"Pasalamat ka marunong maawa sa mga kagaya mo si Kate. Pasalamat ka hindi siya kagaya mo dahil kung hindi, napatay na kita."

"Mark.."

"Alam mo, binalaan na kita eh.. Sabi ko sa oras na saktan mo pa ulet si Kate, hindi na kita sasantuhin. Sabi ko sayo, babawiin ko siya. Pero hindi ka nakinig kaya tandaan mo to James, isaksak mo to sa kokote mo. Ayoko ng makita yang pagmumuka mo at mas lalong wag na wag ka ng lalapit pa kay Kate! Naintindihan mo ba yun ha?!"

Tinulak ko na siya tapos hinatak ko na paalis si Kate. Hindi siya nag-sasalita at alam kong hindi siya ok kaya dinala ko siya ulet sa tuktok ng main building.. Dun sa may edge kung san kita mo ung buong maynila.. Kung san kita mo lahat..

"Hindi kita pipigilang umiyak ngayon.. Hindi kita papatahanin.." Tumingin siya saken.. Puno pa den ng saket at luha ung mga mata niya.. "Alam mo ba kung anong gagawin ko? Yayakapin lang kita at hahayaan kitang umiyak.."

Yumakap na siya saken at tuluyan nang umiyak.


"Iiyak mo na lahat yan dahil ito na ang huling beses na iiyak ka..."

 

Sa wakas, tumila na ang ulan. Humupa na ang bagyo. Magiging ok na si Kate dahil sa wakas tapos na ang gulo. Tapos na lahat malaiban na lang sa isa.. Maliban sa kwento naming dalawa. Yung kwentong hindi ko isusuko hangga't di nagkakaroon ng happy ending. Nakarating na ko ng ganito kalayo.. Hindi na ko hihinto.

"Kate?"

Tumingin lang siya saken. Halatang malungkot pa den siya pero kahit ganun, hindi na siya umiiyak.

"Gusto mo pasyal na lang muna tayo?"

"San tayo pupunta?"

"San mo ba gusto?"

"Kahit saan basta masaya.."

"Tara SM tayo."

Nagpunta nga kaming dalawa sa SM San Lazaro. Hindi ko pa kase nabibisita ung bagong mall na un eh. Chaka para maiba-iba naman db? yun, kumain muna kaming dalawa sa Tokyo Tokyo at pagkatapos naming kumain eh masaya-saya na siya. Shempre hindi niya malalabanan ang aking irresistable sense of humor at charms db?

Naglibot-libot muna kame hanggang sa makarating kame sa Quantum. Nag-laro kame nung Air Hockey kung saan nalaos lang naman ang kagwapuhan ko kay Kate. Ang lupet, nio hindi ako nakaisa. Pwedeng pwede na siyang mag-varsity ng Air Hockey. Hehehe. Nag-laro kame ng kung ano-ano dun lalo na ung "di-token na pindot ka lang ng pindot ng kahit anong mapipindot". DUn naman ako rumesbak. Expert ata ako sa pag-pindot. Hehehe.

Hanggang hapon, dun lang kame sa Quantum. Paikot-ikot, naglalaro, nag-aasaran, nag-kukulitan at higit sa lahat nag-tatapon ng pera sa pagbili ng mga token. Masaya ko kase masaya siya. Balik na kame sa normal. Balik na kame sa dati. Wala ng lungkot, puro saya na lang..

"Mark, videoke tayo. kanta ka.."

"Kala ko ba tayo? Eh baket ako lang ung kakanta? Kaw talaga."

"Syempre style un! Hehehe." To talagang si Kate oh.

"O siya sige, dun tayo sa loob.."

"Wag na, jan na lang. Maganda naman boses mo eh. Televised pa." Lingid kase sa kaalaman ng nakararami eh may tv sa salamin nung Quantum na un at ang palabas eh ung mga nagsisikanta sa stage. Ayos db? Instant celebrity ka. 

"Ayoko nga, nakakahiya."

"Sus, nahiya ka pa.. Sige na, kanta na. O ayan token."

Wala na nga akong nagawa. Inichahan na niya ko ng token at tinulak paakyat ng stage. Lahat ng tao nakatingin. Josme, baka madiscover ako nito ah. Mahirap na, ayoko atang maging celebrity. Pano na studies ko niyan pag nagkataon?
Lumapit na saken si Kuyang tagapindot ng videoke machine at tinanong kung anong gusto kong kanta. Binulong ko sa kanya at habang dinudutdot niya ung videoke machine eh sinamantala ko na yung pagkakataon..

"Pasensya na po kung may konting speech pa ko bago kumanta.. Ah.. Gusto ko lang po sanang idedicate tong kantang to sa kanya.. Thank you po."

Nag-play na ung intro at maya-maya, nagumpisa ng tumugtog ung kanta..

"Umiiyak ka na naman.. Langya talaga, wala ka bang ibang alam? Namumugtong mga mata.. Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa, Sa problema na iyong pinapasan.. Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan.. May kwento kang pandrama na naman.. Parang pang TV na walang katapusan.. Hanggang kailan ka bang ganyan? Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga.. Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka.. Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga... Hindi na dapat pag-usapan pa Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita Hindi ka rin naman nakikinig Kahit sobrang pagod na ang aking bibig Sa mga payo kong di mo pinapansin Akala mo?y nakikinig di rin naman tatanggapin Ayoko nang isipin pa Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya Ang dami-dami naman diyang iba Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita Na lalake na magmahal sayo At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siya'y pinapangarap ko.. Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.. Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siya?y pinapangarap ko... Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilang ulit palang kitang makitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga.."